Rizal Day ngayon. Wala naman bumabati ng Happy Rizal Day, kasi hindi naman talaga happy ang occasion. We honor the death of our hero. Happy ba ang death? Anyway, bakit ba sa Pilipinas puro na lang nategi ang mga hero national heroes natin. Puro posthumous titles. Puro sila martir. Pati mga santo natin martir. Pati pambansang videoke song ni Roselle Nava with her carrier single na Bakit Nga Ba Mahal Kita, pangmartir din? Di ba tayo pwede magkaron ng hero na nagtaguyod muna ng isang reporma at nakapagpausad ng pag-unlad bago sya mategi?
2013 has been a bumpy year. Maraming dapa at tapilok na naganap. Sad pero nangyayari talaga. Tatanggapin mo na lang ba? Hindi porke't natumba ka eh maglulupasay ka na lang. Tatayo ka rin eventually. Walang nagtagumpay nang walang natututunan sa mga pagkakamali. To err is human, sabi nga. Mas malaking tanga ka kung mananatili ka lang sa lusak na kinasasadlakan mo. Ang mundo ay isang malaking Battle Arena, lumaban ka! Madedebuff ka!
At dahil close na naman ang new year kelangan nating pulutin ang ating sarili sa lusak at iangat. Ayoko na gumawa ng new year resolution, di ko naman mapapangatawanan yon. Masyado na maraming losses this year, ngunit masaya naman ako dahil marami akong learnings. Natututunan ko na maging patient. Natutunan ko na wag masyadong reactive sa mga issues na tipong one tweet pero topic. Pwede ko naman isummarize sa isang blogpost di ba hahah. Natutunan ko nang magbawas ng selfie dahil di naman ito nakakatulong sa lipunan.
Maliban pa sa mga semiuseful na mga learnings eh marami pa ako gusto matutunan:
- Magluto. Sinigang, chopsuey, adobo, pasta, at foie gras, to name a few. Ano lang ba natutunan ko sa kusina, pagsasaing. Inferness naman using ng traditional kaldero ang pangsaing ko. Maliban jan, natry ko na rin gumawa ng pasta pero nasa 70% pa lang siguro ang success rate ko. Nagtry ako magluto dati ng giniling pero parang nahilaw sya kaya mejo traumatized ako sa pagluluto ng karne hahah.
- Foreign Language. Spanish, Nihongo, French, Bisaya, at Ilocano. No hablo espanol. Donde esta Santa Claus? Nihongo ga sukoshi wakarimasu. Saigo no iiwake Vous parlez anglais? Voulez vous coucher avec moi ce soir? Ambot sa imo! Ngarud. Wala naman ako balak maging interpreter. Maganda lang may alam ka other than English at Tagalog. Baka kasi magbakasyon ka somewhere tapos maibenta ka na dahil lost in translation ka na.
- Magdrawing. Di ko sineryoso ang drafting dati during college. Ang tanging training ko lang eh magdrawing ng mga Dragon Ball characters. Gusto ko matuto magdrawing ng simple objects muna, like tables at chairs. Sa susunod isang room, isang bahay, isang building. Feeling ko something architectural ang peg ganyan. Parang Basha lang. Baka dumating na si Popoy from Qatar. Hintay hintay lang pag may time choz. Or malay mo maging graphic designer ako choz. Basta matutunan ko pa ang wastong paggamit ng Photoshop.
Yan lang siguro muna. Di ko ineendeavor na matapos lahat yan within the coming year. Unti unti lang, step by step. Because a journey of a thousand mile begins with a newbie step.
#notanewyearsresolutionpost
____________________
Photo by The Purple Crow via Flickr.
PS. Which is which: new year resolution, new years resolution, o new year's resolution?