Huwebes, Oktubre 29, 2009

Octoberian


Photo by Jade


Happy Birthday

October, 2009

Andami ko palang friendships na October ang bertdey. Syempre more chance to make lamon sa handaan ito. Of course ever present ang pansit, pampahaba daw ng buhay. Meron ding may birthday cake, optional na nga lang ang candles kasi baka maubos na yung ititirik para sa nalalapit na undas. Heniweys eto na ang mga Octoberians:

2 - DM (Withheld)
4 - Ian (29), Dudz (24)
10 - Jackie (Withheld)
13 - Reden (23), Paul (27)
17 - Christopher (Withheld)
19 - Ruel (27?)
20 - Nico (28)
21 - Arvy (28)
27 - Ferdie (27), Cromwell (30)
30 - Noi (Withheld)
31 -
Art (28)

Yung iba jan talagang di ko alam yung age, either di ko naresearch or ayaw talaga iparesearch. May news blackout ito sa Census. Parang "If I tell you, I have to kill you" ang drama. hahah jowk. Yung iba naman jan nagpapabata, kumbaga nakapako na ang age sa 21. Sino kaya yon ha, DM? Sabi nga nila, age is just a number, or numbersss.


~0~


Isang bagay na hated ko gawin tuwing mga bertdeyan eh ang kumanta ng Birthday Song. Hindi ko alam kung bakit. Basta parang ang corny lang para sa akin. Sabi nga nila most popular song daw sya sa buong mundo. Kahit popular pa sya, wala ka naman sigurong narinig na version nito sila Mariah Carey, Peabo Bryson, Sarah Geronimo o Willie Revillame di ba? Mula pa nung one year old ka eh kinakantahan ka na nito, di ka pa ba nagsasawa?

Nung nasa office ko dati, gusto nila may magli-lead pa palagi ng birthday song. Eh ako, si Joyce, at si Kuya Tolits ang laging pinipili nila. Kahit ayoko eh wala akong magawa kasi pinandidilatan ako ng boss ko. Hmmmkay fine.

Tapos ngayon may bagong pauso ang DoH in cooperation with Safeguard. Kelangan daw habang naghuhugas ka ng kamay eh kantahin mo ang Birthday song, not just once but twice! Imagine! Ngayon pa lang nathreaten ang buhay ko sa AH1N1 nang dahil lang sa Birthday song. Josko! Oh sya sya Happy Birthday na lang sa mga Octoberians.

Biyernes, Oktubre 23, 2009

1/2




Photo by onwatersedge at Flickr.


One Half

Sa mangilan-ngilan kong pinagkwentuhan ng aking lablayp, ang madalas nilang maitanong eh kung nakailan daw ba ako? As if ganun kaimportante ang dami. Ang sagot ko 1.5.

"Bakit 1.5? Ano yun, yung isa kalahati lang?"


Oo at hindi. Dahil sa isang Magulong Usapan

Naalala ko yung una ko, si J. Well siguro parang half lang din dapat ang rating nya. Eh kasi naman long distance. Ang gusto lang nya pag magkikita kami jerjer lang, pero naramdaman ko naman minahal nya ako. At sya pa yung nagtanong sakin kung kami na ba? Napa-oo lang naman ako kasi baguhan pa lang ako noon at gusto ko lang maexperience ang magkaroon ng relationship. Parang pinilit ko lang ang sarili ko. Di ako sigurado sa sarili ko kung mahal ko talaga sya.

Yung kalahati naman yun yung first love ko talaga, si E. Yung first time na nakaramdam ako na, "ahh ganun pala ang feeling." Ang kaso napunta sa MU ang lahat dahil sa maraming syang problema. Maraming complications, maraming hadlang, maraming problema. Parang pinagpilitan ko lang ang sarili ko. At di rin naman ako sigurado sa sarili ko kung mahal nya talaga ako.

Kaya sa ngayon kahit walang relasyon eh masaya naman ako. Marami namang friends jan na namomroblema, at eto naman ako nakiki-advice kung makikinig sila. Di na ako nagmamadali. Di na ako magkakamali. Sa susunod sisiguraduhin ko muna na sarili kong mahal ko yung tao, at sisiguruhin ko namang mahal nya ako. Kung di man dumating ang panahon na yon, masaya na rin ako naramdaman ko kung pano magmahal at mahalin kahit kala-kalahati lang.

Sana mahanap natin ang taong bubuo sa atin.

Huwebes, Oktubre 15, 2009

Anesthesia


Photo by elpueblosniper at Flickr.



Numbtastic
October, 2009



Ano ba tamang spelling ng nyan? Anaesthesia o anesthesia? Parang same lang. I'm sure yung iba maihahalo pa sa amnesia yung word. Pukpukin ko kaya kayo jan para matauhan kayo? Parang kasound din nya yung name na Anastasia
, na stepsister dati ni Cinderella noong 1950 tapos nareincarnate na last survivor ng mga Romanov sa 1997 pero ibang story yun pramiss, kahit slight at pilit lang. Well ayon kay manang Merriam:


Main Entry: an·es·the·sia
Pronunciation: \ˌa-nəs-ˈthē-zhə\
Function: noun
Etymology: New Latin, from Greek anaisthēsia insensibility, from a- + aisthēsis perception, from aisthanesthai to perceive — more at audible
Date: circa 1721

: loss of sensation with or without loss of consciousness



~0~


Grade 2 siguro nung naging loose yung mga ngipin sa harap. Kailangan pa talaga sabay sila ehh. At dahil super mega skerd for all season ako eh kelangan talaga turukan ako ng anesthesia. Eh parang mas natakot ako sa karayom, pero after nun eh parang wala na ko nafeel, kahit yung takot eh nawala na din. Para lang ako nag-adik, at 8 year old lang ako nun ha! Di ko nga alam kung nakanganga ako o hindi, di ko na naramdaman pati bukas sara ng bibig ko.

Imagine ang mundong walang anaesthesia. Pano kung magpapaopera ka. Let's say nasa loob ka ng ER ng mahigit apat na oras tapos gising ka pa at feel na feel mo yung mga hiwa at tahi na ginagawa sayo. Iskeyri lang di ba? Kahit si Janggeum naglagay sya ng anesthetic dun sa first C-section nya ha sa very last episode. Siguro pinagtutusok lang nya ng karayom sa mga punto ng chorva at poof, manhid na si manang.




~0~



Sometime in March, naglalakad kami ni Diosa papuntang client via Magallanes nang biglang nagphone in question si ateng about sa friendly friend nya. Ang siste eh etong si friend ay matagal na nyang pinagtitiisan para lang mamaintain ang friendship nila. Ginawa na nya lahat para maplease si friend. Pero si friend naman eh parang binabalewala ang effort ni Diosa.


Jeremy: Bakit mo pa pinagtyatyagaan yan? Kita mo naman parang bubble ka lang sa kanya.

Diosa: Hindi ko pwedeng basta na lang itapon yun, she's my friend since second year college pa.

Jeremy: Eh kung friend ka nya dapat nag-eeffort din sya di ba? Bakit kaylangan sayo lang manggaling lahat ng effort? Kaylangan give and take ang friendship para magsucceed.

Diosa: Hayy. She texted the other day to wait for me sa Ayala para sabay kami umuwi.

Jeremy: Kaya pala kahit marami pa tayong pending eh nagmamadali ka na umalis?

Diosa: Sabi nya darating sya after 5 minutes. I waited. Naghintay pa ako ng 45 minutes.

Jeremy: Award ka friend! The lady in waiting ang drama.

Diosa: Nagtext sya ulit yesterday.

Jeremy: Honga hinila mo pa ako para may kasabay ka umalis ng office kahapon.

Diosa: Friend, nagalit sya kasi ang tagal ko daw dumating. Nauna na sya sumakay ng bus. Actually nagkita pa kami sa bus stop. Tinext ko sya na bumaba para sabay na kami sa next bus. Nagmamadali daw sya umuwi.

Jeremy: Oh ano teh, iniwan ka na lang sa ere ng walang text text. Asan na ang friendship dun? Asan ang katarungan?

Diosa: Ok lang friend.

Jeremy: No that's not ok!

Diosa: Feeling ko its in her personality na super sensitive lang sa mga bagay kaya sya ganon.

Jeremy: Alam mo ano tawag jan? Sensitive-insensitive. Feelings lang nya nararamdaman nya kasi puro sya pakabig. Kapag nakakasakit na sya ng iba eh wala na syang paki don basta satisfied lang nya needs nya. Why don't you try to let her go. Kapag real friend sya babalik yan ang magsosorry. Kung hindi, its ok. At least you don't have to put up with such a bitch. It's a win-win situation, trust me.

Diosa: I'll try friend.



~0~



May nagtanong na sa akin dati bakit daw ba mahirap magsabi sa taong gusto mo. Sa mga torpe, oo. Meron naman nasabihan mo na't lahat eh wala pa rin reaction. Manhid. May mga taong sadyang pinanganak na insensitive siguro. Mga linear lang ang view at wa na use ang peripheral vision. Laging sa harap nakadungaw at di na talaga nagpaka-look back ever. Nararamdaman lang nila ang sakit na ginagawa sa kanila ng mga taong pinatutunguhan nila. Hindi man lang lumilingon sa mga taong nasa likod lang, mga taong nagdaramdam din para naman sa kanya. Parang gusto ko tuloy mag-emote ng isang Jann Arden jan.



Oh you probably won't remember me
It's probably ancient history

I'm one of the chosen few

Who went ahead and fell for you

I'm out of vogue, I'm out of touch

I fell to fast, I feel to much

I thought that you might have

Some advice to give
On how to be insensitive.





~0~



Mabuti pa ang bato kahit daanan ng hangin di natitinag, kahit hampasin ng tubig nakatayo pa rin. Mabuti pa yata maging bato na matigas at walang pakiramdam, kesa maging putik na inaapakan at pinandidirihan. Pero ayokong matulad sa kanila. Mabuti pa ang isang Tinman na kahit walang nadaramang emosyon ay natutong maghanap ng puso.

Lunes, Oktubre 12, 2009

Adayo Ngarud


Photo of San Agustin Church in Paoay


Ilocos Trip

May, 2009


After ng madugong tax season, naisipan ng office namin na kelangan mag-unwind. So megaplan ng bonggacious na out of town. Naglabas sila ng listahan ng names at checklist kung san pwede magroadtrip. Pero ang nasa choices lang eh Laguna hotsprings na inayawan ng mga lalakeng takot maluto ang itlog; Batangas beach na bentang benta na sa mga videoke moments ng mga comedy movies ng 80s at 90s; at Baguio na mabenta sa palengkehan. Eh biglang nagsuggest si Ace na sa Pagudpud or Galera na lang kami pumunta. Akswali lugi ako kung sa Galera kasi kakagaling ko lang dun, gusto ko sana iba naman. So bigla naming binoycott yung list at nagsuggest na sa Pagudpud or Galera na lang kami magpunta. Buti na lang ayaw ng boss namin sa Galera kasi talamak daw dun ang pedophiles, na parang di ko naman nasense nung punta ko dun. At by popular vote nanalo ang Pagudpud, ratified ng aming bossing. Panalo na naman ang demokrasya!


So dumating ang Mayo 28 ang start ng aming adventure. Nagsimula ang araw namin sa isang misa sa Don Bosco for thanksgiving at safe voyage na rin siguro. May breakfast pa kami sa McDo bago pinabalik sa office. Sa hapon eh saka pa lang nagsipag-uwian ang mga tao para kunin ang mga bagahe. Ang nakuhang ride namin ay isang coaster, oo isa lang para sa bente singko mahigit katao. May ginawa nang seat plan at dahil ayokong mapalayo sa mga kaclose ko eh napuwesto ako sa aisle seat, na di ko pa alam na kasumpa sumpa sya. Malaki ang seat plan kumpara sa actual dahil pag itinambak mo na ang mga tao at bagahe eh riot na. Akswali may hindi pa sumunod sa seatplan, at iyon ay walang iba kung di ang Aling Chuchay. Si Aling Chuchay na nagpasundo pa sa Quezon Ave tapos megatalak na sana daw nilagay na lang namin sya sa kitchen. Atzif may kitchen ang coaster! Eh kasi tong si Aling Chuchay eh plus size sya azz in di lang plus yata, multiplied or raise to the 3rd power pa siguro. At nang dahil jan narearrange ang pwestuhan. Dun pa rin ako sa gitna. Ang masama eh mahigit sampung oras na byahe at walang matinong sandalan, feeling ko mababali ang leeg ko talaga dahil wala akong baon na unan at wala rin akong mapagstretchan ng paa. Kulang pa ang tawagin syang stiff neck sa totoo lang, at pag may nagcomment talaga non baka sya pa ang binalian ko ng leeg. Kaasar! Pero para paraan na lang kung pano ka makakapagrelax. Sabi nga nila kung walang kumot matutong mamaluktot, same lang din ng concept yon kung walang space.


Day 1: Laoag
May 29 c 6:00AM

At last nakarating din sa Laoag, ang first pitstop. Biglang open ang door at enter si tour guide Nel yata ang name, well whatever it is care bear ko naman dahil di ko sya iaadd sa facebook. Pinsan pala ito ni Aling Chuchay, isang chubby slash almost-obese pero slight lang na thundercatz na nababalot ng nakakabahing na aura ng paminta. "Welcome to the city of sunshine." Weh hindi nga? Umuulan ba naman kasi nung time na yon. Kwento kwento pa si Lola na dumadahilan sa ulan at sunshine koneksyones pero dedma, pagod lahat kami. Pinagora nya si Manong Driver sa titirhan namin pansamantala. Isang apartment style na lugar na ayon sa mga officemates ko eh para daw dorm nila. At ang name Thalia talaga. Keri na yon basta may place lang para sa power nap. Pero wala nang ganong naganap, eh nagshower pa kami tapos biglang nagpusoy pa tapos boom go na kami sa aming pupuntahan for the day.

Breakfast muna sa Jabee. Ewan ko ba kung nataranta ng bongga ang staff and crew nila pero inabot ng trenta minuto yung pagluluto ng corned beef ha. Eh pwede namang magbukas ng lata, ipainit ng konti sa kawali tapos go na. Pero hindi ganon, pinatirik muna ang mga mata namin bago pa to naserve. Go for ulcer.

First stop sa aming Ilocos trip ang Sta. Monica Church sa Sarrat. Lumang simbahan na sya at sarado pa dahil mukhang under construction. Sa tabi may lumang kumbento, na wala ka naman masyado masasight dito pero may entrance fee pa sya ha! Sinulit na lang namin sa pagpapakodak sa pader, sa balon, sa puno, at kung san san na pwedeng magsmile. Aba kahit san din eh humahangos ang Nel at megaposing din. Close?

Next stop namin eh sa Sand Dunes. Ayon kay Nel eh dito daw nagshoot ng Panday. Sa pagkaintindi namin eh yung kay Jericho version kaya feel na feel ni Garah mag-ala Heart Evangelista don. Mejo matarik yung mga dunes pero walang nakapigil samin na magkodakan sa tuktok. Mataimtim ang lugar at pwedeng pwede mag emote doon, pero tinatamad lang ako. Nabored din ako after kong  iligid ang aking mata. Feeling ko papatok ang go kart don.

Naglunch muna kami. Of course mga Ilocano food ang sinerve kaya di na kami nakapili. May native chicken tinola, yung sabaw lang kinain ko kasi di ko gusto yung dark yung manok. Meron din bagnet, pakbet, at dinakdakan. At syempre special participation ang extra rice. After ng lunch, next stop ang Fort Ilocandia. Di naman kami nakapasok dun, atzif naman papasukin kami eh di naman kami nakacheck in dabah? Pass thru lang sya after ng another round of kodakan.

Sa hapon tuloy ang gora namin sa Paoay, dun sa balur ni Marcos. Bawal daw syang piksuran. Nakakatakot sya, parang wax na parang happy foundation day. After non eh tambling kami sa simbahan ng San Agustin. At dahil nilubugan kami ng araw don eh di kami nakapasok sa Malacañang of the North. Nagtyaga na lang  kami sa Paoay Lake sa bandang likuran. Ok na sana sya kaso lang madumi pala yung tubig. Imagine mo merong pinagtapunan ng kinain na daing sa gilid gilid, at may froth pa yung tubig na akala mo toxic sya. Di kaya yung daing eh isda sya na sunog lang sa acids ng tubig? I wonder. And to think playground to ng mga Marcos dati ha?! Di kaya sila nalapnos dito?

Nung gabi na eh napilitan pa akong maghanap ng mabibilhan ng battery. Ang lakas ng ulan noon pero tinahak ko talaga ang kakalsadahan. Bet kong magmusicvid doon ng "Heto ako-ohohohhh, basang basa sa ulan, walang masisilungan, walang malalapita-ahhhahhhn," pero walang bumackup songer ever sakin kaya di na lang. Nakabayla ako sa pinakamalapit na Caltex pa. So ayun lakad uli pabalik sa ulan.
"Dumi at putik sa aking katawan, ihip ng hangin at katahimikan, bawat patak ng ulan at ang lamig, waring nag-uutos, upang maglaho ang pag-ibig." Panalong panalo na ang eksena kasi everything I need andun na, nanglilimahid talaga yung daan sa kapuputikan, pero infernezz bagay doon mag-emote. Pramiss! Pero never ko naman wish maglupasay dun noh.

Hatinggabi eh nag-iingay pa kami. Practice galore para sa presentation daw kasi. Nagalit nga yung caretaker kasi nabubulahaw namin ang kapitbahay. Eh pagsilip naman namin sobrang layo ang mga bahay, at puro palaka lang naririnig namin sa background. Echozzerang frog si kuya. So back kami sa practice ng Jai Ho. Kaso di namin alam yung steps so imbento na lang kami. Ok naman sya dahil napagmerge namin ang Walk like an Egyptian, Katutubo Dance,  Swing at El Bimbo.

Parang ayaw matulog ng mga tao, tatalbugan na naman si Kuya Germs. Lights out kami ng alas dos. Dahil pangdalawahan ang kwarto eh dalawa lang ang unan. Jahit paano eh nakabawi ako ng tulog kahit wala akong unan. Sanay naman akong mababa ang unan or kahit wala, basta makaderetso lang ako ng higa ok na ako, kumportable na ako doon. Nakabaluktot o nakaderetso, may unan o wala, nakaupo o nakahiga, kailangan na talaga iborlogz ito dahil mahaba haba pa ang adventures sa Ilocos.

Huwebes, Oktubre 8, 2009

I Quote You

Photo by Spectrious at Flickr.


Quotable Quotes?!
April, 2009



Ngayong nakaalis na ako sa past job ko sa CKC eh isisiwalat ko na lahat lahat. Oo, sasabihin ko na ang lahat ng mga nakalap kong kasabihan, kaisplukan, kachorvahan, at mga walang katuturang words of wisdom kuno sa mga officemates ko. Collection ito ng mga ilang quotes na naging uso noong naroon pa ako. Magbibigay din ako ng etymology, definition, at examples kung pano mo ito maiaapply sa iyong pang araw araw na pamumuhay.

Hindi ko na isinama ang mga sumikat na tawagan. Sa mga gels sa department namin eh kumalat yung 'friend', at sa guys naman 'tsong'. Dun naman sa mga nasa kabilang department ang tawagan nila ay 'bru'. Ang sweet lang nila noh?! Ang nakakatakot lang eh pati yung mga thundercatz eh napick-up yung 'friend' tuloy nakakarinding madinig yun sa kanila. Pati ang motto nila na synergy at hierarchy, na nakakarindi nang paulit ulit every meeting, eh di ko na sinama dito.


Pick-Up Six:
Memorable Lines

Mga memorable isteytments na tumatak sa kaoopisan noong nakaraang season. Sa sobrang kabangagan eh kung anu ano na lang tae taeng konsepto ang napipickup ng mga tao. Please bear with us.


1. "I will never, EVER..."


Sagot ni Jhen nung tinatanong sya kung pwede sya magstay-in sa office para tapusin yung reports, biglang litanya sya nyan, "I will never, EVER sleep here!" Talbog si Kuya Germs sa Walaaaaaaaang Tulugan! Take note: kelangan high pitch ka pag sinasabi yung 'EVER' at pwedeng samahan ng dabog. Yung last word eh pwedeng palitan ng isang bagay na ayaw na ayaw mo gawin ever sa tanang buhay mo. For example ayomo lumulublob sa tubig baha kahit yun na lang ang magsasalba sa buhay mo sa parating na tsunami eh go make talak ka na ng, "I will never, EVER make lusong to the baha eeeeehhh!" Make sure may naipong pakape sa mga bisita, at wag kalimutan ang pagpili ng kahoy o metal.


2. "Do whatever you like!"

Another litanya ni Jhen nung panahong walang naniniwala sa kanya sa procedures na dapat gawin sa filing ng reports, as it turns out eh tama kami. Kelangan may halong bitchiness sa tone nyan, rising ang intonation, at with matching irap para winning moment mo na to. Mag-ingat lang sa madidilim na lugar at baka kinabukasan nasa dyaryo ka na kasama ng mga tinapa.


3. "I cannot words."

Nosebleed moment ni Lei ng nahaggard sa pagprepare ng report. Kape lang ang katapat nito, pwede rin lumaklak ng energy drink. Wag lang masyado pagsabay sabayin baka isama ka rin sa pakape. Gamitin lang ito in case of emergency, parang break the glass lang ang drama. Parang lifeline ang use kasi nito, call a friend sya akswali. Iwasang ulit ulitin at baka markadong tonta ka na forever and ever.


4. "Don't joke joke me!"

Sagot ni Roy ng biglang niloloko sya eh may malaking problema pala syang sangkot dun sa client nya. Kaya ayun kahit simpleng joke lang sineryoso. Samahan ng pandidilat ng mata. Wag gawin sa harap ng mga lasing baka magripuhan ka na lang ng walang sabi sabi. Bagay na bagay sa mga walang sense of humor or sa mga slow pumick up ng jokes.


5. "Sekreeeehhht!"

Nakakainis na sagot ng team nila Fitz kapag tinatanong. Haluan mo pa nang provincial accent para may dagdag inis points. Kailangang disiplinado sa pagsagot, or rather sa pag-iwas pala ng sagot. Hindi effective sa mga chismosa dahil di mo na kailangan tanungin, sila na mismo ang magsisiwalat ng secret, oo pramiss!


6. "Wala syang alam!"

Nagsimula sa meeting nung sabihin ng boss ko na walang alam si Donnie, well siguro she meant well na wala pang masyadong alam si Donnie sa background nung client. Pero kahit anong sugarcoating eh masakit yun na parang biglang mo na lang tinapakan at niyurakan, at hinamak ang buong pagkatao at kaalaman nya. Inevolve na lang namin to para gawing running joke sa group namin. Pwede syang gamitin pag may dramang ipinagtatanggol mo ang isang tao, parang star witness ang dating mo non. Kelangan may-I-luha-to-the-side para mas kapanipaniwala. Pwede ring sabihin pag feel mo boblacks ang tinuturo mo. Samahan ito ng taray effect at pagduduro sa fezz para ipamukha na pang Row 4 lang ang beauty nya.

Lunes, Oktubre 5, 2009

Galera 101

Photo by HOLAA802 at Flickr.



Galera Trip
May 1, 2009



After ng matagal tagal ding pinapangarap na bituing makatungtong sa Puerto Galera ay nagkaron ng shockings galore nang dahil sa isang bagyo. Si Dante, kahit uber late na ang post na to ay hinding hindi ko sya makakalimutan. Parang nag-iwan pa sya ng pakla sa aking lalamunan at gunita noh?! Well akswali ka-namesung nya yung favorite kong prof dati sa Law na walang ibang kinekwento kundi mga green jokes, na kahit replay eh bentang benta sa araw ko. Oo, si Dante nga ang bagyong muntik umudlot ng aking paglalayag sa kapuluang iyon. Mayo uno pa lang nakaantabay na ako sa weather forecast. Megatext pa ako kay Diosa, kasi taga-Mindoro sya at infernezz hindi sya Mangyan akswali mukha pa nga syang chinese chorizo minus the smelly sausage. Heniweys confirm pa ako sa kanya kung kumakanta ba don si Regine Velasquez to the cover of the tune of
Tuwing Umuulan by Eraserheads. Isang malaking check mam ang walang puknat na sagot nya sa akin. Kaya sa isang kasad-sad na pangyayari ay sumuko kagad kami ng Warren. Kalamanlaman namin nung Saburday ng tanghali na nagrereyna pala don ang Sunshine Dizon. Kaya pabook kagad kami ng Warren para sa Sunday flight, or is it voyage?


Talagang Trip Kita

May 3, 2009 c 6:00AM


Kinaumagahan ng Linggo, kitakitz namin sa Buendia JAM Bus. Eh alam kong malelate ako ng konti lang. Siguro mga 30minutes lang naman, normal naman yon sa Pinoy dabah at di naman sya ganun kasinglate. So nung nasa Magallanes station na ako saka ko lang naisipang magtext. "Magallanes na me, where na you?" Ayy ang Warren, etal nakagora na ang bus. Ayaw paawat talaga, iniwan talaga ako sa ere. Balak ko na sana magwalkout, pero nasa gitna pa kami ng Magallanes-Taft at wala naman ako mapag-eemotean don. So textback ako kung pano gumora dun. Basta sumakay lang daw ako ng diretsong bus papuntang Batangas Pier. Pero wait, there's more! Text sya ulit na andun daw sa area ang Owen at sabay na daw kami. Magkita daw kami sa may tabi ng Mister Donut. Ayy josko malay ko bang dalawa ang Mister Donut sa Buendia. Sino ba nangangailangan ng ganun kadaming Donut sa Buendia noh?! So text nya na baka sumakay na daw sa ibang bus kaya ako gora na lang din. Ang ending nagkita kita kami sa Pier kasama ni Warren ang mga officemates nya na sila Joross, Kel, at Pau, you gotta remember Pau. Remember that! Ang pasaway na Owen naiwan pa ng milya milya kasi dumaan pa daw sa Lipa yung Bus yata nya para magtour sa household ni Ate Vi or something.


Ang nakuha naming ride eh yung Blue Phoenix. Sosyal sya infernezz. Di aircon, at andaming saksakan, azz in outlet ng energy. Ewan ko ba kung anong pumossess sa kanila at biglang hugutan ng mga charger at go saksak lang ng saksak. Sabi nila 45 minutes lang daw ang byahe. Hindi kaya, nagtimer ako sa totoo lang at lagpas sya ng isa't kalahating oras. I should know, nagtimer ako. Sa sobrang luwang ng boat eh kaming lima lang ang nasa loob. Pumasyal pasyal ang Kel at it turns out na nagsisiksikan ang ibang mga tao sa kabilang room. Ayy takot ba sila sa mga beki?! Ang arte lang nila ha. Pagdating malapit sa isla eh pinababa kami, transfer boat daw sa isang de-motor na bangka, yung tipong may involved na gaas at tali. At yung tipong nakikita ko sa mga lumulubog na bangka pag may bagyo. Pag nangyari yon ewan ko kung may magdrama ng, "Jack, come back! Come back! Come back!" at megarepeat to fade yan until credits roll.



The Becky has Landed

May 3, 2009 c 12:00PM

Sa wakas we made it through! Landing namin around 11:30. Ang contact namin sa Galera ay isang nagngangalang Jessica. Akswali hinanapan nya kami ng room pero ang liit ng nakuha nya. So sabi namin baka may makuha later pag may nagcheckout. So kumain muna kami. Sa baba lang may canteen slash resto slash carinderia na akswali di ko sure pero parang somewhere in between. May laban si Pacquiao that time, si Hatton ata. Sa tapat ng tv may nakaupong angkan, siguro mahigit sampung 9-year-old gels yon kasama ang nanay at tatay nila. Bakit kaya sila pa ang nakaupo don eh alam ko namang si Daddy lang ang may interest manood ng boxing dabah. Sa may side kami napaupo. Nagshare lang kami ni Warren sa ulam na Sinigang na Baboy. Order naman ang iba ng kanya kanyang Liempo. Sa kagutuman ni Joross eh umorder pa sya ng barbeque para may instant food lang, na di naman talaga instant kasi nauna pang tumumba si Hatton bago naihain yung sunog na taba nya.


After non nakakuha na ng room si ateng Jessica. One big bed, two small beds, one bath. Ok na basta may matutulugan later. At natulog nga ang pulutong, sumugod kasi sa gyera after ng duty sa callcenner yah know. Tinour naman ako ng Warren. Walk down sa beach kami, doon daw sa dakong paroon papuntang left pag nakaharap ka sa dagat yung may falls daw or something. Nadaanan namin yung kinekwento nyang Terrace na may bahid ng chorvahan ng nakaraan. At after non nilakad namin ang ilang kilometro ng buhangin, na akswali mukhang ok naman pangexfoliate ng skin ko, patungo dun sa tinatawag nilang Jurassic. Wala syang konek kay Spielberg at walang dinosaur dito talaga. Basta maraming kababalaghan daw jan pagsapit ng dilim.


Later sa hapon, nagmeryenda kami ng Skrambol, yung tinitindang palamig sa elementary school, remember? At pati flavor ginaya nila sakin, yung combined na strawberry at mango daw. Parang lasang syrup nga lang eh pero di na ako nagpakachoosy masyado. Lumublob kami sa tubig, dahil di naman talaga ako marunong lumangoy dabah. Si Joross naman eh nagpabraid ng hair, arte lang noh?




Lights Out

May 3, 2009 c 6:00PM


At nakatulog din ako ng ilang oras afterwards. Di naman ako puyat nung kinagabihan pero nakijoin lang ako sa kanila. Kumain muna kami ng dinner. Watch ang tao dun sa carinderia ng Singing Bee at Special guest don si Jeddy, incidentally si Kel at fan din pala ni Jed. Maya maya pa pinabuksan na nila ang videoke machine. At sumong number na nga sila Kel, next si Pau. Ako rin megainput ng one song. Pero mahirap pala napili kong "Lips of an Angel" napataas masyado ang pasok ayun pumiyok pero ok lang. Maya maya nagshow na talaga ang Pau at Joross singing to the tune of Whitney Houston huh! At meron talagang nagrerequest ng song, akala mo nasa Comedy Bar ka, kulang nga lang sa okray powers si Joross. Konting practice pa neng.


After ng show change outfit na naman. Sando pala ang theme, na wala akong dala, ano naman ishoshowcase ko dabah? Ribcage?! Ang nakakatawa lang eh same pala ng sando ang Pau at Owen. So maglalagay na lang ng red scarf ang Pau nang biglang pagtingin nya eh nakared scarf na ang Kel. So si Kel na lang ang nagpaubaya at ginawang bandana ang scarf. Go na sa nomohan blues kami.
Nakagetlak kami kaagad ng isang bench. Kaclose daw ni Pau yung entertainers don. Tinuruan pa nga nya daw nya sila ng steps ng Single Ladies. Kaya ayon nagshowoff ang Pau ng Jai Ho! Parang wala namang interest si ateng sa performance level ni Pau. Biglang out of nowhere may baliw baliwang ale na agaw attention sa harap. Sinasayawan ng dirty dancing yung mga foreynjers, kasi siguro bagay sa kanya yon dahil mukha syang dugyutin. Biglang nalipat ang spotlight sa mga waitresses dancing Single Ladies, winner sila infernezz. Tapos balik uli kay ateng crazy. Maya maya may nagwala sa kabilang table kasi nilalandi na ni ateng crazy yung mga lalake dun. Nagalit si other girl at pinukpok sya ng bote sa ulo. Akala ko sa gag show ko lang mapapanood yung ganun at alam ko gawa sa asukal yon eh. Ito talaga for real! Dumugo ang noo ni ateng crazy. Ayun exit stage right na sya.

Maya maya may sinama sa bench namin si Pau na isang Brit, si Ben. Kami naman ang dumugo, yung ilong ha. English englishan na kami sa kanya. Nagtatravel nga daw sya around Asia. Teacher daw sya dati sa Korea. Ayon pa sa chikka eh di beki si Ben, pero surprise sya nung malaman lahat kami oo. Well mukha naman syang cute at mabait talaga eh. Ganja daw ng smile ko ang compliment nya, sana naging smile na lang ako. Maya maya may lasing sa kabilang table na sumali na rin sa aming bench. Isang Racist American at isang sobrang bangag na Pinoy, turns out may-ari daw sila ng isang call cenner somewhere in Makati. Si Owen ang unang retiree, nalasing sa dalawng bote ng Red Horse ata. Aka tinamaan ng Mindoro Sling pero stop na kagad ako. Si Pau naman na nagyayabang na makakarami ng booking eh ayun biglang shumatup na. Lakas na pala ng tama. Parang laruang naubusan lang ng baterya, so retire na rin sya. More kwento pa si Ben. At tinuruan pa kami magtatatumbling sa beach. Inabot kami hanggang bago mag-alaskwatro ata.


At dahil doon naubusan kami ng chance iexplore ang Jurassic sa kagat ng dilim. Nilakad lang nami akswali papunta don. Si Kel nagretire na nang maaga kasama si Joross. Kami naman nahiga na don sa buhanginan ni Warren. Ang ganda magstargazing that night, minsan na minsan ko na lang makakita ng ganoon karaming stars. Pangarap na bituin. Kahit minsan di maaabot. Kaya go ka na lang gawin silang gabay sa pang-araw araw na buhay say ni Madam Zenaida Seva. At muntik na nga akong makatulog dun. Umalis na bigla si Warren at iniwan akong nagwiwish upon a star. Dumating si Joross at ako naman ay nagpaalam na sa kanya para bumorlogz.



Nawawala si Jessica!

May 4, 2009 c 7:00AM


Kinaumagahan eh sikat na ang araw ng dumating si Joross. Nakabooking pala ang leche, not just once, not just twice, not just thrice, but four times! Imagine! Oh ha! Talbog talaga si Pau. At dahil Monday na that means absent ako today. Ilang beses ako tinatawagan sa cel ko kaya inoff ko na lang. More time to make libot the place pa. So ayun para kaming nililigaw ang mga sarili. Hinahanap ko ang mga beki, at parang gusto ko na sumugod sa women's desk pero sabi nila sakin wag na. Ganon daw talaga ang takbo ng Galera. Sa kagat ng dilim lang sila nabubuhay.


Bago magtanghali eh hinanap namin si Jessica para sa scheduled massage therapy pero wala ang ateng. Naglalaba daw somewhere sa isang ilog yata. So yung mga kaclose na lang nya na mga thundercatz ang nagmasahe samin. Akala ko nga association sila ng mga school principals na nagbabakasyon don, pero di daw yun talaga ang racket nila sa buhay.

Pinadapa lang ako sa buhangin na may twalya lang. Sa tirik ng galit na araw eh isang payong lang ang nagsasalba sa buhay ko laban sa skin cancer. Pinahiran ako ng oil na parang coconut oil yata na may halong efficacent. Parang kasing amoy nya yung mansanilla sa totoo lang. At ang kamay ni lola may mga grains ng sand. Ang hapdi tuloy, parang nililiha nya ang balat ko. Natapos yung masahe na parang di ko man lang naenjoy. At least may anklet akong souvenir na nagpapaalala sa akin na never na ako magpapamasahe dito ulit.


Before lunch nakita pa namin ulit sila Ben, saka yung may-ari ng call cenner at ngayon eh nasa matinong pag-iisip na sya. Nagpaiwan pa sila Joross at Pau dahil may round two daw sila ng paramihan ng bookingan. Pero ayon sa chikka eh LotLot pa rin si Pau kasi nareplay yung bangag status nya. Itigil mo na yan teh, di yan nakakaganda sa yo!


Next summer, looking forward ako makapag stage two ng Galera adventures. Sana next time may kasama na ako dun sa may Jurassic. Hindi para kasiping or anything, para may kapiling akong magstargazing, para may kayakap habang nagwiwishing and hoping na sana kung sino man sya eh everlasting.


(Ampanget, pinilit masyado yong ka'-ing'an.)

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips