Sunday, July 20, 2014

Inside Out


"Demerit!" 

Naaalala ko wayback CAT days nung highschool yung tactical inspection kung saan naka type C uniform ka--white shirt at maong--plus ichecheck kung complete ang attire mo. Ang buckle dapat shining shimmering sa silver cleaner, ang combat boots dapat jet black ang shine, ang thickler dapat bound ng black art paper. Ok na sana lahat kaso pagdating sa maong pants papalabas ang tupi ko. Demerit agad agad?! Di ba pwedeng ilagay muna yan sa manual na dapat paloob? Ganun kasi ang turo sa akin ng mga magulang ko, kelangan palabas ang tupi. Kaso jologs na daw yun sabi ni corporal, either ituck mo paloob o ipatabas mo na lang ang pants mo.

Ten years later mauuso na naman ang tuck out sa fashion. Tuping mayaman daw. Yung tipong halos kalahati yata ng fabric mula tuhod hanggang sakong eh patupi palabas. "Marami akong fabric, mayamans ako dahling!" Lakas makadonya. Abserbayshown lang ng mga friends ko. Ewan pero di naman ako ganun kaaware sa fashion akshwali. Labas o loob basta natatakpan ang binti mo eh di go lang. Unless gusto mo iflaunt ang calves mo, ipekpek nyorts mo na yan.

Tignan mo nga si Superman, bakit ang brip nya nasa labas? Since 1938 pa nya pinapauso ang inside out fashion at parang di naman sya nawala sa moda. Well, isa pa nga sya mga notable figures ng comic book industry sa pagpapalaganap ng ganyang fashion. Eh teka bakit nung 2013 biglang naiba ang ihip ng hangin at mejo natauhan ata si kuyang Man of Steel at nasa loob na ang brip nya? Parang nakalafs lang sya ng fruit of knowledge at tainted na ng malisya ang outfit nya. Whatever the case, lezz see sa next movie nila ni Dark Knight.

Wag mo lang asahang uuso yan IRL. Wala naman pipigil sayo kung gusto mo ilabas ang undergarments mo. Basta ako di ko magagawa yan kahit pa magpamartial law na nagrerequire na isuot sa labas ang brip. Side A, side B pwede pa, pero totally outside ang brip? Makita nyo ba ang bacon garter ko choz.

On a totally unrelated note, may tumetrending topic a few days ago. Natabunan pa yata nya ang issue ng DAP at ng MH17. May nag come on in out of Narnia na naman daw. Sa bahay ni Vig Vrother. May sumunod sa yapak ni BB Gandanghari, pero may hesitations pa yata. Anyways di ako ganun kaclear sa details dahil di naman ako nanonood ng TV masyadow. Diumano meron daw housemate by the name of Fifth ang umamin, "bisexual po ako!" A very brave move para sa isang baguhan pa lang sa industriya. Mixed emotions ang sambayanang may pake sa showbiz. May mga natuwa, napahanga, nainis, nadismaya. Ang LGBT community mismo hati ang reaksyon dito.

First, lezz define bisexuality. It is an attraction--romantic, sexual or otherwise--to both males and females. In today's jejeworld, most becklings are misinformed about the word. They take it as another meaning for "straight-acting" na di ko rin matanggap na salita. Much better term ang discreet, normal man o sinasadya ang pagdidiscreet it can be viewed as "straight-acting" dahil parang straight sya mag-act--I mean kumilos hindi umarte. Anyway, kung kukunin natin ang konteksto ng kabadingan classified as to behavior, lahat ng bading ay paminta. Pamintang buo at durog. Ang buo, di mo maaamoy. Sige nga subukan mo singhutin ang isang buong peppercorn kung di yan pumasak sa nostrils mo. Ang durog naman yung halata, smellanie mo even from afar, kahit pa ng mga televiewers. Anyway, itong mga becklings ngayon akala yata pag discreet ang bading eh bisexual na agad agad. Harapan mo ng pekpek yan sa harap nila ewan ko lang kung dumanak ang vomit.

Mejo sensitive stuff kasi ang topic ng sexuality. Confusing dahil naisasama ang identity at preference. Madalas mapaghalu halo yang mga yan. Pag bisexual ka ba, you identify yourself as both male AND female? Mejo magulo yatang konsepto yun. Kung lesbian ka ang common concept eh babae para sa babae. Pag tomboy ka in the sense boyish ka kumilos, not necessarily eh lesbiana agad. Baka behavior lang ito. Baka lalake pa rin ang gusto nya kahit boyish lang sya. Unless boyish na nga sya at she identifies herself as one, blue sya pak na pak. Eh ang bakla kapag pumatol sa babae, lesbiyana daw agad agad?! Choz lang pero parang meron din nagtrending topic about this kamakailan lang. #notag Baka bisexual lang sya dahil s/he prefers both sexes. May mga crossdressers nga pero ang bet pa rin nila eh ang opposite sex. Si Ogie Diaz nga naghuhumiyaw ang kabaklaan pero may pamilya. What's outside sometimes izz all smoke and mirrors. It doesn't matter kung nasa loob o nasa labas man ang brip mo. Look inside your core and be proud of who you are. Be proud lang pero wag mo ibuyangyang ha. Rated SPG na yern!

Going back to Fifth, as I said it was brave of him to admit that on national television. Nagawa nya ang di kayang gawin ng iba.... well, madami jan. M2M. Many to mention. Bisexual o discreet man ang ibig nyang sabihin, we can never can tell. One cannot truly read another's heart and mind... and dick. Wehanongayon kung bet nya daw ang girls pero nag-chuchups sya. It's his life, his happiness. Pwede ba maging happy na lang tayo para sa ibang tao? Ang pumalag may demerit!



____________________
Photo by Nuria Farregut via Flickr.

Tuesday, July 15, 2014

Midlife


Ano na plano mo?

Kakabalik pa lang ni Rowan galing Cebu after years ng stay nya dun. Infer namiss ko sya. Sya lang naman yung kasama ko madalas pag gusto ko lang magbijowke at uminom ng very very light sa Cubao tapos biglang magweWensha habang nagpapababa ng alcohol. Four years na ata sya dun at mukhang nasanay na. Promdi na sya pagdating sa Maynila.

So nagschedule sya ng biglaang reunion. With former officemates featuring ako. Sa BGC. At gusto pa nya itour ko daw sya sa Maynila. Promdi nga eh. Dalhin ko kaya sa Fort Santiago, at Luneta, at SM North, at Nayong Pilipino to? Field trip lang ganyan. Pero sa BGC lang naman kami umikot. As if naman kabisado ko dito dabah. Mega piksur pa kami sa mga buildings at statues. Parang Promdi lang talaga ang peg.

"Ano na plano mo?" napa open sya. I was taken aback. Urteh?! Pero seryaslee what's with the seryasness?

Apparently, yung mga former officemates nya eh mga pamilyado nang tao, mga supervisors and managers in their own rights. Eh sya single pa rin daw. (Pero I doubt dahil feeling ko madami syang chorva sa Cebu--sana di nya mabasa tong post na to dahil sinisiraan ko na sya choz). Wag ka, dun na daw sya maninirahan sa Cebu, bibili ng condo at magpapakatanda tanda sa kanyang kumpanya. Eh ako kaya? Single na nga wala pang condo? Kung sya nga nagmimidlife crisis na, wehanopang dapat yata ako ang mas affected? Di naman, early stage pa lang ako ng adulthood so I can still manage. I guess.

Napatanong din tuloy ako sa sarili ko? Ano na plano ko? Babalik na naman sa tanong na "are you happy?" Dahil gusto ni manong Johnny happy ka. Happiness is a state of mind. Happiness is a choice. Happiness is what you make of it. Paulit ulit ko nang sinasabi yan. Mantra ko na yata yan. Kung ang lahat ay nakabase dapat sa hierarchy of happiness, siguro kelangan ko muna iestablish na happy na ako sa career ko. Safety needs. Which is... kinda shaky pa siguro. I love my job, but I hate my role. Mejo cliche siguro pero that's how it rolls. Pag ok na ako dun, happy na ako siguro I can say I can find happiness with relationships. All encompassing na yan: para sa friends, sa family and sa loved one (na currently and for eternity na yatang asaness o imaginary).

Kung ang buhay ay isang on-going metamorposis, ang childhood natin ang cutterpillar stage. Nag-accumulate tayo ng kung anu anong experience at nagpataba, at ngayon parang nastuck ka bigla sa cocoon at di mo na alam ano na ang susunod. Maghibernate ka lang. Relax, take it easy. You'll get through it and you'll emerge something new, something bold, something colorful. Hindi naman mariposa. Pag cocoon, butterfly agad agad? May lalabas na bago, may lalabas na fresh, something wiser. Something happier.


____________________
Photo by roenick371 via Flickr.

Tuesday, July 8, 2014

Hello Lotto

Wish ko noon maabot lahat ng pangarap ko by 24. Almost 25 na ako nakagraduate, bumagsak pa sa board exams. Wish ko noon by 30 I would settle down. Until now wala pa rin akong jowa hahah.

Ngayon wala na ako sa kalendaryo. Still bottomfeeder sa corporate ladder. Napag iwanan na ng byahe sa love bus. But izz aryt. May lotto pa naman. May bingo pa naman. I can still set my goals higher. Pero sa bawat paglipas ng mga taon parang tumatarik ang daan.

Age is just a number. Eh ano kung delayed lahat ng timelines mo. Ang mahalaga you are learning with every misstep along the way. Eh kung lonely ka. You're never really alone. You have lots of friends who'll support you--morally siguro more than financially. Kung pwede mo nga isanla ang friends eh eh di ikinayaman mo pa choz.

Eh ano kung wala ka na sa kalendaryo. May lotto pa naman. Baka jumackpot na. May bingo naman. Pero excuse me lang Destiny, namumuro ka na'ng pakshett ka.

Thursday, July 3, 2014

Pacencia


"Hindi ko kailangan ng pasensya. Kailangan ko magpahinga."

Favorite pasalubong ko nung childhood days ko yung mga white cookies na binibili ni lola pag napapadaan sya sa local bakery after magsimba. Pacencia. Yan ang tawag jan. Parang puto seko pero di nagdudurog durog. And somehow k-k-k-kinda fumeFrench macarons. Macarons ha, hindi macaroons, na maniyog naman na pastry pero masarap pa rin naman. Wag ka umarteng di ka kumakain ng macaroons dahil sushal ka na. Sungalngalin kita ng sapal sa bunganga eh choz. Anyways ayun nga sya petite version ng macarons pero instead daw ng almond flour, all purpose flour lang ang ingredients nito.

Lakas makathrowback Thursday lang. Pero I remember kaya ko lumamon ng kalahating bag siguro nito dati. Dahil ang mga bata ay wala pang konsepto ng diet and moderation. Basta pika pika lafs lang ng lafs. Izz like eating snowdrops on an early spring dawn. Urteh. Basta lakas lang makarelak. Less stress ganyan. Pacencia.

Alam mo yung tipong ikaw ang stress ng mga tao sa office dahil sa trabaho mo. Nakasalalay ang rating ng compliance nila sa mga policies. Setting up controls where internal control is weak ganyan. Hindi naman auditor, at hindi rin naman pulis. Pero all the same stress ka sa kanila. At the same time naiistress ka rin sa kanila.

After months ng low accuracy rates nakiusap na ang mga managers kung pwede bang kausapin muna ang mga tao bago magrelease ng findings. Masakit kasi kung bigla ka na lang makakatanggap ng Hard Reject due to insufficient supporting documents. Baka nga naman anjan lang sa tabi tabi ang mga hinahanap mo. Hindi lang naisama sa review. Ok fine, para lang di mastrain ang good working relationship eh di pagbigyan.

Eh yung tipong ikaw na yung lumalapit sa kanila para manghingi ng additional supports para maganda ang reports nila. Going out of your way to make a good impression on THEIR scorecards ganyan. Tapos pagtataguan ka pa, magbubusy busyhan. Laging 'Away', 'Do Not Disturb' at 'In a Meeting' sa Communicator para di mo sila magulo. Sa last minute makakausap mo. At nasa third Q&A portion ka pa lang bigla kang hihiritan.

"Hindi ko kailangan ng pasensya. Kailangan ko magpahinga." Nagheads ka na nga ng pasensya kasi you're still trying to understand the fuck they're doing with their job. You know it's wrong pero ikaw pa pala ngayon ang wrong-er. THAT'S THE MOST WRONGEST!!! YOU DON'T DO THAT TO ME!!!

Di lang ikaw, di lang ikaw ang nahihirapan. Damdamin ko rin ay naguguluhan. Di lang ikaw. Di lang ikaw ang nababahala... sabi ni ateng Juris. Kailangan ko rin magpahinga. Sabi nila wag daw masyado magpahinga. Kasi pag nategi ka na eh puro pahinga na lang gagawin mo. Baka gusto mo na magpahinga, magpategi ka na. At least nag-increase pa ng accuracy at productivity sa lahat. Everybody happy. Rest in peace. Period. Pero hindi ganun ang tunay na buhay. Kelangan makisama ka. At magpasensya.

Ang pasensya daw ay isang pisi, napapahaba ng panahon o napapaikli ng stress. Patience is a virtue, not the easiest and certainly not my strongest I know. Sana ang pasensya ay gaya ng pacencia na madaling lulunin, bite size ganyan. Laman tyan din yan pampa-instaboost ng energy. Pero tandaan: ang pacencia nga nadudurog din.


____________________
Photo by Apple Pie, Patis & Pate

Tuesday, June 24, 2014

Admit One


"Ticket for how many po?"

(Miss may nakikita ka ba na hindi ko nakikita?!) "One lang po." *Smile*

Recently ko lang nasubukan manood movie mag-isa. Feeling ko kasi isa sya sa mga activities na strictly for two or more persons only--gaya ng dinner, chess, scrabble, at sex. Although baka may magcontest sa mga examples ko, it's up to you how you will carry it.

Anyways, choosy rin kasi ako sa panonood ng pelikula. Di mo ako mapipilit kung ayoko tlga. Lalo na kung di ko alam yung movie tapos yayayain mo ako basta basta tapos sasabihin mo sakin "iGoogle mo na lang yan Unfriend." Ayy malamang sa malamang di ko papansinin yan. Iunfriend mo pa ako choz. 

Dapat kasi pag nagyayaya ka eh ibebenta mo na yung movie sa yayayain mo. Like: "lezz go make nood Overtime starring Richard Gutierrez and Lauren Young coz I'm like make tawa to the poster like it's so bad like I don't understand if they're like playing statues pretending to run or like paused mid-step like I don't know anymore lezz just see it friend it's like comedy I guezz." Kung detailed ang explanation mo ba mayaya mo pa ako. But I doubt it.

Preference. Lahat naman may gustong panooring genre. Di ka naman magpupunta sa sinehan para magsunog ng 200 bucks for like a trashy film. Masaya yan pag may friends ka para icritique slash okrayin ang film after. Pero unfortunately minsan wala kang time with friends kaya napag iiwanan ka na lang na nag-iisang tao sa mundo na di nakapanood ng latest summer blockbuster ng Marvel, Disney at Seiko films. Pero if you ask me, I like RomComs at Sci-Fi.

Anyways, ayun na nga dahil busy busyhan ako eh ako na lang ang di nakakapanood ng latest movies. Matagal ko pa naman pinlano na papanoorin ko sila sa opening day peri anyare. Nasa third week na yata ng airing bago ko pa mapanood. Masaya naman manood mag-isa. I'm seryas! May mga benefits pa nga eh.

Advantages ng panonood ng movie all by yourself

1. Choose your own. Di ka mapipilitan manood ng Sarah Geronimo movie dahil yan ang bet ng kasama mo. Kung di mo sila mapilit manood ng Spanish film eh kebs ka na don. At least you can watch what you want. Comprende?

2. In your own time. Kung gusto mo next month pa, go lang. Less takilya. Less stress sa pakikipag-unahan, pakikipagsiksikan, pakikipagbalyahan, pakikipagsingitan at pakikipagpilahan para lang manood ng latest Harry Potter film kahit pa on it's fourty-second week na syang pinapalabas.

3. On schedule. Makakapili ka ng gusto mong timeslot hindi yung puro na lang last full show para lang magmeet ang scheds ng kasabay mo supposedly manood. Or kung di mo lang tlga trip mapanood ang Lupang Hinirang ng GMA Films sa mga sinehan. Pwede ka pumasok ng mas maaga para di ka maghabol sa oras. Makakapanood ka pa ng trailers and/or advertisement ng floorwax o dyaryo o condo bago magstart ang movie.

4. Sit anywhere. Para sa mga reserved seating moviehouses, kahit pa jampacked yung movie na papanoorin mo, makakasiksik ka sa nag-iisang slot na ayaw kunin ng magjowang nauna sayo bumili ng ticket. Akala siguro nila walang kukuha ng seat na yan. Pwes, tatabihan ko kayo. Wag na wag lang kayo magPDA sa harap ko. Well, nasa gilid naman eh so kebs lang sa peripheral vision ko choz.

Para sa mga free seating cinemas naman, gumora ka na dun sa upuan na awkward tabihan ng mga strangers. Bihira lang, kung wala man, ang magbabalak tumabi sayo. Kasi mapapaisip sila kung may katabi ka na hinihintay lang dumating.

Make sure lang na nasa rated GP na sinehan ka. Eh kung nasa Recto ka manonood ng sine eh mejo kabahan ka na pag may tumabi sayo na nag-aalok ng laman. Longganisa ganyan, skinless. Choz. Wag kang umarte, alam ko ginusto mo rin yan.

5. Focus. More focused ka sa eksena, sa cinematography, sa lighting, sa musical score. Feeling mo critique ka na. Rumoroger Ebert eh ang pinapanood mo lang naman eh Star Cinema. Yun nga lang wala ka makausap pag may gusto ka iside comment sa outfit ni Meryl Streep or sa fake accent ni Leonardo di Caprio.

Watching movies alone doesn't mean you're unhappy and lonely. Minsan kelangan din natin mapag-isa para iabsorb ang mga movies na to. Minsan kasi nawawala na yung emotions na inaalok ng isang pelikula dahil mas napagtuunan mo yung ibang bagay gaya ng jokes ng kasama mo, yung magjowang naglalaplapan sa tabi mo, o yung dala mong popcorn. Wala namang masama na manood ka kasama ng friends or loved ones. Pero aminin mo, nadidilute ang attention mo. Multitask multitask din pag kaya mo. Pero mas ok kung movie lang, movie lang talaga. Pagfood lang, food lang. Pagfriends lang, friends lang. Pag action, action!


____________________
Photo by Joe Loong via Flickr.

Wednesday, June 4, 2014

Frappin mo Mukha mo!




Hindi ko naiisip na magpalibre ng Frappe sa ngayon. Kung kaya ko naman bumili eh bakit pa ako mang-iistress ng iba na gastusan ako. Saka di naman talaga ako mahilig sa Frappe, parang pinasushal lang na shake. Who knows balang araw nanlilimos ako ng pang 3-in-1 ko pero sa ngayon wala sya sa hierarchy of needs ko.

Nagsimula ang nagpupuyos at nagpapalpitate kong damdamin sa isang favor. I have this friend na mahilig mag-ask ng favor. Ok, pagbigyan dahil small favorsss lang naman. Minsan matagal ang gap, minsan dumadalas. Fine. Ako naman mabait na pinagbibigyan. Ang kaso nagdedefault sya madalas sa promises nya. Inferness naman minsan eh inooffset naman nya ng earlier para lang di halatang laging late. It's ok naman siguro a few hours or days. Pero minsan parang kasalanan ko pa dahil di ko daw inacknowledge na inextend nya sa next cutoff na lang. Ok, fine.

The other day nanghingi na naman sya ng favor. At kahit marami ako personal na expenses eh tatanggihan ko na sana. 

"Sige na, please! Ititreat kita ng Starbucks." 

Ako pa talaga ang inofferan ng ganyan?! Nasabi ko tuloy na sa halagang yan eh kayang kaya ko itreat ang sarili ko ng sangkatutak pa ng Starbucks. Pero pushy si friend. Ok fine pagbigyan ulit. Hindi dahil uhaw ako sa kape.

Earlier than due date eh naibalik naman nya ang promise. Minus the kape. Di ko na finollowup. Baka kasi minenos na nya dahil nga maaga nga sya nakapagdeliver. Pero a promise is a promise, and a drawing is a drawing. Fine.

A little less than a week. Another favor na naman. Lesser naman this time. Well madali naman pagbigyan pero sinubukan ko sya. 

"Eh hindi mo pa nga naibigay yung Starbucks mo eh."

Inabot ko rin naman yung favor nya not expecting any kape. Sanay na ako sa mga drawing. Nagmessage na lang ulit sya the day after ng promised date. Ako pa ang pinapapunta sa pwesto nya. Dedma. Kinabukasan pa ulit ako nakadaan sa area nya. Inabot na nya ang promise nya. Pero nanghihingi ng fifty pesos. In addition sa promise may kalakip na PhP220. Pambili ko daw ng venti frappe. Binigyan ko sya ng fifty at nagthank you.

Now, di naman ako magsusulat anything about this kung ok lang ako. I'm not. Naiinis ako hindi dahil di nya ako ibinili ng frappe. Sabi ko nga, kaya kong ibili ang sarili ko nun. Hindi ako nanlilimos ng kape sa kanya. It's the thought that counts. And a PhP 170 bill is not well thought of. Kahit ano naman na ibigay sayo na pinag-isipan muna you'd feel special. Kahit Yakult lang go ako. I didn't ask you to buy me coffee. You offered that. 

Tapos sasabihin mo busy ka, eto 170 bumili ka ng frappe mo. Parang sinampal ako. Parang ganito lang yan: eto piso, maghanap ka ng kausap mo. MagFrappe ka din kaya para magising ka.

Sunday, May 18, 2014

Lets Pizza


When you think of pizza, ano unang naiisip mo?

Mahal. Well, hindi naman pambansang food ang pizza. Alam mo yan dahil anjan ang adobo at rice. At kelangan talaga may rice. Dahil Asian tayo. Anodaw?!

Naalala ko way way way back nung kung anu ano na lang na mga pizza jan sa tabi tabi lang ang nabibili ko. Mura lang kasi pero iisa lang ang timpla: ham at ketchup at konting keso. Solb ka na dun. Kebs na kung mejo luma o matigas ang tinapay. Laman tyan din yan. Naalala ko yung tita ko na nakitikim ng pizza na yan, "masarap sya ha pero matigas ang tinapay." Ano ba alam nya sa matigas na tinapay eh malamang pustiso na gamit nya, lahat ng pagkain matigas na sa kanya hahah.

Sa paglipas ng panahon, unti unting nagsusulputan ang mga fastfood chains. Ngunit dahil mahirap lang kaya pang ispeysyal occasion lang ang pizza. To the point na feeling ko sosyal na ako kung makapagChowking na ako choz. Dumami na rin variations: may thin o thick crust, may stuffed crust, may monster 35" pizza na di lang pangpamilya pang-isports pa, may do it yourself pizza, etc.

Habang nagkakapera eh nagkakaron ka na rin ng chance na makakain mas madalas ng pizza. Yung tipong pizza ng local fastfood jan, yan na hinahanda mo pag bertdeyan. Pero iisipin mo wala naman din pinagkaiba sa natikman mo nang pizza. Thin crust lang. Ham ketchup at cheese pa rin yan. Ilevel up mo pa ng konti ang budget mo eh makakabili ka na nung mga foreign brand na pizza, pero kelangan mo pa may "promo card" na kasama para lang makalibre ka ng isa pang box.

Ganyan naman tayong mga Pinoy. Kung san makakamura go. Kung may libre go. Hindi dahil mahirap tayo. We want to know the worth of our money. Why waste your money on something na mamantika, o maasim, o weird, o pretentious brand lang when we can have something na sulit. 

"Mommy, what's sulit?" sabi nung batang tumalo na sa takilya sa Amazing Spider-Man DAW. "It's getting more than what you pay for." sabi nung Oprah of the Philippines.

Sa hinaba haba ng intro ko, hindi ako nag-eendorse ng rubbing alcohol, o sabong panlaba, o melk. Pizza nga eh di ba?!

May new product line up ang Lots'A Pizza. Lots'A? Di ba yan yung.... Yes sila nga yung nakikita mo sa mga stalls, and kiosks, and foodcourts yes. Bakit wala silang resto? Well, meron naman silang full size restos pero ang focus kasi nila is quick-serve takeout pizzas. Minsan kasi sa mga restos kaya mahal ang food eh kasi you're paying for the ambiance. Kung gusto mo lang tlga eh kumain, by all means kain. Di ka naman finoforce na magstay ka dito at sulitin mo yang PhP 3k steak mo. Budget friendly, Pinoy style. What else would you look for.

Naglaunch ng premium pizzas sila nung April. This is in partnership with Dole Philippines. So what's to expect sa premium? Rectangular shaped sya. What?! Pero pizza should always be circle. Wala naman pizza bible na nagsasuggest na bilog dapat lagi ang pizza. Fact: pizza is Italian for pie. Eh bakit ang peach mango pie rectangle naman choz. Eh bakit di na lang thin crust? Dahil may special parbaked crust sila, crispy na chewy pa. Choosy ka pa?

Three sa mga favorites sa kanila ay nalevelup to premium: Manhattan De Luxe, Hawaiian Extreme, at Pure Beef Supreme. May new flavors din sa classics like Hotdog Festiva, Hungarian Fiesta, and Garden Harvest. Pansinin mo di sila redundant sa naming convention. Lahat yan oozing sa Dole pineapples, as in malulunod ka. At di lang sa pineapples, puno talaga sya ng toppings unlike sa ibang brand jan na bilang kada tidbit. Kahit sa bestsellers nila, na circle na, punung puno rin ng toppings. Sobrang busog, sobrang solb, sobrang sulit. And maybe it's the cheese kaya di ka madaling masusuya sa paglafs nito.

Panalo sa bestsellers ang Hotdog Festiva. Mejo bexy at mahalay lang siguro sa name pero its good. Mapapatanong ka agad, Tender Juicy ba ito? But opkors. Reminiscent ng spaghetti ni mama, the familiar home-cooked Pinoy-style pasta. Anong konek ng pizza sa pasta? It's the feeling, I guess. Yung nostalgia ng lutong bahay.

Anyway, ako na ang di imaginative dahil kapag sinabi mong pineapple eh Hawaiian lang tlga ang naiimagine ko sa pizza. Di naman ako chef. Baka naman next time makagawa na sila ng adobo flakes pasta, bilang Pinoy ang target market nila. Suggestment lang naman. Di naman ako chef.

So sa next time na kumain ka ng Lots'A Pizza, ano unang maiisip mo?


Pure Beef Supreme

Hawaiian Extreme

Manhattan Deluxe


Pepperoni and Mushroom and Hotdog Festiva

Garden Harvest


#lotsapizzaletspizza

Saturday, May 10, 2014

Caveat Escort


"Boss. Chicks. Bente na lang."

NO! Sa tuwing napapadaan ako sa footbridge ng Cubao may isang mamasang doon na naglalako ng mga babaita nya. As if bebenta ka teh sa Cubao. Ang dami pa namang bex sa Cubao. You don't know your market teh. Research research pag may time. 

Prosti. Yan ang tawag sa nightworkers natin. General term sya for any gender pero mas malaki ang populasyon yata ng mga pechay. May specific term para lang sa mga lalaki. 

Escort. Pag may classroom elections dati, isa yan sa mga huling naeelect. Pakner ng Muse. Ang silbi lang nila ay pampaganda ng classroom, parang vase o orchid ganyan. Wala naman talaga silang power of administration. Dahil ang ganda may power of persuasion. Ansabeh?

Sa sexual worker category, escort ang male counterpart ng prosti. As expected kelangan iexercise ang ganda powers, para makabenta. Nagkalat sila sa mga social networks na beki in nature. Dahil ang mga bex ay lalaki rin. Malibog. Kahit di ka bex, bebenta ka dito. Kahit wala kang maskels, bebenta ka dito. Kasi di na choosy ang ibang bakla, basta may junjun, go! Kaya booming ang business na ito. Dahil may target market.

Enter stage si Benjo. Current status: Tambay. Kakatapos lang kasi ng contract ng project nya. Habang naghihintay ng kasunod pang projects ay may buffer pa naman sya sa kaperahan. Ngunit gaya ng karamihan, mauubos at mauubos din ang ipon na yan sa pagbabayad mga utang, personal expenses, and other miscellaneous fees. In just one month, enter stage ang panic. How does one survive? Ano nga ba sabi ng The Eagles? Love will keep us alive. Bullshit yan. Di ka bubuhayin ng pag-ibig, gaya rin ng prinsipyo at wheat bread. Sipag at swerte, yan ang puhunan mo pero di pa rin yan sure hit. Minsan kelangan mo ng konting ganda.

Enter stage ang opportunity. Habang online sa isang social network ay may umiindecent proposal. Berjin pa naman si Benjo sa ganitong kalakaran. But wait there's more. May tumetestimonial. "I tried it. And after one month I bought my own car. It really works!" Ewan ko pero parang tunog endorsement ng pyramid networking or something. Mas skeyri yata yun choz. Wala naman mawawala kung itry di ba? Try lang naman. Go, ipush na yan.

Enter stage si client. Foreynjer, mayaman. May mga requirements nga lang si client. Kelangan malinis ka. Kelangan magdala ng any recording device. Kelangan mo rin ng magtake ng six pills, antibiotic daw. At kelangan ng baranggay certificate, proof of purchase, at suking tindahan choz. Really, di ko alam kung bakit hindi requirement ang tripod pero who cares, kung mavivideohan naman eh igora nyo lang.

Sinundo sya at dinala sa isang motmot. Anito Inn yata or something, iDunno. Wala sa google map ang Sta. Mesa Business District eh. Bago nagsimula ang ang lahat, pinatanggal ni Foreynjer lahat ng passwords sa mga devices nya. Para easy access daw sa pagtransfer. At nagsimula na nga sila. Easy mode muna. Hubad hubad ng konti. Jackoff jackoff ng konti. Project project ng konti. Smile smile sa camera ng konti. Weird I know, jackoff na nakasmile?! Pero nung nilabasan na sya, ok na. Wakas!

Pero wait there's more. Nomo nomo muna ng konti. Saka sya inabutan ng tatlong pills. Eto daw yung sinasabi na antibiotics na kelangan nya itake. Dahil nga mababa na ang inhibition, at siguro malakas na ang loob, walang kaabug abog na nilulon ni Benjo ang mga pills. Really?! Sinung umiinom ng pills nang walang Q&A portion muna? Ako nga papainumin na lang ng Solmux eh ginugoogle ko pa muna ang active ingredients. Because you can never can tell. Pero kebs, di naman ako yung lasing di ba? Nomo nomo pa ulet ng beer tapos ang final three pills. Nagstart na sila sa next round at binijay na sya ni Foreynjer. Nang makapagpalabas inaya sya na uminom sa labas dahil bitin ang beer.

Blackout.

Nagising na lang si Benjo sa isang bench. Suot lang ang damit nya. Wala nang wallet, celphone, accessories, lahat pati wisyo kung nasaan sya nawala na. Akala ko nga may sakit na sya eh. Dengue ganyan dahil malamok don ganyan. Pero no, safe naman sya. Nagtaxi na lang sya pauwi sa kanila. Habang nahihimasmasan na sya eh tinanong nya kay manong driver kung saan sya banda napickup. Bandang Binondo daw.

Wala na ngang pera, napagnakawan pa. Move on na. Ang kaso parang telenovela kung saan nahulog na si Soraya sa 17th floor eh buhay pa rin with a vengeance, muling nagbabalik na parang multo sa buhay nya si Foreynjer. Minemessage ang mga nasa contact list sa phone nya na nagpapabati. Bayaran daw sya ng 30 kiyaw or else ilalabas nya ang malalaswang larawan na nakasmile sya. At happy viewing jan sa mga friends natin sa Anito.

Wala na ngang pera. Nanakawan na. At ngayon binablackmail pa?! Payo ng friends nya wag na lang nya habulin. Lalaki naman sya. Wala naman mawawala. Maipapaliwanag naman nya ito sa family nya. Pero ang reputasyon nya. Ang career nya?

Lahat naman dumarating sa pagsubok, iba iba nga lang siguro ang levels at intensity. Lahat din naman natatanga, nadadapa, nagkakamali, nadadarang. Siguro wala ka na magagawa sa mga naganap. Natapos na eh. Nangyari na. Nakuha na ang mga pag-aari mo, wag mo'ng hayaang kunin din nya ang pag-asa sa iyo. Pwede naman magsimula muli. Move on move on din pag may time. Ang take away mo: anong natutunan mo dito? Paano mo iingatan ang sarili mo? 

At laging tandaan: Don't talk to strangers. And say no to drugs.


____________________
Photo by Grumpy-Puddin via Flickr.

*Let the escort beware!

Saturday, April 26, 2014

Sketches and Bears

So naimbayt ako ni Jade at Greenfield District for a night of geekness. It turns out ang mga attendees ay artsy and mga bears. Di ko na agad nasatisfy both factors. Kaya I'm trying out my best to instablog para maexercise ang eskells ko, on-the-spot style.

Mabuti na lang nandito si Jowein to join me. Kaso nagpose naman sya as mowdels for them. Ano ako ngayon? Clapper? Moral support! Cheerer ganyan. Go go go mga prenship!

Dahil jan I wanna learn how to draw. Tama na siguro kakadrawing ng Dragon Ball characters. Nasa checklist ko to ng gusto iachib this year ha.

Nastress tuloy ako. Wai na proofread. Post agad.


____________________
*bear = chubby subclass ng mga bexes

Friday, April 18, 2014

Mini Production?

Feeling ko production everytime magsusulat ako ng blog. Like it would take a few days to finish one. As if naman nagpuproofread pa ako di ba?

Meron naman ako idea di ko lang naisusulat lahat ng isang upuan. Feeling ko andami kong ideas lately. Nagiging tweets na lang sila. Ang hirap kaya putul-putulin ang isang ideya sa isang daan at apat na pung titik lamang. Izz so restrictive.

Pero ayun nga. I want to do this as a daily thing sana. Pag may time.

I don't wanna write it down on paper din kasi I might lose it somewhere. Maiblog pa ng iba choz. Pero pramis I'd try my best to write regularly. Mag 100 days of happiness din kaya ako? Para lang mapilit magsulat choz. 

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips