Huwebes, Disyembre 26, 2013

Simbang Gabi



Belated Merry Christmas! Actually, dapat walang belated Christmas greeting dahil araw araw naman ay pasko...in our hearts, but not in our wallets choz.


Natapos mo ba ang 9 mornings? Kung isa ka sa milyun milyong umaasang matutupad ang wish mo pag nabuo mo yan ay congratz teh sa effort. Hindi biro kaya ang gumising nang maaga para lang makasugod sa pinakamalapit na simbahan para lang makakinig sa misa. Kahit walang ligo, wisik wisik lang. Kahit walang tutbras, mumog lang. Make sure na sa palad ka kukuha ng hostia lang. Nakakahiya naman kay father kung nganga ka sa kanya habang sinusubuan ng banal na pagpapala tapos may naninigas pang laway sa lips mo. Mahiya ka naman ng konti. 

Pero not everyone eh simba lang talaga ang ipinupunta don. Alam mo na.

Mga Uri ng Tao Tuwing Simbang Gabi

1. Deboto - Sila yung namanata na every year eh bubuo ng simbang gabi, maaaring di lang para sa pansariling intensyon pero para din sa kapakanan ng iba. Parang Wish Ko Lang, or Kapwa ko Mahal ko ang peg. Ikaw na teh ang wagas. Ipanalangin mo kami.

2. Trending Topic - Nakita lang sa Twitter na nagsimba na ang mga tweeps nya eh gora din agad. Di naman taus sa puso ang paggora, pwedeng nahaltak lang or akala nya papunta sila sa JCo ng madaling araw ganyan. Selfie selfie din habang nagsesermon si father. Tapos check-in at Church sa Foursquare. Magtatry lang ng mga once or twice tapus tutulugan na yung ilang madaling araw.

3. Simbang Ligaw - Kasama dito yung mga nagliligawan sa simbang gabi. Yung mga tipong sobra makaPDA habang taimtim na nagdarasal ang karamihan. Makapag-akbayan wagas. Giniginaw ka ba teh? Balutan mo kaya ng wrap around shawl yang pekpek shorts mo. Makapagholding hands akala mo on continuous play ang Ama Namin.

4. Looking for Love - Kasama dito yung mga naghahanap pa lang ng mapopormahan. Takot ba maging malamig ang Pasko? Teh nagGrindr ka talaga sa simbahan? Kaloka. May hinahabol na quota?

5. Jejemons - Mga swaggers, grupo ng mga kabataan na feeling gangster at feeling cool. Ikulong ko kaya kayo sa freezer para mafeel nyo ang kagaguhan na ginagawa nyo. Madalas isang pulutong sumugod sa simbahan. Wala naman talagang balak makinig sa misa. Masabi lang na umattend sila. Maiingay at masasaway kahit pa tunawin nyo ng optic blasts. Ingat lang baka magangbang ka nila.

6. Eat and Run - Umaattend lang ng simbang gabi di para sa misa pero para sa food. Makikita nakabantay sa mga bibingkahan at putu bumbong imbes na hostia ang pinipilahan. Would you like to add agua bendita to that ser?

I'm sure marami pang ibang uri ng sumisimbang gabi.

Di sa nagmamalinis ako, pero yeah sa mga pagkakataon na nagsisimbang gabi ako eh winiwish ko talaga magkajowa sa Pasko. Desperado lang. Minsan winiwish ko na sana magsimbang gabi din si crushie dun sa parokya na pinupuntahan ko. Pero never nangyari naman yon hahah. Inborn na talaga ang membership ko sa malalamig ang Pasko. Pero di ko na napapansin yon. Baka manhid na ako sa lamig. Malamig ang Pasko is just a state of mind.

Twice ko pa lang nabubuo ang simbang gabi. At syempre total boycott ko ang simbang gabi this year. Di dahil wala na akong gana. Wala lang time. Dati kasi I still know the meaning of work-life balance hahah. Well, anyway kung gugustuhin ko talaga kahit zombie gogora ako sa simbang gabi. Pag gusto may paraan.

Kaya congratulations sa mga nakabuo ulit ng simbang gabi this year. Naway matupad ang wish nyo. At sana winish nyo rin ang World Peace. At harsher punishment for parol violators. #mema. Belated Merry Christmas!


____________________

Photo by soul4dgame via Flickr.

Walang komento:

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips