Linggo, Pebrero 22, 2009

Wag Tularan


Bus Episodes 2
February, 2009


Kahit hindi ko na ulit ulitin dahil paulit ulit na ako sa sinasabi to eh uulitin ko pa rin na mahirap talagang sumakay ng bus byaheng Ayala~Leveriza. Ang hirap makisiksik. Pag nakasakay ka na meron talagang standing arrangement courtesy of Dr.Con kaya kelangan sumunod ka o baka maevict ka lang. So ang position nyo back to back at side to side to side talaga. Enjoy nga minsan pag makinis ang kakiskisan mo. Pero pag meron nang bababa eh talagang effort ang sisingitan nila. Ang nakakainis kasi eh nasa dulo uupo eh sa next stop ng bus hindi pa lumapit sa pinto. Nauubos tuloy five minutes every stop. Saka nagtataka ako bakit itong byahe pa ang pinipili nila eh mas maluwang yung pa-Baclaran, Laguna at etc., eh sa Guadalupe lang naman pala ang baba nila. Yung pwestong nakuha nila eh napwestuhan sana ng mas nangangailangan tulad ko.

Nung one time nakasakay ako sa ordinary bus. Nasa may pinto lang talaga ako napapwesto at todo balanse. Hindi ako makasampa mula sa hagdan kasi may nakaharang na mga tao dun. Nung wala pang limang dipa ang inaandar ng bus eh biglang may pumara. Weird lang kasi hindi sya normal na bus stop. Nagulat ako sa next na eksena. Yung kamay ni Manong nasa bulsa nung isang Kuya. At hindi yung parang nagdidiscreet discreetang relasyon ito na maglalanjian talaga sa public transpo. Nagpipilit pala si Manong kunin yung celphone ni Kuya. Maya maya binunot ni Kuya ang cutter nya sa bag at may tutukang naganap. Bigla na lang nagjump for joy exit stage left si Manong at nakatakas na. Kakahiya talaga. Buti na lang hindi nakuha yung 5110 ni Kuya na pamana sa kanya ng lolo ng lolo ng kapitbahay niya. Sabi nya may distraction daw na ginawa si Manong2, kinikiskis daw yung tuhod sa kabila para di maramdaman yung dukutan blues ni Manong1. Tag team ito. Si Jude naman daw meron kakaibang eksena sa bus about kiskisan. May nakatabi syang vortang Kuya sa bus at bato bato daw talaga sa nagpuputukang maskels. Eh nakasuot sya ng fit pants daw yata so feeling sexy naman sya. Maya maya kinikiskis na daw sya sa tuhod. Iba pala ang gusto kunin sa kanya, ang kanyang katawan daw. May pagkafeelingera din ang hitad no?

Yung isang eksena naman galing kami ng Trinoma at pauwi na kami. Pero sa kadahilanang ginabi na kami ay napagsarhan kami ng mga pinto ng MRT kaya bus kami pauwi. Si Morrie kasi sa Ayala pa ang daan so Ayala~Leveriza pa rin kami, ang favorite ride ko. Buti naman at hindi standing ovation to, maawa naman sila gabi na. So pumara kami ng bus ng biglang may grupo ng middle-aged, katulungin ang beautying grupo ng gelays. Inipit bigla si Morrie ng mga hitad. At eto na naman ako sa mga nasaksihan ko, akswali nagiging audience ako lagi sa mga attempts na ganito at wala naman ako nagagawa. Azz in tulala lang. Heniweys yung Manang1 nakasampa na sa bag ni Morrie na surprising naman kasi walang kazizipperan. Nagstop and talk a while with Dr.Con si Manang2 na kunwari nagtatanong kung sa ganitong byahe ba dadaan ang bus, all the while dumudukot na si Manang1. Hindi pa kami nakakasampa sa bus ng biglang nahulog yung kikay kit ni Morrie, nakakatawa lang kasi napagkamalang wallet ng mga Manang. So nagpupulot muna kami ng beauty products brought to you by Morrie at escape na ang mga Manangs. Pag akyat sa bus nagcheck muna ang Morrie kung may nawala bang gamit. Buti na lang wala.

Nakakainis talaga dito sa Pinas dahil sa mga ganitong eksena. Hindi ba nila alam na maraming nahihirapan, hindi lang sila ang anak ng Diablo kaya wag silang umapila sa baranggay ng kadramahan nilang salat sila sa buhay. Magdrama na lang sila kay Willie baka papanalunin pa sila ng pangkabuhayan showcase. Ako rin hirap na hirap nang kakaantay ng bus. Kung nahold up ka, isipin mo na lang mukha ka kasing mayaman.
At para sa mga kids na audience, please don't try this at home, humingi ka na lang ng pangproject kunwari wag ka lang mangupit. Ayyy teka same evil lang din pala yun, wag maging bad, mag impok sa bangko.

coRazon

AntiValentine
February 14, 2009

Leche patapos na ang February. Tigang na lupa na daw ako, pero for a cause naman. Hindi to pang charity noh, I mean its all because of Derek. Shettness naman hanggang ngayon eh can't get over him parin ang drama. The last time na nagkita kami eh last Christmas I gave you my heart ang drama. Nagpainit kami ng malamig na gabi together forever and ever to come. But forever only lasted approximately 23 hours 16 minutes and 33 seconds. Hindi pa ginawang whole day noh. Hindi kasi ako daw ganun kaassertive. Leche!

So ayun parting ways kami. Naalala ko pa nung patawid ako sa kahabaan ng Taft, sya naman papuntang net shop. It's sad to belong to noone else comes close dabah. Magmula noon eh lumaki na naman ang gap namin. May bago na kasing jowa ang Derek.

Akswali may bago syang phone galing sa jowa. Nagtataka pa sya bakit daw hindi ko sya tinetext. EH MAY JOWA NGA EH! Yah know itz hurtz! Nagmukmok kaya ako. Mga one week yata yun. Everyday meron akong theme song. Di ko makalimutan na nagpaLSS pa ako ng Mr. Brightside. Nasa status message ko kaya, "Swimming through sick lullaby." na actually one line dun sa song. NagPM bigla ang Derek kung ano daw ibig sabihin non. Nako ha, kung talagang gusto nya magreach out sakin eh iresearch naman nya.

Ayoko sa lahat yung kelangan pa akong mag-explain ng mga bagay bagay. Sa mga nangungulit eh napapataas talaga ang dugo ko. Sa mga nagtatanong eh pinaiikot ko lang sa mga dahilang sobrang labo ang konek. Sabi di ba ni Fatima kay Santiago, "Love needs no reason." or something like that.

Lunes, Pebrero 16, 2009

Paraskevidekatriophobia


Fear Factor?
February 13, 2009


Friday the thirteenth was just a few days ago, another would be coming next month. Duh! I remembered I told my friends before that that I will wear black to celebrate the two days succeeding. The day was supposed to be casual Friday but my senior, who was absent on Thursday, told me and Diosa to call the client to set up the fieldwork for Friday. So there we were in formal attire when suddenly she came in wearing a souvenir shirt from Cebu and some jeans. WTF?! Diosa was so pissed off not being able to wear casual for the nth time.

Anyways, we spent the last couple of days hanging out and one day we talked about an episode I saw in Camera Cafe which led me to posting a Word for the Day everyday. The pilot was valetudinarian, then effervescent, and then lexical. I knew the 13th would come so I was saving paraskavedekatriaphobia for Friday, but she beat me to it, and picked a random word from Merriam Websters' site: slumgullion which is apparently a meat stew. The phobia would have been a cooler word. If you look it up, it'll mean fear of Friday the 13th.

So there I was waiting for my curse the whole day, which never really came, except for being late which is almost an everyday routine for me. There's no lightning nor rain. Just an absolutely ordinary day. I closed the day with hanging out with my friends talking bout my bitchy boss. I'm not afraid of her. I've no problem with her, I have a problem about how she keeps ignoring everyone else. Just like Diosa told me, "Nakakaawa sya!" Sya dapat maawa sa sarili nya. Matakot ka sa karma. No man is an island, I just hope she knows that proverb.

So what is fear then? Is it the screams you have after you wake up from a nightmare? The chills you get while a cockroach flies at your face? Everyone has his own and there would be times we have to conquer them on our own. Don't be afraid to take risks. Who can tell the places you can reach. Only heaven knows, only time can tell.

Huwebes, Pebrero 12, 2009

Shampoo Day


Bus Episodes
February, 2009



Sa araw araw na biyahe ko eh laging Bus biyaheng Ayala Leveriza ang pinagsisiksikan ko ang aking katawan. Laging patok sa takilya to kaya nung isang beses na nakasakay ako ng maluwang, as in nakaupo ako, eh nagtaka talaga ako. Hindi kaya nagkamali ako ng nasakyan? Pero mabuti na lang at wala pang limang dipa ang tinakbo ng bus eh dumagsa na ang mga tao. Hindi maaaring umandar tong bus na to ng hindi sardinas ang mga tao. Kahit puro mga gelay ang nakatayo eh hindi ako naggive way. Minsan ko lang naman mararanasan makaupo eh pagbigyan nyo na, nanamnamin ko muna ang sarap ng pagkakaupo. Eh sila ba pag nakatayo ako eh naiisip nila na nakakangalay ang sumabit? Tingin ko hindi. First come, first sit.

Nung isang araw as usual late na naman ako. So andun ako sa pinto nakapwesto. Mejo maluwang pa naman kasi hindi ako natulak sa windshield. Nakakainis lang si Manong Driver kasi maya't maya nya ako pinapaatras dahil nakaharang daw ako sa side mirror. Aba malay ko ba sa view nya. Bakit kasi hindi na lang sya maglagay ng tali o kaya chalk para alam ng mga tao hanggang san lang pwede pumwesto. Kasalanan ko bang malabo ang kanyang peripheral vision?!

So ayun nga nakatayo ako sa harap ng bus. Mejo bukaka ang stance ko para makabalanse habang nakahawak ang isang kamay sa bars. Nakapasak ang mp3 player ko at feel na feel ko ang music. Maganda ang view sa harap ng bus. Parang nagmu-music video lang ako.


"I walked under a bus

I got hit by a train
Keep falling in love
Which is kind of the same
I sunk out at sea

Crashed my car
Gone insane
And it felt so good
I wanna do it again

I WANNA DOH EEETTT!!!"


Biglang preno ng bus pagdating ng Buendia, at natigilan ako sa pagmomoment ko. Napalampas ako sa imaginary line ni Manong Driver kaya atras powers uli ako para walang talak talak kay Manong D. Biglang rumagasa ang sandamakmak na passengers, tulak dito, siksik doon, parang Ultra stampede lang, pila sa lotto at NFA rice, o grand fans day nila Marian, Angel or Madam Lilia Cuntapay. Sirang sira talaga ang music vid ko leche.

Mejo ok naman dahil sanay na ako sa siksikan pero ang nakakainis lang eh yung ate sa harapan ko. Halos nakangudngod ang mukha ko sa hair nya. Naalala ko tuloy pag nangyayari ang ganito sa mga jeeps eh nililipad lipad pa kaya talagang gusto ko manabunot na pag nabulag na ako sa kakatusok ng hair sa mata ko. Heniweys aircon naman kaya steady lang ang buhok pero hindi talaga yun ang problema ko. Yung amoy nya. Parang gusto ko interviewhin si ate.


Jeremy: Ate naligo ba kayo?

Gerlina:
Yes why smell me I'm still fresh.


Jeremy: Weh hindi nga?! Nagshampoo ka?

Gerlina: Of course, the number one shampoo in the world.

Jeremy: Head and Shoulders?

Gerlina:
I really don't know.

Jeremy: Feel na feel ha. Aminin mo na, gugo lang yan eh. Di namin kayo tatantanannnn!!!


Sa totoo lang amoy herbal yung hair nya. Feeling ko parang gugo lang yun. For the benefit of the doubt eh siguro naman herbal scent shampoo talaga yun. Light breakfast pa lang ako pero ramdam ko na bumabaligtad ang aking sikmura at muntik muntikan ako maging suka factory. Buti na lang matibay akong magpigil. Konting inhale lang sa mouth eh nakasurvive ako. Traffic lang naman ang kalaban ko sa pagtitiis eh. Moral of the story: Wag pumasok during rush hours kapag gugo lang ang gamit.

Martes, Pebrero 10, 2009

Bodega


Warehouse 135
January 30, 2009


Naglast day sa work si Ate Weng at sakto naman bagong sweldo lang so napagpasya ang dabarkads na magbar daw. Ang pagpupulong ay naganap while kumakain pa kami sa KFC nong katanghaliang tapat. Halos complete attendance kami minus one na di naman talaga malaking kawalan kasi feeling bitchy sya sa buong group yah know. So mega suggest na ang Kuya Bert na somewhere in Makati daw. Basta may number yung place so siguro naman madaling matukoy yung place. Parang 14°40N at 121°03 E yata o malapit lapit lang jan daw. Eh heniweys nakaformal formalan ako nun that time kasi bisitasyon kami sa clients kaya hindi ako in the mood pumunta. Saka lahat na lang yata ng sweldo ko eh pambayad utang lang. Leche puro na lang outflows.


Jeremy: Sasama ka ba?

Diosa:
Umm, I really don't know.


Jeremy: Anobeh. Tama na kakalaklak ng Head and Shoulders.

Diosa: Baka umuwi ako ng Zamboanga eh.

Jeremy: Ateh ang layo naman ng tinatamblingan mo.

Diosa: Saka I'm not in my party attire. Tingnan mo sila dressed to kill.

Jeremy: Ako nga long sleeves at tucked-in pa. Parang aattend lang sa JS Prom. Wag ka na marte jan, dalawa naman tayo.

Diosa:
San ba yung pupuntahan natin?

Jeremy: Basta yung club may number daw.

Diosa:
168 yata.

Jeremy: Tumpak ka ateh. Sa Divisoria itu. Mag-eeffort talaga tayo makipagkiskisan dun sa mga mamimiling ukayeros.

Diosa: Warehouse 135 daw.


So nag-abang kaming lumubog ang araw. Sobrang abang kasi past 7 na kami nung lumarga. At mega antay pa kami ng sasakyan. Sixteen yata kami kaya hindi pwede isang fx lang kungdi carpool ito, sardinas levelling. Suggestment pa nila taxi, four batches. sosyal lang masyado, hindi naman kami nanalo ng lotto. Pwede rin jeep sana pero punuan na yata lahat ng jeep na dumaan, or at least kalahating pwet pa kasya. So last but not the least eh bus ang kinabagsakan namin. Bumaba rin kami sa may Post Office tapos lakad along sa Fire Station ng Makati.

Pagdating sa place eh ask kagad ng fee. Hindi naman magaling tumawad yung negotiator namin. Pero may free ladies night yata pagsapit pa ng alas onse. Gudlak naman maghanap ng tatambayan sa isang oras. Buti na lang nashoulder ni Ate Weng ang part ng fee kaya go na rin kami. So pasok kami at nagpatatak at nanguha ng mga beer stubs.

Sa loob eh siksikan na kagad. May event yata. Model modelan night daw ayon sa mga hosts na english englishan para magfeeling shala yung event pero kalangaw langaw naman kasi walang kabuhay buhay maghost. Buti na lang may live band para pampabuhay ng dugo. Tumutugtog ang Urbandub na ni minsan eh hindi ko pa narinig kasi it's not my music yah know. Mejo naenjoy ko naman basta may drums eh feel ko na, yung vibrations nga dama ko considering ilang talampakan din ako sa kanila. Later nag-uwian na ang mga tao kasi yung band lang talaga ang sinadya nila.

Nakakuha kami ng isang table sa may sulok ng bar. Order kagad ng free beerstubs at pika pika. Si Gracia nga naubos yata yung food pero hindi man lang nag one-fourth yung SanMig nya. Later eh tinext barrage si Enzo para naman makijoin sa kasiyahan. Akswali pagdating nya eh nagdancefloor na kami. Kengkoy din tong si Enzo, nasa gitna sya at parang dance master na follow the leader ang drama naming lahat. Minsan eh nagsiswing pa sila ng mga gelay. Kahit akong parehas kaliwa ang paa eh napasayaw talaga dun. Parang napaisip tuloy ako na sana pumayag na lang ako dun sa gusto ni Warren na magdisco discohan sa Chelu. Sayang ang kiskisan at flag ceremonies.

Heniweys later eh feeling ko uber jabar na ako. So pasimpleng inamoy ko ang aking kili kili, water water na sya pero hindi naman umaalingasaw. Pero gamit na gamit ko ang six senses ko talaga sa buong lugar at meron nga, pati Spider sense eh kabog na kabog. Mejo nahiya naman ako sa mga kasamahan ko, imagine whole day ako naka-longsleeves. At ang sumunod na mga kaganapan ang talagang nakashock sakin, lahat sila nag-aamuyan na rin. Napaliligiran na pala kami, hindi naman kami na raid ng kapulisan pero mas malala dun. Isang laksang bombay, covered na ang dancefloor, kaya cover na rin kami ng nose then exit stage right.

Umuwi na rin kaming luhaan dahil mejo mahal ang place talaga, ninety pesos ba naman ang mineral water?! Tapos mejo sinauna pa ang music nila, azz in 80s to 90s dance music, at maangas pa silang hindi daw sila nagpeplay ng hiphop. At ultimate na dahilan eh ang mga scents, parang pepper spray lang, try nyo minsan. I'm sure magluluha din mata nyo.

Kung may rating lang sa lugar eh I'd rate it a 2 out of 5. Mejo ok lang ako jan dahil napaindak nila ako, at least hindi mukhang bulate lang na nangingisay sa asin. Baka mafeature pa ako sa Emergency non if ever. Headline: Nagsasayaw sa Warehouse inatake ng Epilepsy. Wala na talaga akong mukhang maihaharap pag ganon.

Linggo, Pebrero 1, 2009

Ayalero


Confessions of a
Neophyte Makati Boy

February, 2009


So two weeks na akong working galore sa Makati. Ok naman sa office ang mga kasama ko. Mejo luma na yung terminal na gamit ko. P4 nga pero naman 256mb ram lang ata. Pagpasok ko kaylangan ko na kagad magboot kasi it takes around 15-20 minutes start up. Good luck naman di ba. Mabuti na nga lang wala pa masyadong bulk ng work. NakakapgYM pa nga ako sa office eh. Minsan din check friendster. Pero hindi ko na masyado nadadalaw yung ibang forums ko, sa gabi na lang pagkauwi. Di naman ako magyu-Youtube sa work noh, hindi pa ganun ka-kapal ng fezz ko, di tulad nung isang officemate ko na nanonood talaga ng Lalola sa office! Shocking di ba? Lalola talaga pinapanood nya, sana man lang Wowowee or Daisy Siete.

Well ang problema ko lang talaga eh ang biyahe ko sa araw araw na ginawa ng Diyos. Akswali ang time limit na naiset ko is 45 minutes lagi. Eh ambagal ko maligo eh, ninamnam ko talaga ang lamig ng simoy. Heniweys meron namang 15 minutes na allowance kaya ok lang. So lakad takbo ako palabas then tawid at sakay ng jeep. Kaso pagdating ng EDSA eh pahirapan pa kumuha ng bus. Ayala~LRT~Leveriza! Shett, kumbaga sa sinehan, SRO to. Patok sa takilya. Bentang benta talaga. Mabuti na sumiksik sa sardinas kesa magjinarte at maubusan ng oras. Minsan nga nasa pinto lang ako nakapwesto at tulak tulakan ka rin pag may bababang pasahero. Pati maskels ko nararamdaman ko nang nangangalay kasi kung san san nako kumakapit, sa barandilyas, sa kisame, sa bintana, sa pinto, sa baywang ng katabi mo, at minsan may nakikiholding hands pang stranger. Buti na nga lang bagong ligo pa ko nun. Pero minsan feel kong jabar jabar na talaga ako.

Pagbaba ng sa Paseo, feeling ko may camera at sisigaw yung mga tao. "Ang galing galing ni Manong Driver! Da bezz! Uulit ulitin ko to!" So lakad takbo ulit ako, down sa underpass at muling lilitaw sa kabila. Ang nakakainis lang eh keh bagal ng mga nasa harapan ko. *tingin sa relo* Eh nung nasa Buendia pa lang ako 8:07 na, talagang gudlak sa pagtakbo. At may time pa talaga ako makinig sa mp4 ko ng music habang nangyayari to. Parang nanadya pa talaga ang shuffle: All this Time, Better in Time, Time will Reveal. Wala na time leche, wag masyado ipowerpoint to.

Sa kainan naman namroblema ako nung una. Dati kasi merong canteen na parang ala resto yung work ko before. Pag tipid tipiran merong malalapit na karinderya at turo turo. Eh ngayon nasa Makati ako! Shett san ako kakain?! *cue suspense music* Buti na lang daw merong Jollyjeep. So papunta na kami sa jollyjeep at expecting naman ako merong mascot na bubuyog. Shett, bakit ganon?! Mukhang normal lahat ng tao at mukhang karinderya lang din to na balut balot ang ulam?! Ahhh ok, akala ko lang franchise ito, well ok na rin kahit mejo mura sa mga fast food chains to kahit actually eh mas mura talaga kung sa labas ng Makati ako kakain. Beggars can't be choosers ika nga. At saka pag gutom ka, masisikmura mo na kahit yung sinigang, nilaga, adobo at menudo eh magkakamukha na.

Sa pag-uwi naman eh kasama ko yung isang officemate ko. Byahe kaming MRT, pero hindi ko lubos maisip na kailangan ko talagang daanan ang apat na mall bago ako makasakay. Nung una hindi ko pa kabisado yung way pero ngayon eh mejo memorized ko na kahit walang Sustagen. Ang problema lang eh pagdating sa platform eh hiwalay na kami, since mas madali makasakay ang mga gelay kasi may sarili silang mundo, I mean separate sila dabah. Eh kamusta naman ako? Talagang ipit ako sa payat kong to eh flat talaga ako. Pero minsan merong nakikikiskis ng skin, ok lang kung kakinisan noh. At talagang flag ceremony ako pag makinis naman. OMG, I'm sick huhuh. Sa dulo ng byahe eh sasakay pa ako ng isang istasyon ng jeep at minsan kahit sasabihin ng dispatsyador na meron pa daw isang bakante eh sa totoo lang naman kalahating pwet na lang ang kasya.

Para sa isang hindi tubong Makati, feeling outsider pa rin talaga ako. Pero ok lang naman kasi sanayan lang to. New experience kumbaga. Feeling confident na ako na alam ko na ngayong kung nasan ang Greenbelt. Basta naliligaw ka na, go with the flow na lang, makipagsabayan ka sa mga tao. I'm sure matutunton mo rin ang patutunguhan mo.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips