Huwebes, Oktubre 10, 2013

Bahay ni Tih



"Lumayas ka sa pamamahay ko! You are a disgrace to this family! I don't need a parasite!"

Minsan feel ko lang maglitanya ng ganyan. Para kontrabida lang ang effect. Pang Angelica Santibanez school of acting lang naman. Di ko naman magagawa tlga yan in real life. Dahil wala akong sariling pamamahay. Choz! Pero really, di ko pa naisip gawin yan. Naimagine ko lang tlga.

Nahawaan kasi ako. Meron kasi akong friend na muntik na sa layasan blues ang drama. At dahil ako eh nakikisawsaw sa poot at feelings ng iba eh gusto ko rin magwala, mambugbog, at mag-eskandalo, masabi lang na I feel for you. Mema lang.

Itago na lang natin sya sa pangalang Tih. Si Tih ay isang bex, trending kasi yan. Kahousemate nya ang mga friends from college pa. Heto na enter ang isang hampaslupang Bexfriend nya. Walang trabaho. Walang bahay. Walang pera. Wala. Pero may jowa. At dahil mabuti ang kalooban ni Tih, hinayaan nilang patirahin sa kanilang pamamahay si Bexfriend. Fine. So ngayon mga ang dating kanilang bedroom ay tumi-3-in-1+1 na. But there's more. Si Bexfriend dinadala din ang jowa sa house nila para patulugin. Pumaplus one ang plus one. Taraaaayyy!

After a few months, nagkatrabaho na rin sa wakas si Bexfriend. Nakakahiya naman sa kanya kung tambay lang syang palamunin di ba? Bakla ka na nga, mahirap ka pa? Di yan pwede dahil palaban ang lahi ni Bekimon. Same pa rin ang setup, nakikitira pa rin si Bexfriend pero ngayon naggigibsung na sya ng monet kay Tih. At dinadala pa rin nya ang jowa sa bahay ni Tih.

One night, pumapartey si Tih and other legitimate housemates sa sala nila. Eh puyat ata si Bexfriend, naghahanap ng tulog. Bulabog sa kanya ang party partyhan. May nagstatus post.

"I wanna sleep. <sad face>"

Kebs na sana ang lahat pero nabasa ng mga distinguished guest ang wallpost ni Bexfriend. May nagstatus post back.

"We wanna sleep too. But we want our room back. <annoyed face>"

Kinaumagahan may nagstatus post ulet. Inferness, may wifi ata sila sa bahay.

"Kung ayaw nyo pala ng ganyan eh di sana sinabi nyo. <angry face>"

Boom! Nagalit na lahat ng legitimate housemates. World Warla III na itu. Nagpatawag ng intervention. Usap usap. Kesyo may isang legitimate housemate na nagbigay ng ultimatum. Either bexfriend goes, or we go (kasama ang jowa na legitimate housemate din). In the end nagkasundo na rin sila. Lalayas na si Bexfriend para maghanap ng kahihiyan, I mean apartment pala. May 1 month pa sya bago lumayas.

Sabi nga ni Tih, silang mga legitimate housemates eh magkakakilala na forever. Si Bexfriend eh kilala lang tlga nila back in college. Di nila sya kilala nang lubusan. Nito na lang nakasama na nila sa bahay. Saka mo lang malalaman ang ugali ng isang tao kung matagal mo syang nakasama sa loob ng bahay. Ito nga nagkakilala na rin sila. Panget lang ang kinalabasan. Kung makikitira ka, fine. Makisama ka. Dahil masarap pa rin na may uuwian ka na walang kinikimkim na inis sa kasama mo. Yung tipong makakatulog ka ng walang iniisip, "may inistatus message ba si roommate?"

____________________
Photo by Leigh Ann via Flickr.

Walang komento:

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips