Martes, Disyembre 4, 2012

The Hardest Word

Sorry by cdw9

Sorryness

Anong pinagkaiba ng sorry at apology? I apologize di ko niresearch. I am sorry. Gets?

Kung titingnan lang parang parehas naman. Pero kung susuriing mabuti magkaiba pa sila sa bukang liwayway at dapithapon. Alam mo ba ang pinagkaiba nila?

Ayon sa nakalap kong chismis, sinasabi lang daw yung apology kung inaamin mong may ginawang something dun sa tao na di naman dapat. Sinasabi mong sorry ka kung taus puso sa iyong ang paghingi ng paumanhin. Like pwede kang mag-apologize pero di ka nagsisisi sa ginawa mo. Pwede kang magsorry at di makaramdam ng pagtitika ngunit ito'y maituturing na pagsisinungaling.

Sa panahon ngayon marami na'ng taong sinasabi lang ang sorry just for the sake of saying sorry.

"I... AM... SORRY!" sey ni Ate Gloria noon kay Susan. Tinanggap ba ito? Syempre hindi dahil di taos sa puso ang paghingi ng dispensa.

"Is that how you say sorry? Oh sige na, sorry na! Ikaw ate, tanggap mo ba pag ganyan nagsorry sayo?" sey ni Amalayer. Totoo naman eh kahit sino mag iinit ang ulo kung ganyang klase lang ng pagsosorry ang matatanggap mo. Masabi lang nagsorry.

Sa panahon ngayon ang sorry ay namumulaklak lang na kasinungalingan sa bibig ng marami. Mga salitang di mo dapat paniwalaan at face value. Parang "I love you!" o kaya "don't call us. We'll call you!" o kaya "load mo ako 150 may sasabihin ako importante." Tanga na lang naniniwala basta basta sa mga sorry. I'm so sorry.

Akala ko di ako makakapagsorry ever. Feeling ko kasi ang sorry ay para lang sa mga weak. Parang tipong, I'll say anything I want and never be apologetic about it. Pero di ganyan ang takbo ng mundo. Matututo ka ring magpakumbaba ang humingi ng tawad.

Kanina. Akala ko honda ako but I was so wrong. Kelangan magOT. Sa kabilang team halos pauwi na lahat maliban sa isa. Pabiro ko syang binati. At ang sabi lang sakin "STOP IT! SASAKALIN KITA!" Nagsorry naman afterwards. Pero di ko na naramdaman. Nashock ako at nahurt. Urteh. I didn't mean anything malicious nung binati ko sya. Pang uplift sana ng feeling. Sino ba naman gusto mag OT?! Heniwey, kanya kanyang trip yan kaya walang basagan. Ayaw nyang binibiro, fine. Ayokong nasisisi sa walang kakwenta kwentang bagay.

At isa pa. May isang umanfriend sakin sa Facebook. Di naman big deal. Iviview ko sana yung pics nila sa recent out of town trip nila. Pagcheck ko wala na sa friends list ko. Nisearch ko pa sa friend list ng friend kasi di naman searchable ang profile nya.

Add friend. Yan ang tumambad sakin sa profile nya. Kebs. Di ko alam kung anong ginawa ko sa kanya para maasar sya at iunfriend ako. Di ko sya kilala, pero I sincerely apologize kung nasaktan sya sa mga jokes ko. Nakakasakay nga sya sa mga lait at okray sa kanya ng mga teammates nya eh. Ako pa'ng minsan lang sumundot ang kinaasaran nya? Di ko alam ganun na pala ang impact sa kanya ng jokes ko, if ever yun nga ang rason. Di nya ako kilala para bigla na lang mabuset ng ganon. Sa akin normal lang yon. At inuulit ko, sorry kung nakasakit ako ever.

Jokes are half meant. But sorries should always be fully meant.

At, di kagaya ni Gloria, uulitin ko, kahit market market, kahit pa ito daw ang  hardest word ayon kay Elton John.

I AM SORRY!

Linggo, Disyembre 2, 2012

Viewfinder

viewmaster by nickd3000

Namiss mo ba ang Friendster?

Well, magsisinungaling ako pag sinabing kong hindi. Bakit nga ba di ko mamimiss yun eh dun nagsimula ang lahat. Ang lahat ng kaadikan ko sa social networking. Ano nga lang ba ang nakakamiss dun? Yung mga parinigan na shouts? Yung mga sapilitang testimonials? Yung mga "Who's viewed you?" Yes.

Wala naman kasi non sa Facebook. Ilang apps at plug-ins na rin ang nagsulputang nagsasabing kaya daw nila ibigay yun. Ang ending mga hackers at viruses lang naman ang dulot nyan. Wag tularan!

Bakit nga ba tayo sabik makita kung sino ang nagview satin? Para sa ego lang ba to? Partly, yes. Nakakaexcite kasi malaman sino ba ang mga visitors mo. Teka, ano ano nga ba ang uri ng visitors.

Mga Uri ng Visitors

  1. Casual - mga napapadaan lang kasi may cool kang status, pics, or video na kakaupload lang. Other than that kebs lang sila sa other activities mo.
  2. Regular - araw araw vumivisit para sa possible likes at comments, in a normal, non-abusive way.
  3. BFFs - araw araw vumivisit para mang-okray sayo sa mga status updates mo. Kaya inimbento ang comment box para mabasa ng madlang people kung paano kayo magtalakan sa chatbox.
  4. Stalker - araw araw din bumisita para magpamudmod ng likes. Kahit ang pinost mo lang eh "Waiting in line to make jebs. Gosh so tagaaaahhhhl! IKR! @14F Handicap Restroom." ilalike pa rin nya. Lahat ng friends at mutual friends nyo alam na patay na patay sya sayo choz. Minsan nagcocomment din yan. At minsan nagpopoke pa. Utang na loob.
  5. Lurker - parang si stalker lang pero di nagpaparamdam. Ang taong tahimik nasa loob ang kulo. Mag-ingat! I-block/delete/unfriend/unfollow/unsubscribe kaagad at magpablotter sa iyong kaligtasan.
  6. User - mga nagvivisit lang para magplug ng pa-like mo pic ko please. Pwede ring nagtatag yan para magbenta ng ukay ukay business nila. At ang worse, bumibisita para magsend ng gift at neighbor request. Utang na loob part 2!
So, ngayon alam mo na ang mga uri ng viewers mo, ngayon handa ka nang alamin sino nga ba sila. May nakalap akong impormasyon na makakatulong sayo nyan. Tingnan nang buong laki ang larawang nakalakip.


Madali namang sundan ang steps di po ba?! So ginawa ko yan paulit ulit hanggang sa top 25 friends list ko nang maisip ko teka pwede ko naman sya iautomate. Open notepad. Save as text file. Open with Excel. Text to columns. Transpose to rows. Insert formula "="https://www.facebook.com/"&"B1" Boom! Ayun mega view ng top 100.

Ang feedback sakin nang mapost ko yan sa FB ko eh, verum est? Totoo ba to? Ano ba yung order, latest ba or something? Well, pakitingnan nga ulit sa step 7, BASA. There's your biggest stalkers' profile. Biggest. BIGGEST! Di naman sinabing latest. Or fattest. Biggest! So ano nga ba ang criteria ng ranking. I guess di lang sya basta basta visits. I think kasama jan ang interaction: likes, comments, pokes, and chats.

Sakin ang top 3 ko eh si Ezra, friendship ang food enthusiast, na isang BFF type na visitor. Number 2 si Aileen, officemate and certified emotera, na isang Regular type na visitor. Number 3 si JC, bunso ko at mas malaki ang sweldo nya sakin, isang Casual type visitor.

Chineck ko mula 100 din pababa. Kitang kita ang mga dating kaclose na nawalan na kami ng contacts masyado dahil nagsipagmove on na kami sa aming mga careers at interests. Nakita ko rin ang ilang crushes at ex-loves na kahit papano ay pasok sa 100 pero wala na ring contact. Siguro casual visitor sila from time to time. Ang sad lang nasa bottom 80 percentile sila ng viewers mo habang ikaw malamang nasa top 10 ka ng visitors list nila. Kaya nga dapat bawas bawasan na ang pag-iistalk.

BAWAL UMASA, MAY NAMATAY NA DITO!

At kahit ano pang pagvisit mo, di ka pa rin nila mapapansin. Ang ending, pang Friendster ka lang.

Lunes, Nobyembre 26, 2012

Glamorosa

Ewan ko nga bakit nanalo sa voting yung Glam sa theme namin para sa Christmas party. Ok fine, sa totoo lang alam ko na kasalanan ito ng mga tao. Nagset kasi ng due date ng mga votes via Outlook at dinedma ng mga tao ito. Kung kelan kasi kabusyhan ng mga tao eh biglang nagsesend sila ng mga ganyan.

Kamustahin muna natin ang mga choices. Contestant number one is Miss Paskong Pinoy. Well, ok sana syang kategorya; makabayan ang peg. Naiimagine ko parang may regional na presentation or something. Paskong gawa sa mga dahon, papel, recycled plastics, at makukulay na tela. Pero wait, ano magiging costume namin? I know right. Next...

Contestant number two si United Nations. Suggestment actually ito para ipakita yung difference ng culture ng pasko sa ibang panig ng mundo. Pero wait, dinidiscuss pa lang todo plugging na ang mga bex ng kani kanilang bansa.

Hindi akin, hindi iyo. Kenya!

Malay mo, malay ko. Malay nating lahat. Malaysia!


Pak na pak! Pakistan. Ganyan. Miss gay ang labas ng Christmas party namin. Di ko bet. Cancel na lang pag yan. Busy ako. Choz.


First runner up si Cosplay. Hindi lang umabot dahil late na nagsipagbotohan ang mga shoobelles. I knerr. Sayang. Actually, kinatatakutan din ng karamihan ang cosplay. Di kasi nila maunawaan ano ba ang cosplay. Like duh. Costume plus play. Cosplay. Bow.

Akala kasi ng karamihan ang cosplay tungkol lang sa mga anime characters. Yes, malaking porsyento na ngayon ng mga cosplayers ay mga otakus, anime adiks. Pero tumataas na rin ang populasyon ng mga kume-KPop, na sa totoo lang eh hiram lang din naman sa Harajuku Japanese street fashion. Sa cosplay pwede ka naman magcostume ng kahit ano. Pwedeng Indian, popstar, bumbero, yosi kadiri, o senador na mahilig mamplagiarize. Depende yan sa style at interest mo.


Actually gusto ko icosplay sana si Watanuki sa xxxHoLic, either yung highschool student outfit nya or yung shopkeeper mode na. Hombongga lang kung makakapagsuot ako ng kimono.


Pero lost na lahat yan. Glam nga kasi. Last year Rock ang theme namin. Pero sa di inaasahang pagkakataon eh bakit Glam Rock pa ang nabunot namin. Two years na akong maggaglam. Ayoko naman isuot na yung red pants ko last year na di maisarado ang zipper sa sobrang kasikipan.

Iniisip ko na lang ngayon eh bibili ako ng magandang coat, plus tie na lang. Wais kasi magagamit ko naman minsan yun sa office pag super strictly business attire. Or pag may awards night choz. Or pag may innerview. Or client meeting. Or pag giniginaw at wala si Willie Revillame. Mga ganyang eksena.

Kaso pano ko kaya itotone down yun ng konti, mejo slightly rugged ang style. Parang yah know rockstar ang dating choz. Or kung paano ko maii-incorporate sa costume yung cosplay factors. Kimono kaya na may coat and tie sa top? Or coat and tie pero merong jejecap at pokeball? Nyahahah

This is not me. Di ako Glam. Di ako vogue and beat. Jologs lang ako. Pero rock. Choz.

Sabado, Nobyembre 24, 2012

Nanette



Fat Black Cat by Matt Taylor

"Kaya siguro single ako kasi mahirap ako mahalin kasi I'm too controlling and too moody."


Spluk ng isang contact ko sa BBM. Wala namang masama kung nabasa mo yan lang. Iisipin mo isa na namang emoterong nag-aabang na matapos na itong malamig na pasko. But wait, there's more. Merong tragic backstory ito na magpapakulo ng dugo mo. I'm sure mag-iinit na ang pasko mo choz.

Ito kasing si teh Nanette, napakayabang. Well, di ko tlga sya knows. Inadd lang nya ako sa BBM. Ever since, nakakareceive na ako ng constant updates sa buhay nya. Remember the group message days?! Parang sequel nyan ang broadcast (BC) feature ng Blackberry in pretentiously pasushal levels.

Ang siste nag introduce sya ng sarili via BC. Parang resume slash slum notebook ito na parang pinagpipilitan sayong basahin. Imaginin mong pinipilit kang pabasahin ng Noli me Tangere o Twilight, parang ganyang level ng horror choz. So ayun nga, graduate daw sya ng Saint Louis University, magna cum laude, CPA, CMA, CFA, CIA at lahat na ng certifications kinumpleto nya. At tlgang pinost ko dito di ba, eh kebs nga syang mag ispluk ng personal info nya eh. Mayaman daw sya, may yaya na inuutus utusan, at VP ng isang company somewhere, di naman nya nabanggit eh. Parang wow ha, napakaswerte naman nyang tao di ba. Sya na!

Pero sabi nga nila walang taong perpekto. Kung saan pinagpala sya sa talino at yaman, kinapos naman sya sa itsura. Azzin chakkang, majubang, ulingling ang lola mo. Infer naman sa kanya chinito sya sa profile pic--or siguro puyat lang sya or napapikit sa flash--pero di pa rin nito maisasalba lahat ng kalidad na unang nabanggit. Sabi naman nya mayaman sya, like hacienda levels yah know. Pero bakit ganyan pa rin sya?! Sabi nila kung chakka ka at mahirap, wala ka na tlga magagawa doon. Unless siguro may makapulot sayong baliw na duktor na actually plastic surgeon tapos ipapaayos yung mukha mo para makamukha mo si Alice Dixson ganyan. Pero kung mayaman ka at chakka ka pa rin, josko ano pang silbi ng pera mo kung di mo naman maipapang-gym or pangBelo?! At dahil jan tatawagin ko syang Nanette. Dahil isa syang presumerang Inventor at dahil sa triple plus size nya.

Ok going back sa kanya, di ko tlga maikonek yung yaman at talino sa ganda nya. Ayoko naman maging superjudgmental, pero oo judgmental na ako. Yes ang chakka chakka nya. Pero iniisip ko yung mga sinasabi nyang mayaman sya at matalino. Ano yun, ego lang ba yun? Para lang somehow may laban sya sa buhay na tinatawag ni Carmi na Quiapo? Kasi kung looks and looks alone, thank you gurl ka na lang. Alam mo naman sa panahon ngayon malaking factor yan, like 60% pleasing personality, 30% attitude, at 10% audience impact. Di ka maisasalba ng miss congeniality lang choz.

At eto pa, hanggang ngayon di pa rin sya tumitigil sa pagBC. Meron daw syang BFF, kelangan pa sabihin straight daw. Ewan ko bakit kelangan pa ng labels. Ang bestfriend, mapa girl, boy, bakla, tomboy pa yan, maaccept nyo ang isa't isa regardless. Tama?

At isa pa, yung imaginary BFF nya daw eh ex nya or something. Ikakasal na daw sa December sa tunay na pechay, yes mga ilang araw lang ang preparation nila ha. Pero kung makapag HHWW daw sila ng BFF nya sa Ayala wagas. Kinwento pa sa jowang gurl nung BFF. Proud pa sila ha. Laugh lang daw si girl. Sarap sampalin.

At this just in. Meron daw syang tinerminate na tao sa company nila. Sya na ang nagpapowerplay si ate. Siguro ito yung minalditahan nya last time. May ispluk pa syang, "Go home. On Monday, I want to see you early in the morning not in proper business attire, but in your proper mind." Oh di ba kaloka. Di ko lang alam kung pinayagan ba nyang mag casual Monday si staff pero in proper mind or what. Anyways, siguro nag casual pekpek shorts si staff kaya natalbugan ang beauty ni Nanette kaya ayun sinibak na.

Ok, ako na ang may isyu kay Nanette. Kasi ang yabang yabang nya. Nabubuset ako sa araw araw na ginawa ng Diyos eh TMI sya. Too much information. Pwede bang TIMYAP na lang muna? Tang inang mukha yan, ang panget. Ok, di ko sya kilala kaya wala akong karapatang magjudge. Pero di nya rin ako kilala kaya wala syang karapatang punuan ang inbox ko ng mga yabang nya. At please, wag nya ngang sabihing single sya dahil controlling sya at moody. Pwede bang chakka, majuba at ulingling muna? Utang na loob, malas lumayo layo ka sakin baka mahawa ako.

Miyerkules, Nobyembre 14, 2012

Amalayer


Photo by Animated Cupcakes via Flickr.

Amalayer (O kung paano wag maging epic fail ang public scandal)

Uso na naman yang babaitang social media sensation. Eksenadora! Imagine naungusan na nya pansamantala ang One Direction, si Vice Ganda, #KMJS at si Tito Sen. Dahil lang najiritate sya to the maximum levellations dahil daw sa isang lady guard. Ayoko sana maging judgmental, pero talaga namang bitchessa sya. Azzin, mega obstruction of public order and public policy sya dahil sa may-I-english-englishan sya dahil daw tinulak sya or somethang ni ateng Ermenguard.

Alam ko mainitin ang ulo ko minsan, madalas. Pero never pa naman ako humantong sa ganyang eksena. Like kanina sa office. Almost lunchtime na nung biglang nagpatawag sa akin yung Finance Manager namin from Melbourne. Eh yun pa naman napakademanding. Nagsimula sa mga Q&As at inaamin ko di ko alam yung process na tinatanong nya pero infernezz after ng dalawang oras at kagutuman eh nairaos din namin.

Naglunch ako alas dos na. Akala ko nga nakapagligpit na ang mga suking jollyjeep pero no. Nagstart pa lang sila... ng meryenda meals. Azzin mga sopas lang for lunch. Mabuti na nga lang merong wheat pandesal si Carol at may embotido si Jayson. Nairaos din ang gutom.

Pagbalik ko sa station ko, boom! Sabi ng Team Manager namin kelangan ko daw tapusin yung bagong process kesyo di daw kami nagsabi ng timeline kaya kelangan within the day daw tapusin. Josko, madali lang kasi mag utos di ba?! Tapos andami pang tanong na kung anu ano eh hondang honda* nga ako pauwi eh. So kesyo sumabog ako right there and then, umabout face na lang ako, nagpakawala ng malalim na exhale, pumunta sa pantry para mag-igib ng tubig, at bumalik sa station para tapusin. Ihi lang pahinga ko, makalipas ang isang oras. At eto pa, si Team Manager pala ang hohonda. Woooooooow!

At least di ako nagwala sa floor. Amalayer?! You're calling me alayer?! So, amalayer?! Ganyan. Walang ganyan. Inhale exhale lang katapat.

Matapos matanga tanga, gutumin, at paovertimin, nakauwi pa rin naman ako ng matiwasay. Natuto, nabusog, at nakatapos pa rin naman sa mga tasks. Maraming salamat na lang at may work pa ako ngayon. Kahit minsan nakakasawa na. Kahit minsan pinapaflash na sa panaginip ko na pwede daw ako magFB, magpasok ng celphone at noodles sa production area, at mag iPod, eh natitiis ko pa rin ang trabahong to. Kasi, kahit papano mas masaya pa rin ako sa mga iba jan na public enemy, super minimum wage, o zombie na sa tambak ng papers. Well, happiness is a choice nga siguro. And bad vibes are just a state of mind. Amalayer?

____________________
*honda = on the dot; walang pang OT choz

Miyerkules, Hulyo 4, 2012

Nasa Letrang I


At lumipas na naman ang isang taon. Excited at kinakabahan. First time eh. Lilipat na daw ako ng kalendaryo. Excuse me, tanging si February lang ang lumigwak sa akin. At nasa letrang I pa kaya ako. Although lumipat na ako ng tens group.
May mga phone-in questions tayo:

Sabi ni Seth, "tanggap mo na ba?" 

Ano pa nga ba ang magagawa ko. As if pwede ka magpass muna. Forward lang. 

Sabi naman ni Carol, "kung ipapako mo ang age mo, ano at bakit?"

Kung ginusto ko lang talaga eh eh di sana ginawa ko na yan five years ago. Noong paniniwala ko na makukuha ko ang lahat sa 25. Ngayon isa na lang syang gunita.

Come to think of it, naenjoy ko naman ang tatlong dekadang nagdaan. Ish. Syempre mejo blurred na yung first part. Pero happy naman ako sa lahat ng mga nakasama ko sa paglalakbay na ito. Sa dulo tanging ikaw lang naman ang magpapatuloy. Pero thankful pa rin sa mga umalalay, nakijamming, nakiduet, nakichallenge, nakitagay, nakireview, nakikain, at nakipose sa telenovelang tinatawag nilang Life.

Follow-up question ni Ate Charo, "kung MMK episode ka, anong title ng telenovela mo?"

Iniisip ko dati rubik's cube. Kasi colorful. Kasi fun. Kasy geeky. Kasi complicated.

"Kung ulam ka, ano ka?"

Chopsuey. Kasi halu-halo lang. Basta basta. Walang consistency.

"Kung pelikula ka, ano ka?"

Di ko alam. Sana hindi naman Indie. Di ko kaya magbold. Choz. Pwede favorite movie na lang? Yung mga tipong Inception, Eternal Sunshine of the Spotless Mind, My Amnesia Girl, at Suckerpunch. Basta mindfuck. Ganyan. Konek?

"Kung kanta ka, ano ka?"

Di ko rin alam. Pero matagal ko nang pinangarap na maging musical ang buhay ko. Yung tipong biglang may magbaback-up dancer bigla sayo. Tapos may chuchuwariwap. Parang eksena lang sa late 80s at early 90s na comedies. Yung ending na after magdatingan ng mga pulis na bumunggo ng mga kahon na walang laman tapos tatakbo yung mga bida sa beach sa may bandang Batangas at kakanta ng medley ng Together Forever at Shadam dadam.

"Kung cake ka, ano ka?"

Pati ba naman cake tinanong?! Ewan ko ba bakit laging cake ang nireregalo pag may birthday. As if naman can't afford ang mga celebrators ng sariling cake. Ang ending ipapaubos sa buong company yung biniling sandamukal na cake. Pati dun sa kapitbahay nyo sa floor pinapamigay mo na yung tirang cake kesehodang favorite mo'ng Chocolate Marjolaine yan. Wag lang madurog sa ref (if applicable).

Ang favorite cake experience ko eh last year. Kay inay Jackie. Kumain kami sa Teriyaki Boy my fave. Tapos lumabas sya sandali para lumandi daw. Ang totoo pala eh bibilhan ako ng cake. Tapos pinakanta pa nya yung mga staff. Shett kahit isang slice lang yung ng uber tamis na cake, naappreciate ko yun ng sobra. First time ko kasi nasurprise ng ganon. I was not expecting that I swear. SRSLY.

At syempre mejo tight ako sa budjey ngayon. Sa akinse pa ang bonggang sweldo. Mejo napagastos na nga ako nung Sunday but it's worth it. I really love my foodography friends. Kahit saang kainan at photowalkan go. Thankful ako last Sunday sa pagbabonding namin. Thanks kay Chase sa pagiging mas emo sakin, kay Ken sa pagiging mas highblood, at thanks kay Ezz sa pagiging mas baliw sakin. (Ayan ha di ko sinabing mas matakaw. Given na yun eh choz). Last year din kahit tight budjey nakapag North Park pa kami non. At two years before that sa halagang 500 paysows eh nakapag gourmet gourmetan si Ezz.

Syempre namimiss ko rin sa birthdayan yung bestfriend kong si Ferdie. Nasa Japan na yun ngayon. Lahat ng birthdays ko invited sya. And vice versa. Siguro minsan ako naman ang bibisita sa kanya sa Nagoya. Ayun alam ko favorite nya ang cake. Siguro masasagot nya ang tanong kung anong cake sya.

Meron pa dalawang gastusang magaganap. At may two weeks pa ako bago makarecover. Isa with my loveable bexy Green Team. Kung wala sila baka matagal na ako naparesign. At may isang chorva pa ako with the Lemur and friends. Kung wala sila baka nagsupersaiyan na ako sa office. 

Hindi na naman ako makakabili ng something for me. Pero kung meron man jan gusto magdonate, gusto ko ng black Mokona. Hahah. Or should I wish patience. And clarity, peace, serenity. And world peace.

Last day na ng pagiging teenager. Goodbye TwenTEENine. Hello Fab thirties.

Sabado, Mayo 26, 2012

Best Before

Tuesday ng umaga ng makatanggap kami ng email cc: ang buong floor na kulang na lang pati guard, housekeeping at innocent bystanders eh i-may-I-imporm-you ang peg. Ang subject: Respect for the Individual. Mejo mabigat ang allegations kaya inoff ko muna ang auto-ignore rules and alerts. Ansabeh:

"Please be mindful of other people's food. I noticed some of you have no pakundangan when it comes to making chorva other's food. Please practice respect for other's appetite. Thanks!"

Or something to that effect. Oh em, ayon sa aming pagsisiyasat aka pakikichikka: may isang mahaderang direct employee ang nawalan ng food item at mega escalate kaagad sa Supreme Court ng client namin. Ayon pa sa chismis eh ang allegedly missing food eh isang mamon na may tatlong kagat. Sya na ang Pusong Mamon awardee. 

Ayon pa sa aking unreliable source na si mahaderang direct employee ang isa sa mga reviewers ng Leadership Team na si Lilet. Isa lang naman ang pinoy dun so swak syang sya lang tlga. Siguro dahil ginutom sya sa kaka-salad nya araw araw eh naghanap sya ng tir-tir nyang mamon sa ref at voila it's gone. Siguro may nagtapon non with all the frozen laway laway and stuff sa ref.

Anyways, shift ang scene sa lunchtime namin ni Carol. Two weeks na kasi nagdadamo si Carol. And by damo I mean veggie diet ang lola. Tinry ko rin yan one lunchtime pero bumula ang bibig ko. Para maiwasan nang mabugnot ako ng alas dos eh di ko na ulit ginawa iyon evarrr. Pumapacham salad na kasi si Carol. Ang ingredients lang ng salad nya eh lettuce, tuna, and croutons (akala ko megachopped toasted bread yon hahah) topped with Caesars dressing.

So there we were sitting by our favorite corner nang mamataan kami ni Lilet habang lumalunch. Feeling namin si Lilet ay si Pusong Mamon eh. Eto kasing si PM kabisado yata ang chart of calories kaya beyri proud ang lola nang mapansin nyang veggie diet si Carol, no calorie computations required! Nakita rin nyang chipanggang Caesars dressing ang gamit namin kaya offer kaagad ng kanyang secret dressing. Shushal nakagarapon pa, gourmet ang peg ng dressing. Something garlic and cheese yata.

It was exquisite! I can taste pesto in my mouth with an explosion of sweet-sour symphony. Like spices dancing in my tongue. Urteh! Pero pramis I really lurve it. Parang nagcomplement ang lettuce, tuna at gourmet dressing. Fannastic!

Megachikka pa kami kay Ate Heidi na may natikman kaming masarap na dressing. Tapos yung mukha lang nya parang sinasabi, "SRSLY!" Azzin. Tapos hinalungkat nya yung pridyider tapos pinakita samin. Eto po mamser?! sabi nya. Sabay ikot sa expiration date. 02/24/2012

Pakshett! Exactly three months na nung araw na yon. Pinagpray ko na sana man lang typo yung 2012. Mygass, alam mo ba ang three-month rule? Dapat sa ganyan di na pinalalampas ng one month, or one week, or one day pa siguro. Dapat itapon na agad. Sabi ni Harold baka daw pwede pa yun kahit mga six months pa. Mygass paano yung mayonnaise or yung cream na ingredient nyan?!

Feeling ko sinadya itong lahat ni PM. Para sa katarungan ng mamon nyang nalost in space. At kami naman SPG ang peg, Striktong Patay Gutom kaya ayan kinarma. Buti naman di nasira ang tyan ko. Kinabukasan pa ako nakapagrelease, at medyo makrema sya choz. Pano na ang mga pangarap ko kung nategi ako dahil sa expired dressing? At higit sa lahat, aanhin mo pa ang damo kung nategi na ang kabayo?

Huwebes, Marso 29, 2012

Hello Spring

Photo by mAi1227 via Flickr.
Sakura




89 Days Later...

Anong petsa na? Spring na abgroad (wehanongayon eh Tag-ulan at Tagtuyot lang naman ang seasons sa Pinas), patapos na ang isang quarter, patapos na ang DST sa Australia. Wala pa akong matinong naipopost ulet dito sa Multiply. Izz like napabayaan ko na sya. May nagbabasa pa ba kasi sa mga sinusulat ko? I dunno. Urteh. 

Heniweys, nabusy kasi ako sa work, at kahit petix mode ako madalas eh wala naman akong access sa Multiply sa office para magblog yah know. Come to think of it, meron naman yata kaso di ko naman isusugal ang work ko para lang sa walang kapararakang pagso-social networking. Ngayon pang magwa-one year na ako. Ngayon pa?!

Heniweys, kung napapansin naman siguro ninyo (sa pamamagitan na rin ng pagpapapampam ko marahil) na ang kabusyhan ko sa mundong online eh nakatuon ngayon kay Tumblr. Kasi naman meh pacommit commit pang matatapos ko ang 366 Days of Happiness. Pero di naman laging happiness, minsan ramdam ko Days of Emoness ang ganap pero wapakels go pa rin sa hashtag #366 Days of Happiness.

Infernezz umi-english ako don ng bongga. To think frustrated writer ako sa school organ namin, frustrated since circa 1993, dahil na rin sa copy paste ko. Ok fine, guilty ako dati, that was before pero ngayon slight na lang choz. I've learned my lesson mehganon. Nakikigaya lang ng technique. I know I can never be a Paulo Coelho, or George Martin, or Bob Ong, or Wanda Ilusyunada, pero I know somehow, in some way or another, eh naihahalu halo ko sila. Fusion. Uso yan. 

At infernezz din, natutuwa ako kasi may mangilan ngilang nakakabasa ng aking mga akda. At ngayon may-I-push pa sila na magsulat ako ng article sa aming recently concluded company outing. Ewan ko lang kung maseseryoso ko talaga to pero gusto ko talaga lumaki ng konti ang aking network coverage. Sana man lang mabasa ni crushie na minsan sa tanang buhay nya eh meron isang nagblog tungkol sa kanya at sa kanyang smile na umaasang sana mahalin mo rin ako. Urteh!

Heniweys, kung napansin nyo rin (o diba andami ko sabing papampam eh) eh masyado na akong nafofocus sa pagpipiksur ng food. Minsan madalas food na talaga ang subject ko. Kasi na rin kelangan ko magblog araw araw eh pinakamadaling subject eh food. Kaya ayun laging naghahagilap ng food na mapipiksuran at makakain na rin. Kelangan something new and fresh lagi. Kaya di ko na maaachieve ang abs eh, puro food na lang palagi. Ginagawa ko nang dahilan ang blogging sa pagkain.

At dahil jan natutuwa naman ako at maraming nakakaappreciate ng aking pagpipiksur ng food. Yah know I'm not really that good with kodakan dahil very minimal lang ang exposure ko sa photography. Kung ano lang maishare sakin I'll gladly grab it and apply it. Nakakainggit nga yung friend ko na si Ken at Ezz kasi marunong sila sa food preparation kaya naisasama nila sa composition ang designing for more katakam takam na foodography.

Heniweys, pramis I'll get back to blogging sa Multiply soon. Gagawa na lang ako siguro ng monthly catchup posts. Yung mga major major events lang ang may separate blog posts. Saka kung may emo posts sa loves and crushes. Pakshett na yan! Bakit di na lang kasi magconcentrate sa work at food eh. Mehganon?!

Linggo, Pebrero 19, 2012

Engalog


Adobo burger with ube bread by JohNnnY via Flickr.
Fusion is nothing new... time after time.



Nagsusulat na pala ang Professional Heckler para sa Abante. At first akala ko lang isang wannabe fan na nagka-copy paste sa tabloid ng blogs nya pero wait there's more. Naconfiiiirm ko via his Twitter account (assuming sya din yon) na same ang lumalabas sa mga nilimbag at nailathala (honglalim) sa mga tweets nya, albeit super chop-chop lady sa 140 charactersss.

Ang weird lang talaga kasi di naman ako sanay na nagtatagalog si Heckler. I have to admit na di naman ako nakakapagbasa ng posts nya religiously pero I must say natatawa talaga ako sa wit nya, with all the reference jokes and evrathang. Pero ngayon may-I-tagalog na sya, it's so unnatural. Imaginin mo si Bob Ong umi-english. Pero bakit si Lourd de Veyra kahit in English or in the Tagalog eh funneh sya. May mga tao nga sigurong de kahon na sa pagsulat.

Ewan ko rin ba bakit ako napapasulat in English sa Tumblr account ko. Alam kong pilit minsan, madalas, pero go pa rin ako. Sabi ni Chase sakin na di daw sya sanay na nagsusulat ako in English, he can imagine me kasi daw how I speak pag nagsusulat ako in the vernacular. Howeeeeelllll go pa rin! One time talagang super stressed na akong mag-isip ng isusulat eh nagtagalog na ako dun. Comment ni friend Faye di daw nya bet in Tagalog kasi mas funny daw kung English. Hanobeh talaga, Tagalog or English?

Buti naman wala pa akong naririnig na comment dito sa Multiply ko na "huuuuyyy huuuuuyyy magtagalog ka na lang please lang" except nasabihan na pala ako ni Sherwin. Well, sabi lang naman nya sakin di daw nya gets ang ilang pinagsusulat ko (bilang isa syang Chinoy na inglisero) kaya tinatanong na lang nya sakin. May pagpapaliwanag na naganap, nalolost tuloy ang jowks in translation. Mabuti na to in Taglish with a dash of pepper and bekimon to taste. Yun lang I cannot make excuses sa aking Engalog sa Tumblr. Please bear with me.

Just to make things clear walang term na Engalog, gusto ko lang itawag yan sa English na may sprinkle of Tagalog. Just like wala naman talagang Taglish, Tagalog lang sya na umarte. Konting fusion lang ng dalawa yan mapa-engalog man o mapa-taglish yan, mema lang. Memahalo lang.

Kahit sa office naman ume-EOP kami minsan, trip trip lang. Pero instead na magnosebleed kami in case may actual englishment na nagaganap eh puro "yes yes" at "yep" na lang ang sinasagot namin kahit hindi naman closed-ended ang question para lang maiwasan magsabing "I dunno." For example:

Can you walk me through your process?

Yes yes.

So how do you understand this?

Yes yes.

You're not making sense.

Yes yes.

What is wrong with you?

Yes yes.

Would you like coffee, tea or me?

Yes yes.

Which one?

Yes yes.

Potah ka!

Yes yes.

Minsan okay naman kung may konting Taglish. Wag lang yung sobra sobrang bumoborderline na sa coñospeak like it's so arrrrteh kaya like OMG I don't wanna make rinig to that dude eh. Choz!

Martes, Enero 24, 2012

Turnover


Blackberry Turnover by jwannie via Flickr.
Literal na turnover. Over and out.


So naggoodbye na si Rabbit nung weekend at nagturnover na kay Dragon. Parang isang linggong affair lang ako sa kanya. Yah know "o kay bilis ng iyong pagdating, pag-alis mo'y sadyang kay bilis din." I can still remember how it all started. Roll flashback VTR!

Started about January 2011,  mga huling saglit na nakita ko si Sherwin. Di naman sya nategi noh, it's just that mahigit isang taon na kaming di nagpangkita. At dahil Chinese sya eh may tiwala ako sa mga iniispluk nya saking mga hula hulaan. Sakin swelte daw pera ang Rabbit. Pero lablayp malas pa rin. Kelangan ko daw ifriend ang rabbit dahil swelte sya sakin. So hokay di naman ako masyadong nagpapaniwala. Weeehh?!

That year may sumosorta pumoporma sakin eh di ko talaga bet. Ayun sinumpa sumpa pa ako, parang part two ng sumpa ni Anniel na hanggang friendships na lang lahat ng magiging future relationships ko. Ayun for the whole year wala talaga akong napala sa ganyang aspeto ng aking buhay. Kahit si Destiny na ilang ulit umepal eh di talaga kami pinagtagpo ng landas. Tatlong beses din ako umasa kay true love but no binigo nya ako. Okay fine, move on... choz atzif ganon kadali. The Script pa naman ang drama ko.

Ayon kay Sher eh yayaman daw ako. Two days before ang year of the Rabbit eh hinainan ako ng ultimatum sa previous work ko, magforce resign daw ako dahil ayaw nila akong iregularize (at para at least maganda daw ang exit ko sa company). Gumuho na ang mga pangarap kong yumaman sa slightly above minimum wage minus deductionssss kong sahod. Asan ang yaman jan? So ayun, di ko na pinaabot ng New Year ang stay ko doon para naman mejo gumanda ang start ng taon ko.

After a few weeks hired na ako kaagad sa isang BPO company, although slightly above lang sa last salary ko eh pinatos ko na rin. May plus plus naman sa benefits eh kaya bawi na rin kahit papano. Yes pinapaniwala ko ang sarili ko sa mga ganyan ganyan. And yeah after almost ten months nakaipon na ako at nabibili ang mga gusto kong bagay. Pero yah know it can only buy you so much. Dahil kahit pa gaano karaming pera ang ibigay sayo ni Rabbit di naman nya mabibili ang peace, di naman nya mabibili ang wisdom, di naman nya mabibili ang love.

So ayun kung pwede lang mamili kung swerte ka sa love o sa money, pwede sa love na lang? Or both? Kasi naniniwala akong all we need is love, love will keep us alive, love lifts us up where we belong, your love your love your love is my drug, tot-tot-tooooot love radio. And the greatest thing you will ever learn is to love and be loved in return. End drama.

So there nag going going going gone na ang Ever ready Metal Rabbit at eto na si Water Dragon. Ayon sa mga sites na nakita ko eh bad to average luck lang ako this year. So kelangan ko pa rin si friend Rabbit para additional swerte, plus kelangan ko na rin fumriend ng Dragon. Who knows what's in store. Baka this is really iz it. This year yayaman na ako... errr... magkakalablayp na. Kung magdidilang anghel si kuya Noi eh baka makatatlo daw ako this year. NKKLK! Isa lang nga eh parang milestone na sa akin yon.

Lunes, Enero 9, 2012

Pet Peeves

Rabbit by Borneo Rocks via Flickr.
Easter bunny?



Naaalala ko pa nung elementary days ko bigla na lang naisip one day ng aming butihing guro na magsurvey sa amin. Ewan ko kung project sa Statistics yun nung pamangkin ng kumare nyang tindera sa palengke, o sadyang nagpapowertrip lang si Ma'am. Fill in the blanks, slumbook style, in all its English glory, punan ang mga patlang. Ganyan ang peg. Aba go lang naman kami sa aming mga murang grade one minds, take home pa sya kaya oks lang dahil tutulong naman sa amin si peyrents.

May mga motto at ambition pang nalalaman. Di ko matandaan ang nilagay ko pero alam kong hindi ko pinangarap maging accountant, sino ba nangarap nyan nung grade one sya? Parang teacher yata, policeman or engineer, parang ganyan ang uso noon. Wala pang IT at caregiver na available eh, kahit PT. Pagdating sa last item, doon na kami sumablay.

The question is: What is your pet peeve? Kahit si peyrent di alam ang isasagot. Pagpasa namin ng mga papel kinabukasan... sarbey seys... Dog ang nangungunang answer. Sagot ko rabbit, nasa 5% percentile ako, sablay na answer but nevertheless nasa top 5% ang answer ko in all its shalaness.


~0~


Since nasa topic na rin tayo ng resolution sa last post ko, and I kelangan ko talaga maachieve ang temperance na yan eto magrerelease muna ako ng ilang nakakapuno sa akin. Ang list ko ng pet peeves.

Yes, after ilang years ko lang nadiscover ano nga ba ang pet peeve. At yan ay dahil sa Youtube channel ni hotforwords, yung ateng na Russian ang eyksent yata (so medyo matigas sya at maplema magsalita) nung maaksidente akong magbijow hopping (with YT you can never can tell saang wild wild weird world ka makakarating).

Ayon kay ate HFW, peeve daw ay galing sa word na peevishness at sa Latin na perversus or somethang like that na minimean lang ni gurl eh something irritable daw. So pet naman eh yung tamang response sa "What is Rabbit?" kung nagjejeopardy ka. Put them all together and voila! Pet peeve! Isa o marami (and for me extra scoop pa siguro) na bagay na favorite mong kainisan. Parang oxymoron nga sya, something you love to hate. Parang Rumirihanna featuring Neyo lang ang peg pero yes ganyan talaga ang meaning nyan. Now I know.

And here it is ang aking list ng pet peeves, in no particular order ladies and gentlemen, at mostly pertaining sa mga tao oh my:

1. Moonwalkers. Yan yung mga taong akala mo 1/6 lang ang gravity sa nilalakaran nila. Hindi naman nakakabuset masyado kung di lang sila hahara hara sa daraanan mo at ikaw eh 5 minutes na lang eh malelate na, mag-eelevator ka pa at magbabadge. Kung pwede lang mag-one giant leap sa small steps nila eh. Luksong baka, bet?

2. Jawdroppers. Yan yung mga nakabukas ang bibig kapag kumakain. Parang di man lang naturuan ng TMRC: table manner and right conduct. Nakakajirita lalo kapag namnam na namnam nila ang pagnguya at pagngasab as if sila lang ang kumakain sa mundo. Pasakan ko kaya kayo ng mic sa bibig habang ngumunguya para marinig nyo ang kalapastangang itong ginagawa nyo sa food. And don't talk when you're mouth is food. Hanudaw?

3. Escalaters. Eto yung mga matatagal umakyat sa escalator. Parang hinihintay pa nila ang ilang steps bago sila sumampa sa escalator. Ano yan parang jumajump rope lang? "May I come in? Yes! I love you, telebird (teddybear!)" Isa rin sila sa mga cause of delays. Side question: kapag pababa ba ang escalator, tama bang tawagin syang descalator?

4. Yellow Sea. Eto yung toilets na hindi naflush. Minsan may kaakibat din na yellow submarine, albeit brown or black sya. Well, understandable naman kung taghirap sa tubig kaya walang pangflush. Pero punyeta naman may timba, tabo at gripo na sa harap mo, may watertank at bidet na eh di mo pa rin nagawa ang isang bagay na dapat ginagawa mo bilang isang responsibilidad ng bawat mamamayang Pilipino, ang dapat talaga gawin sayo eh iflush ang mukha mo sa ihi. Mabait pa ako nyan. Mabuti di ko naisip magCherrie Gil sayo ng "you're not but a second rate trying hard copycat" sabay saboy ng muriatic.

5. PDA. Public display of affection si cute and all. Pero kung balahuraan levels na eh hindi na siguro makatarungan yang pinaggagawa nyo. Pwede ka naman magsmack goodbye sa jowa mo, pero ang makipagtorrid kissing ka sa publiko eh hindi naman lovapallooza dahil nasa loob kayo ng MRT, pakshett kayo! Ok lang magHHWW habang naglalakad wag lang kapag single file ang pila at kayo lang ang halos nagsisilbing chinese garter para sa obstacle course across.

6. Mismatched utensils. Some sorta OC ko na to siguro. I can eat, but I don't like eating kapag di magkapares yung kubyertos ko. Ewan ko ba, parang may something na di pantay. Parang luslos lang, pero nasa may bandang daliri mo, at hawak mo sya mismo. Kalurks I knerr.


I know marami pa ako jan eh, pero at the top of my head yan lang talaga ang naiisip ko ngayon. Kelangan ko na sila ilet go at magmove on. How am I gonna get over you?I'll be alright, just not tonight. Yes, may panahon pa naman bago maggoing, going, going, gone si Rabbit.

Martes, Enero 3, 2012

Tempra

XIV from X/1999


I didn't really have time to blog during the holiday season. Akala ko kasi marami akong freetime, yun pala wala wala wala! I was able to finish the 9 dawn masses, yay! Malaki ang pangangailangan eh. The first time I did this was 2009 nung mas malakas ang tiwala ko sa fairies and Easter bunnies and love and stuff like that. Pero binigo nya ako at nilurak pa ang puso ko kaya binoycott ko ang buong 2010 and look wa namang bitterness masyadow that year.

And then I came back for a vengeance. Parang si Soraya'ng nahulog sa 17th floor eh muli akong bumangon para magwish ulet. Well syempre tanggalin na ang mga unwishable stuff like lablayp or world peace or 1 million peso bijowke challenge or lablayp or stuff dahil never magkakatotoo yan... ok payn I still believe, happy?! Sana nakipagsimbang-tabi na lang pala ako noh pero nooooo... wala sa aking moralidad ang ganon. Pag nagsisimba naman ako eh at least 80% ng aking atensyon eh nasa altar (tao rin ako, may stimulus and response, nadadarang din).

For the first few days lagi kong tugon po sa part na "atin pong idulong ang ating pansariling kahilingan" eh tumataginting na love, love, love, I want your love, kahit sino na lang talaga... choz di naman ako ganon kadesperado. Pero I know di ako makakakita ng love sa simbahan, chapel, cathedral, shrine, templo o basilica dahil hindi naman sya hopeless place. But then naisip ko'ng mahalaga sa ngayon ang health ng family ko so naging bridesmaid muna si love. But then it dawned on me, what I really need now... yes temperance. 

Urteh, san ko naman napulot yan?! Suggestment lang ng friends. Yah know kasi I've read somewhere na ang personality ko eh somewhat acidic. Critical. Hostile. Easily offended. Ganyan. So ayon na rin kay Dra. Holmes (sino pa bang ibang Holmes? Katie ganon?! Margarita syempre choz) eh dapat daw ipack up ko ng konti ang Gretchen Baretto. Di naman ako nag-iistilettos ahhh! Dapat daw bumijowke muna ng My Way si Meredith Brooks ganyan.

Seriously, masyado kasi akong offensive mag-isip minsan. Buti nga di ko na sinasabi, binablog, tinitweet, or winowallpost lahat ng nasa isip ko kungdi matagal na akong nasagasaan sa isang eskinita o tinapon na chinap-chop sa may bandang Bulacan. Sa paparating na year of the Dragon, mas pagpapalain daw ako kung lesser ang aking bitchiness. But what can I do, but to beach around with pellow beaches. Ok payn, reduce lang ng konti, parang sorta kinda resolution ko na rin.

As yah know kasi ang opposite sin ng temperance eh rage. So ayun nga pag galit ka para kang nilalagnat ang budhi sa taas ng temperatura. So ang sagot jan eh temperance daw, like moderation. Parang sa commercials lang, drink moderately ganon. So there, sana maendeavor ko tong bagong endeavor na ito this year, kasi si Lord di na naman binigay ang wish ko. hahah

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips