Linggo, Disyembre 18, 2011

Applecannon

Photo by nebarnix via Flickr.


"Iphone4 or Canon SLR? I can't decide ano gusto ko panaginipan mamaya!" I tweeted two weeks ago. Yah know its just a joke. Pero yah know jokes are half meant yah right. I'm trying to shoot at people who would post this at their walls or timelines trying to say, or rather shout, at everyone, "hey peeps effin look at me, mayaman ako dahlin!" Oh sige ikaw na! Gusto mo pa iupstage si Eddie Gil na gusto bayaran daw ang utang ng Pilipinas eh sarili nyang pagkaka-utang tinakbuhan nya.

But then I checked my savings and yeah I am able to buy either, or both choz. Ang aga kasi dumating ng Christmas bonus at 13th month pay. Sa sobrang aga eh di ko na kailangan magrepost ng Aegis song sa wall ko azzin. Then I realized may downside ang maagang bonuseses, wala ka na karapatang mag-ekpect na may darating pang monelya sa Pasko. In fact may additional shock factor pa, last payroll pa lang nacompute ang aking tax adjustment at kailangan ko na maglaan ng more or less 5k para sa adjustment. Sa katapusan maiiyak yata ako sa sobrang babang sasahurin ko. It's like minimum wage all over again.

But it's ok talaga. At least may pera pa, more more kasi nakakaipon na ako finally. Unlike before na kung may maipon man ako pambili lang ng isang outdated polo sa isang mala-ukay ukay na stall sa Greenhills or St. Francis Square ganyan. Siguro nga totoo yung sabi sakin ni Sherwin na swerte sa akin ang Rabbit, nagdala sya ng pera ohh. Di pa rin naman ako mayaman pero at least di na ako majiraffe.

So going back to my original dilemma. Alin nga ba ang dapat kong bilhin? Iphone or SLR? Waiting pa ako ng sign, at it will open up my eye (I saw the sign). Lezz see the options shall we:

Kung go for smart phone ako, it's around 36k kung iPhone 4s 16gb. Hindi ko man lang nga naunawaan kung ano ang 4s na yan eh. Nagtanong ako kay Ferdie about Iphern at sabi nya konti lang daw ang difference between 4s at 4g. Next question, ano ang 4g? Mygass andaming letters nang involved nalilito lang ako. Tapos wala pang purple na iphone choz. Heniweys pwede naman ako mag Android, yun nga lang wala akong mainnerview kung happy sila sa phone nila. I could go for another fruit, yah know BlackBerry pero I'm not a QWERTY person. 

Another scary thing eh kung madukot sakin yan, kasi as of now yung aking primitive celphone eh wala pa nagtatangkang mandukot. Alam ko naman hindi kadukot dukot sya pero pano naman malalaman ng mandurukot kung pangkaskas ng yelo o hindi yung phone ng dudukutan?! Siguro nasa itsura na lang yon, kung mukhang sosyal dukot kaagad, pag hindi dedma lang. Dapat muchas grasas ang attire sa public transpo ganyan. Or choisy lang ang mga mandurukot? Sosyal ka kasi Ezz kaya ka nadudukutan wag mo ako idamay sa kamalasan mo choz.

Kung go naman ako for SLR, it's around 33k depende pa sa kit yan, I think that's the 18-55mm na lens. I'm looking at the 600D EOS, entry level na DSLR yan at cool dahil sa mga creative shots. Kaso I don't wanna make palit my digital cam yet kasi di pa sya nag-aanniv until 23rd of December. Natry ko na rin yung baby ni ken na Nikon D3100 kaso ang hirap talaga gamitin kasi naman lahat na lang ng shot ko malabo. Mabuti pa yung baby Canon 550D ni Ai first touch pa lang may chemistry na. Ang di ko lang talaga gusto sa SLR eh hindi sya as portable as a digicam. Sabi nga ni Jan para daw syang merong artificial dick sa may chest level.

Hanggang ngayon wala pa rin yung sign kung Apple or Canon. Kaya help me. Just text APPLE or CANON at isend mo lang yan sa 2366. Or bayaran ko na lang kaya ang pagkakautang ng Pilipinas sa World Bank? Choz jowk lang, and I don't mean it really, seriously.

Martes, Nobyembre 29, 2011

Planner

Photo by josie lynn richards via Flickr.
I found a diary underneath a tree and started reading about me.



Dear Diary,

Carlo sat beside me today... and he is so cute. Sabi niya I'm pretty, kaso lang I'm fat kasi. From now on, goodbye chocolates, goodbye spaghetti, goodbye hotdogs.... Ayyy, goodbye Carlo!

sey ni Chantal Umali sa kachikkahan nyang diary. Di ko nga alam kung totoo ba talagang nategi sya IRL ayon sa other chismis or yung career lang, kasi she's so fat. choz!

~0~


I've never really maintained any personal diary of my own. This blog is my sorta kinda virtual diary na, which I update like every other payroll na lang yata kung juicy pa ang utak ko. Ewan ko ba, ni tweet nga di ko magawa, eto pa kayang dumiary or bumlog. Atsaka baka mawala ko lang yan at may nakabasa, nakakahiya pa (azzif sa blog walanghiyaan ganyan). Dapat para secure eh itago mo ang diary sa ibabaw ng TV para walang makakita choz.

Heniweys I can remember way back in grade 3 nung forced kaming gumawa ng diary sa English class namin. Kahit ano na lang basta me masulat, total di naman talaga yun binabasa ni teacher. Ano pa nga ba ilalagay sa diary ng isang hangal na bata kundi mga kahangalan nya sa buhay like yung favorite nyang Xmen hero, or favorite sa color wheel, or episode kagabi sa Okay Ka Fairy Ko or crush nya. Yung likod nga ng diary punung puno ng mga scribbles at FLAMES at caricatures. Pero kahit papaano nairaos ko magsulat ng diary way back, tumatalon nga lang, parang episodic ang buhay ko elementary pa lang.


~0~


Have you read Bob Ong's Mga Kaibigan ni Mama Susan? Horror ang drama pero diary ang style nang pagsulat nya at wala akong masabi, mas magaling ang pagkasulat nito compared so super TH na pumatok sa 80s babies na Kapitan Sino. Naimagine ko tuloy what if nangyayari sakin yun mygass, baka di na ako makapagsulat. Tatakbo na lang ako ng tatakbo hanggang mategi or worse... maihi sa pants choz.

TU UNA CUM VITIIS TUIS ES LOCUS PUGNAE INTER BONUM AC MALUM.

And you know what's scarier than that? Yung gastos ko lately, yah know for what? Para sa 2012 Starbucks planner. I know, I've said earlier na di naman talaga ako diary kinda person, pero what can I do. Nainggit kasi ako last year honggondo nung planner nila, with the piksurs and evrathang. And I thought mas maganda this year but no, almost 4 tickets in na ako nung makita ko yung new set of planners nila. Ano pa ba magagawa ko eh nakapasok na eh, enjoyin ko na lang all the way.

Shared Planet ang corporate social responsibility nila this year kaya most material used ay recycled. Pero naconfuse lang ako kung shared planet chorva ang drama nila eh ilang puno naman kaya ang pinatumba nila makagawa lang ng cover? Yah know it comes in five: poplar, bamboo, cherry, spruce and oak. At may coffee bean bag pa daw or something. 

Imagine binuo ko yung 16 cups (isa lang kasi nalimos kong donation) para lang makuha to. And for the tally that's:
  • 6 Peppermint mocha
  • 2 Cranberry white mocha
  • 1 Black iced tea plus strawberry shot
  • 5 Caramel macchiatto
  • 1 Mocha espresso
  • 1 Vanilla cream with affogato shot


I actually got the spruce one, although I really liked the cherry one as well. And so yeah more or less ang nagastos ko eh worth is 2.5k mygass. Parang that's not me really. Kahit sa office manghang mangha ang mga officemates ko. Kung makapagkuripot ako kumain sa jollyjeep eh sya namang paglulustay ko sa kape, may free milo-espresso naman sa pantry. Come to think of it, parang mas naappreciate ko ang coffee ng Starbucks, kung sana lang sing chipangga sya ng 7Eleven eh baka maground two pa ako.

Pero what really bothers me (yes nabobother din ako sa sarili ko noh) eh bakit ko ginawa to?! Sabi ko nga eh di naman sya as expected ko pero gumora pa rin ako. Clean and Green ang peg, ganon? Naisip ko lang kasi naman eh it's 2012 yah know. It only happens once, malay mo naman magamit ko sya for 356 days di ba. Leap year pa sya, tapos may Olympics sa London, malay mo lumipad ako bigla don. Who knows?

Basta ang mahalaga eh magkaron ako ng planner, kahit siguro yung cheap na lang sana ang inendeavor ko pero eto na eh. I really need it, to plan yah know. Ayon nga sa libro ni Steven Covey na The Seven Habits of Highly Effective People, under habit number 3: Put First Things First. Di ko naapply yan sa buhay ko. Minsan oo lang ako ng oo not knowing naschedule ko na pala yung particular time and date na yan, nagkakasagasaan, nagkakabuhul buhol, at nagkakadrawingan. Kasi ang pag prioritize ko eh depende sa taong nag-imbita, choosy eh. Kahit minsan may nauna nang nagpacommit napapa-oo ako sa iba. 

So there, I really need to manage my time, my week actually. Kasi mahirap magrely sa calendar method lang, minsan nakakalimutan mo at poof patay kang bata ka. Sabi nga ni kuya Steven you should know which activities are important and not urgent to plan ahead so you'll never have to make cramming crammingan.

Pero exception to the rule kung may love na involved, kasi kahit anong logic ang ipasok mo jan, mananaig ang punyetang feelings na yan.

Biyernes, Nobyembre 4, 2011

Kriskringle

Santa hat cup cake by Cake Envy via Flickr.
You better not pout I'm telling you why.


Dear Monito,

Fifty one days to Christmas at syempre uso na naman ang kris kringle. Niresearch ko pa talaga kay ate Wiki kung ano ba ang etymology nito at chinorva nya sakin na galing daw yan sa word na Christkindl na some kinda Germanic tradition ng isang secret gift bringer at literally transalated as child Christ. Ewan ko ba nagpapaniwala naman ako sa kachoserahan ni ate Wiki pero nung tinanong ko about monito monita eh natameme lang sya.

Heniweys ewan ko ba at nasali pa ako sa monito monitang yan sa team namin eh wala naman akong katyaga tyagang mamili ng mga gifts. Like last week eh something funny ang something namin. Dahil sa tinatamad ako eh binili ko na lang yung text joke book sa Power Books. Kahit ako hindi natawa kaya sorry na lang sa naging baby ko.

At since three days lang ipinasok namin this week dahil jan sa supah long weekend na yan eh deferred for next ang next something something. At least favorable variance pa rin ang budjey ko dahil sa less fifty peso expense. Pero goodluck dahil di pa ulit kami nagkakabunutan kaya magkacramming na naman sa pagbayla ng something.

For the major major event na ekchange gift sa Christmas party eh nagpakawala na sila ng bunutan blues. Di ko nga knows yung nabunot ko, some gurl from the other wave. Kelangan ko pa ba igetting-to-know you para malaman ang peg nya?! No way!

Mabuti na lang at nauso na ang wishlist. Dati nga walang ganyan ganyan kaya kung anu ano na lang ang natatanggap mo: alkansya, kalendaryo at picture frame, at ang pinakamasaklap eh nakatanggap ako ng Safeguard plus Good Morning towel. Bakit ba may wishlist?! Para lang naman yang grocery list, iniuutos mo sa kanila ang gusto mo bilhin kahit kaya mo naman. Tapos magrereklamo ka pag di mo nakuha sampalin kita jan eh.

Naglabas na rin sila ng log ng wishlist sa shared drive. And not just one, not two, but three categories pa! Imagine!
  • Rock my World - or my dream gift category. In other words I'm looking forward to buy pero I can't dahil sa maraming constraints, either too idealistic.
  • What I Want - or yung level ng what I really want pero in the most realistic way na sasapat sa aking panlasa.
  • Pwede Na - my least expected pero please lang wag ka nang bababa jan utang na loob.
Pero rare din namang matupad ang mga wishlist na yan dahil sa maraming kadahilanan like:
  • Financial constraints - poverty is a big issue in the Pines. choz. Walang masyadong monella ang Santa mo tapos chinarge na lang nya sa total amount ng gift yung presyo ng wrapper.
  • Time constraints - busy sa deadlines, kung anu na lang nadampot yun na
  • Energy constraints - tinatamad magshopping kasi nakakapagod dabah
  • Interpretative constraints - (anudaw?) yah know when sinabi mong you want that Taylor Swift knee high socks tapos binigay sayo eh CD ni Justin Bieber kasi di daw nya nagets yung description
  • Others - catch all ng mga walang pakundangan at walang kapatawarang gifts
Kaya ayun nakita ko sa wishlist may mangilan ngilang naglagay ng Sodexho gift checks para sure na sila na mismo ang bibili. Yung iba hindi rin seryoso sa paglalagay sa wishlist. May naglagay ba naman ng sports car... yung red. Regulahan ko kaya sya ng 500 pesos worth na Fita at iekpleyn ko na lang na nagets ko yung joke nya buset sya. Yung reregaluhan ko naman ang wish ba naman eh either pillow daw, bed, or bed with a guy. NKKLK si teh parang nasa Sahara lang. Dahil jan ang ireregalo ko sa kanya eh ointment, pampakalma choz.
Si Denise nga bongga yung nabunot. Ano pa ba ireregalo mo sa may dalawang condo at isang kotse? Buti na lang book lang ang nasa wishlist nya, complete with author, edition, at bookstore san ka pa.

Ang nilagay ko sa wishlist ko eh book by Salman Rushdie, kasi mejo naintrigue lang ako sa synopsis ng books nya although nagdadalawang isip pa ako kung gusto ko talaga basahin yun. Yung isa eh 500 pesos in cash na lang. Ako na bahalang mamili, ilagay na lang nya sa angpao tapos ilagay nya yun sa isang box at punuin ng dyaryo para kunwari bongga yung gift nya hahah. Pero sa rock my world category eh wala pa akong mailagay. I can't decide. Yung iba nilagay surprise me, josko baka mamaya gulatin lang talaga sila tapos sabihin yun na yung worth five hundred pesos.

Ano nga ba?! All I want for Christmas... is YOU! Yes, you my crushie sana ang nakabunot sakin. Kahit smile mo lang worth five hundred na for me shett! Tapos ang kahantungan ko pala eh yung mga taong nagpapakulo ng dugo ko pa ang nakabunot sakin eh hahah.

Pero yah know the spirit of Christmas is not about what you receive, but what you give. Hamplastik lang pero it's true. Iwasan kasi maging chossy. Remember greed is a sin and charity is its opposite virtue. Be more Santa, and be less Grinch. You still want to retain the element of surprise naman di ba? Kung anu man ang matanggap mo, be thankful na lang. Yung iba nga walang natanggap na gift.

And I think now I know the perfect gift for Christmas... World Peace! Yah know... idealistic but still please rock my world hahah. Lezz just give love on Christmas day (Christmas day).

Lubos na gumagalang,

xoxo
Athan

Martes, Nobyembre 1, 2011

Complicated

Photo by PiousWacko via Flickr.
And you take what you get and you turn it into honesty
and promise me you'll never gonna find you fake it.


"Alam mo ba ang three month rule? Putang ina naman Bash ganyan ka ba katigas?"
~Popoy, OMC

Yah know I've recently recovered from a one year heart break. Akala ko magtatagal pa pero ayun nga minsan magigising ka na lang at okay ka na dahil pagod ka na kakasampal sa mukha mo, sukang suka ka na sa ammonia, at naglulungad ka na sa kape para lang magising. It just happens, izz real.

At kung kailan ka naman happy na sa life mong pinagkakabusy busyhan mong lunurin sa trabaho, pagkain at friendship eh minsan may isang manggugulong factor para icomplicate ang mga bagay bagay. Si food. Choz. Si friendship.

What happened....

But before that kelangan ng flashback muna one year earlier. Roll VTR.

Nameet ko si Noel sa pista ng Penafrancia sa Naga. That was September. Isang pagtkakatagpo sinadya lang ng pagkakataon. Bakasyon nya at ako bakasyon ko rin. Madali nyang pinaramdam yung attraction nya at ako'y nahihiyang iparamdam din yun. Naworkout ko kasi kaagad sa kwento nya na may jowa sya at the time na iniwan sa Manila. For me kasi bullshit yung ganon, izz complicated and such na makikieksena ala No Other (wo)Man. Before lumisan sa Naga, nagkapalitan din naman kami, nagbabakasakaling mag-aantay ako for him. Kasi may pagka Roselle Nava ako. Nakipagbreak din sya eventually dun sa boyfie nya pero feeling guilty ako kasi ayoko mangyari sakin yung ganun, dabah nagawa nya yun sa iba magagawa nya rin yun sakin. Inantay ko munang lumamig ang sitwasyon, not knowing nawala na sya ng gana. That was October.

Nameet ko via Twitter si Chase, nagkakulitan at natuwa rin naman ako sa kanya. Andami naming similarities, like we both like Sarsi, or we both enjoy eating out, or that we're somehow into the whole Japanese culture. It's like soulmates kami in a way. But you know similarities can only go so far, kasi you don't need a clone. You need someone to complement you. We've only dated twice, one was the ironically memorable movie date on My Amnesia Girl. The other time was the supposed pigout at Banchetto na nauwi sa bijowke at Cubao dahil sa ulan. After that, I felt it wouldn't work out. That was November.

After sometime magkakausap pa rin kami ni Noel. Nagbabaka-sakali pa rin, rumoroselle nava. At least twice kami nagkita by accident sa public place, sa Obar Ortigas (and to think I don't like going to bars ha at nagdadalawang isip pa ako sumama sa officemates ko that time) at sa Enchanted Kingdom. Pinagpasalamat kay destiny sa pagiging mahadera nya sa buhay ko. But I was wrong. Destiny is so overrated. There's no such thing as destiny, only coincidence. Or just plain luck, nabunot ko lang ang Joker that time, not once but twice. Ang last time na nagkita kami was my birthday. At napakacruel joke na at that same week di na sya magpaparamdam ever. That was July.

Sinadya ko na ring di bumalik ng Penafrancia this year kasi I know he'd be there, not that umaasa akong mababangga ko sya dun if ever nga gumora ako. Nagpakabusy na lang ako sa work, nagpakabusog sa food, nagpakalasing sa milo-espresso, at nagpakasaya sa friends. At ayun nga nagising ako one time feeling waaaaaaay better. That was September.

But wait there's more. May naiwan pala ako. For one year na nagdurugo ako for Noel, one year din nagdurugo si Chase for me. We're too alike tsk tsk. Kahit ilang beses nyang inieemote sa tweets nya ako, dinededma ko na lang kasi I'd feel the same way. Izz very complicated this love triangle... err... love chain. One way lang parati.

And now it's October. Nag-inuman kami accidentally sa bahay nila Ezz. Accidentally kasi wala sa plans ang inuman, dumating lang ang officemates ni Ken at nag-aya mag inom ng... HOMG... Emperador. Ininvite na rin namin si Chase na sumali since kapitbahay lang sya ni Ezz at sya ang may-ari ng magicsing na binibijowke namin all the time. Nagconcert na naman sya ng mga emo songs mostly about heart breaks. Pati ang anthem kong Before I Let You Go favorite din nya. Bago ako tuluyang magsuccumb sa powers ng alak eh nagresign na ako sa tagay. Tuloy tuloy lang sila.

Umabot sa point na nakayakap si Chase sa akin at hinahayaan ko lang sya. Although alam na nya at nila Ezz na nirefuse ko na sya before, mejo nalito sila sa gestures ko. Nagbibigay pa ba ako ng chance sa kanya o nagpapaasa lang? Pinilit nilang magkausap kami.

What happened next eh nag usap kami ng sarilinan sa labas. Marami palang problems si Chase, mostly nag-uugat sa problem nya na til now di pa nya tanggap sa sarili nyang beks sya. May awkwardness pa sa family nya. And all he wants is just someone who'll understand him and accept him and appreciate him. But how can you do that when you can't accept who you are? Yah know you can't survive by just the base of Maslow's pyramid. But I can't give him that, self-esteem and such. He has to find that himself.

And I thought ako ang may self-esteem issues. I don't have low self-esteem, I have low esteem for everyone else, sey yan ni Daria. Sana maging ganyan din sya.

Pagpasok ko kinukulit kami nila Ezz kung tapos na ba. Ano bang dapat tapusin? Gusto pala nila eh sabihan ko na at that moment na it's over kaya wag na sya umasa. But I can't do that, not now that I understand his dilemma. I decided I would not say that directly to him kasi I know he would move on on his own eventually. Kahit alam ko mararamdaman nya rin yung pinagdaanan ko I know it would help if he do that on his own. I would only complicated the process.

But what gets me is yung intervention after. Kinausap ako nila Ezz, Bash at Lee to end it now, masaktan na ang masasaktan. I won't do it, I won't bend to their principles. Until natanong ni Bash ayaw ko ba subukan, since he finds it sweet na it's a year na syang nag-aabang sakin. Huuuwhaaaat?! Eh si Noel ba naisip nyang sweet na nag-abang ako ng one year sa kanya?! No. Feeling ko lang their trying to find someone for me. I'm not desperate for love. At ayoko sa lahat na pinTipilit sa akin kung ayoko talaga. At lumabas din sa kanya ang ugat ng intervention na to. They want me to give closure. Ano ba ang dapat bigyan ng closure kung wala naman opening?! Hanudaw?!

I admit there are times that people need closure and there are times kebs lang kung wala. Not everyone wants or needs that, and definitely not everyone deserves it. Kasi they're trying to place themselves in both positions, when in fact maayos ang pag-uusap namin ni Chase and he shows naman he doesn't need it and I won't give it. Did I ask closure from my heartbreaks?! No kasi wala akong karapatan hahah.

I love my friends and I love what they're trying to do. But yah know they're trying to make something as simple turn so complicated. So we had a deal we won't talk about it again, I'll handle matters of the heart by myself thank you very much. Kasi aminin mo kelan ka ba nakinig sa payo ng iba, eh kung sa sariling utak mo nga di ka nakikinig ng payo eh.

Huwebes, Oktubre 27, 2011

Sunrise

Photo by DebbLynne via Flickr.
Sunrise, sunrise. Looks like morning in your eyes.
But the clock's held 9:15 for hours.



A halfday in the life of...
10.27.11



Himala at maganda ang gising ko kanina. Ang ganda lang ng golden sunshine sa yellowness ng mga kurtina sa kwarto ko. Hindi pa mainit. Pero there's something wrong. There's something very wrong. Hindi Saburday ngayon. Shett anong petsa na?! Alas nueve bente at nasa bahay pa ako, di ko narinig pumutak si alarm dahil di ko nga pala sya naset kagabi. Nagdadalawang isip ako kung tatakbo ako papuntang office na wisik wisik lang at late ng 2 hours, o take it slowly at pumasok ng fresh ng halfday. Tinext ko yung TL ko, halfday it is.

Di naman ako zombie sa pagpupuyat kagabi. Impakt alas dose ako nakatulog. Yes maaga na yon, dahil nung Tuesday ng gabi nag-adek ako kakalaro nung newly downloaded game. Nilaro ko pa sya this morning bago pumasok ng office. Yung brekky kong pancit canton, spiced ham, tirang tortang giniling at sorta kinda inihaw na baboy or beef yata, naging instant brunch na. Umalis din ako 20 minutes before 1 kaya nagboxi na ako para di na malate.

Pero nalate pa rin, five effing minutes. Tuwang tuwa naman sila Carol at nalate pa rin ako kahit halfday. Magpapatawag na daw sana ng rescue team para sunduin ako, choserang yan. Bakit pa ba ako pumasok eh magpepetix lang din naman ako. Dalawa lang ang journals kong tatapusin today, possible magawa ng 15 minutes pero pinatagal ko na naman. Kasama yata sa tasks ko yung magfloorwalk at makichismis. Nagpaturo pa si Lin kung paano mag-ayos ng list nya sa VLOOKUP. Akswali pwede ko na rin yata karirin ang pagiging Excel support. Any conditional formatting issues?

Nagparaffle na rin ng categories for the Christmas party. Ako ang gumawa ng lots. Mind you rock ang theme namin, kasama sa choices ang Glam, Punk, Gothic, Heavy Metal at Classic. Mabuti nang nasa same page kami ng rock theme, kasi baka mamaya may gumora sa Christmas party na naka Stone Age attire.

At sa minalas malas na kapalaran eh nabunot ng Manager namin eh Glam josko. Howell, mas matino naman yan kesa Heavy Metal... or Classic. Gusto ko sana Punk Rock, parang mix lang ng Rock at Jejemon eh choz. Nahirapan pa nga ako magconceptualize ng costume eh. Baka mag-ukay ukay na lang ako ng costume. Something red siguro, red na leather jacket kung meron man. Coz nothing shouts glam like red or parpol dabah? Magbabandana na lang ako or something, ayoko ngang makiwig or highlights in all its acetone glory.

Tapos may presentation pa. Kelan ba naimbento yang tae taeng konsepto na yan na lahat ng newbies sa company eh kelangang sumailalim sa sumpa ni Kuya Germs, kelangang pumroduction number talaga. Pwede kaya rock version ng Kumukutikutitap with matching rawr. Naimagine ko lang pwede namang Bohemian Rhapsody na lang, glamrock naman siguro ang Queen dabah. At ewan ko lang kung di sila maglungad sa twenty minute na performance.

Pag-uwi, punong puno na naman ang bus bay sa tapat ng parking lot ng Standard Chartered. Nilakad ko pa hanggang Buendia para makakuha ng maluwag na bus. Di pa ako makatulog sa bus kasi nga di naman ako puyat. Usually matutulog ako sa Ayala pa lang, tapos magigising ako after thirty minutes arriving Guadalupe pa lang. Pero eto ngayon kelangan ko tiiisin ang byahe. Buti naman nasa bandang dulo ako kaya di ako nakakapanood ng pirated dvds nila o Futbolilits o kung ano mang show sa blurred nilang TV.

Bumulusok ang mga tao bandang Paseo, at ashushwal ako ang huling tinabihan ng mga tao. Tanggap ko na yun sa aking sarili, na parang umover na aking antisocial barrier na kahit mga tao eh nakikita na to kaya iniiwasan akong tabihan lalo na't sa public transpo. Kung meron man napipilitan lang kasi. Yung tumabi sa akin na mama eh may parfum naman, very mild lang pero alam mo yon parang amoy kahoy na nabasa at natuyo at nabasa ulet. Kinda like vanilla siguro, di ba galing din sa bark ang scent nun?! At napapagkakamalan kong Sustagen scent kadalasan.

Sa harap ko may magjowang mukhang katulungin ang byuti, parang promdi ganon. Si ateng ikot ng ikot ang pwet sa upuan nya, parang higad na di mapakali. Gusto pala ihiga ang head nya sa lap ni kuya. Sinubukan ko na, shett akala ko naman bumagay sa kutis nyang kulay champorado ang vayowlet nyang couple shirt. Para syang di nagsuklay ng tatlong araw o mahigit pa, I'm sure di uso sa kanya ang suklay dahil kahit steel brush wa epek na choz. Ampait ko lang. Nakakainis kasi in public dabah. I hate it when people are in love, but I hate myself more when I'm in love. Yun yon eh.

Nabuset lang talaga ako dahil ginulo nila ang pagdadraft ko ng blog na to sa utak ko. Mehganon?! Andami mo talaga mapapansin pag wala kang magawa. Nasa Guadalupe na ako nang makita ko yung bagong ad ng Centrum. Yung bortang kuyang may rainbow bolt sa fez. Akala ko ad lang ng Pride. Tapos yung next na ad sa Convergy, "Be Yourself Today." Parang sinasabi lang nya, "huy bex gora na teh wag ka na mashokot shumogobelles sa Narnia choz." Sa kabilang side naman nakahambalang ang pagmumukha ni Kuya Kim at sumasign language ng letter C. Akala ko nga ad ng vitamins eh, Calayan pala. Akalain mo yun. TIMYAP nga sya pero di sya PROTEGE. Hanudaw?!

Bukas I'll be better na. I mean I won't be late na, itaga mo yan sa bato. Dahil I was never late, it's just that everyone's too early.

Sabado, Oktubre 22, 2011

Bolpen

Photo by belle.ness via Flickr
The pen is mightier than the sword.
But the keyboard is quicker.


Grade three na yata ako unang gumamit ng ballpen. Parang may escalation matrix sa writing for elementary students eh. For grade one matatabang lapis vs alternating blue and red ruled paper. Grade two nung magturo sila ng cursive. Grade three pa yata naintro ang bolpen, pero may ibang pasaway akong classmate na nagbobolpen na grade 2 pa lang. Nung grade four umiintermediate pad na. And the rest is hekasi.

Blue bolpen na Panda ang uso way back then, yun bang pagbili mo sa tindahan sumusulat pa pero pag-alis mo nagtatae na kaagad. Yung iba nga scented yung tinta ang sakit sa ulo, katambalan ng mga kisses sa pencil case nilang maraming compartments.

I never did like using blue, di kasi professional ang dating. Kaya nung maggrade five nakablack na ako. Ewan ko ba bakit after many years eh pagbabawalan akong magblack. Yung professor ko sa Panitikan nung fourth year sa college, sabi nya wala pa daw kaming K magblack dahil di pa kami gumagradweyt. Ok fine, pagbigyan na lang natin si lola kaya nagblue ulit ako.

~0~

May nakakabit na malas sa work ko ang pagbili ng bolpen. Ewan ko ba kung bakit pagbigla ko na lang naisip na bumili ng ballpen kahit di ko naman kailangan eh bigla akong natsutsugi sa work.

The first time na nangyari yan sa akin sa work ko sa audit. Bumili ako ng ballpen kasi wala naman talaga kaming mahihitang supplies sa mataray naming admin. Pamasahe nga eh mahirap na ireimburse sa kanya eh, pati ba naman mga creamers pinagdadamot pa sa amin, paano pa kaya kung magrequest kami ng supplies dabah. Bumili ako ng bolpen na Leone ang brand, nakyutan laang ako sa design nya. Wala pang isang linggo kinausap na ako ng Managing Partner, kesyo ibinagsak na ako sa evaluation ng dunung dunungan at ganda gandahan naming Team Lead. Kaya wala syang frienships eh kasi bruha sya. Nakipagdeal ako sa MP na maextend ang aking evaluation period to prove them na bruha talaga ang TL ko. A month later, nagpaalam na ako sa Audit Manager. Sir, burnt out na po ako.

The second time naman na nangyari sakin eh sa work sa tuna company. Sinamahan ko si Larnie mamili ng supplies sa NBS. Nakibuy naman ako ng purple at green na Pilot, infernezz may budget na ako bumili nito ha, for urteh purposes lang naman yon dahil black and red lang ang ginagamit ko pangtickmark sa office. One week away ako that time sa 6th month ko. And then nakipagmeet sa akin yung HR, Accounting manager at VP Finance, I didn't make it daw. Kahit may ilang days pa ako to render eh tinapos ko na lahat ng deliverables ko at di na nagpaabot ng Chinese New Year sa company, sabi ko I'll start it right this year of the rabbit.

And now nasa BPO na ako. I've had so much fun with the people here. Madami kaming nagkakilala mula orientation til now, puro mga bata at batang isip pa. Dala ko pa rin yung purple at green pen ko plus yung black and red na ninenok ko sa office dati. Pinakita ko pa kay Lin yung collection ko ng pens. Aba aba aba ayaw patalbog at bumili rin sya ng gelpens in red, black, blue, purple and green! At aba aba aba ako rin ayaw patalbog, I need to buy that blue one.
Day minus one before my sixth month nasa NBS ako at nakapila para bumili ng pen. Ang tagal magserve ni ateng kasi halukay sila ng halukay ng mga technical pens para sa isang customer. Ewan ko ba at dapat umuwi na lang ako bago umepek ang sumpa pero no I insisted and waited and waited and paid for it and goed (goed talaga?). Mejo kinakabahan paano nga kung sa Monday kausapin na ako ng Operations Manager?

Saturday ng hapon chinat ako ni Ai. Tinatanong kung nagbabasa ba ako ng emails. Check agad. Homg, there it was. Ang pinakaasama asam na regularization letter, hinanap ko kung may postcript na increase pero nasaktan lang ako choz. First time ever to. Kasi naman yung first job ko considered na ako for regularization pero I gave it up for the board exams. The other two past experiences eh minalas malas ako. At ngayon wala na akong kinatatakutang sumpa. Dahil walang sumpa, ang sumpa ay nasa isip ng tao.

Hey congratz to me hahah.

Biyernes, Oktubre 7, 2011

Macchiato

i ♥ macchiato by Jessi Hagood via Flickr.
or an inverted spade?

Hindi ako nagkape ngayon buong araw. Congratz to me. Hindi naman sa necessity ko ang kape para tumakbo ang aking katawan pero nakasanayan ko lang naman uminom nito araw araw lalo pa't free naman ang coffee sa dispenser.

First days ko sa Solaris hindi ako kumukuha ng coffee. Eh kasi akala ko may bayad. Nagtataka nga ako sa mga officemates ko bakit ang yayaman nila, maya't maya nagkakape. Kaya naman pala bumabox office eh kasi libre. Ever since nakikipila na rin ako.

Nakakalunod sa dami ng kategoryang pagpipilian. Muntik na nga akong kainin eh. Di ko nga madifferentiate yung creamy at sweet, josko sana sinabi na lang nila na creamer at asukal yon. Meron pang latte, espresso at macchiato, pero mostly may bayad kaya dedma to the world ang mga tao. Ayyy free pala ang espresso pero sobrang pait naman kahit one shot lang kaya iniiwasan din. Iniisa isa ko yung mga free coffees until natunton ko na ang fevorit ko pala eh yung sweet and creamy. Naging bestseller nila ito for a while until naging free na rin yung Milo.

Minsan iniinom ko Milo. Minsan Sweet and Creamy. Hanggang sa nagsawa ako at naghanap ng bago. Yung espresso magigising ka talaga hindi dahil sa shot ng caffeine kundi dahil sa sobrang bitter nya. May nakita nga ako dinidilute yun sa hot water pa. Nagkaron tuloy ng idea ang iba, why not ihalo ang espresso sa other drink. Parang yung ginagawa namin sa free iced tea at free lemonade na nagmumukhang beer pag minixup mo. Why not Milo at espresso? At doon nabuo ang aking daily habit. Ano ba ang dapat itawag dyan? Milospresso?

Nagresearch pa tuloy ako ano ba ang suitable na name. Kesa naman mag portmanteau ako (makagamit naman ng big words wagas pero yes nasearch ko rin yan via wikipedia) eh why not magrely sa google powers ko. Nagfloat ang word na macchiato. Uyyy urteh!

Ano ba yang naririnig kong macchiatong yan? According kay ateng Merriam you should fronounce it daw as /mak-kyah-tow/ now say it with me, MACCHIATO! Ayon naman kay ateng Wiki, macchiato means mark or stain. Parang pimples at blemishes lang ganon? So kapag caffe macchiato it's espresso stained with milk. Kung latte macchiato it's frothy milk stained with espresso. Eh pano sa case ng Milo ko? Since more more naman si Milo compared sa one shot ng espresso, lumalabas na yung espresso ang stain. So therefore I shall now call it Milo Macchiato, shushal lang pakinggan ha pero chipanggang chipangga na ang role ko nyan sa panlilimos ng free sa vendo.

At ngayon nga hindi ako nagkape buong araw. Congratz to me. Hindi sa kinakailangan ko sya. Hindi sa naglalaway ako sa kanya. Hindi sa mamamatay ako ate kung kukunin mo sya sa akin. Hindi sa takot akong ipalibing ni Lorna Tolentino. Pero minsan talaga, magigising ka na lang at maiisip mo parang gusto ko mag Lemonade Macchiato lang ngayon. Kahit ngayon lang. Kahit siguro forever.

Kasi yah know too much coffee will kill you, with all the caffeine and stuff. Ang coffee parang love, minsan sweet, minsan creamy, madalas bitter. Buti pa ang water, tasteless, odorless, colorless, at pure... or purified? Josko yung water dito samin macchiato na rin yata.

Sabado, Oktubre 1, 2011

No Other Woman

I'm not really a fan of drama, lalo pa't Pinoy drama kasi naman yah know may tendencies na repeated na yung story sa ilang milyong telenovela.

At dumating ang aking kinatatakutan, naimbayt ako ng friends manood ng No Other Woman. My first reaction... Seriously?! Apparently seryoso nga sila. I've seen the trailer at least once. At sa litanya lang naman nila ako nadala. Other than that wala akong balak na panoorin ito. Ang kitakits eh sa Gateway alas siete, nalate lang ako ng 15 minutes or so ashuswal pero pagdating ko doon soldout na kagad. Transfer kami sa Ali Mall via the electronic chorva shuttle nila. Good thing at may nag-open na cinema to accommodate daw ang dami ng tao.

Plot:

The story starts with Derek na isang supplier ng furniture ay nilalandi ang isang customer para makabenta. Entra ang isang mahaderang baklang assuming na yaman yamanang babayla ng furniture (inassume ko lang na mahadera sya dahil nasa tsura naman nya). Bibili daw ng isang box ng furniture package sa isang buong resort. Tambling kagad si Derek para mameet ang may-ari na si Tirso. Pinagstay pa sya ha to experience the amenities. Yes pwede na magstay sa hotel pero wala DAW silang furniture. Imagine?!

Nameet nya while nagmimiming galore si Anne, na nakaakabuset ang fake nahulog-ako-sa-motorboat effect. Lumalandi kaagad ang hitad, I lost my bikini top ang drama. Back at home drama dramahan din ang asawang si Cristine, why daw minake hubad yung ring nila. Ekpleyn ang Derek kesyo hinuhubad daw nya yun pag nasa client! Sa next meeting with Tirso nameet nya ulit ang Anne, heiress pala ng resort, pumaParis ang peg. May-I-pitch-in naman ang drama nya sa meeting para makuha si Derek, na supplier. Naglunchdate sila, may tour na naganap, inamin ni Derek na married na sya pero nauwi sa kama ang ending. Nagdeal naman silang di sya magiging mistress, dahil a woman can only be a mistress when there's love involved. Pak!

Uwi ni Derek, di sya like ng father in law nya. Di nya rin like ang father nya. Parang umiikot ang story sa father-son gaps pero no... nililito ka lang sa juicy part ng movie. Apparently, may kabit din ang father in law nya although parang di ko matatawag na mistress yun dahil mukhang hindi WOMAN yung teh sa eksena. Heniweys, lumalim ang landian moment nila ni Anne. Nagregalo pa sya ng bed post (or frame malay ko ba anung tawag dun) to fill up the spaces kasi you'd feel more alone daw may pag spaces.

At the same time umiimbestigate na ang Cristine kay Derek. Muntik na mahuli sila ni Anne na nagdidinner, as in hairline na lang eh nahuli na sila! Pero nalaman pa rin ni Cristine sa dulo nang tumawag si Anne kay Derek (yes borlog si Derek non at nakinig lang si Cristine sa tvoice, I know weird). Iyak iyak syang humingi ng tulong kay inang Carmi. Isa lang naman advice ni miss Carmi, ipack na ang Lucy Torres (talaga lang ha? Lucy Torres ba talaga ang iniispoof ni Cristine sa first half ng movey?) at ilabas na si Gmretchen, dahil sya ang epitomiya ng pagiging bitchessa.

Nagkaron ng confrontation, although pailalim ang tirahan. Una ambon lang na naging ulan, bagyo, at unos... parang umoOndoy ng bitch lines si Cristine. Ininvite pa sa balur para lang ipakita kay Anne kung sino ang orig. Di naman pinatulan ni Anne, pero lumabas na rin sa bibig nya na in lurve na sya. What would you do when the man you're in love with is unfortunately married?! Question ba yan kay Miss Angola? choz

Ayaw pa rin paawat ni Cristine, sumama pa sa resort. Akala mo naman ikinaganda nya ang pagtapak sa teritoryo ng kalaban nya. Pabonggahan ng katawan at panipisan ng swimsuit. At sa wakas nag-aminan din sila, yes kumakabit ang Anne! May pagod na ako drama si Cristine at please don't leave me effect si Anne. In the end pinili ni Derek si Cristine, pero iniwan din sya.

Nagsara ang business ni Derek. Hinabol sya ni Anne para magsorry pero pahabol effect ang Derek, until ayun naaksidente ang sinasakyan nya. Natuhog sya ng mga bakal bakal, parang napanood ko lang yan sa Final Destination ha. Heniweys, dinala sya ni Anne sa hospital. Iniinnerview sya ng nurse ng sabihin nyang di sya ang wifey kaya ayun napilitan syang tawagin si Cristine. Sa chapel nagkita ulit sila, nagsorry ang Anne kay Cristine at humingi ng tawad para kay Derek. That's not for you to decide. Pak!

After gumaling ni Derek, hinanap nya si Anne sa Costa Luz pero galit na binati sya ni Tirso. Piece of advice, if you stop hating your dad then you start acting responsible. Naabutan nyang paalis si Anne para hanapin daw ang sarili nya. Siguro lalandi na naman sa New York. After some time, bumalik ulit sa Pinas ang Anne, kung san nya nakita sa tianggean sila Derek at Cristine, may anak na. Pero ayaw pa rin paawat ang Cristine, kelangan ikiss ang Derek at baby. End.

Hatol:

Hindi sya isa sa mga original stories. Dahil paulit ulit na lang ang mga kwento. Ilang telenovela na ba ang may ganitong plot? Temptation of Wife. My Neighbor's Wife. Basta may wife, masama na kagad yan hahah. Ok fine kung sa aktingan lang naman eh parang di naman ako namove, parang natural lang ang landian nilang lahat onscreen. At may aktingan ba talagang naganap? Parang naghubad lang sila at nagfashion show. Sabi sa twitter account ni @krisaquinoSTD si miss Carmi Martin daw ay nagdeliver ng semi-brilliant na performance. But she's Carmi Martin, she'll be brilliant regardless. Nung humahagulhol sya akala mo umooverflow lang ang Angat Dam.

At ang mga litanya bonggey talaga. Sino bang beks ang scriptwriter nito? Antaba lang ng utak. Rumarub-a-dub-dub, two bitches in a tub. Bitch kung bitch. Double bitch kung double bitch. Baklang bakla! Parang ekwentro nga daw ng dalawang dragonessa! Sya rin ba yung writer nung Iisa Pa Lamang nila Angelica at Claudine?! Kung oo, howell recycled stuff here. Choz

Implikasyon:

Ewan ko ba kung nangyayari ang ganito sa totoong buhay. I mean yah know yung ganito kabonggang agawan. I know kaliwa't kanan (mostly kaliwa choz) may nagaganap na ahasan. Ikapitong utos ng Diyos, thou shall not commit adultery. Pero kabilaan din ang portrayal nito sa media ngayon. Wala naman akong karapatang manghimasok sa buhay ng iba, buhay nyo yan eh. Basta lang ang alam kong nangyayari sa totoong buhay... pag may kabit, binabaril sa SM. Or tinatakong sa mukha sa Market Market!

Sabado, Setyembre 24, 2011

Layshu!

Hang Them High by edgar j. ediza via Flickr.
Narito ang puso ko


Mangita ta sa Sugbu
(Unabridged version)
08.19-21.11

Nag-umpisa ang lahat sa aking pamimilit kay Arvy na gumora ako sa kanila sa Cebu. Mag-iisang taon na pala sya dun, like last year lang eh palagi ko syang kasama magbijowke sa Cubao tapos Wensha at biglang all of a sudden naitapon sya sa Cebu. And now ako naman ang dadalaw sa kanya (parang preso lang choz).

So naghanap ako ng cheapest airfare na magsasakay sa akin papuntang Cebu sa loob ng tatlong linggong preparation lang. Josko pag ganyan pala katight ng time eh cheapest na ang 999 one way. So ayun hinanap ko pa ang Zest Air sa Makati, tumakas pa ako sa office at nagpakaligaw sa may bandang Bangkal yata. Feeling ko papunta na akong Pasay kakalakad, ayun mahal pa rin naman ang ticket. Walang consolation prize na discount or pampasada showcase para man lang maawardan ang aking pag-eeffort!

At dumating din ang flight date ko. Madali namang nafile ang VL ko kasi most of the time pag midmonth eh petix ako. Magtitipid lang sana ako papuntang airport sa pamamagitan ng pagbabus to Baclaran at jeep somewhere sa area na yun pero pinangunahan ako ng takot na baka maligaw lang ako, malate, maholdap, or worse, magutom! Heniweys nagtaxi na ako from bahay, sabi ko lang sa driver "manong domestic po!" with an air of confidence pa yun aztif matagal ko nang ginagawa yun. Pero wag ka, pagdating ng Parañaque biglang Q&A ni manong driver "bago o luma?" Nawindang ako. Meron palang ganon?! Aba malay ko naman jan. Basta sa domestic po. Iniisa isa pa talaga ni manong driver yung mga airlines para matunton ang tamang airport ko, sa Zestair po!

First time ever ko sumakay ng plane. I know natanga tanga ako, mabuti na nga lang at mabait ang mga tao don, kung nasa government office ako eh baka minura mura na ako ng mga staff dabah. Sa sobrang shock ko sa first time eh di ako masyadong nag observe, para di naman ako magmukhang noob. Josko sa dami ng katangahan kong ginawa sa airport eh ewan ko na lang ba kung di pa ako obvious. Sabi ni Ezz eh parang sumasakay lang daw sa Space Shuttle ang pagsakay sa plane, naiskerd ako pero di naman pala ganong kaskeyri. Mas skeyri pa imaginine yung mga napanood mong aircrash investigation chorvaness at Final Destination.

Nakarating ako pasado alas diez sa Mactan. From there siguro 30-45 minutes ang byahe pa papuntang Mabolo sa Cebu. Yung apartment na tinirhan ni Arvy eh may hotel sa kanto, pinatandaan nya sakin yung place para kung sakaling maligaw ako eh alam ko san babalik. Castlepeak, pero dapat ganito sya ipronounce, Casolpeek. Naabutan ko sa bahay ang ilang housemates na sila Wendell at Lady, andun din si Kel na nameet ko na wayback 2009 papuntang Galera. Wala sa bahay ang Joross dahil lumipad pala papuntang Davao karay karay ang jowa para magcelebrate ng birthday at magfireworks.

Nagkuru kuro pa sila saan daw dapat ako itour. Naririnig kong binabanggit nilang place eh Guadalupe, Ayala at Shangrila. Ano yan, pinapunta nila akong Cebu para gumora sa Makati?! Bakit di na lang kaya sa Buendia or Magallanes tayo pumunta?! Kalurks same name lang pala. Bago gumora eh nakiinnernets pa ako, sa di maipaliwanag na pangyayari eh di ko maaccess ang yahoo mail ko. So worry worryhan ako, buset na buset na pala si Arvy. Akalain mo nga naman, pumunta akong Cebu para mag-ayos ng email?!

Kumulang kulang isang taon na rin si Arvy sa Cebu. Umalis sya one month before his birthday. Di man lang ako nalibre kaya oras na nang pagtutuos. Nagsasalita na rin sya ng Cebuano. Oh dabah andami na nyang alam na languages: Filipino, English, Nihonggo (sukoshi), Ilokano (dijay ti banger), Bikol (pabakal tabe?) at heto nga Cebuano. Gusto ko rin naman matuto magsalita ng Bisaya pero gusto ko Ilongggo, para mas sweet daw choz. Nagpaturo pa ako ng ititweet. Ano ba sa Cebuano ang "kitakits sa Cebu." Sabi nya ilagay ko "Mangita ta sa Sugbu." Tweeted. Tama ba yan? Ibig sabihin pala noon "hanapin natin sa Cebu." Buset, buti na lang nagbuckle ako sa pagtitweet. Expression daw ng mga Cebuano ang "oy" na parang equivalent sa Tagalog at coniotic ng "eh" na wala naman talagang meaning. Meron ding bekinese ang mga Cebuano, at ayon sa claim nila eh mas mahirap daw ang Tagalog version. Sa tagalog bekimon kasi magulo ang etymolgy na may hugot sa Japanese, English, at Ngongo. Sa cebuano bekimon binabaligtad lang daw nila ang words. Like the word sosyal. Sa tagalog bekimon shala. Sa cebuano bekimon layshu. Ewan ko pano naging baligtad yan basta yan ang term nila. Layshu!

Mejo confusing pano magtravel sa Cebu. Pwede mo namang ijeep yung most of the way pero kelangan may lakad involved dahil may certain routes lang na dadaanan. At di uso ang karatula sa mga jeep like Pasig-Quiapo or Stop n Shop-Cubao-SSS Village Marikina. Sa kanila nakalagay lang 4A or 16B. Kelangan alam mo kung san papunta yan. Or else magboboxi ka, which is madalas naming ginawa para mabawasan ang pag-aalay lakad. Sa isang jeep buong pagmamalaki ni Arvy sakin:

ARVY: Oy wag ka, tinanong ako ni manong driver kung estudyante daw ba.

ATHAN: Kung ikaw estudyante eh pano pa ako nyan? Pupil?

ARVY: Pupil?! Akala yan yung nasa mata.

ATHAN: Eh kung sikmuraan kita sa mata jan?

First day eh pinatikim na sakin ni Arvy ang lechong Cebu. Gumora kami sa CnT na dinudumog ng mga tao dahil sa sikat nilang lechon. Kaso sobrang dumog ng mga tao eh lumipat na lang kami ng location sa SM branch. 300 php din sya per kilo ata, bumili pa si Arvy ng puso na parang rice lang na nakabalot sa dahon ng saging or something at parang lasang niluto sya sa kahoy dahil sa parang mala usok na lasa. Naghanap ako ng utensils yah know like spoon and fork pero wala. Ang binigay sakin plastic. Apparently ganito ang pagkain sa Cebu, magkakamay ka pero may lamination involved. Di pa naman ako sanay magkamay, wala ba talagang spork man lang or chopsticks?

Right after lumafang eh inexplore muna namin ang SM Cebu, hondoming taong sumashopping ha at infernezz walang namamaril ng kapwa shoppers. Mukha rin silang Tagalog, iba nga lang ang salita hahah. Iniisip din nila sakin mukha akong Bisaya iba lang ang salita. May mga nanghihila pa sakin, binebentahan yata ako ng credit card o bahay at lupa. Di ko alam, or baka minumura na ako. Then ang IT Park kung saan sya nagtatrabaho, right across ng gate eh meron akong nasight na casol or cathedral, Pagcor lang pala. First day ko pa lang sa Cebu eh inulan na kagad kami. Third pitstop ang Ayala, na mukhang Ayala malls daito sa Manila, like may elements sya ng kisame ng Glorietta, at ng open area sa Greenbelt 3 at gardens ng Trinoma, at a little bit din yata ng Landmark. Fourth pitstop ang Sto. Nino Church, kung saan nagwish ako sa Golden Sto. Nino na dinudumog ng wishers ha. Prayer for world peace naman yon choz. Katabi lang nun ang Magellan's Cross na parang wala lang kasi mas majestic sya sa postcards. Sana naging postcard na lang sya. Next stop ang Fort San Pedro, na parang mini Fort Santiago, azzin enclosed syang fort na parang triangular ang shape. Next pitstop for the day ang Cebu heritage na parang sculptures na nakahambalang ang parke sa gitna ng kalsada. Bago pa umuwi eh naghanap pa kami across Cebu ng mabibilhan ng cheesecake panggift daw. Red Ribbon, Goldilocks, Breadtalk, Starbucks, pati Sbarro pinasok namin pero wala kaming nakitang cheesecake na swak sa budget. Last resort naming nadaanan ang Dessert Factory at wala nang patumpik tumpik na binili ni Arvy ang isang kahon. Bumorlogz na kami after mamaltos ang paa ko kakalakad.

Kinaumagahan tinamad pa akong magkikilos. Nanonood sila ng Myx sa TV nang biglang namangha ako sa music video ni Ely Buendia sa 20/20. Naglalakad sya sa pinakamatatraffic na kakalsadahan ng Maynila at walang sasakyang dumadaan pramis! Atzif nagrapture na at inuna ni Lord ang mga trapikero. Gusto ni Love Añover ng ganyan. Habang manghang mangha kami ni Arvy eh parang walang konek ang video sa mga housemates. Di pa kasi sila nakatapak ng Manila.Pag tinanong nga kami san ba magandang mamasyal sa Manila, clueless ako kung saan ko sila ituturo. Intramuros? Fort Santiago? Nayong Pilipino? That is so elementary field trip. NKKLK yung isang officemate ni Arvy na si Star. Nagpabook daw ng travel to Enchanted Kingdom, with hotel accommodations na daw yun for three days. Pero ang gustong tamblingan after ng booking eh sa Bulacan. Oh dabah ginawa lang nyang piko ang Slex-Edsa-Nlex.

Agenda for day 2 eh ang pakikibirthday ako kay Lady, boodle fight daw. Ang sarap pala ng Battle of Mactan, may kilawin, sugba, mangga at kung anu ano pa yumyum. Dala namin ang blueberry cheesecake from Dessert Factory, na sobrang makacream cheese sa kapal. Favorite cake daw yun ni Lady kahit never pa nyang natikman, weird lang ano. Parang sinabi kong favorite vacation spot ko ang Paris kahit never pa akong nakalabas ng Pinas. Di ko lang alam kung magandang experience yun kay Lady dahil di naman kasarapan masyado ang cheesecake na yun.

Then tambling kami to Mactan ulet para makita ko yung real life Battle of Mactan site hindi yung boodle fight. Katabi lang pala non ang sutukil na akala ko eh bisayang version lang ng shoot to kill pero sabi ng aking source eh abbreviation daw yan ng sugba-tulaw-kilaw. Di ko naman natikman yon dahil busog pa. Then miming na sa Portofino... errr kaso lang nabuset kami dahil nawalan kami ng gana sa place dahil andaming mga tao eh napilitan kaming magchange location.

Tambling kami via habal habal, which is a local term (term daw oh?!) sa may-I-angkas-to-the-motor. Naiskerd talaga ako pero di ko naman naipahalata dahil maayos naman ang pagkapit ko kay kuya. Siguro lang talagang hindi ko pastlife ang pagfa-5-6 choz. Bigla namang nagalit ang kalangitan at umulan, kehlalaki ng patak at ang sakit tumama sa mukha at sa skin, dahil na rin siguro sa epekto ng pagspeed up sa habal habal. Wala man lang kasing helmet. Akala ko nga uso ang hailstorm sa Cebu eh. Lalo akong natakot, naisip ko na lang na buti dala ko yung Maxicare ko para kung sakaling madisgrasya ako eh may sasalo hahah.
Josko kung may mangyayari man sa akin, sana lang eh may accredited na hospital na malapit or papatuloy ko nang mategi ako choz.
Mas layshu ang nalipatan namin sa tumataginting na 750 per pax inclusive ng buffet. Whitesands ang name ng place, although di naman talaga white sands sila dahil di mo maaatim na lumublob sa tubig dahil sa taglay nitong lumot at unknown living organisms. Sa 4 feet pool ka na lang talaga magsiswim swiman. Pagkarating sa place eh hinabol ko talagang makapagbuffet, kasi naman hanggang 1:30 lang. Sinulit talaga, that is so deadhungry of me like an Animal Planet, considering kakakain ko lang nyan sa Boodle fight ha. Nagtataka lang ako bakit andaming Korean sa lugar na yun, although napansin ko naman sa kalakhang Cebu eh merong Korean here and there, dito talaga andami nila. Parang invasion na. Dapat ang motto ng tourism natin: Pilipinas Kay Ganda: South East Korea! I've heard na nag-aaral ng English sa pinas yang mga kimching yan dahil mas mura ang cost of living dito at nakakapaglamyerda pa sila. Ang pinakanakakabuset nilang ginawa eh hinoard na nila ang jacuzzi. Di tuloy kami makapagnyiknyuran don gamit ang layshung underwater cam ni Arvy ang brand Fuji, akala ko nga Kodak.

After ng mimingan sa Mactan, dumaan kami sa isang salon para magpajupit ng nails si Arvy. Eh naisip ko kelangan ko na rin, pedicure lang kasi I'm skerd magpamanicure. Feeling ko paduduguin nila ang kamay ko. Gora kami sa Salon d' Orient, suki na daw don si Arvy. Dalawa lang ang crew that time. Yung isa kayod sa manicure at pedicure, dahil yung isa sa hair lang ata. May nauna sa aming majubang lola nangangamoy layshu. Mejo matagal ayusan si lola kasi umaarte pa sya at more kain muna ng meryenda kaya inuna muna si Arvy. Akala ko ako na ang next pero no, shift back kay lola. Nung di pa rin tapos kay lola, ako na yung sinervicean ni ate. Pero wait there's more singit si lola, andaming arte nya, yun pala pauwi na sya. Jirita! After ng pedicure, tinanong ako ni ate kung go daw ako sa kamot. Buti na lang naalala ko kamot pala is kamay, tiil ang paa.

Madaling araw eh nagpunta kami sa lugar na tawag nila eh Larshan na parang ihawan etc. Since wala akong ganang kumain eh nag isaw lang ako at puso, akswali mejo kaderder yung nakain kong isaw kasi ampait nya. Namiss ko tuloy yung Tusok fried isaw sa Cubao at yung isawan sa UP.

After non eh gora kami sa Mango na parang Cebuano version ng Malate. Pumasok kami sa Numero Doce bar na nag-iisang bex bar sa lugar. Dito ko pala makikita ang bex ng Cebu, pero parang wala akong masyadong bet, siguro di lang talaga ako pang ganitong nightouts. Heniweys, later nagyaya na si Arvy magbijowke. Syempre may tama na ako sa dalawang bote ng Gilbey's (hangweak) at ayun todo birit na ng mga anthems ko: Stitches and Burns, Himala, Before I Let You Go. Si Arvy ashushwal nagblast to the past ng 80s songs. Finale ang Boys Fall In Love. Shett asan ka na ba love? hahah. Last stop for the midnight ang massage spa, minus the extra service ahahah.

Last stops before ako umuwi sa Manila eh namili ng pasalubongs sa SM, imbes na gumora pa sa Shamrock na out of way pa. Nagmeryenda lang kami sandali sa Ayala at what do we have here... may unos na sa Cebu, baha kagad ang kakalsadahan. Dahil jan pati ang flight ko pabalik ng Manila eh nadelay, like 2 hours late.

It was nice seeing Cebu. Third island ko pa lang yan na natutuntungan sa tanang buhay ko, after Luzon and Mindoro. Maybe I'll visit again one time. I love you Cebu, thank you and good night! Concert?!

Akala ko makikita ko ang puso ko sa Cebu, yun pala kanin lang.

Huwebes, Setyembre 22, 2011

Unan

Blue Damask Pillow by diffractionfiber.etsy.com via Flickr.
"Unan ka ba? Kasi... kumukulo na yung tubig."
~Boy Pickup



"Unfriended a highschool classmate for being too whiny on her FB wall. Spare me the rant, we're already 3 decades old."
sey ni Jay na isang highschool classmate ko sa FB wall nya. Malamang hindi ako yon dahil nababasa ko pa ang wall nya. Nacurious lang talaga. Yah know naman what it did to the cat dabah, ginawa syang siopao choz. So ayun mejo naglipana ang mga highschool classmates ko para lang madawho kung sino ito.

First clue eh 'her' ang ginamit na pronoun kaya sure na gurl ang salarin. Either that or may Pinoy defect si Jay sa pronoun gender confusion. Or sanay na sya sa pronoun gender transposition choz. May followup clue sya na umagang umaga kumacapslock. Di kaya may matinding case ng Kanye West syndrome ito or talagang sira ang shift key?!

In the end hindi ko rin nahulaan kung cynthia. Okay fine, iniisa isa ko lahat ng nasa batch namin, tutal 108 lang kami gumradweyt and for what? Sumakit lang ang ulo kakaisip at kakasearch sa mutual friends list namin. Infernezz ha di ko kinailangan magkape sa hapon. Konek?

So ayun napansin ko lang hindi lahat ng tao eh matatanggap ang sobrang kaemohan or sobrang gurlet or sobrang daldal, basta anything sobra is like so uh-uh. Urteh! Eh ako naman eh I can appreciate some of that, parang lafftrip lang yah know. Habang bumibitter ang iba eh gulong ka na nang gulong. Pero may limitasyon din, kasi di naman lahat cute or funneh. Lalo pa nga siguro kung makapagcapslock nang wagas eh akala mo wala nang bukas. Para kasing may pagsigaw na effect nagaganap. Hindi ako bingi teh, or bulag (in this case) sa iyong 48 font size na shout.

It's just that iba iba tayo ng levelling ng threshold for such, lalo pa't tumawid ka na sa ikatlong dekada mo. Gaya nitong isang kilala ko na nag-expire na sa panahon ang sense of humor. Ang eksena: may imbayt kami sa isang outing sa may Batangas. Inilatag na ang cost analysis: tumataginting na one thousand paysows. All-in naman na daw yun, transpo, accommodations, food. Pero etong si Janice na taga Batangas din eh kinekwestiyon ang pricing strategy why daw ubermarkup. Ang sagot lagi samin all-in na daw yun. At naglabas pa ng menu: lahat nakakatakam na food. Eh napansin namin walang rice sa list, so pajowk namin sinagot:

Janice: Walang rice?! Ganon?

Arvin: Common sense na lang.

Janice: Kelan pa kinakain ang common sense?

Arvin: Wala kang kwenta!

Nasobrahan lang siguro sa kape si Arvin at halos malasahan mong pumapalaot sa atmosphere ang charantianess. Is it just me (and Janice) or mahirap bang matrace ang sarcasm sa line of questioning namin? Tumatawa nga lang kami ni Janice pero seryoso talaga si Arvin nung sumasagot. Pramis!

Para lang yang si Boy Pickup. Di lahat nauunawaan sya. Or mababaw lang talaga kami ni Janice? Para lang akong unan. Kasi kumukulo na ang dugo ko. It's just sad to see end of friendship nang dahil sa capslock, or punchline.

Please don't unfriend me. Please!

Linggo, Setyembre 11, 2011

Level Down

Level Down
September, 2011


Hongtagal ko na palang di nagbablog. Walang time kasi, although petix naman talaga ako lately sa office, wala lang talaga akong masyadong air time sa innernets dahil ang kapatid ko makapaghoard sa PC eh akala mo... well, sa kanya naman talaga itong computer hahah.

Heniweys, naisipan ko lang ulet magblog, slight lang. Una dahil naangkin ko sandali ang computer. Ikalawa dahil di kasya sa tweet ang kwento ko. And it goes a little something like this.

Well yah know I was supposed to sorta kinda go to Naga for the Peñafrancia this year. Pero due to unforseen circumstances... well... wala naman talagang ganung factor... wala lang talaga akong kasamang gumora dun this year. Ang batch one na nakasama ko dun na sila Ezz eh tipid tipiran dahil sa kajiraffan. Ang batch two ko na nakasama dun na si Ef naman eh parang wala akong balita lately. Saka baka may makita akong multo dun, yah know like a ghost of emo's past.

Gusto ko pa naman sana gumora sa Naga via Hogwarts Express. Shushal, dumadaan pala yun from platform 9 and 3/4 via London, Tutuban, Alabang, Naga at next stop Hogwarts na! Choz lang, yung bagong revive kasi na tren to Bicol eh operational na sana kaso biglang binagyo kaya binaha ayun stop operations yata noong August. It's ok naman kasi akala ko makakakuha ako ng cabin don ala Harry Potter pero no, meron ka lang bunker beds na may kurtina sa tumataginting na one thousand pesos.

Tinatanong nga sakin ng aking ina kung sumumpa ba ako ng panata sa Ina ng Peñafrancia. Buti na lang hindi dahil baka mawarla nya ako yah know, baka iblock/delete nya ako sa FB. choz. Well, balak ko pa rin dumalaw dun minsan, another time siguro para magkasarilinan kami ni Inang Mother. Baka may effect ang paglift ng curse sakin hahah.

So yeah dahil sinabi ko sa sarili ko na kapag di ako nakapunta ng Naga this time of the year eh mapapaaga ang pagbili ko ng laptop... para na rin makapagblog uli ako regularly. Nagdarasal din ng taimtim ang kapatid ko na di ako matuloy sa Naga, kasi ba naman malalaro nya yung online game nya sa more powerful na processor. NKKLK!

Basta September ha, wake me up before you go-go. Kasi ayoko na maremember ang 17th night of September. Emotional Valium, anyone?

Miyerkules, Agosto 10, 2011

Endangered

Photo by accwai via Flickr.
Clarity, Inner peace, serenity.


Papi Chulo 11: Clear History
08.11.11


Pierre: Friend, alam mo pano magdelete ng history?

Chester: Sorry teh, I don't delete history. Cause history repeats itself. I thank you.

Pierre: Chosera ka, sa browser!

Chester: Anong browser ba gamit mo?

Pierre: Moz... ayyy, Chrome pala.

Chester: I'm sorry, I don't do Chrome, nor Plus. I just do.

Pierre: Do?

Chester: Google teh. I just google. Igoogle ko ba brain mo ngayon? Nalolost ka ata teh.

Pierre: Punyeta ka!

Chester: Ganun talaga. Kamusta naman ang lamyerda mo teh?

Pierre: Ok naman. Oh my, nakita ko si Gian sa Malate.

Chester: I'm sure, san pa ba namumugad ang mga beks?! Sa Cubao at Malate lang naman.

Pierre: At take note nasa Greenbelt din sya the last time.

Chester: Malamang, maraming tao sa Greenbelt kaya it is possible na nasa same place kayo at a given time. Magugulat pa ako kung magkita kayo sa isang deserted island.

Pierre: Ano yan temptation island?! Don't temptation me hahah. Who knows, it might be destiny.

Chester: Yah know destiny is overrated. There's no such thing as destiny, there is only coincidence.

Pierre: Basagera ka talaga ng trip. Basagin ko fez mo eh!

Chester: Ito naman warlatic. Ginigising lang kita. Huy infernezz, bet ko yung pinost mong vid ng Parokya ni Edgar. Pangarap lang Kita, that is so my theme song. Umeeleses na naman ako, nagrereklamo na yung shupetbahay namin sa baranggay for reckless bijowkeyness resulting to bleeding eardrums I don't care.

Pierre: I know, frustrated songstressa ka teh. Azzin nakakafrustrate kung kumanta ka, sana may sumalaksak na lang sa lalamunan mo ng something nang matahimik ka na! hahah

Chester: Galit na galit, pinadugo ko na ba ang tenga mo teh. Heniweys, as I was saying relate na relate ako sa song na yun, Pangarap lang Kita.

Pierre: Yes, hanggang pangarap ka lang naman eh. Mag mocha frappe ka kaya?

Chester: Cheh ka! That is so me kasi lalo na yung second stanza.

Pierre: Alin don yung "mahirap maging babae"? Teh sabi ko sayo yung pinangloload mo ipunin mo muna para makagora ka sa Thailand at magpasex change na.

Chester: Ayyy di ko naman inilusyon magkaron ng pechay. I mean yung next line don.

♫♪♫ ...kung torpe yung lalake Kahit may gusto ka, di mo masabi. Hindi ako yung tipong nagbibigay motibo. Conservative ako kaya di maaari. ♪♫♪

Pierre: Torpe at conservative talaga?! Parang hindi match.

Chester: I know! Ako lang yata ang ganyan. Endangered na ako teh!

Pierre: And to add, feelingera ka din.

Chester: Buset! Inggitera ka lang.

Pierre: Anong gusto mong gawin ko, iregister ka sa world wildlife fund? Ipapablotter na ba kita sa women's desk na if ever may nangyari sayo, nategi ka or worse... naubusan ka ng extra rice, ganon?!

Chester: Lecheng to di man lang sincere ang concern mo sakin.

Pierre: Wala ka kasing mapapala don. Torpe at conservative?! Di ka na nga nagsasabi ng gusto mo dahil torpe ka, at di ka rin naman nagrerespond sa may gusto sayo dahil conservative ka. Hindi ka na nga passive, di ka pa aggressive.

Chester: I know right. Baka it's meant to be, me by myself. Loving myself and all that dramaness. I hate that I love it!

Pierre: Baka it's destiny. Mamamatay ka na lang teh di ka pa magkakajowa. Endangered ka na nga. Pwede ka na ihanay sa monkey eating eagle.

Chester: Ayyy gusto ko panda teh.

Pierre: Bagay sa eyebags mo at sa lumalaking tyan mo.

Chester: At ikaw naman pwede na ihanay sa langgam. Padami nang padami kayong makakati!

Pierre: Alcohol lang ang solusyon jan. Lasing lasingan, gusto magkatikiman?

Chester: Lunurin kaya kita sa Red Horse jan.

Pierre: Happy Horse na lang teh para endangered din.

Chester: Gora nomo na!

Pierre: I know nag-eemote ka na naman.


Sana ang puso at utak parang browser lang, pwedeng magbookmark anytime at pwedeng magclear ng cache. Cause history repeats itself. Yun na!

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips