Martes, Setyembre 30, 2014

Sa Loob o Labas ng Kubyerta


Ako nga pala si... hindi na yata mahalaga yun. Basta ang alam ko mali ang intro ko. Sabi ng aking maestro sa Panitikan noong fourth year college si ginoo/ginang/dimawari Romeo Flaviano I. Lirio, PhD na dapat daw wag ka magsimula ng iyong akda sa "ako si" lalo na kung "ako ay si" kasi wrong gramming na agad yan. Magsimula ka sa isang tanong o anekdota o isang "ganap." Okay, take 2.

"Sino kayo? Nasaan ako? Pakawalan nyo ako! I did not kell anybody!"

Tubo akong Mandaluyong. Di ko masasabing born and raised dahil ang totoo pinanganak ako sa hospital ng Perpetual Succor sa Maynila. Alam mo ba na ang tagal nyan ay laging saklolo, ang lalim di ba choz. Anyway ayun na nga going back sa Mandaluyong ako nagkaisip, lumaki, at malamang dito rin ako mararatay sa wakas ng panahon. Pero malayo pa yun. In my *ehem* years of existence, I can say I am happy were I am dahil happiness is a state of mind. Happiness is relative; happiness is a choice; happiness is what you make of it. Motto ko na yata yan. Therefore ang ambition ko is to be perpetually happy. Pero alam naman natin there is no such thing.

Anyway ayun na nga nasaan na ba tayo? Yes sa Mandaluyong. Bilang taga Mandaluyong nga ako ang natatanong lagi ng mga tao, "sa loob o sa labas?" Malamang sa loob dahil kung nasa labas ka eh di Maynila, Pasig, San Juan o Makati na yon. Pero may other connotation kasi ang loob.

NCMH. National Center for Mental Health. In short, Mental. May institution kasi para sa mga wala sa tamang hulog ang pag-iisip. Mga baliw. Sino'ng dakila? Sino ang tunay na baliw? Sino'ng mapalad? Sino'ng tumatawag ng hangal? Thank you Kuh Ledesma. Infernezz maganda sa NCMH ha. Malaki ang lupain at napapalibutan ng forest ang mga pavilions. Parang nasa probinsya ka lang sa loob ng lungsod. Nagjajogging din ako dito paminsan minsan. Buti na lang di nila pinapakawalan ang mga patients para habulin ako ganyan. May rebulto rin dito si Sisa featuring Crispin and Basilio. Nakakalungkot isipin na si Sisa pambansang larawan ng pagkawala sa sarili ngunit ang totoo ay sya ang larawan ng hinagpis ng isang inang nawalay sa kanyang mga anak. Pwede ba iupdate na natin yan. Si Kris Aquino na lang ganyan? Dahil you do crazy things with love. At sya ang modernong epitomiya nyan.

Anyway ayun na nga, kapag tagaloob ka baliw ka agad. Yun ba ang distinguishing factor ng Mandaluyong? Mejo nakakaoffend ha. Pero sa paglaon ng panahon eh nasanay na rin ako. So sa susunod na may magtatanong, "sa loob o sa labas?" 

Minsan nasa loob, minsan nasa labas. Oh di ba eh di nilito mo sila. Or lalo mo lang pinatunayan na baliw ka. Kebs!

Fact: Alam nyo ba na ang dating pangalan ng Mandaluyong ay San Felipe Neri? Ang patron saint ng laughter, humor, and joy. Kaya pala nakakahappy dito choz. Pinangalanan na daw na Mandaluyong galing sa salitang daluyong o alon. Citation needed. Ewan ko kung chinochoz ako ni Wikipedia.

Hindi lahat ng tumatawa ay masaya. Hindi lahat baliw. May magaling lang magtago ng kalungkutan nila. Kung sino pa ang malakas tumawa sya ang malalim lumuha. Drama drama. Kaya nga minsan feeling ko bumoborderline na ako. Minsan nasa loob. Parang kulo, nasa loob daw sa taong tahimik. Izz not healthy na magkimkim ka ng nasa loob mo kaya eto minsan nagsusulat, nagbablog, nagsasoundtrip habang lumilipsynch sa kanta nila Kelly Clarkson, Adele, at Alanis Morrissette habang tumatawid sa tulay ng Guadalupe. Release release din pag may time. Dahil mag pumutok ang Pinatubo, catastrophic. Baka matuluyan ka ipasok sa loob.

Ikaw ba, sa loob o sa labas?


____________________
Photo by luca's eye via Flickr.
*Crosspost mula sa Wattpad. Ipagpaumanhin ang hindi mala Deniel Pedelle or Jims Red na kalidad* Link: Wattpad

Emo Leech


"Get out of my house! I don't need a parasite!" ~Maricel.

Kapag naririnig ko ang salitang parasite parang nagbabalik ako sa grade 4. Quiz, get one half sheet crosswise. Mahirap ka na nga pero mas mahirap pa ang mga classmate mo at sayo pa magsisipaghingian ng papel. I don't need a parasite!

Maraming parasite. Pero parang madalas mga insekto sila na mahirap tirisin. Mga blood thirsty lamoks na mabuti naman pasalamat sa Diyos hanggang ngayon eh kahit hinahabol nila ako eh di pa rin ako minamalarya at dinedengue. Mga kuto na kaya ka raw ilipad pag dumami na sila sa ulo mo. Siguro dapat ang hive nila umabot sa 25,000 para kaya nila magbuhat ng mga 30 kilos. Pati garapata ni Brownie gusto ka rin sipsipan.

Ang pinakanakakadire yata eh ang linta. Makakakuha ka lang nito pag mahilig ka magbabad sa mga ilog ilog malapit sa mga palayan. Like dikit na dikit daw sila ang maninipsip din ng dugo. Well, sa panahon ngayon nagagamit na yan sa medical field dahil pinagsisipsip daw nila ng bad blood. Linta is linta. Nakakaderder. Naninipsip. Di lang naman dugo lang ang pwede sipsipin. Pwede din emotions.

Enter stage si Jeff. Kakagaling lang sa breakup. Drama drama ang peg. Nameet nya si Jericho na nagmagandang loob lang naman na icheer up sya sa moments ng kadramahan nya. All of a sudden inlababo na agad kay Jericho. Mabilis magmove on ganyan. Kelangan yata makaquota ng heartbreak ganyan. Wiz three-month-rule. Ok sana eh kaso may jowa si Jericho.

Enter stage si Ryan. Nag-eenjoy lang with himself sa Bora nang mameet nya dun si Jeff bilang sa iisang social network lang naman sila umiikot. Boom, nainlab bigla ang Jeff. Parang nagSimeco lang. Ambilis di ba? At dahil prenship ni Ryan si Jericho eh nakonek nya na may something ang dalawa. Pero prenship din kasi nya ang jowa ni Jericho, nagpresenta na sya para lang maiadya sa pagkakasala ang Jericho.

Back sa Manila, naging masugid na manliligaw ang Jeff. Biruin mo from Novaliches sumusugod sya sa mountain region of Antipolo para lang makaporma kay Ryan. Ganda mo teh! Pinagluluto rin sya. Sweet sweetan ganyan. Ang kaso andami pang priorities sa buhay si Ryan: work, family, work, deadlines, overtime, work. Madami! Open naman sila sa comms pero nagiging pushy at clingy din tong si Jeff. Kasi siguro dahil trenta na rin sya. Mejo latency na ang kanyang clock. Kelangan na magkajowa, kelangan na makaquota. Umaaylabyu, pero naiinis lang si Ryan. Kasi wala pa nga sa priorities nya. Eh push pa rin ng push si Jeff. Nagkasagutan. Mejo na-ouch ako dun sa side ni Jeff ha, pero ginusto nya yan eh. Hanggang sa dumalang ng dumalang ang comms at nanlamig na.

"Namimiss ka ba nya?"

"Siguro."

"Namimiss mo ba sya?"

"Siguro."

"Namimiss mo o yung attention?"

"Siguro yung attention lang." Parang ang sama sama lang ni Ryan pero it happens. You miss the feeling more than the person. Buti pa si Lea Salonga nareremember ang boy pero wiz na ang feeling... eynimore. Maiisip mo bang teka habulin ko kaya? O pag nagtimbang ka ng sitwasyon eh baka wala din patutunguhan.



Ginusto yan ni Jeff eh. Sugod kasi ng sugod sa lab. Emotional leech. Yung mga lintang kakapit agad sa kahit sinong magpaparamdam ng konting emotion. Konting titig lang go na agad. Karma nya ba si Ryan? Hindi naman nya siguro sinadya mabilis sya mahulog. Pero kung ginagamit mo muna ang isip mo bago ang puso mo, malalaman mo siguro ano ang tama, ano ang dapat. Kung ikaw si Ryan, wag ka din masyado pahopia. Sa mundo ng love, walang magpapakatanga kung walang magpapaasa. Ayaw ni Sarah ng ganyan, she doesn't need a parasite. Get out my patatas kitchen!
__________________
Photo by cris pop via Flickr.

Linggo, Setyembre 21, 2014

Babepota

Natutuwa ako at tumataas ang viewers ko lately. Pumapalo na sya ng hundreds infernezz. Pero mejo nababother lang ako kasi pag nagcheck ka ng sources eh mejo weird. Di sila galing sa inaasahan kong link posts ko sa lahat na yata ng social networking. Google search.

Ginoogle ko na sarili ko at mejo sawa na rin ako. For now. Ang last achievement ko eh maialis lahat ng koneksyones ng full name ko sa mga social networks. Yah know para mabango ang name pag nag-apply apply. Di naman ako on the lookout ng job pero yah know what I mean.

Going back. Ayun na nga kalurks ang mga google search papunta sa site ko na to.



Ayon sa monthly traffic sources stat ko eh may at least 31 na nagclick gamit ang Facebook. May 2 na direct sa blog ko gumora. Pero 86 dyan eh google search lang. At ang keyword entry: fat black cat choz. Mga hipuan, kiskisan, sex, mrt, hubad. Josko wala pa nga ako nasusulat na ganyang blog. May naggugoogle pa pano kumuha ng ihi para sa drug test. At nacurios din ako kelan ang birthday ni Tarzan. Pero ang point eh, anong ibig sabihin ng babepota? At sino si Arvin? Gusto ko rin sya mameet choz.

Beggars can't be choosy. Mabuti nga may visitors pa ako eh. Thank you sa mga nadapa lang sa site ko at maraming salamat sa mga tumatangkilik regardless ng topics. At sanay wag kayo malasin sa fat black cat. Love yah all!


PS. Curious talaga ako sa meaning ng babepota.

Martes, Setyembre 16, 2014

Foot-Rest ka!


Bawal daw kumanta habang kumakain. Bawal din mag-usap. Bawal nakahubad. Andaming bawal sa hapag kapag kasabay mo si lola. At dahil ancient sila sinusunod mo. Ngayon wala na sila, nakakamiss pero ginagawa mo na ang gusto mo. Bawal bawal pa sila eh kapag kumain nakataas ang paa sa silya. So barbaric, I know right! Pero yun yata ang pinakamasarap gawin habang kumakain. Ang magtaas ng paa. Kaya siguro di pinagbabawal ni lola.

Binenta ni mama yung lumang PC sa kwarto ko. Sira na yun daw at di na ginagamit. Di ko nga sure kung may laman pa talaga yun o housing lang. Ginagamit ko kasing patungan ng paa. Foot rest. Yah know ang dugyot ng kwarto ko, madaming kalat at tambak dito at dyan. At dahil practical ako, eh imbes na itapon na lang yon--dahil nga di na magagamit like baka sa Minesweeper lang maghang ka pa--ginawa ko nga syang foot stool. Not for any ergonomical reason or what not, kebs ko ba dun. Nakasanayan ko na. At sa ngayon hinahanap ng binti ko yung pagpapatungan nya sa harapan ko.

Minsan iniisip ko na lang na may imaginary foot stool sa harap ko. Pero mahirap naman magpanggap di ba? Ako lang ang mangangalay. Bakit ganon, minsan akala mo basura lang at walang silbi? Kapag nawala na sya, naitapon, naipamigay, nabenta... saka mo lang maiisip na kailangan ko pala sya.

Kaya kapag pinagsabihan ka na ng ancient, makinig ka. Bawal kung bawal. I miss my lola. I miss my old PC. I miss....

____________________
Photo by Victoria Livermore via Flickr.

Sabado, Setyembre 13, 2014

Depression


May nagstatus: "The most painful part is you don't care and I expected that you care." 

I care about my job ser, I care about you. And my job is like to carebear this care care system. Anodaw? Care ka kasi ng care eh kebs naman sa pagcare yung isa. Ang most painful word kasi jan hindi yung care or absence of it, kundi yung expect. Expectation vs reality. Expect ka kasi ng expect alam mo naman marami na'ng sinirang buhay nyan. WAG MAG-EXPECT! MAY NAMATAY NA DITO!

True to life story ito I swearz. Nabasa ko lang naman via FB. Drunken status posts daw. Wala naman masama. Think before you post, hindi drink before you post. Pero nangyayari naman to. Lalo na sa akin na periodically emotero. Like pag bilog ang buwan mataas ng emo rate ko. Dahil water sign daw ako kaya nahihila ng gravitational pull ng moon ang aking emotions. Nag-explain talaga. Anyway ayun nga nagawa ko na ring magdrunken status posts before. Yun kasi yung puntong parang ambaba ng inhibition mo at kaya mo sabihin (o isulat) ang nasa isip mo. Less control sa thinking process and more power ang feeling mechanisms. So depressed ka, alangan namang magmumukmok ka lang sa sulok. Sumigaw ka, ilabas mo yan. Dahil pag inipon mo, baka mamatay ka naman sa kunsumisyon.

How do you handle depression?

Ako, dahil likas na emotero nga I like listening to music habang nag-eemote. Yung tipong nakikinig ka full-blast sa ipod mo habang naglalakad patawid ng tulay mula Guadalupe hanggang Boni sa ilalim ng ambon, hindi iniinda ang takot na baka may mangholdap sayo na mga batang hamog or worse ma-inhale mo halimuyak ng ilog Pasig. Nakikinig lang at naglilipsynch sa mga Alanis Morrisette at Kelly Clarkson at Adele at sinasabi sa sarili mo: Ayaw ko na'ng mangarap, ayaw ko na'ng tumingin, ayaw ko na'ng manalamin. Nasasaktan ang damdamin. x2. Music helps soothe the soul, at kung anu ano pang ganyang pagjajustify ng kaemotan. Pwedeng may tulo luha to the side ka pa if you want pero again this is another form of release ng depression.

Blogging. My ultimate release. Siguro sa mga nasulat ko, kalahati dun sa mga naudlot na lablayps. Yes marami nagpaasa ganyan. Hindi naman porket nagsusulat ako ngayon eh heartbroken na naman ako, depressed na naman ako ganyan. Nakakanta na ako sa Guadalupe. Kesa naman pinagkakalat mo sa prends mo kung paano ka sinaktan ni kuwan eh isulat mo na lang. Baka wala silang time makinig sa drama mo. O sawa na sila. Isulat mo na lang. Malay mo kumita ka pa sa Wattpad tapos gawing MMK episode o pelikula ng Star Cinema and all that shett.

Eh paano kung tahimik kang tao? Paano ka maglalabas ng sama ng loob?

Etong is officemate mga isang linggo na ata di pumapasok. Aba malay naman namin ano na nangyayari sa kanya. Napansin lang namin na nadisengage na sya sa work at kami na ang nag-aabsorb ng tasks nya. Iniisip namin kung nagdodroga ba sya o baka may nabuntis o baka may nilipatang ibang work na. Hindi namin alam at di ata namin malalaman. Dahil ganung klaseng tao sya. Tahimik. Nasa loob ang kulo.

Nakonek na lang ng isang teammate namin na baka depressed sya dahil naooverride yung mga decisions sya minsan. I have no reklamo naman sa work nya dahil mahusay sya. Pero dahil nagpapaapekto sya sa pressures, pati kaming naiwan eh apektado na. Para syang kabute, paminsan minsan lang papasok. Wala pang pasabi. Minsan ikaw na lang ang magugulat na: Ayyy, pumasok pala sya?! Ganyan.

Ok lang madepressed. Wag mo lang siguro dadalhin sa work. Ako ba ginawa ko na bang maglulupasay sa office dahil hindi na sya nagtetext? No, dahil wala namang ganon. At nakakahiya. At unsanitary sya. Wag ganon. Ang problema dapat di dinadala sa office. Well, di nga nya dinala, dahil di talaga sya pumasok sa office. But still, I mean, you know what I mean. Ayoko maging mean. Like you know. Pumasok kang leche ka, kung magreresign ka dahil depressed sabihin na para di kami ang naiistress kakaplano for the day, week, or month. Basta if you're having problems, just share it. Para di rin kami mag-eexpect kung papasok ka. WAG MAG-EXPECT! MAY NAMATAY NA DITO! And, we care about you. Please care about your job ser. No man is an island, kaya wag mo sarilinin ang problema mo. Share it! At minsan pwede din magmove on. Pag may time.


____________________
Photo by Cathy Mullen via Flickr.

Sabado, Setyembre 6, 2014

10 Books


List 10 books that have stayed with you in some way. Don't take more than a few minutes and don't think too hard-they don't have to be "great" works, just ones that have touched you. Tag 10 friends, including me so I can see your list too.

1. The Little Prince - Antoine de Saint-Exupery
2. The Alchemist - Paulo Coelho
3. The Perks of Being a Wallflower - Stephen Chbosky
4. A Breach in the Watershed - Douglas Niles
5. A Song of Ice and Fire - George Martin
6. Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan - Bob Ong
7. Brida - Paulo Coelho
8. Eleven Minutes - Paulo Coelho
9. Haroun and the Sea of Stories - Salman Rushdie
10. Para Kay B - Ricky Lee

____________________
PS. Facebook survey yay! This section is not really part of the survey. I'll just talk about why I've chosen the ones listed above.

I'm not really a big fan of reading. Cause. I. Read. Too. Slow. Like I can read a 21 page chapter in 2 days. Partly because I get distracted easily... I have an attention span of 11 minutes, prolly like Luka Khalifa from Salman Rushdie. Also, the only time I get to read is during my trip to the office. That's like a 45 minute travel time. It's good that I don't have motion sickness though. So that's rough 4 breaks in between readings to check my notifs.

Anyway, as you can see I read mostly fiction. I don't like inspirational or self-help books. If I need to get motivated I'd talk to someone rather than just read it. I'd get the chance to talk it over than just swallowing what the author feeds us.

The Little Prince is a novel for grownups and non-grownups. It's a fun and colorful adventure for kids, else it's a really emotional story for adults.

I only read one book from Douglas Niles but that probably hooked me with the fiction series. I haven't ready any Dragon Lance novels though. The closes thing I have are stories from video games... Final Fantasies and Xenogears and Breath of Fires. Those sort. Anyway I've been tracking down the rest of the books in the trilogy from Douglas Niles. Maybe what hooked me with this is not just the story itself but the eagerness to find out what happens next. It's out there and I need to find it. Luckily I got to find those at a local Book Sale, after 10 years or so. 

I'm a big fan of George Martin so instead of writing all five in the list, I listed the entire series. Because it's a good read. Plus he gets to describe meat and mead like a food blogger, maybe even better than some.

I didn't put in Dan Brown because although I like how he writes, he usually frustrates me in the last chapters of his novels.

The only novels I've read of Coelho are the 3 above. There are a couple others he'd written which are probably better. But I felt I've connected with the three. Searching for your personal treasure, your soulmate, and your inner light. Haven't found them. I'm still searching.

Bob Ong is funny. On his first book. The rest took me a while to read because it felt he was trying to be funny and witty and whatnot but felt short. Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan felt like a 90s Shake Rattle and Roll. It was exciting and creepy. I'd like to see that in a movie format. Maybe in an indie format, not the trashy kind Mother Lily or Star Cinema produces.

I've read Perks because I felt I'm one. A wallflower. Maybe I connected except for the sexual abuse part. Charlie is weird and he expresses himself through writing. Plus, I loved the film version. And in that moment, I swear we were infinite! In hindsight, doesn't that film feel kinda Rebecca Black Fridayish in a way?

Para Kay B. A mixture of emotions. It started sad. Then sad and weird. Then just plain weird, and funny. And then funny. And then hopeful. After reading through all five stories you'd hope for a better ending. But then you'll think that's your life. You are all five of the stories. Because life is a B, bitch! Bakit nga ba dinedevastate ng pag-ibig ang 4 out 5 sa atin? Dahil may natitira pang 20% hope. Umasa ka lang.



Photo by shutterhacks via Flickr.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips