Miyerkules, Agosto 27, 2008

Betamax

Betamax August, 2008


Naabutan nyo pa ba ang betamax? Sony pala siya, recently ko lang ulit nasilip. Ilalagay ko sana ang details nito kaya lang tinatamad na ko, igoogle nyo na lang, nakainternet ka naman ngayon di ba? Basta yung tape din sya pero masmaliit ng konti sa VHS. Ang layo na ng Betamax sa PSP ngayon. Heniweys, nung bata pa ko eh peborit kong manood dito. Wala kong porn noon ha, bata nga eh! Meron kami mga cartoons ng Disney noon. Nakabisado ko pa ata yung mga songs. Minsan hihiram kami ng mga tapes sa mga rentahan, one week siguro. Eh biglang nagbigay ng VHS yung tita ko samin. Nagpe-phase na out na pala ang betamax nun. Sad. Ngayon nasaan na yung betamax namin? Nakatambak siguro sa bodega, inaalikabok.

ROLL BETAMAX!



~0~



PAUSE!

Kumakain ka ba ng isaw, adidas, at kung ano ano pang lamang loob? Tayong mga Pilipino eh creative, akalain mo yung mga byproducts eh nagagawa pang food natin. Walang sayang, walang tapon. Isa sa mga byproduct na to eh yung dugo ng manok. Coagulated blood. Murang mura lang, piso isang tuhog. Nung una kong tikim nito eh parang walang lasa, kelangan pa ilublog ng isang minuto sa suka para magkalasa. Pantawid gutom na rin kahit papaano.

Hindi naman ako maarte sa dugo. Kumakain naman ako ng dinuguan, hindi naman ako Iglesya (hindi rin Dating Daan). Gusto ko yung luto ng nanay ko ng dinuguan, yung sa mga turu-turo kasi kulang sa asim, siguro dahil na rin sa sukang gamit namin, hindi naman to special ingredient pero iba lang talaga pag nakasanayan mo yung sukang tubo. Masarap din naman yung dinuguan sa Goldilocks, balita ko meron pa silang instant dinuguan mix daw. Ang madaya nga lang eh puro taba!



~0~



PLAY!

Narinig mo na ba yang kanta ng Sandwich na Betamax? Sinulat to ni Raymund Marasigan, dating member ng Eraserheads, Ely Buendia grrrrr.... heniweys, may vid din tong song na to. All about remembering your past. Siguro around 80s yung era nya. Eh ako generation X daw, or generation NEXT sabi ng Spice Girls, ano ba talaga? Ang pinakamalaking influence sakin eh tong 90s, na compared sa 60s at 70s eh boring daw. Hindi ata ako makakapayag nyan! Makikipagpatayan ako para ipagtanggol ito! hahah.



~0~



REWIND!


Games
. Tumbang preso, patintero, taguan, nanay-tatay, langit lupa impyerno, shato (na nung bata ako ang dinig ko chato), moro-moro (o agawang base din minsan), chinese garter, 10-20, i love you teleber teleber (actually teddy bear daw yung tamang word jan). Lumaki akong ndi natutulog sa tanghali kasi laging nasa arawan. Shett, imagine mo yung Radiance ko nun, takot lang lumapit nga mga tao siguro. May mga kanta pa bawat game.

Langit Lupa:
Langit, lupa, impyerno
Im-im-impyerno

Saksak puso tulo ang dugo

Patay, buhay, umalis ka na diya-an.


Taguan:
Tagu-taguan, maliwanag ang buwan
Masarap maglaro sa dilim-diliman

Pagkabilang ng sampu nakatago na kayo

Isa, dalawa, tatlo, boom Patrick! Save! Taya ka!


Jump Rope Tagalog/English:
I love you, teddy bear, teddy bear

Hawakan ang lupa (
Touch the ground)
Hawakan ang paa (
Touch your feet)
Umikot ka at lumayas ka na! (
Turn around and go away!)

TIME FIRST! Syempre hindi nawawala ang mga talunan o burot (buro yata ang tamang term). Sarap kalaro nila kasi walang kapagod pagod. Maraming salimpusa lang, maraming malakas mang-asar, maraming palaaway, maraming iyakin, at maraming sumbungero. UWIAN NA! UWIAN NA! UWIAN NA! (repeat to fade)


TV Shows. Kilala mo sila Cedie, Sarah, Remy, at Peter Pan? Mga anime sila na pinapalabas sa dos ng alas dyes ng umaga yata. Tapos meron ding ATBP (na spoof ata ng Sesame Street at Batibot), Sineskwela, Hiraya Manawari at Bayani. Ewan ko ba sa kaweirdohan ko eh nung ending ng Princess Sarah, naiyak ako sa scene nung madapa si Miss Minchin sa snow nung malaman nya na mayaman si Sarah. May pagkakontrabida na ba ako nung time na yun?

Sikat na sikat dati yung Dragon Ball sa Channel 9. Yung mga kaklase ko nag-iimbento pa ng mga kwento para lang magpasikat na napanood na daw nila yung advanced episodes. Kunwari, sasabihin sayo na si Son Gokou daw eh magiging Super Saiyan kapag nahanap nya ang magic lamp at napakasalan si Marimar. Yung mga ganyang kwentong barbero.

Nauso rin ang mga Sentai series dati, pero ang alam ko nun ang tawag dun eh Bioman, Maskman, etc. Hindi ko gaano nasubaybayan ang Bioman, english kasi. Natatandaan ko lang yung Bio-integrate! Napaginipan ko pa dati na ako daw si Red-1. Gusto ko bida ako eh. Tapos lumabas yung Maskman, kinabisado ko yung kanta saka yung mga hand gestures dun. Adik ba? Basta ako si Bluemask! Tuwang tuwa rin kami dati sa Shaider, japorms na sya sa tingin ko. Tapos ang galing ni Annie, sinisilipan nga ng panty yan eh! Ewan ko lang ba pero ndi ko pa nasense na lalaki tong si Ida dati. Basta nakiki-shigi shigi lang kami sa mga amazona at time space warp eh ok na. Tapos andyan din si Mask Rider Black, si Robert Akizuki! Alam ko na ngayon bakit peborit kong panoorin ito. Saka ndi ko maintindihan bakit kelangan lagyan ng plastic balloon ang mga mukha ng kalaban ni Robert. Rider Kick! Magha-highschool na ako nung lumabas ang Power Rangers pero nasubaybayan ko pa rin. Ako naman si Blue Ranger dito.

Isa lang ang channel sa bahay dati, Dos lang. Kaya sure hit Kapamilya ka. Malabo kasi ang reception ng ibang channels. Pero kung may sinusubaybayan ka na ibang channel eh talagang ipagpipilitan mong ayusin ang antenna. Ang channel 5 dapat pa nine-o'-clock ang formation, kapag channel 4 dapat 11:50 position. Kulang na lang lagyan ng mga tali at scotch tape ang antenna.

Favorite kong cartoons dati ang X-Men. Meron pa ako nung mga cards na kokolektahin (ah sori, teks pala tawag jan dati, isa, dalawa, tatlo, cha!). Kaya lang nagalit si Momey dahil nakakalat daw. Sinunog nya. Buti na lang ganun lang, ilalaga daw sana tapos papakain sa akin. Shocks! Pinanood ko rin yung Visionaries sa channel 4, tungkol sa mga knights na nakakapagtransform sa mga hayop. Sa mga fans ng Thundercats, He-man at She-ra, at kung ano pa, sa Visionaries talaga ako! Leoric PWNS you! hahah


Music. Highschool na ako ng madiskubre ko ang radyo. Meron kaming lumang radyo dati pero ndi ko ginagamit. Eh sobrang fan ang mga classmate ko ng LS-FM Campus Radio that time. Dito na rin siguro ako nahilig sa Eraserheads at ilang OPM Bands. (Buhay pa ba si Ely Buendia? May nagkakalat ng chismis eh, sayang naman yung reunion nila) Dito rin nagsulputan ang mga cheesy songs gaya ng Extasi-Extano, Too Legit to Quit, Ice Ice Baby, at songs ni MC Hammer. Di ba 90s din sumikat ang Aegis? Idol ko kaya sila. Ayoko sanaaaaahhh, na ikaw ay mawawalaaaahhh...

1997 yata nang lumabas ang MTV Asia sa freetv through Studio 23. Super excited ako nun kasi first time ko makakita ng foreynjer na kumakanta. (Loser ba? Wala kasi pambili ng magazines eh, saka yung mga songhits na may clip outs ng artist eh parang project ng association of Indays) Biglang putok ng boy band at girl band genre sa pop culture. Para akong tinangay ng malakas na agos. Di nagtagal eh nakiki-Quit Playing Games with my heart, at Wannabe na ako. Boyzone, Backstreet Boys, Westlife, A1, Code Red, Spice Girls, lahat yan dinaan ko. Ngayon nililinis ko na ang aking mp3 folder sa mga uber corny songs. Ewan ko ba bakit ako nahumaling sa songs nila, although merong select few na ok-ok songs nila. At talagang affected ako dati sa mga chismis na bading daw ang Spice Girls. Shett! Hindi rin nagpahuli si Britney kasi umabot sya sa last days of the second millenium. Bakit ngayon pa lang yata sya tinamaan ng Bug?!

Hindi lang marked ang 90s ng bubblegum pop. Eto rin naman ang dekada kung kelan sumikat din ang Alternative Rock. Thankful naman ako ndi ako totally sucked sa dark side nila Britney. (feeling jedi lang! May the force be with you! And also with you!) Anjan ang R.E.M., Third Eye Blind, No Doubt, Foo Fighters, etc.


Gadgets. Wala pa noong celphone. Nauso tong maliit na device na to, ang beeper. May dalawang signal daw, yung isa daw call sa office, yung isa sa bahay. Ndi rin ako gaano familiar dito. Kapag may message ka na isesend eh kelangan mo pa idaan sa operator. Walang privacy. Mabuti na lang napalitan ng cel, pwede na tuloy makipagdett si Itay sa secretary nya, basta walang sent items ang cel nya.

Nauso rin ang brick game, na sa totoo namay tetris ang tawag. Mukha nga naman syang bricks diba? Hindi ka in pag wala ka nito. Pero mas sosyal ka na kapag may Game and Watch ka! Syempre pang mayayaman lang ang Gameboy. Yung mga kalaro ko dati meron silang Family Computer, at super galing na namin sa Super Mario 3, pero ndi pa rin namin matapos. Nauso ang mga rentahan ng games sa Sega Megadrive at SNES. Una akong pinakilala ng kaklase ko kay Chun-li sa Street Fighter, ndi ko naman sya kilala dati, may drawing pa sya na nakabukaka. Mid 90s nang lumabas ang Playstation. Hanggang lang ang inabot ko sa ngayon. Pero ok lang, updated pa naman ako. Buti pa tong kapatid ko nakabili na ng PSP nya. hahah


Food. Sa elementary school kelangan meron kang at least dalawam piso. Yung isang piso para sa Nutribun (na monay lang naman na napahiran ng palaman, balita ko sa ibang school eh amag daw ang palaman) at yung isa pa para sa soup (ewan ko bakit soup ang tawag nila eh minsan lugaw, miswa, o champorado ang laman) Mandatory ito! Naniniwala pa ako sa teacher ko na kapag naubos daw ang paninda eh may award daw sa principal. Meron pang isang paninda sa amin, yung nakalagay sa bilao, dito ka makakapili ng sari saring food. Minsan may carioca, waffle, nilagang itlog o saging, Serg's na may maggot, beans, Frutos, etc. Maswerte na lang at pandak ako nun kaya nasa row 1 ako, hindi tira tira ang laman ng bilao. Kapag uwian na, sari-saring paninda makikita mo sa labas ng school. Parang peryahan lang. Mabenta sa akin ang scramble. Yung crushed ice na may kulay pink yata tapos may choco syrup at gatas sa ibabaw.

Pagdating sa bahay, bibili pa ako sa tindahan nung Oishi! Yung prawn crackers daw, tadtad sa vetsin to kaya kita nyo naman epekto sa akin. Bumibili din ako ng cornbits tapos sinasabawan ng suka. Nagsulputan din ang mga chichirya na puro hangin lang. Natikman nyo na ba yung Aiza? Masarap daw yun. Yung Pritos Ring nilalagay ko muna sa daliri bago kainin. Meron ding candy na Joy, yung may butas sa gitna na pwede gawing whistle. Mabenta rin ang Lala, na pinatigas na Milo lang yata. At speaking of Milo, naniniwala akong champorado na yung kanin na sinabawan ng Milo.

Dati rin may Fanta na drinks pa. Yung iba ibang flavors. Ang gusto ko yung Green Apple Flavor. Meron din namang Rootbeer to, pero mas masarap ata yung Sarsi. Nakikita ko yung lola ko dati umiinom ng Sarsi na nilagyan ng hilaw na itlog. Eeewww. Sarsi rin yata ang pinakamahabang commercial na napanood ko dati.


Events. Limang event lang ata ang yumanig sa aking kamulatan sa dekada nobenta. Rewind muna tayo sa July, 1990. Grade 2 ako, nasa desk ako, nagbabasa ng English book ata, may seatwork yata, or natutulog si teacher. Nahilo ako bigla, akala ko inuuga lang nung nasa likod ko yung desk. Lumilindol na pala. Takbuhan na, yung iba tumalon sa bintana (first floor lang naman kami eh). Nag-iiyakan pa yung mga kaklase ko, ang drama lang ha! Wala namang masamang nangyari eh. Yung hagdan sa third floor ng school bumigay, wala kong nabalitaang casualties.

One year after, alas tres ng hapon. Alam ko may bagyo that time. Pero naman, alas tres ng hapon eh nakabukas yung poste ng ilaw? Sobrang dilim na. Biglang may ashfall. Pumutok na pala yung Pinatubo. Sumama daw yung lava sa tubig kaya naging lahar flow. Maraming nasirang tahanan (o tukso layuan mo ako?) at hanap-buhay.

Ginanap ang Miss Universe sa Pilipinas noong 1994. Si Dayanarra Torres ang Miss U '93 kaya nagstay sya dito sa Pilipinas. Nanalo si Sushmita Sen ng India. Pero panalo naman si Michelle van Eimeren nung makapagstay sya dito at napangasawa si Ogie (bago daw inahas ni Regine?).

December, 1994 nang maganap din ang Film Fest Scam, headed ng harbaterang si Lolit Solis para manalo si Ruffa at Gabby. Nabawi rin ata ang awards at napunta sa rightful winners na si Aiko at someone, somewhere.

Dumalaw si Pope John Paul II sa Pilipinas para sa World Youth Day noong January, 2005. Hindi naman ako ganung ka-banal-banalan kaya ang alam ko lang eh yung song galing sa Ebanghelyo ni San Juan, kabanata tatlo, bersikulo disi-sais. Basa: "For God so loved the world, He gave us his only Son, Jesus Christ our Savior...."

Ilang bagyo, baha, brownout, pangulo, inflation, at kung ano pa ang nagdaan sa buhay ko, sa buhay nyo, at sa Pilipinas, di pa rin ito natitinag. Matatag tayo gaya nga daw ng kawayan na sumasabay lang sa ihip ng hangin.



~0~



FAST FORWARD!

Masaya lang alalahanin ang nakaraan, ireview ang mga ka-cornyhan, at pagtawanan ang mga kabaduyan, malaki ang naidulot nila sa ating pagkatao. Alam nyo na ang pagkajologs ko. Marami akong natutunan sa past experiences. Sa bawat pagkadapa dapat tumayo at punasan ang luha, dugo, uhog at putik para game uli. Kapag naiipit sa patotot, kelangan may magsakripisyo para makatawid ang iba sa patintero. Walang tinik o garter na hindi matatalon basta't susubukan mo.

Ipunin mo lang ang lahat ng alaala at ibahagi sa mga susunod sayo ang mga aral. Kapag na-overwrite mo na mahirap na mareverse. Hindi ka pwedeng basta basta na lang mangongopya ng laman ng tape ng iba. Sana may back-up copy ka.

Hanggang dito na lang, mauubos na ang tape.

STOP!

Martes, Agosto 26, 2008

Merger


Marrying an Accountant
August, 2008


When I told my parents that I wanted a professional woman as my wife, they got me one; a Certified Public Accountant. She uses LIFO method while taking out the refrigerated food. She thinks I am no good at figure work.

Fine with me, for now she handles the budget of the house. Initially she used to send me a bill at the month end, but when I told her that I am not her client but her husband, she asks for the money in advance. The expenses had been rising steadily over the months, so one day I snooped into the papers maintained in a current file. No wonder! She was charging conveyance and overtime to the house budget. She is crazy, I tell her but she corrects me. No my darling, I am the auditor. I fail to see the light.
Every scrap of the paper in our house is filed. She tells me as per some Ordinance she must keep a copy of every thing for at least ten years before destroying it. I am worried.

The other day we had an hour- long fight. Later, I got to know that she had charged that hour to a client of hers, in the time sheet. My time was put down as unoccupied.

She says that she loves me and I tell her that I love her too. However, she never believes me. She says that there is susceptibility of it being a misstatement. Duh! She wants my representation on this!

Last year our house accounts got a qualified opinion I had not kept the supporting etc. of my purchases.

Not a long time back my brother's wedding was to be solemnized. Wedding cards had been sent. After some time I started receiving a steady trickle of letters. I was puzzled until my wife was explained that external evidence was more reliable. She had called for confirmations from all those to whom cards were sent.

When she cooks, my wife at times does not go by recipe. Where the recipe says add half-teaspoon vinegar, one tsp black salt or one teacup of water, she ignores them. She says that they are not material when taken in context of whole meal being prepared. ! She is crazy, I tell you.

Surprisingly everybody calls her an auditor, instead. I checked the dictionary and it did not state that auditor is a synonym for crazy. The dictionary must be outdated.

When we got married, she had given me an Engagement Letter and I had said how cute-how sweet. Now she gives it to me every year saying that her standards state that it must be sent anew if there is any indication that I have misunderstood the objective and scope of engagement. Huh! Apart from sending me the engagement letter once again she says I can't get rid off her just like that. She says that she has the right of being heard before I appoint some one else. It seems I must keep reading one local and another English newspaper published and circulated in the vicinity of our house for more details.
For a minute, I thought that we had jeopardized our going concern status. Dare I say so??

I am told by one of my female colleagues who is married to a CPA that the scenario is even worse when the guy is a CPA. Apparently he capitalized the wedding expenses as preliminary expenses and is writing it off every year. Also the time he spent dating his wife before marrying her is still under consideration for valuation under IAS 38 , valuation of intangible assets.

So guys/gals please think twice, should you really marry a CPA? And yes please discount it by the appropriate rate to arrive at the present value of the risk of doing so!!!!!!!

Sabado, Agosto 2, 2008

Byaheng Jeepney


Sakay Na!
August, 2008


Tumaas na naman ang pamasahe. P8.50 na ang minimum (as of August 2008 po ha, pakicheck ang mga kalendaryo bago magreact). Nung grade 1 ako ang pamasahe piso lang. Nung grade 2 na ako uno bente singko. Tapos naging uno singkwenta. Bago ako maghighschool dos singkwenta na ang pamasahe. Nung nasa 3rd year highschool ako, circa 1997, kwatro na ang pamasahe. Tumaas uli naging kwatro singkwenta at singko. Nung pumatak sa siete singkwenta ang pamasahe, saka pa lang ako nagke-claim ng student discount. Minsan nakakatawa ung ibang tao na claiming student pa daw sila eh mukha namang Senior. Kung may additional discount sana yun eh di sana dumami na ang Student-Elderly-Disabled combo sa Pilipinas.

Madaming drayber din naman na sugapa. Magkulang ka lang ng bentsingko eh todo megaphone na sa paninigil sayo. Alam ko namang hirap din sila sa liit ng kinikita nila, sa taas ng gasolina, at sa nagtataasang bilihin din, pero sana naman eh wag silang masyadong nang-aaway dahil lang sa kaunting barya kung pwede namang makiusap ng maayos. Marami rin kasi ang sumasabit lang para makalibre, plus din yung mga mahilig sa 1-2-3. Nakakatawa rin yung mga kinakalong sa jeep, akala mo naman porke't kinalong ka lang eh dapat walang bayad kasi hindi ka nakaupo. Kung tutuusin ang binabayaran mo yung byahe hindi yung upuan. Tama ba?

Sabi nila drayber daw ay sweet lover. I'm not sure kung san galing yan, saka hindi ko pa nata-try. Heniweys sa ibang kasweetan nila sa pasahero eh talagang gusto nila sumundo pa ng pasahero sa bawat kanto yata. Kahit todo parinig ka na na male-late ka na eh walang paki sayo kasi iniisip nila ang kapakanan ng mga tao na nag-aabang ng masasakyan, inaabangan pa nga yung mga tumatawid pa lang.

May mga sakayan na may istasyon, yung pipila ka muna bago makasakay. Pag in demand ang byahe eh sobrang haba ng pila, parang namamalimos lang ng de lata at NFA rice sa mga centers. Ok lang mag-abang kung sapat lang ang jeep. Minsan naman eh may istasyon nga pero sobrang tagal makapuno ng pasahero. Parang wish ko lang abonohan minsan yung mga bakante pero 8.50 rin yun.

Location, location, location! Kailangan alam mo kung san ka pepwesto sa jeep. Alam mo ang timing, at correct blocking (at voice quality?) Pag sa harapan eh may dalawang bakanteng upuan. Ewan ko ba bakit sa Pilipinas lang yata dalawa ang seating capacity ng passenger seat, mapa-fx man o taxi. Kadalasan magjowa ang nauupo dito. Minsan dalawang lalaking cute... hmm.... Minsan ang asawa ng driver plus mga anak, minsan din kabarkadang konduktor o mga kumpareng driver. Ayokong umupo sa likuran ng driver o kaya sa tapat ng upuang ito. Hindi dahil sa naamoy ko si manong driver, pero ang trabaho mo eh taga-abot ng pamasahe. Feeling conductor ka na rin. Dapat lang eh may commission ka dito pero TY girl ka lang. Sa gitna naman ang pwesto mo kung gusto laging nakadungaw sa bintana, kung gusto mo mag-emote emote o kumanta kanta. Ang favorite spot ko eh sa dulo. Sabi nila eh nakakatakot daw dahil takaw pansin sa mga snatcher. Haydonkker. Dito ako nakakatulog ng maayos sa byahe. Saka pandungaw ko rin to sa mga nadadaanang cuties o kaya pasahero na pasulyap sulyap ng tingin. Lilingon yan! Kitams!

Sari saring tao ang sumakasay ng jeep. Maraming estudyante, mga nanay na mamamalengke, mga sabungero, mga pashala-climber na walang pang-fx, mga lolang magsisimba, mga beckying may rampahang pupuntahan, mga tamad maglakad ng isang kanto lang, mga jeepney driver na walang pasada kaya todo chismisan sa driver, magjowang kelangan magkatabi lagi at matching din dapat ang get up, mga natutulog sa jeep na tumutulo ang laway, at others not mentioned. Sari saring kulay, porma, tunog at amoy.

Merong mahilig magpabango, mga kakahilong amoy, siguro wisik wisik lang kaya naligo na lang ng pabango. Merong jabar jabar kaya kalat na kalat ang baktol sa loob ng jeep. Meron namang sa loob naninigarilyo, gawin ba kaming tandang para pausukan? Saka public to, bawal yun! Merong may dalang pinamalengke kaya humahalo ang mga lansa ng hilaw na karne at isda. Merong hindi pa nagtu-toothbrush, o talagang ayaw niya, at todo ipit rin sa hininga ang mga pasahero kapag nagsasalita sya. Minsan may amoy paa rin.

Sari saring tunog din ang maririnig mo. Maraming todo ang chismisan, kahit nasa kabilang dulo ka eh maririnig mo ang latest sa kapitbahay nilang nabuntis ng magtataho. Merong nag-aaway at nagmumurahan. Merong tawanan ng tawanan, parang takas lang sa mental o hindi lang makaget over sa joke ng comedy bar. Syempre hindi pahuhuli si Manong Driver, super lakas ng sounds nya! Kakatawa lang kasi kakalurkey ang mga music choices nila. Yung iba mahilig sa radio stations, nanguguna na ang Love Radio kelangan pa ba imemorize yan; Energy FM hi pangga; at Yes FM mula nang makilala ka ako'y napaakit mo. Minsan may baong ipod o stereo si kuya. Lakas ng sounds, lalo na pag patok. Kalurkey lang pag mga Regine at Mariah ang pinapatugtog nya. Kadalasan mga local raps na sobrang Jologs to the maximum level. Hindi maiiwasang may sumasabay sa mga kanta na sintunado. Yung iba may ipod or mp3 player na lang para maiwasan ang nakakarinding ingay.

Iba ibang itsura rin makikita mo. May mga nakauniform, pang school, pang nursing, coat and tie, corporate attire, pang constru at iba iba pa. Maraming naka-casual lang pang japorms. Minsan may nakaformal, pang debut or prom yata. Si manong driver din dapat sumunod sa uniform nila, blue polo, pantalon at sapatos. Pero marami pa rin pasaway. Nakasando, shorts at sinelas lang. Kung sa ibang mall nga bawal yan eh. Minsan naeenjoy ko ang mga view dahil madaming cuties at number seventeen. At talagang makikinis ha! Grabe nga lang minsan, makipagkiskisan ba? Shett, kakatakam lang.

Nakakarindi minsan kapag punuan na ang jeep. Ilang beses pa lang akong sumabit sa jeep. Nagbabayad naman ako, natatakot lang ako minsan kung sakaling madisgrasya. Minsan naman papapasukin ka sa loob ng jeep kahit puno na.

"Meron pa sa kaliwa."

Nasaan? Ipagsisiksikan ko na lang yung kalahating pwet ko kasi meron pa daw. Pag lingon mo sa bandang unahan o likuran mo eh makikita mo ang sumusunod:

A. Majubis na ale o mama, minsan kumakain pa ng fries, toknene o barbecue sa jeep.
B. Mamang nakabukaka, siguro may prostrate cancer takot magdikit ang mga legs.
C. Miss na akala mo kagandahan at padiagonal ang upo.
D. All of the above.

Malas nga naman. Minsan parang gusto kong mang-away eh. Miss, may bayad ba yang pekpek mo kasi nag-abot ako ng 8.50 eh, magkano ba ibinayad mo? Pero walang magagawa kundi magtiis kahit sobrang nanginginig na ang tuhod para sumabit at magbalanse.

Madalas akong malate sa pagpasok dahil sa kapipili ng jeep. Dati gusto yung mga patok kasi mabilis na, magara pa, at todo sa sounds. Pero ngayong gusto ko yung simple lang, yung maluwang para malaki ang space para lang sa akin. Kaya lalong nahihirapan ako sumakay eh, andaming factors.

Ang pagsakay sa jeep eh parang pagsakay sa buhay, minsan malubak ang daan, minsan masikip ang upuan, pero natututo kang makuntento at magkasya sa kinalulugaran mo, minsan nakakapagod mang umabot ng pamasahe at least nakakatulong ka rin sa kapwa mo.

Ang pag-aabang naman sa jeep eh parang pag-aabang sa pagdaan ng pag-ibig, marami namang pwedeng ibang sakyan pero gusto pang mamili.
Ang mga taong choosy ang laging naiiwan ng byahe.

Hanggang dito na lang po! Para lang po sa kanto!

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips