Linggo, Oktubre 13, 2013

Wapol


Nung elementary days, isa lang ang shape ng waffle na alam ko. Yung hugis hotdog. Yan kasi yung binebenta sa bilao sa amin tuwing recess time. Bilao yung lagayan nila ng snacks hindi gaya sa iba ng tray or basket or timba siguro. Ewan ko anong pagkakamakabayan at environmentalist ang pinupush ng head ng canteen samin. Anyway, ayun nga yung hugis hotdog na waffle lang ang available. Halagang 3.50 PhP ito at may palamang Rica hotdog na nakatuhog sa stick. Pwede na para sa isang average public school pupil. Aarte ka pa eh sushal ka na kapag nakabili ka nyan. Yung iba nagtyatyaga lang sa nutribun (monay na napahiran ng Dairy Creme), sopas (minsan lugaw, lomi, o champorado pero generally tinatawag syang sopas), o nilagang saging na worth 2 PhP each.


Ngayon ang shape na yan eh nakikita ko pa rin sa Waffle Time, na meron yata sa lahat ng MRT stations. Mahal na sya ngayon worth 10 to 20 PhP depende sa palaman. Yes, gumradweyt na sila sa hotdog. Meron cheese na cheapest at 10, at meron ding mga bavarian, bacon, o sausage (na pinasushal na version ng hotdog).

Lately naaadik ako sa Belgian waffles ng Famous Belgian Waffles. I know, di masyadong pinag-isipan ng brand name. So san ba gawa ang Belgian waffle? Eh di sa Belgian? Choz! Actually, walang Belgian waffle sa Belgium, ewan ko ba sa mga Americans bakit sila nagpapangalan ng mga foods nila eh di naman dun ang place of origin nyan--like French Fries. Ang Belgian waffles parang pancake lang naman pero may malalaking mga square na butas. Parang gawaan ng yelo pero made out of flour hahah. At ang pauso ngayon eh pabonggahan ng spreads. May iba na gumagamit ng fruits, choco, banana, hazelnut, peanut butter or cream cheese. Basta ang favorite combo ko eh yung may cream cheese at anything. Pwedeng blueberry, strawberry or ham. Mejo mahal nga lang nasa 55 PhP na sya.

Sa Starbucks meron din silang ganyan. May whipped cream at choice of chocolate or strawberry syrup pa. Ganyan yung binili ng isang babaitang itatago na lang natin sa pangalang Maria Shellalynjoy Villavicencio. Si Shell kasi ngayon ang target ng sangkabekihan sa office. Wala namang ginagawang masama si Shell, mabait naman sya, masipag, matyaga, at ano mabait ganyan, at funny, at saka mabait sya, Kaso nga lang di naman nya sinasadya na mapaupo sya sa tapat ng isang crush ng bextown na itatago na lang natin sa pangalang VJ. Well, di naman nya nilalandi si VJ dahil may jowa naman sya na mga 69 months na. At dahil jan ginamit na lang syang instrumento ng ilang bex upang magsnoop ng info kay VJ. Kung may jowa na ba ito, anong phone number, anong favorite color, bex ba sya, anong zodiac sign, anong favorite food, etc.

Mabait din naman daw itong si VJ. Although di ko alam kung bex ba ito, pero ayon sa kanilang judgment eh kapag ang tao nagsusuot ng bekishoes, beki na rin. Hiyang hiya naman si John Lloyd Cruz sa inyo, sorry daw di na daw mauulit. Anyway si VJ pag may food, inooperan si Shell. Binibigyan sya ng chocolates and the like. Ikaw na maganda, at mabait. Kaya bilang ganti eh nag-aalok din naman si Shell ng food nya kay VJ.

At sa hinaba haba ng intro ko dito pa lang papasok ang konek sa waffle. So bumili nga si Shell ng waffle nya from Sbux as recommended by inyong lingkod. At dahil jan binigyan nya ako ng chance na makatikim nito since mga 2 years ko na di natikman ito. Nahiya naman ako kumuha ng kalahati ng waffle nya kaya kapiranggot lang ang inislice ko. Di ko na rin tininidor baka kasi mandiri pa sya sakin choz. Tapos lumayas na ako.

Maya maya inoperan na ni Shell si VJ ng waffle. Di naman ito tumanggi pero at least nagkaron sya ng courtesy magtanong kung maselan ba sa kubyertos si Shell. Nagtanong din sya kung may kakain pa. At least courteous sya. At paglingon ni Shell, boom ubos na ang waffle nya. Buti na lang nakatikim sya hahah. At mabuti na rin nakatikim ako.

Wala naman masama sa pag-aalok basta wag ka lang aasa na may kapalit. Eh di sana binenta mo na lang di ba kung ganon. At wala naman masama makitikim, make sure lang na di gutom yung kinukunan mo ng food, at walang regla, at hindi highblood. Baka naman appreciative lang sya sa mga inooffer na food. Masama daw kasi tumanggi sa grasya. Next time pag mag-aalok ka, yung Waffle Time lang. May cheese flavor pa.


____________________

Photo by Waffle Makinası via Flickr

Walang komento:

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips