Sabado, Abril 30, 2011

Ayalero 2

 
Canopy by Christian Bederico via Flickr.
Makati Stock Exchange



Return to Ayala?!

April 2011


So there I was... feeling ko di magandang opening statement yan sa isang kwento pero wala na ako magagawa eh, tinatamad na ako magbackspace. Heniweys ayun nga nasa new work na ako and all the while expecting ko sa Pioneer na ang aking new base but no. Kelangan umepal si destiny at dalhin ako elsewhere. And so I'm back from outer space, back to Ayala, back to my original home. Original home daw oh?! I still remember the days na wishing akong sana sa Philam Tower ako maassign pero no sa UN Avenue ako dinala. I remember the time na nag-apply ako dun sa may bulok na call center sa may Paseo na niligwak ako sa day 2 dahil nalate ako ng five minutes (kasalanan nung elevator kung san san kasi umistop eh di pala aabot sa penthouse... at dahil nakajeans ako). I remember the time na nag-apply ako sa may Rufino at naligaw ako sa Makati Ave. I remember the time na nag-apply ako sa may Corinthian Plaza pero di ako natanggap dahil bad mood yung innerviewer ko sa minicrowave na McDo brekky nya complete with the styro (kasalanan ko bang tanga ang microwave?). And I remember the time na nagwork ako sa isang maliit na auditing firm at natutong magxerox at sumali sa union (with the other officemates yah know parang people of the Philippines versus higher management mehganon?!). Yah know as much as I like to work back in Ayala, lumalangoy pa rin ako sa dagat ng ampalaya.


~0~


Alas sais pa lang ng bumiyahe na ako dahil natakot akong malate sa unang araw. Kapag ganong oras pala eh maluluwang pa ang mga buses to Ayala LRT Leveriza, pwede ka pa chumoosy if yah like it. Di ka pwersadong tumayo sa aisle ng back to back with fellow SRO passengers. Wala ka ring marerape na balikat or any other body part kung ayomo ng balikat. Pagbaba ng Paseo Stn eh more lakad na ako to Rufino. Mejo maraming constructions along Ayala although less ang mga constru. Heniweys ok naman at naggagandahan at naggagwapuhan mga tao dito. Kaya lang mejo nakakababa ng self confidence kung todo bongga ang mga kasabay mo dahil matatalbugan ka ng ganda to the point na malevel down ka to commoner status (that is just a 3 in a scale of 10, mukha lang tao... you're not going to Hollywood dawg!). Well, ok lang naman dahil kung anong ikinaganda ng mga tao dito eh ganun din ang ikinaslow ng paglalakad nila. Stress sa kabagalan, parang naglalakad lang sa buwan. Pet peeve ko pa naman to, wag ka nga'ng paharang harang sa harap ko kung babagal bagal ka! Galet na galet?!

Napaaga ako ng punta sa first day sa Solaris. Hindi na kasi ako sumabay sa ibang kawave ko na nagmeetup pa sa MSE at GT tower since marunong na akong gumooglemap sa ngayon. Sa 12th floor ang lobby nila at apat pa lang kami sa site, yung tatlo mga new faces para sa akin, ni hindi ko man lang nasilayan nung orientation namin last week. Kinabahan ako at nanlamig, paano kung di pala sa Solaris ang office namin?! Pano kung jinojowk time lang ako na may job offer sakin sa company na to?! Paano magluto ng kare kare?! Andaming tanong na dumadaan sa isip ko nang saka dumating ang mga kawave ko, almost thirty minutes pa after ko dumating.

Since Australian company ang client namin of course ang trainer namin eh malamang Swedish. Choz syempre Aussie din. Di ko pa naman bet ang Australian accent, yan na yata ang pinakahate ko marinig na accent, lagi ko pa naman ito naririnig kapag nakakapanood ng mga cooking shows sa cable. Heniweys umintro si ate as Karen Ross, first name basis sila since global company ito. No ma'am, no miss, no madam, no ale, no manang, no ate. Basta Karen lang. Ginagamit lang naman yung miss kapag umoorder ka ng food, or sumali sya sa beaucon, or namimili ng DVD, or kalevel mo si Miss Carmi Martin, pero other than that it's a big no no.

Provided na sa amin ang mga pens at notes at markers. Kulang na lang ng backpack baka isipin ko'ng nasa educational program kami ng gobyerno. May lockers pa kami with 3-digit numeric locks, mejo hi-tech sya para maiwasan ang pagkaburara. Pero wait there's more, sa pagsesetup pa lang ng combos eh marami nang kinain ng locks kaya ang ending yung iba nakishare muna ng locks and lockers.

Heniweys talagang hi-tech ang facilities ni client. Favorite na naming tambayan ang pantry, sobrang lawak nya, parang floor area ng isang branch ng Jabee, kasya ang tatlumpu't pitong food carts siguro, estimate lang. May free pa'ng iced tea at lemonade (surprisingly masarap ang combo ng lemonade at iced tea). Tapos free din pala ang coffee dispenser (di ko nilapitan kasi baka ako naman ang makain) at inadik naman ng mga kawave ko up to the last drop. Simu't sarap, kamusta naman sa pagpalpitate?! Wala kayong highblood ha, mamaya hyper na kayong lahat.

May free lunch pa nung first day, assorted topping pizzas from Yellow Cab. Kaso how can this be lunch kung wala namang rice?! Nakaround two pa ako ng pizzas at nagpanggap na lang na busog para di mapahiya si Karen. Choz! Nung sumunod na mga araw eh KKB na kaya forced na kaming lumabas at maghanap ng makakainan. Maraming restos, food chains at convenience stores pero mahahaltak ka ng pride ng Makati na jollyjeep. Sa tabi lang ng parking lot eh may apat o limang jollyjeeps. Kunwari makakapili ka pa ng ulam pero akswali parang pare parehas lang silang lahat ng luto: mamantika, mataba, at di mawari. Pati yung rice nila pawang pinag-effortang ipinila sa NFA, madilaw at amoy kinulob. Mabuti na lang talaga at kapag gutom ka eh lahat nagiging edible.

More slides, at activities si Karen for two days. May scavenger hunt game pa na pinagpasirko sirko kami sa floors ng client. Kung gusto lang pala nila magpa-impress ang new employees eh di sana pinakitaan ko na lang sila pano kumain ng buhay na manok while nagtitinikling sa bubog. At least naging familiar ako sa egress plan. May mga teamups din kaming ginawa at maswerte ako dahil mga bibo ang group namin. Inintro na rin sa amin yung ibang expats na tumataas ang tindi ang Aussie accent. Yung isang expat na si Sally lang ang pinakamadaling maintindihan dahil British sya, at infernezz kahawig nya si Julie Andrews circa Sound of Music, dapat yata nagrequest ako ng song sa kanya.

Starting day 3 eh si Winnie Zhang na ang trainer namin for accounting systems nila. Kung nastress ako sa Aussie accent ni Karen, mas malala ang Aussie plus Chinese accent ni Winnie. Sya lang ang nagpasimuno ng round of intros sa group namin kaya nagkaalaman na kagad kami ng mga secret talents sa singing and dancing. Di kaya naligaw yung iba sa amin sa audition for American Idol?! Asaness.

Intermission number. Nagkaron ng fire drill at kelangan naming bumaba ng eleven floors plus mezzanine para makalabas at umassemble sa parking area. Dahil sadyang pasaway kami eh sa area assigned for 24/7 kami pumwesto dahil mejo may lilim don. Heniweys kung may totoong sunog siguro di rin aalis ng office ang 24/7 staff dahil  perpetual yata dapat ang ops nila, yes better burnt than absent ang peg. Nasa kabilang side ng parking ang Shell shared at mas pinagpala sila dahil may bubong ang side nila mga buset silang lahat. May actual firetruck pa at functioning hose. May nagpapausok din ng dry ice sa loob para isimulate ang smoke effect. Bothered lang ako kung possible ka bang magsuffocate sa carbon monoxide sa mga ganitong presentation. May nagrarapel pa nga pababa ng building na may iba ibang pamamaraan: may patalikod, paharap, patiwarik, at may dangling pang buntis na damsel in distress. Di lang nila natry yung mala-zipline approach. Sa baba ng building makikita mo ring may dumadramarama sa hapon na mga survivor ng sunog kuno. Question: Saan mo dapat ilibing ang mga survivors? Answer: Ibaon sa limot dahil una survivors sila at ikalawa nakakastress yung acting, costume at props nila.

Day 4 inabot ng whole day kami sa training ng general ledger system nila dahil mejo umislowmo ang system namin sa nakakalurks na transactions, 8000++ chart of accounts, at 11000++ cost centers. May pinakabisa pa sa aming pointers ng preparation ng journal vouchers (nmemonic ko is BUDDRA DEPA ADS V** IKR walang meaning sya). Kaya nung day 5 mejo cramming na kami sa time para matapos lahat ng computer-based trainings namin. Required kasi kaming tumapos ng  six CBTs. Natapos ko naman lahat by 4pm-ish pero marami na'ng fast forward na naganap in between. Akswali dapat bawal magturuan sa assessments pero nagbayanihan na kami sa pagpapasahan ng sagot at techniques. Yung iba nga natapos lahat ng courses within 1 hour lang akalain mo yun Dexter boy genius.

Right now eh balik Pioneer muna ako pero I'll be back. Patikim pa lang sa akin ang Ayala. Next time magkakalat na ulet ako doon. Bwahahahah *thunderbolt and lightning* Kaya be afraid, be very very afraid. Choz! May the force be with you!


____________________
*Check out my chapter 1: Ayalero
**Business unit, date, description, reversing, account, department code, affiliate code, amount, description, stat code, validate

Miyerkules, Abril 13, 2011

Krusher

 
KFC Krushers by Yasmin Nur Nasha via Flickr.
Majinet ngayon eh. Konek?




Hello Stranger
03.2011


Nagkaron ka na ba ng crazz na stranger? Well, normal lang naman siguro yon. Natitigan mo ba sya nang matagal? Winish mo ba'ng makita sya ng paulet ulet? Finlames mo ba sya? Malamang hindi, di mo pa alam ang full name nya eh. Pero kung alam mo yun I'm sure ginoogle mo na rin ang buong pagkatao nya. Pinopoke mo na sya ngayon at iniistalk hanggang kelan ka nya iaadd.

May mga kwento lang ako ng ilang case na may involved na stranger at pano ito nakasira ng buhay nya. Choz. Roll VTR.



~0~


Krushee#1: Ishogo sa namesung na Brian


Naglalakad na pauwi si Krusher, tumawid sya sa gitna ng kalsada and out of the blue (akswali sa kabilang side ng kalsada) biglang sumulpot si Brian. Nagkadikit sila sa island habang nagbubuhol buhol ang traffic sa dami ng nagje-jaywalk, nagkatinginan, sabay nagka-exorcisan (ekpleyn: head turn). Biglang pumasok muna sa Jabee si Brian para bumili ng food. Hala ang Krusher mega-may-I-follow-you-and-where-you-go-I'll-follow kesehodang kakatapos lang nyang kumain. Tingin sya ng tingin kay Brian na kulang na lang matunaw kung may optic blast lang sya. Bumili pa ng sundae—kahit di naman kasarapan... I mean kailangan—para lang bumili ng oras.

Naunang lumabas ang Brian, nag-abang-abang pa sa labas sa tapat ng takatak boys kahit di naman magyoyosi, lumilingon lingon na parang si Krusher din ang inaabangan. After five or so minutes of awkward habulan tingin eh palakad nang paalis si Brian. Naglakas loob din sa wakas si Krusher at nilapitan si Brian at hiningan ng number. Naghiwalay din sila ng landas after makuha ang inaasam na contact detail. Tinawagan rin ni Krusher ang number after five minutes (excited? nagmamadali? may lakad?) pero eksena ni ateng: "that number is not yet in service." Luhaang umuwi si Krusher pero happy na rin at nagawa nya yung bagay na di pa nya nagawa before.

After a week nawrong sent si Krusher. Dapat isesend nya sa officemate named Brian din pero kay Krushee Brian nya pala nasend. Nagdawho muna sila... tao ba ito? Oo. Foreynjer? Hindi. Lalake? Pwede. Nagpakilala syang kumuha ng number sa may Jabee. Naalala naman ni Brian kaagad, di naman pala sya goldfish. Ininvite nya bigla si Brian na makipag-inuman.

BRIAN: Ano bang mapapala ko jan pag pumunta ako?

KRUSHER: Chillax lang tayo.

BRIAN: Kaya mo ba akong suportahan ang mga gusto ko?

KRUSHER: What do you mean?! Bayad?!

BRIAN: Ayoko naman magsayang ng oras jan. Ano ako callcenter agent at galante?

After nung last statement nya eh hindi ko na talaga kinaya. Ano namang konek ng call center agent at galante?! Heniweys mabuti nang nalaman nang maaga na asshole pala sya at callboy. Nagko-contemplate pa si Krusher kung babayaran nya one time yang si Brian para magpiggery sila yah know.



~0~


Krushee#2: Ishogo sa namesung na Marvin


Sumama si Krusher sa mga friends na umattend ng dog show sa may Alabang Town Center. Second time pa lang nya makarating don pero he's heard many good things about the place: like maganda ang ambiance, shalang tingnan, at maraming cuties na rumarampa dun. Exact opposite ng Metropolis mall sa Alabang na puro chakka ang mga tao, masikip, mabaho at maputek.

Nung morning pa eh bidang bida yung mga cute doggies sa piksuran. Pero nang biglang umappear ang
isa sa mga nag-aassist na si Marvin. Cue music: what's somebody like you doin' in a place like this?  Hala kuntodo effort na si Krusher na mapiksuran ng candid shots si Marvin. Infernezz naman talaga kay Marvin eh piksurable sya. Cute at mamaskels kahit mejo maliit sya tapos ganda pa ng calves shett and cute at mamaskels yah know. Parang higad yung kilay nya sa kapal pero may hugis na parang inahit dahil perfect ang shape. Ganda pa ng smile at ng eyes, na parang nangungusap na "akin ka na laaahaaang iingatan ko ang puso mohoooo." Choz.

Pero akswali nakikipagtitigan sya na may halong muscovado tapos biglang makikipaghabulan ng tingin. Pag dumadaan si Krusher pakunwaring nag-ooffer si Marvin ng mga doggie treats sa dalang doggies nya kahit alam naman nyang di bet ng doggies yung fake bacon treats. Kahit ako rin, ayoko ng mapagpanggap na smoke ham posin as bacon, pero ibang level yung fake bacon treats in an almost gummy looking kinda way. Heniweys nalost na naman ako sa kwento ko.

Nung matapos na ang event, hinagilip talaga ni Krusher si Marvin. Nasa may stall at namimigay ng freebies. Nahihiya man syang lumapit pero di rin naman sya makauwi dahil babangungutin sya ng lost chance kung papalampasin nya ang pagkakataong mapalapit kay Marvin. After ng sangkatutak na inhale exhale ayun nahila rin nya sa tabi si Marvin at... nagpapiksur lang. Well, happy na si Krusher doon.
Cue music: I won't ever be the same if we ever meet again. Kung nakatadhana nga naman kayo eh baka magkabungguan kayo sa kalsada ulet one time. At masasabi na ni Krusher, sana tayo na lang... sana tayo na lang ulet. Choz!



~0~


Krushee#3: Ishogo sa namesung na Clark


Nakilala ni Krusher si Clark sa isang microblogging site. Ka-follow ng finafollow nyang friend si Clark. So two degrees of followship sila... gets? Finollow naman ni Clark si Krusher dahil nakikita nyang mentionan ni Krusher at first degree followship. So nagfollowback naman si Krusher. Pagkalipas ng ilang araw, sa social network naman sya inadd ni Clark. At ayun nga bumungad na sa kanya ang mga yameeeeng piks ni Clark. Hangkyot kyot lang ni Clark, parang batam bata, makinis, at parang cuddly na rin. Pinoke sya ni Clark, pumoke back naman si Krusher. Kinabukasan pumokeback ulet si Clark. Then si Krusher ulet ang pumokeback. Josko poke-poke-an ang dalawa. Parang nasa poking bliss ang Krusher, kung sana mapopoke nya rin si Clark in real life.

Nagpadinner si first degree followship ni Krusher at ininvite din nya si Clark that night. Late na dumating si Krusher sa venue, sayang nga't whole day palang nakitulog si Clark sa house ni followship. Nagluto si followship ng pasta (which is akswali sopas na instead of macaroni eh may paandar na linguini
at a can of liverspread to taste oh san ka pa).

While cooking eh pinakilala at pinagtabi ni followship si Clark kay Krusher. Hongloki pala ni Clark, parang 5'10 yata. Parang mga sanga ng kahoy... narra siguro. Galing daw sa pag-eeffort yun, kasama kasi sa dragonboat team si Clark. Shett nabasag ang pangarap na cute boy ng isang vortang kuya. Kahit nahihiya si Krusher eh si Clark naman ang naglead ng conversation, parang tumatango ang mga dila at utak nila sa palitan ng kwento. Sabi ni followship napaka-accommodating naman ni Krusher sa pag-eestima ng mga bisita. Nagkapalagayan ng loob pero hanggang doon lang yun. Pagkatapos ng dinner nagpaalam si Clark dahil may gimik pa sa dancefloor sa may Ortigas. Naiwan si Krusher sa isang sulok na wala man lang ni poke na nagawa sa kutis ni Clark. Tanging si Clark lang pala ang naging accommodating dahil napagbigyan nya ang pangarap ni Krusher na mameet sya. Wala nga lang poke.



~0~


Ashushwal loser na naman ang drama ni Krusher. Sa iba't ibang senaryo iba't ibang uri ng pagkabigo. Mabuti bang di na lang nya nakilala ang mga Krushees? Mabuti bang di nya nakausap si Brian at malaman na mukhang pera sya? Oh mabuti na lang bang nasilayan nya si Marvin pero di man lang nakausap? Oh yung nakausap nga si Clark pero di man lang nahawakan.

Sa bawat aspeto ay di nya nagamit ng husto ang kanyang angking kalandian, I mean kakayanan. Krush lang naman yan eh, marami pang darating. Pwede ka naman magkaron ng sangkatuak na krushes eh basta't nag-iisa lang ang taong mamahalin mo.

May next time pa naman eh. Try again later. Try and try until you succeed. Sa susunod baka hindi lang krushee, baka lurvee na. At sa kanya lang, buong buo, walang kahati o kaagaw. Hindi lang basta poke ang matatanggap kundi yakap. Hindi lang basta follow-back kundi acceptance.

Biyernes, Abril 8, 2011

Aloe Der!

 
Photo by magnummavis via Flickr.


First day jitters

04.08.11


Nakakatakot ang first time. Parang berjin lang, touched for the very perstaym ha. Parang naalala ko pa yung unang araw sa kinder, yung unang araw na mag-uuwi ka ng card na may line of 7 sa Filipino, yung unang araw na magbayo ka, yung unang araw ng board exams, yung unang araw sa work... in any work. Kasi naman may suspense na sino kaya ang makakatrabaho ko, mababait ba sila, may bettable ba, may PC kaya sa station ko, sana hindi nakablock ang Facebook at Twitter, sana mura ang food sa canteen. Mga ganong concerns.

First day ko sa Ashenshur April 8 for the New Joiner Orientation. Ewan ko ba bakit Friday nila inisched. Nagworry talaga ako kasi baka mawala na sa akin ang weekends kong mahal. Apparently naisched lang kami dahil sa squeezed orientation for 1 day dahil sa Monday isasabak na daw kami sa client site.

Infernezz early ako nakarating sa office. Almost full na ang room kaya sa backrow na ako umupo at para hindi rin grand entrance. Iniscan ko ang mga future officemates ko... hmmm... isa lang masasabi ko: walang office romance for me. Choz!

Si Karen Mendilla ang speaker namin na parang female version ni Japoy as in singkit at chubby na lalagyan mo lang ng ponytail at nunal sa right side ng lips. First name basis ang peg kaya go lang sa Karen, nasaan si Gina? More on about the company at policies ang discussion, general topics lang walang work specific. At least alam ko na na accent on the future pala ang etymology nila. As if magagamit ko yan kapag sumasakay ng jeep or namimili sa palengke or sa kung ano mang aspeto ng buhay dabah? Choz!

Hondoming free food para sa NJOs. Nakalagay sa plastic version ng styro food packs (di ko alam ang tawag don eh), at pagbukas mo voila: random foodstuffs. For breakfast merong pandesal and pancakes and sandwiches with raspberry tea kapakner. For lunch merong chix and pork and fish fillets with rootbeer na kapakner. For snack merong carbonara and pancit and ginataan with strawberry aloevera drinks. Parang roleta lang sa pagkuha ng food, at sa sobrang dami eh talagang mabubusog ka! Umover pa nga ako dun, muntik masira ang tyan ko. Napigilan ko lang talaga. Feeling ko yung aloevera yun eh buset na yan.

Natapos kami around 5PM. The good news is may Saturdays and Sundays pa rin ako, the bad thing is wala nang puyatan ng Sundays with my friends na may pangkatulong Sun-Mon off. The good thing is morning shift 8-5 ako, the bad thing is forced na mag-business attire kami everyday. The good news is sa Ayala ako mag-ooffice dahil makikita ko na naman ang beautiful people of Ayala kaway tayo jan! The bad news is malayo sya sa Pioneer na isang sakay lang sana. At hello Jollijeep ulet.

At bawal nga pala ang phone, mp3 players at flash drives sa site at blocked din ang Twitter and Facebook. For nine hours para lang akong bilanggo sa hi-tech na kweba. Ahuhuh. Ipagnonovena ko na lang na sana mareverse ang kautusang ito. Choz!

And did I mention wag kayong magtangkang uminom nung Aloe na juice drink?

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips