Sabado, Mayo 28, 2016

Pagasaness


Heto na naman nag-e-emote ako. Pinaasa nang paulit-ulit. Sabi nya hindi daw sya magpapaasa. Sabi nya laging nanjan lang sya. Mga pangako ng mga paasa. Putang ina!

Hindi ako magsosorry sa foul language. Pero kung first time mo mababasa tong blog ko, sorry po. Putang ina po. Ok ka na? Well ako hindi pa. Quits lang.

Actually wala pa namang finality. Hinihintay ko pa pero lahat ng clues nakaturo na dun. Paasa. Atsaka kelan pa nagkaron ng closure sa mga paasa? Dapat jan sinusunog ang tulay, kasama silang lahat actually. Pero hindi naman ako arsonista. Hayaan ko na lang si karma makahanap ng kerosene at posporo.

Di ko alam kung ano masakit, etong umasa na naman o yung magreminisce ng lahat ng paasa sa buhay ko? Tendency ko kasi pag nasasaktan ako ay alalahanin kung sino yung mas masakit ang ginawa sakin. Para may ranking ng pain ganyan. Pakisampal na lang ulit ako sakaling makasalubong mo ako sa kanto. Mas matatanggap ko pa yata yung ganyang pain kesa ganitong patuloy na nagpapakatanga.

Mabuti na lang talaga wala akong suicidal tendencies. Baka yung pain 10/10 nategi na talaga ako, pero no. Naalala ko pa na binabaybay ko ang tulay ng Guadalupe that time. Madaling araw, pasado alas tres ata yun. Sumilip ako at napag-isipan ko agad-agad na nakakahiya mamatay sa ilog Pasig. Kaya nag emote na lang sa pag lip sync sabay sa aking emo playlist. Kahit puro breakup songs ito at least nauplift ang mababa pa sa putik na feelings ko.

Gaya ngayon pumeplay ang Jackson 5 ng I Want You Back. Seryoso, I want you back, but you ruined it. Kahit pa gusto ko, di naman lahat ng gusto nasusunod. Tayo'y pawang mga utu-uto sa tadhana. Ang mga stars gabay lang daw; pero tandaan mo: sa umaga walang stars. Kaya nagkakanda leche leche tayo sa free will na yan.

Lord, nagpakabait naman po ako di ba? Bakit po pagsubok na naman? Quotang quota  na ako sa mga paasa. Siguro kaya Niyo lang ako binubuhay physically kahit murder na murder na ako emotionally dahil alam Mong malaki ang paniniwala ko sa pag-asa. Na bukas may darating para sa akin, para sa lahat, na magtatama ng mga mali sa buhay natin. Sige po go lang push. Aasa na naman ako. Mawala na lahat sa akin wag lang itong pag-asa.

PS. Infer ambilis ko magsulat pag galit/nasasaktan. Pain pa more?


_____________________
Photo by Andrey Nelepa via Flickr.

Huwebes, Mayo 26, 2016

Crayola Zobel


Mula pa lang nung elementary days gustung gusto ko na ng maraming colors. Naaalala ko pa na naiinggit ako dun sa bestfriend ko kasi ibinibili sya ng mama nya nung 64 colors na crayola. Di ko alam saan ko gagamitin lahat pero gusto ko lang. Tititignan ko lang, pagmamasdan ang isang makulay na mundo. 


Since mahirap lang kami nagtyaga na ako sa 8 colors. Di naman ako nagreklamo kasi nagagamit ko naman lahat yan. Lalo na yung black yata. Di ko rin alam bakit may mga coloring books pa na nagpapacolor ng black eh di sana sinama na rin sa printing ng black ink yun di ba. Habang lumelevel up ng baitang sa elementary ay nadadagdagan naman yung set ng colors ko. Nakakabili na kami ng 16 colors, at sa wakas nabigyan ako ng pagkakataon makagamit ng pink at white. Lumipas uli ilang baitang hanggang sa umabot din ako sa 24 colors. Mga 40 colors short pa rin sa wishlist ko pero chuchoosy pa ba ako?

Ngayong may trabaho na ako, di pa rin ako makabili. Actually 200 paysows lang naman sila. Kaso di naman ako makadecide kung anong brand ang gusto ko. Maging Crayola pa rin ba at loyalista na pangmasa o magpaka sushal at mag Faber Castell? Choz lang. Kuripot lang talaga ako. Saka na lang ako bibili pag may SM Bonus equivalent na choz. 

Nauso naman ngayon ang adult coloring books, pati apps gaya ng Colorfy sa mobile kung barat ka ng taon na walang pambili ng crayola. Yung designs come in different shapes: florals, mandalas, animals, famous paintings, at kung anu ano pang paandar. Nakakarelax daw kasi mag color sabi nila. Eh bakit ako naiistress? Feeling ko kasi dapat may special pattern din ako sa pagkukulay at di ako happy pag di ko pinlano nang maayos san ko pupunan nang ganito at ganyan. Coloring should be artistic, pwedeng abstract and random or detailed and elegant. Pero paano kung lahat na lang random? Artistic pa rin naman pero ewan ko jan sa lion mong kulay pink at green.

Paano kung mapudpod na ang crayons? Mas maganda kasing tingnan yung buo pa sila at matulis. Pero kung nangangalahati na minsan gusto na agad pabili kay mommy ng panibagong box. Yung pudpod sinasantabi na lang, nakatambak sa sulok na inaalikabok. Dahil kahit gaano pa kakulay ang mundo mo pag napaglumaan mo na ang silbi mo, maghahanap din sila ng bago, ng buo, ng matulis. May nag aampon ba ng lumang crayons?


____________________
Photo by Carrie Barbash via Flickr.

Sabado, Mayo 7, 2016

Tula Jours



Ako'y tutula, makatang makata.
Ako'y uupo, tapos na po.

Magmula pa noong elementary school days, alam ko nang hate ko ang tula. Hindi kasi ako makapagsulat nang may tugma dun sa mga composition notebooks. Kahit anong gawin ko, nagmumukhang pilit at korni ang aking akda.

Napasugod kami ni Jhen sa Ayala Triangle nitong Huwebes lang dahil sa Open Mic session. Teka mommy, what's open mic ba? Yun yung may mic tapos people will like make salita in front to say any topic. At dahil poetry reading ito, I expected the likes of Francisco Balagtas, Geoffrey Chaucer, Robert Browning, or Mark Logan. But no. Hugutan pala ito. Wala ngang tugma karamihan ng nga lumahok. Mga sawing humihiyaw ng kanilang mga poot sa mga nang-iwan at nagpaasa. Wala naman sigurong maiiwan at aasa kung walang nagpahintay at nagpaasa. Sabi nga ni Ted Failon, walang manloloko kung walang magpapaloko. Hoy, gising!

Well, hindi naman sa binabash ko ang sining na ito. In fact, nainspire pa nga ako eh. Kung ganito lang pala ang poetry ngayon, matagal na pala akong makata. Kayang kaya ko rin ang ginawa nila. Magsusulat din ako. Di ko lang sure kung kaya ko basahin in front of the madlang people yah know pero I know there was a time na nagtangka akong magparej at basahin ang isang blog ko sa open mic sesh. But no. Let us leave the night sa mga nasasaktan at di pa nagmumove on. (Wow ha, lakas magsalita kala mo madaling makamove on. Alam mo ba ang three-year rule? Choz)

Ngunit paano ako magsusulat kung walang magbibigay meaning in my life, you're the inspiration. Sino ba ang aking muse?

ME: Sino ba pwedeng maging muse?
ME2: Anong tagalog ng muse?
ME: Ewan ko. Myus ganyan?
ME2: Lakambini o paraluman na lang sana.
ME: Eh di ikaw na Google translate.
ME2: Ok sino na lang kilala mong muse sa literature?
ME: Ayyy graded recitation? Di ako nainform. Di ako nagreview.
ME2: Answer the question, are you packing my hasban?!
ME: May sapi ka na naman ni Terry.
ME2: Wag mo akong ma-Terry Terry! Enumerate muses in literature.
ME: Ok meym. Si Pia Wurtzbach.
ME2: Hindi sya muse. Saka pang classroom officer yang context mo ng muse. At saka Miss U sya. Saka contemporary din sya, gusto ko classical.
ME: Ayyy may ganyang requirement pala.  Si Melpomene. Sushal di ba.
ME2: Muse of Tragedy. Umayos ka kungdi saksakin na kita. Next.
ME: May pagbabanta. Akala ko isa lang?
ME2: At least 2.
ME: Kulang kulang ang panuto mo. Si Thalia?
ME2: Muse of?
ME: Akala ko ikaw na magfifill-in the blanks.
ME2: Muse of?!
ME: Muse of Telenovelas.
ME2: Bagay ka jan. Maraming internal monologues.

Sorry nadistract lang ako. Nag-iisip isip lang. Nakipagchikkahan with myself pero I'm good na. Going back. Sino nga ba ang aking muse? Ang aking inspiration? Para kanino ka fumifeelings? Gusto ko kasi pag nagsulat na ako yung damang dama ko ang sinusulat ko.

Pero kailangan ba lahat ng sinusulat na tula ay malungkot at bitter? Hindi ba pwedeng masaya naman? Yung makakapag-inspire ka rin ng positive vibes sa ibang tao.

Malay mo nanjan lang sya sa tabi tabi. Naghihintay. Nanunuod. Nagbabasa. Nakikiramdam. Lumapit ka na at bigyang sigla ang aking nahihimbing na diwa, paagusing muli ang nagsebong ilog ng sanlaksang emosyon. Narito lang ako, o aking paraluman. Maghihintay. Aasa.


____________________
Photo by Sourodeep via Flickr.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips