Kundol, patola, upo't kalabasa.... Dati naman di ako kumakain ng gulay. Like feeling rich kid makaarte kumain chumuchoosy pa. "Mommy, I don't like that green slimy stuff. Make luto mo me ng chicken nodols." Ganyan. Nangyari lang akong matuto nung nagtatrabaho na ako at kelangan na bumili ng ulam sa sariling pera. Kelangan sulitin ang lahat ng inorder. Kaya kung dati nakahiwalay ang gulay sa sulok ng plato, ngayon simu't sarap na sya. Makulay ang buhay sa sinabawang gulay sabi nga.
Ano ang Pambansang Gulay ng Pilipinas?
Sa prutas alam ko, mangga! Pero gulay? Di ko talaga alam. Wala pa naman naisasuggest sila na gawing pambansang gulay, pero kung pwede lang ilalobby ko na sa Kongreso na ang gawing pambasang gulay natin ay patola. Uso kasi sa mga Pinoy ang patola. At least nasa bahay kubo pa sya.
Ang mga Pinoy kasi sadyang mapagcomment. Patola. Patol ng patol sa halos lahat ng issues. Ok lang naman kung may social relevance. Gaya ng Pork Barrel scam. Pero yung karamihan puro mema lang. Memacomment lang. Memapost lang. Memasabi lang. Galit na galit kay Napoles, eh narinig lang naman nya sa nagchichismang trike driver eh nakigalit na rin. Ang galit kasi contagious. Tapos makarally sa Quirino at Ayala akala mo naintindihan ng buo ang nangyayari. Yun pala magseselfie lang. Pati yung mga
Uso rin sa atin ang Pinoy Pride. Yun bang pag may dapat ipagmalaki eh uber supportive tayo. Kahit pa 1/8 Pinoy na lang yung contestant eh kineclaim pa rin natin tubong Cavite yung lola sa tuhod nyang taong yan. Pero kapag nalait ang pagiging Pinoy grabe makareact. Dudumugin talaga. Angry mob kung angry mob, na sa panahon ngayon eh napalitan lang ng mga tweets instead ang mga araro at itak.
Daming nagsusulputang mga fake accounts sa net at di pa rin natututo ang mga Pinoy paano alamin ang fake sa tunay. History repeats itself. Rereact kasi agad. Akala ko ba think before you click? Like may nagtweet, "sana malunod ang mga Pinoy jan sa Habagat. Poor country eeeww!" React agad tayo. Di man lang chineck kung famewhore lang tong bagong troll na to.
Tapos eto nga nanalo si Megan Young. Congratz bata, kahit mejo nagbuckle ka sa Q&A portion we're proud of you. Anyway, very proud nga ang sambayanang Pinoy. At nagsipagfollowan naman sila sa Twitter account ni Megan para magreet ng kanilang congratulations. Eh mali pala ang nafollow nila, tukayo lang pala. Si ateng naman ang faux pas nya eh nagtweet pa sya: "Dear Asians, I am not the Megan Young who won Miss World 2013 please stop following me." At least, gumamit sya ng please. Pero wag ka, racism daw yan ayon sa mga nakabasa. Ewan ko ba, anong racist kung tinawag kang Asian, eh Asian naman tayo? Hallooo, nasa Astralya ba tayo? Parang Pinoy Henyo lang ni Tito Sen choz. At kawawang ateng, dinumog na ng mga lait ng mga bobong Pinoy. Sino ngayon ang racist? Eh nung sinabihan na mababaho daw ang mga Iranians porket tinalo tayo sa basketball, di ba racism din yan?
Eto pa, may isang Devina Dediva na may-I-comment daw ng ganito: "Miss Philippines is Miss World? What a joke. I didn't know those maids have anything else in them." at may dagdag pa na poor, smelly from cleaning toilets, at uneducated. Lakas maka-Maricel Soriano ng statement nya ha, ayoko ng mabaho, ayoko ng putik! Pwes, ayaw din namin sayo! Angry Mob Assemble! Inulan ng batikos at lait si ateng. Hanggang sa dulo napatalsik sa trabaho nya si ateng. Apparently, yung boss nya eh Pinoy pala. Eh may antiracism chorva ang Singapore. Ayun natsugi si teh. Ang karma talaga ngayon LTE na.
Walang masama kung maging overreactive ka sa lahat ng issues. Basta nasa tamang lugar ka rin bago ka magalit. Wag padalos dalos. Di masarap kapag laging patola. Dahil ang patola sa miswa lang bumabagay. Ansabeh?
____________________
Photo by joeysplanting via Flickr.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento