Sabado, Abril 27, 2013

Fire Drill


One week pa lang kami sa office nasaktuhan na namin ang annual fire drill sa Solaris. April 15, 2011. Kahit hesitant kaming bumaba, kelangan daw kasi part sya ng practice ng Safety and Wellness ng mga employee.

Unang rule wag mag-elevator. Di natin alam kung magkakaroon ng power failure. Mastuck ka pa sa loob. Tapos manisi ka pa. I WAS NOT INFORMED. YOU DON'T DO THAT TO ME! So ang way lang namin is through the stairwell. Ok lang kasi fourteen flights down lang naman. Imagine kung ang assembly sa top ng building sa penthouse or something? Baka nasunog na ang buong building umaakyat ka pa rin choz. Anjan naman si gravity para tulungan ka bumaba. Kung tinatamad ka, gumulong ka pababa. Ewan ko lang kung di ka magmukha tangang duguan at puro bukol sa ground floor.

Tanghaling tapat bumaba kami sa ilalim ng nagngangalit na araw. Sa maluwag na parking lot may designated na pwesto bawat company. Jan namin nakita ang mga kapitfloor namin. Pinakamarami participants yata ang Shell, habang parang salimpusa lang ang 24/7. Moderate pa lang ang dami namin dahil kakaestablish lang ng Hub that time. Although non-direct employee kami eh nakisali na rin dahil within client premises naman. Kanya kanyang paraan pano magtatago sa araw. Actually, kahit di na namin allotted space yun eh sinugod na rin. Makalilim lang.

Nagdemo sila ng may smoke effect sa may bandang 9th floor. Tapos may mga nagrarappel as escape route daw. Parang action movie lang. May normal na feet first. May pabida na head first. May umiiskip level jumps si kuya, like one floor, two floors, then four floors ang jump nya. Ano to contest gano kabilis bumaba? May nagrappel na may kasamang artistang victim. Actually may shocking pa yun kasi baka mauntog si artistang victim. Yun tlga ang concern ko eh.

After nun nagprovide naman sila ng drinks. Like mineral water. At since galing sa box yun, mejo kumukulo lang naman. Wag na choosy. Naiinom naman yan. Mas effort yata ang pagbalik sa floor kasi ba naman sabay sabay mo papapasukin lahat ng occupants. Kamusta naman lahat ng turnstiles at elevators nyan. Like mga 30 minutes pa bago ka makabalik sa floor.

A year after, more organized na ang fire drill. Naset naman sya bandang alas diez ng umaga. May assigned fire marshalls pero section para silang bahala magcheck kung complete attendance ang mga evacuees. At nag-alarm na nga. May voice over pa! Mejo besaya nga lang si koyang gardo. Tawa nang tawa sila sa "isteerwell."

Relaxed na relaxed kaming bumaba ni Denise. Mga 15 minutes after ng alarm. May tinapos pa kasing task. Imagine kung totoong sunog to, tatapusin pa namin yung mga adhoc. Parang mas mahalaga pa ang SLA kesa sa sariling buhay eh. Pagkalabas, kinuha pa ang phone at wallet, at nagCR. Mas mahalaga pa ang personal effects at hygiene kesa sa sariling buhay eh. Pati pagbaba sa isteerwell eh more kwento kwento. Take your time, di pa naman masusunog ang buong building choz.

Sa labas, nakiumpok kami sandali pero after macheck ng attendance ni fire marshall nagliwaliw na sa pagbili ng mamemeryenda. Replay na yung rappel action drama eh. Kebs na kami doon.

Kahapon nasched na naman ng isa pang fire drill. Like third time ko na to ha. As usual, nahuli ulit ako sa pagbaba. Ang assembly area namin nalipat sa likod ng Standard Chartered dahil yung dating parking lot na assembly area namin eh tinatayuan na ng condo ng Kroma. Anyways, ang true assembly area namin eh sa Legaspi Active Park pa across Washington Sycip park sa may Rada. As if naman mapapapunta nyo kami ng ganon kalayo di ba?

Sa masikip na access road nakasetup ang mga firetrucks at ambulansya. Dun din kami nakaharang. As usual, replay ng hulog drama, at nang presentation ng mga victims daw. Ngayon naman may tutorial paano gumamit ng fire extinguisher.

So explain explain si ate. Like one time big time mo lang magagamit ang extinguisher, unless iparecalibrate mo daw or something. Tapos kelangan i-aim mo sa base ng apoy yung nozzle. So ayun nga may nagtry na isa. Successful after like 5 seconds na spray nya. Success din sya sa pagpapalayas ng mga tao nung kumalat ang usok. Sorry nang sorry si ate sa mga nausukan pero ganun daw tlga di makocontrol ang direction ng usok. Huli na ang lahat, nagsipaglayasan na mga tao. Wala nang magka-clapclap sa namatay na apoy. Next kuya nagtry din magfire extinguisher pero fail. Imbes na mapatay ang apoy eh lumaki lalo. Pero mas epic fail dahil nakunan pa sya ng pics nung mga chismosong bystanders.

As usual ang pagbalik sa floor namin ang matagal na part ng fire drill na to. Naubos na namin mga blind items eh di pa rin ubos ang mga tao sa pagpasok sa building. Actually pwede naman kami bumalik via isteerwell. Pero no. Sunugin nyo na lang kami kung yan lang ang available na daan pabalik.

Where there's smoke there's fire. Sana wag naman magkaron ng sunog sa building namin pero mabuti na rin na handa.

Apoy ka ba? Gusto kasi kitang patayin habang nagpapalakpakan ang mga tao. Choz lang! Baka may magreact na naman.


____________________
Photo by Cakeybake via Flickr.

Huwebes, Abril 25, 2013

Gaga-Gayuma Gaga-Gayuma


Interpreter Please

"Language is the source of misunderstandings."
~The fox, The Little Prince


"Boolseet!"

Naalala ko yung adviser namin nung first year high sa PUP. Kami na yata ang pinakamaingay na section nun. To think tatatlo lang ang sections for each year ha, isipin mo gaano ka super superlative na ang mabansagang pinakamaingay na section.

"Boolseet!" sabi ni sir Ambrosio T. Pechardo. Tandang tanda ko talaga ang full name nya. Sya rin kasi ang instructor sa drafting. So everytime gagawa ka ng plate, ilalagay mo in 0.3 lettering ang full name nya.

"Boolseet!"

Hindi naman daw nya kami minumura. Yung pader ang sinisigawan nya. Para tumigas. Matigas na kasi masyado ang ulo namin. At kahit alam mong may punto sya magsalita, gets mo naman ano ang ibig nya sabihin. Pakshett kasi kami. First year pa lang magugulo na. Expected na dapat sa third year pa tutubuan ng sungay ang mga estudyante. Well, siguro nga tumigas ang mga pader namin. At natuto na rin kaming magtino sa klase. Hindi yung
araw araw nirereklamo kami ng buong campus. Noisiest ang I-Del Pilar.

"Boolseet! Ang gawin ninyo, pumasok kayo sa loob ng basurahan at doon nya tanggalin ang mga madudumi at nabubulok sa pagkatao nyo. Paglabas nyo malinis na kayo." Of course mas dudumi ka pag pumasok ka sa basurahan. Pero sino kami para icontest yun? After nyan, life changing tlga ang homeroom discussion na yun. Pag minura ka ba naman ng paulit ulit ewan ko na lang sayo kung di ka pa magbago. Natrim nang maaga ang mga patubong sungay, at di ulit namin narinig ang boolseet.


~0~


Kilala mo ba si Jacklyn Jose? Isa lang naman sya sa mahuhusay na premyadong aktres sa TV at pelikula. Pero alam mo bang di mo mababasa ang emosyon sa kanyang pag-arte. Kung si Kristin Stewart ay walang pinagkaiba ang mga facial expressions, si Jacklyn naman walang pinagkakaiba ang mga tono ng delivery ng mga linya. Like flatline lahat. Di ko mapapansin yan kung hindi sya laging iniispoof ni Mr. Fu sa radio show nya sa umaga.
 
"Ha. Ha. Acheche." Imaginin mo ang mga linya ni Aiza nung bata pa sya eh ginamit na punchline ni Jacklyn. Flatline pa rin. Matatawa ka pa rin kahit di mo mabasa na jumoke na pala sya.

"Puta ka!" Kahit siguro murahin ako ni Jacklyn, di ako mabibigla. Baka matawa pa ako. Dahil na rin siguro sa delivery nya. Di naman nawawala ang husay nya sa pag-arte. Funny lang tlga na walang emosyon ang pagkasabi nya. It's not what you say, it's how you say it.

"Ayyy. May sunog!!!" Imaginin mo sinasabi nya yan sayo ng blank face. Matatakot ka ba? Magpapanic? O tatawa na lang? Dahil si Jacklyn ang nagsabi nun, luluha ka na lang. Baka masampal ka pa nya choz.

"Shatap! Betch ka lang! Ako soperbetch!"


~0~

Pagpasok ko kanina sa office, maganda ang mood ko. Halfday lang kasi ako dahil may holiday ang client namin. Although tinatamad na tlga ako pumasok kanina, eh mainit sa bahay kaya pumasok na rin ako hahah. Pero sabi nga, halfdays are halfmeant. choz. 

As usual, nagcheck-in sa foursquare. Good vibes. Inilagak sa locker ang phone at bag. Good vibes pa. Nag log-in sa desk. Good vibes pa rin. Nagcheck ng email. Pakshett!

"I'm so disappointed...."

Bungad pa lang sira na araw mo. May pinapagawa kasi si Boss. Eh busy kaming lahat kahapon. Alam mo yung tipong pinakiusap lang ipagawa sa inyo tapos pag di nyo nagawa galit na kaagad sila? Ganyang ganyan. Magdodrawing lang naman ng charts. Again. Maisisingit naman. Yun lang, hindi maganda ang approach nya. Pwede mo naman sabihin, "Guys, I know you are busy but can we do this in preparation for our audit. Let's help each other please." Eh yung please nga parang nabura na sa vocabulary nya.

I'M SO DISAPPOINTED! FEEL NA FEEL MO PAGIGING BOSS HA! INSTEAD NA LEADER OR MENTOR! #icapslockmoparaintense

It's not what you say. It's how you say it. It may be not what you meant, but the medium weighs more than the substance. Lost it translation? We can never tell. Ang problema: sa tunay na buhay walang subtitles.

Yung tipong tinitiis mo na lang araw araw yung mga maliliit na bagay na nakakapagpainit ng ulo mo. Tapos yun pala alipin lang ang tingin sa inyo ng management. Sa totoo lang kanina, para kaming mga cleaners na naglilinis ng boards. Hindi naman kami nagtapos ng college at nagtake ng board para lang magpunas ng salamin sa bulletin board. Inaaccept na namin yun na part ng role namin kahit di sya stated sa job description. 

Pero utang na loob, kung may gusto kayo mangyari, tulungan na lang please. Ang balak nasa tabi tabi lang yan. Pwede naman namin iwan ang kumpanya. Sa ibang marunong tumingin ng tao as tao. Hindi kami numero lang. Hindi kami robot. Hindi kami laruang de susi.

Boolseet!


____________________
Photo by Nando Machado via Flickr.

Miyerkules, Abril 24, 2013

Campaign. Period.


It's that season once again. Campaign season. Yah know what I hate about this season? Una, marami na namang hinuhukay na daan. Para lang maalala ng mga tao na may project na ginawa si congressman sa nasasakupan nya. Sa ilang beses pa lang akong bumoboto, tandang tanda ko na ganitong panahon lagi biglang nagkakaron ng major project sa public works and highways sa amin. Kasi nga naman Mayo, magtatag-ulan na naman. Kelangan ayusin ang drainage. Eh ilang beses na nahukay samin, pag inulan nilulubog pa rin ang cityhall namin. Nagsayang na naman ng buwis ang mga tao. Syempre mas affected na ako ngayon dahil nagcocontribute na rin ako sa kabobohan ng mga politiko na yan. Sana nagpaayos na lang sila ng mga schools. Or nanood ng concert ng Super Junior. Para at least di masyadong affected ang traffic.

Ikalawa, uso na naman ang campaign jingles. It's the jingles mostly that I hate. Sino ba nag-imbento at nagpauso nyan? Ang panahon kung saan ang mga pop songs ay binababoy at pinapatungan ng mga lyrics na akma sa pangalan ng mga kandidato. Nung isang araw puro KPop versions yata narinig ko dito. May Gangnam style pati ang Nobody nagamit pa rin. Akala ko nga si mayor namin maggigwiyomi na rin. Nasa stage na po si Mikay. Anodaw?

Syempre di rin mawawala ang mga flyers, posters at printads. Buti nga ipinagbawal na ang pagdidikit sa mga pader ng mga posters nilang naglalakihan ang mga pagmumukha. Anyways, binababoy naman yung mga posters na yun. Nilalagyan ng nunal, shades, at bungal. Sa amin, pinagsasabitan na kami ng mga tarpaulin ng mga kandidato. Mga di naman namin kakilala. Buti nakatali lang. At least madaling ligpitin ang mga pagmumukha ng mga hinayupak na yan.

At nauuso rin ang surveys. Ang sad kasi sa surveys pa lang nakikita mo na na mababa ang ratings ng mga bet mo. Sad baka di na naman palarin si ateng Risa Hontiveros. Beauty, brains, balls, check. What more could you ask. Eh yang nita negritang si Nancy Binay nasa tugatog ng surveys, anong meron? Beauty, brains, balls? Teh Binay lang ang nananalaytay na B sa katawan nya. Actually di ko sya masyadong knows. Kung di lang pinoint out nila Mick na yung receptionist sa Solaris One sa Makati eh kamukha ni Nancy, di ko pa sya igugoogle. Seryoso, kahawig nya si Nancy. Kulang na lang pumila ako sa kanya para humingi ng lugaw choz. Pero ingat sya sa mga doppelgangers, ganyang ganyan nangyari kay Vilma. Sa pelikulang The Healing. Sana mategi na sya! Choz lang, knock on Binay.



~0~


Patapos na naman ang evaluation period namin this May 31 at di ko alam kung dapat ba tlga akong kabahan. Although wala akong problema sa operations, I think isa sa main problem ko eh ang shift ko ng career counselor. Well, we're not really in good terms. Jumajanine Tugonon, yes. Pero totoo naman civil kami. Mabuti na civil kesa civil war.

Anyways, parte ng evaluation ko eh magsulat ng self input. Yung way ng pagbubuhat mo ng bangko sa mga achievements mo sa buong taon. Two years ago inabot ng four pages ang self input ko. Last year half na lang yata non. This year, almost copy paste na lang ng objectives ang self input ko. May kilala ako inabot ng six pages ang inputs nya, bawat commendations, recognition, bawat updated status at well composed emails eh sinulat doon yata. Kesehodang nasabihan lang ng "good pick up!" o "great work" o "reviewed" sila ng client eh nilagay na yata sa inputs. Kelangan kasi epal ka. Nagtatagumpay ang mga epal dahil sila lagi ang mapapansin sa mga umpukan. Habang ang mga kimi napag-iiwanan. Ang mundo ay isang malaking Mendiola, umepal ka! Maiiwananan ka!

May isa pa akong kilala na totally nagconcede na sa race. As in wala syang nilagay sa self input nya. Nung idiscuss sa kanya ng counselor nya ang feedback, kebs na sa kanya. Pero may ilang feedback na masyadong nakakahurt. Kahit ako siguro maooffend kung yun ang findings sa akin. Sinabihan kasi sya... na masyado daw syang malakas tumawa.

And I was like, SRSLY?! Anong koneksyon ng malakas na pagtawa sa operations? Pag malakas ba tumawa ang tao, nabobo ba sya? Bumabagal ba sya magtrabaho? Nawawalan ba sya ng kumpiyansa sa sarili? Sa totoo nga, pag tumatawa ka, naa-uplift ang iyong spirit. Kasi nakakapagrelease ka ng positive vibes. Mejo annoying nga lang tlga siguro kung may narinig kang malakas na tawa pero di mo narinig ang joke. Pero that's beside the point. Walang konek ang tawa sa ops period. Pero sabi ni career counselor, "masama ang sobrang masaya." Napatunayan na ba yan? Nategi nga ang hari ng komedya, pero di sya nategi habang tumatawa. Nakakalokang argument lang.

Wag tumawa. May namatay na dito.



~0~


Hindi ba holiday ang May 13? Akala ko kasi kapag election day eh public holiday na ito kaagad sa Pilipinas. Well, dahil Melbourne ang client namin eh kebs sila sa mga public holidays sa Pinas. Wala na akong naenjoy na holiday dito maliban sa pasko at bagong taon. Mabuti na lang at double pay. Pero iba pa rin yung sabay ka sa holiday ng masa. Yung sabay sabay kayong maggogo to the beach ng barkada mo. Hindi yung Maundy Thursday namomroblema ka kung anong ang sasakyan mo. Buhay BPO tlga.

Anyway, nagpapaconfirm na kasi sila sa amin kung anong oras daw kami boboto sa atrese. Like hello, ang layo pa kaya?! Mapaumaga o mapahapon man yan, matatapos din agad yan. Di aabot ng walong oras. Papasok pa rin naman kami. Unless magpoll watcher kami. Pero wag naman silang mamressure kung anung oras kami boboto. Martial Law? I was not informed.

Smartmatic pa rin ba ang pagboto? Makakapagcamwhoring na siguro ako nyan. At sana makapag-uwi ako nung pen. Choz.


____________________
Photo by _gem_ via Flickr.

Linggo, Abril 21, 2013

Why do I...



____________________
Eternal Sunshine of the Spotless Mind
Source: blissandvoid via Tumblr.

Tinola



Kay sigla ng gabi ang lahat ay kay saya. Nagluto ang ate ng manok na tinola, sabi sa karoling. Pero ewan ko ba bakit sabi ng mga bata eh manok AT tinola. Dalawa dalawang main course? Party? Sushal? choz

Di ka Pinoy kung di mo alam ang tinola, traditional Pinoy dish yata to. Karaniwang niluluto ang manok kasama ng hilaw na papaya at dahon ng sili. Pero may variation din na ang gamit ay sayote at dahon ng malunggay. Actually mas bet ko ang papaya kasi feeling ko madagta pa rin ang sayote. Anong sahog ba gusto mo, sayote o papaya?

Na-namedrop din ang tinola sa Noli me Tangere. Sa Hapunan, habang kinakain nila Ibarra et al ang hita, dibdib, atay, at balunbalunan, naiwan kay Padre Damaso ang leeg at pakpak. Syempre imbey ang prayle kaya tiis na lang sya sa dinurog na upo at sabaw. I'm sure nabanggit din ang somewhere na merong naglalagay ng dahon ng lotus sa inihahaing tinola. Or somethang to that effect. May paniniwala kasi sila na ang mga dahon ng lotus ay nakakapagpalimot.  Baka nakain ko ang tinolang may lotus. Or talagang di ko nagets ang Noli. Kebs.



~0~


Najanine Tugonon ka na ba?

May bagong salitang biglang pumasok sa radar ng Pinoy vocabulary, Janine Tugonon. Di sya katulad ng "iDawn Zulueta mo ako" na pasweet at paPBBTeens ang effect. Malala ito. I know I'm a bit late sa balita pero ngayon ko lang tlga pinagtuunang pansin ang issue na to. Akala ko joke lang nung una pero totoo pala.

Mga Martes nung mag-ere sa KrisTV ang guesting ni Janine Tugonon at jowang Jaypee something. May cooking section kung saan nagluluto si Janine ng tinola na parang di matapos tapos sa paghahalo ng mga sangkap. Ewan ko pero parang awang awa ako sa pagkamarder ng manok at sayote. Heniweys, so ayun nga iniinnerview ni Kris at Sweet ang magjowa at wala pang 10 seconds, umamin ang Janine na they're "not in good terms."

Nameet daw kasi ng malanding hitad ang vocalist ng The Script sa concert nito just recently sa Manila. At dahil crush nya, walang kaabug abog na inadd kaagad sa Twitter. Nagfollowback naman si The Script (tlgang yanlang tawag ko sa kanya eh di ko naman tlga alam name nya). At dun na nagpalitan ng landian, I mean direct messages. Wala man lang pagpapademure, ayaw ni Maria Clara ng ganyan.

At dahil jan kaya sila naguesting sa KrisTV. Break na sila nung jowa nya. At may-I-announce pa in national TV including ang mga televiewers natin jan sa buong mundo via TFC. As in walang awa si teh. Di lang nya pinahiya yung tao, dinurog pa ang pagkatao nya na parang upo ni Padre Damaso. At di mo mababakas sa mukha nya yung awa. As in straight face, "were not in good terms." Pati naman si Kris inuusisa pa. Parang gusto ko icut muna to. YOU DON'T DO THAT TO ME! Ano to parang Face 2 Face lang? Mabuti na lang andun si Sweet para naman slightly mapagtanggol ang side ni kuya. Pero kulang pa rin yon sa kabalahuraan ni Kris at Janine.

Najanine Tugonon ka na ba? Masakit ba? Wag magluto ng tinola. May nagbreak na dito. Unless may dahon ng lotus of course. Si Boy Logro nga di nagluluto ng tinola eh, si Kris pa tlga?!


____________________
Photo by jb_baker via Flickr.

Sabado, Abril 20, 2013

PUV 101


Araw araw may walong milyon kang kasabay sa byahe papasok o pauwi. Ayon daw yan sa survey. Sa walong milyong nag-uunahan, nagtutulakan, at nagsisiksikan, di ka ba isa sa tumigil at nagtanong, "am I doing the right thing?" Urteh umiinglish ka pa eh late ka na nga. Kebs. Basta sasakay ako by hook or by crook.

Actually wala namang rules, regulation, city ordinance, or memorandum of agreement na nagsasabi ano ba ang mga dapat gawin sa pampublikong sasakyan. Parang common courtesy lang sa mga nakakasalamuha mo. Di mo alam baka anjan pala ang soulmate mo. Anodaw? Siguro common lang na wag masyadong mag-ingay sa kahit anong sasakyan. Baka may natutulog sa byahe eh mabulabog pa ng tawanan nyo na walang bukas.

Sa jeep:

Sapat lang ang kuning space sa pag-upo. Pag babae ka, wag umupo nang patagilid. Pag lalake, wag masyado bumukaka. Ang upong kalahating pwet lang eh ocho pa rin naman ang binabayaran. Pero sana yung mga barker at driver din mismo ang may pakundangan sa pagtatawag ng pasahero. Yung tipong isa na lang ang kasya, apat pa daw?

Kapag nasa harapan ka, makisuyo sa pag-abot ng pamasahe. Wag kang uupo jan kung di ka naman tutulong, unless kung yan na lang mauupuan mo siguro. Magbayad kahit sabit ka lang o nakakandong ka lang. Ang binabayaran mo dito eh yung byahe hindi yung upuan.

Sa umaga, wag magsuklay ng buhok sa byahe. Di namin gusto teh mabasa ng buhok mong vinaseline. Wag din ilugay ang buhok pag mahaba. Ayaw namin nasusundot ang mata namin. Baka masabunutan pa kita jan lintek ka.

May nakasakay na ako dati bigla ba naman nagbreastfeed sa loob ng bus. Isang manipis lang na good morning towel ang harang kaya nasisilip mo pa rin ang mga kaganapan. Wala namang masama, pero teh ang breast exposure mo hiyang hiya si Anne Curtis.

Kung balak mong matulog sa byahe, siguraduhing maayos ang pagkasandal o pagkakapit. Hassle naman kung sandal ka nang sandal sa mga katabi mo, tapos tutuluan mo pa ng laway. Like eewww.

Sa bus:

Wag humarang sa center aisle lalo na't nagbababaan na ang mga tao. Kung ayaw mo ng aircon na bumubulusok sa ulo mo, malamang ayaw din ng ibang tao na nakatutok sa kanila yun. Patayin na lang kung maayos pa ang controls into, o di kaya harangan ng kurtina hahah.

Wag kumain ng pagkain sa loob ng bus lalo na't aircon. Mabango ang french fries at mani pero kumakapit ang amoy nya sa buong bus kaya please lang. Pero may nakasakay na ako kumakain ng adobo at tinapa sa loob ng bus. San ka pa? 

Kung mahihiluhin ka, uminom ng bonamil at magbaon ng plastic. Baka biglang bumulwak ang suka sa katabi mo. Ganda pa naman ng porma nya, maasim nga lang. Ang effect pa naman ng suka, maamoy mo lang nasusuka ka na rin. Parang chain reaction lang.

Kung provincial bus ang nasakyan mo, siguraduhin mong di ka lalagpas sa allotted time ng stop. Gamitin lang ang oras na yun para sa pag-ihi o pagbili ng food. Wag magbuffet habang nasa basa stop, baka maiwan ka. Maghanda ng at least 5 pesos tuwing iihi. Para makatipid, siguraduhin na nakaihi ka na bago umalis or magpigil ka hanggang makababa.

May nangyari samin dati pauwi kami ng Bicol. Kasama ko mga pinsan ko, eh inabot si ate Mia ng regla sa daan. So nagpabili pa sya ng napkin. Actually di ko alam ang nangyayari sa ganyang mga eksena kaya hahayaan ko na lang din sa inyo yun. So anyway, nasa loob na kami ng bus habang hinihinitay sila galing CR. Nagmamadali ang mga pasahero kaya't todo talak ang iba. Lalo na si manang. Nung makita nya na majuba si ate Mia, nagcomment pa sya, "kaya naman pala matagal kasi ang lobo lobo." Pag sakay nila quiet na sya. Tiningnan ng masama ng kapatid na si Donna, sabay sabing, "akala mo naman maganda, mukha namang ulikba." Nanahimik na si teh sa buong byahe, bugbog na bugbog sa mga lait. Moral: wag sumakay ng ordinary bus, madaming skwating ang ugali. Kasama ka na don Donna choz. Actually, pag may nahuli sa byahe, wag ka na lang magreklamo. Walang maitutulong ang pagbabadmouth. Di mo alam baka sayo mangyari yun. Gusto mo ba maiwan ng bus?

Sa tren (MRT/LRT/PNR?)

Wag pong tumapak sa yellow platform edge. May namatay na po dito.

Pumila lamang ng maayos sa may pintuan. As much as possible two straight lines lamang po. Wag humarang sa dadaanan ng papalabas ng tren, at wag ding makipagsiksikan habang di pa sila nakakalabas. May next train pa naman. May next train pa naman. After ng tatlong tren, ayyy punyeta sasakay na talaga ako. Wag mag-alala, tutulungan ka ng ibang pasahero para makasiksik. Gusto rin naman nila makasakay din. Siguro pangarap ko na lang ngayon na makasakay sa isang skipping train.

May pambabaeng section ang tren, pero mas brutal ang sikuhan dun. Kaya kung babae ka at nakisiksik ka sa mixed section, wag ka rin magrereklamo na naiipit ang dede mo. Ginusto mo yan teh. May pangbex na section sa MRT, yung last car. Dun nagaganap ang mga gapangan at kiskisan. Kung bet mo yan, go lang din teh. Wag ka magrereklamo pag akala mo junjun mo lang ang kinakapa, cellphone na pala.

Sa taxi:

Well, ako yung taong di masyadong mahilig magtaxi. Unless siguro kung kailangang kailangan, or kung pagod na ako at gusto ko na lang itulog pag-uwi. Ang prinsipyo ko kasi kung kaya naman ibyahe via public transpo, why not. Although public transpo din kasi ang mga taxi, wala syang "regular" na byahe o direksyon. Kung san lang din ituro ng pasahero dun sila gogora. Unless choosy din si driver.

Karaniwan pa naman, pag di alam ang pupuntahan itataxi na lang. Pwede naman magtanong ng way di ba? Or igooglemap muna bago puntahan. Well, nangyari na sakin dati naligaw ako sa Makati. Papunta lang akong Salcedo, isa sa mga building dun. Sinulat ko lang sa papel ang ang address pero di ko na inalam pano pumunta dun. Basta Makati. Bumaba akong Paseo at naglakad lakad hanggang makarating ako sa... Buendia/Makati ave. Sa sobrang lost na ako, nagtaxi ako pabalik, at dahil di rin alam ni manong driver kung san ang building, ibinaba nya ako sa may Rufino. Naglakad pa ulit pa ako patawid ng Ayala hanggang matunton ko sa kabilang side lang pala. Lesson learned: magtanong tanong. Di mo pwede iasa sa driver na alam nya lahat ng pupuntahang lugar.

Anyways, kung may taxi bay, matutong pumila. Wag makipag-unahan sa ibang nag-aabang. Maraming taxi, puro may sakay nga lang. Makakakuha din kayong lahat. Wag excited. Kung magcacarpool kayo maximum capacity siguro ng taxi eh mga 4 na katao. Wag ipagpilitan na kasya pa at kandungan na lang kayo. Pwede naman magsplit sa two taxis  kung lima na kayo sa grupo di ba. Magsplit din kayo sa pamasahe, wag iasa lahat dun sa isang tao lang. (Kadalasan ang nagbabayad eh yung nasa tabi ng driver o yung nasa likod ng driver na unang sumakay).


____________________
Photo by me yay at Intramuros February 18, 2012.

Version 1.0 Baka maupdate ko pa to soon. Alam ko may nasulat na akong topic about public transpo dati. Kebs. Special request daw.

Biyernes, Abril 19, 2013

Quitz


I hereby tender my resignation, irrevocably effective today.

Ganyan ang gusto last line ng resignation ko. Keywords: immediately, effectively, irrevocably. Para may conviction. Lalayas ako at wala kayong magagawa para pigilan ako. Pero di ko pa naman gagawin yun. Tinanong na nila ako kung may balak na ba ako magresign. Ang balak nasa tabi tabi lang yan. Maaaring hindi ngayon, pero itulak mo pa ako punyeta ka irrecovable resignation talaga ihahain ko. Di naman ako galit nyan. Nagpapractice lang.

Bulung bulungan na sa office ang mga resignees. At dahil meron daw confidentiality chorva, nananatili silang mga bulong lang. Magugulat ka na lang may nagpaparty sa pantry, despedida ni kuwan. Or biglang mag-iikot si ate para ihug lahat ng tao dahil last day na nya. Parang kandidato lang, I knerr. O bigla na lang mawawala na parang bula pero kebs naman sayo tapos bigla mo na lang maalala di na nya sinoli yung calculator na hiniram nya sayo last monthend. Anyway, secret man o hindi, pag lumayas na yan, malalaman din ng lahat.

Last day na bukas ni madam Angie. Lilipat na sya sa may Taguig para magpakayaman choz. At dahil tight ang scheds, naghire na sila ng papalit sa role nya. Dumating si Angelika umpisa ng April. Nagtraining na rin sya, nakunan ng accesses, at nagknowledge transfer ng process. Mahigit dalawang linggo ang nagastos sa kanya. Sumweldo na rin sya nung ng first cutoff nya nung Byernes. Nung Wednesday nagfile na sya ng resignation.

Gusto ko tumawa, pero nung nalaman ko kelangan ko mag-absorb ng task, punyeta! Ayon sa sabi sabi eh may mas magandang offer daw sa kanya. Kesyo daw di daw sya nachachallenge sa tasks na ginagawa namin. Hiyang hiya naman ako sa kanya. Eh pivot table nga di nya magets, eh pano pa kaya kung paste special? choz. Kasi galing DAW syang audit, tapos tumalon sa BPO. Malamang magkaibang magkaiba ang work dun.

I don't know, I just find it weird. Yah know there's a problem kung yung taong papalit sayo eh mauuna pa ang last day kesa sayo. I'm not saying problema yun ni madam Angie. Baka may sinabi nga naman sya para wag na tumuloy si Angelika. Or baka naman may narinig syang something sa management. Basta di ako nanirang puri ha. Sarili nyang desisyon yun. Problema nya yun kung quitter sya. Buti nga di na sya pinagtender ng 30 days before effectivity. Ano yun mas matagal pa yun kesa sa actual stay nya before resigning?

At nagpadespedida na rin kanina sila Jett at Angie. Sa 12th floor pantry kami para mejo discreet choz. Anyway, may speech speech pa silang nalalaman, andun lang ako para makikain ng palabok hahah. Pero mamimiss ko sila. Si Jett na malakas tumawa at magmura, at si Angie na malakas magtaray. Sa lilipatan nila babaunin nila yang mga unique qualities nila yan, at sana tanggap sila dun anu man ang ugali nila.

Ako kaya, may makakamiss kaya sakin pag nagresign na ako? Malamang lahat ng TL ko di ako mamimiss. Sakit ako ng ulo nila eh. Pati TL ng ibang team hate na rin ako dahil daw sa ginagawa ko sa TL ko hahah. Alam ba nila nararamdaman ko sa ginagawa sakin ng TL ko? Kung anu man yon, natural na reaction ko lang na magtaas ng kilay at magroll eyes. Di ko intensyon na mang-offeend. Ang problema kasi, mas affected pa yung pinagkwentuhan kesa dun sa taong involved. Baka nga wala na lahat ng friends ko pag nagresign na ako. Di natin alam, nasa tabi tabi lang ang mga balak.

When, I'm gone, when I'm gone. Will you miss me when I'm gone?


____________________
Photo by Abdulla Haris via Flickr.

Martes, Abril 16, 2013

Sad Movies


My cat just died yesterday. And today, I just got friendzoned by someone I really liked. Two heartbreaks in a week. And it's only Tuesday.

If Enzo could hear me now, he would be laughing at me. Well, maybe not laught AT me, but at the thought. He would have said, told you so! But I guess, that's not him. It's a figment of my imagination of him. See, just a few days ago, I got offended by his comment about my lovelife, or the lack of it. Anyway, he's right. It's too early. I should've known. I could've known. I would've known.

Anyhoo, I've had a few heartbreaks from way back. Let's see, there was Eric from 2008ish. Well, we're still friends and I love that we put it that way. Then there's Noel from 2010ish. Well, we're not speaking anymore. But he would ping me if he needed to find a new apartment, or if I'm staying at Baguio so he can crash during the Panagbenga. Tsk. And there's Irah. Well, a very shortlived virtual special friendship. I know, I'm too stupid to fall in love with someone I met online, who I saw only in pictures or on a webcam. 

And yeah, I didn't changed their names this time. I guess there's no sense in hiding them. I've been rejected like a few times now. You think I would be numb? Well, maybe I need a few more hahah. Maybe it's like the great cosmic's way of telling me this is my karma for rejecting all those other guys who'd swooned over me. Ako na ang choosy. But hey, I think it's better that I reserve myself for someone better, and not jump on to the next guy that comes around.

Going back to how my conversation with Enzo last Friday went, I remembered telling him not to judge my love life. Well, he can judge all he want now. Anyone could. I even went as far as comparing myself to Tom of 500 Days of Summer. Funny. Well, I loved that film. And it made me cry, after the Expectation vs Reality bit, that when Summer chose another guy over Tom because she, in her own words said, "just woke up one day I knew... what I was never sure of with you." I'm no Tom, and maybe I'll never meet my own Summer. Or Autumn. But I can always write my own story, right?

After all the Erics and Noels, maybe the problem is that I loved myself too much. I would never give anyone my mind and my time if they were never important enough for me. And that I'm too afraid to make commitments. I don't ask for something I could not guarantee I can give. Is it not simple to just love and be loved? hahah too Moulin Rouge-ish if you ask me but Christian was right, "the greatest thing you can ever learn is to love and be loved in return." I could give a little love and maybe I'll get some back. Give more and earn more. But love is not an investment, it is a risk you should be willing to take.

Well, as much as I hate being too emo, I also hate it when it turns me into some effin Englishero. I'll be fine. We'll get back to our regular taglish programming... after a few sad songs. I hope I can make it. I know I can. I can do this. Aja! But I do hope my cat doesn't come back and get all Pet Sematary on me. Yikes!


____________________
Photo by davidkonecny via Flickr.

PS. If you have beverages while watching a movie, should you place it on the left or the right armrest?

Linggo, Abril 14, 2013

Oversharing


Do you hate it pag napupuno ang inbox mo ng unnecessary messages?

"D2 na pf0uH m3."

"Mocha Frappe at Starbucks for the nth time this morning."


"Ganda ng opening number ng ASAP! Winnest!"


"I noticed some of you are wearing jeggings. This is against the dress code policy. Jeggings is leggings duh. For your strict guidance and compliance."


I know maganda ang naidulot ng technology sa pang-araw araw na mga buhay natin para ibridge ang ilang gaps na di mapupunan personally dahil sa time or space constraints yah know. Like wala ka nang balita sa mga tita mo sa California, so ang tanging way lang na magkausap kayo eh through FB or Skype. O kaya magkaiba kayo ng shift ng mga dabarkads mo kasi nasa graveyard ka, so ang conversation nyo na lang eh through notes or emails. Good.

Pero may mangilan ngilan--like mga 58 million na siguro worldwide, binilang ko--na inaabuse ang technology na yan para magshare ng kanilang personal experience. Like makashare sa twitter kada minuto ng ginagawa nya.

Watching Ula on Channel 13.  #dabezz #instanood


Now watching Fox News. Boring! #killmenow #instabored


Najejebs ako. #poops #instae


Walang sabon punyetaaaa! #anger #instagerlet


Magbayad ka na ng utang mo walangya ka Bernadette! #Happy14MonthsaryViceRylle


Lahat yan in a span of 3 minutes lang. Oh di ba nakakaasar. Anong pakealam namin sa sabon o kay Bernadette. Kebs. Artista? Kelangan ipangalandakan mo sa buong mundo bawat action mo? Parang GM lang yan eh. May mga taong makaunlisend ng text message akala mo mahalaga ang itetext sayo. Kung alam ko lang magblock ng text message, matagal ko na nagawa pero no. Pag sinabihan mo sya na exclude ka sa GMs, ikaw pa ang masama. May similar feature sa BBM, broadcast naman. Same concept, group message din.

Sa side naman ng check-ins nanjan ang Foursquare. Actually may location services din ang Facebook pero less accurate kasi ang sa kanila. Like nilagay mo yung pics mo na taken from Pampanga pero pagcheck mo sa map nasa Manila. Anyway, sa Foursquare naman pwede mo ishare ang check-ins mo sa mga friends mo. Like nagcoffee ka na naman sa Seattles Best kagabi, or dinner at Jollibee, or happy time at Sogo Pasay. Ingat lang kasi yung mga nag-aadd sayo akala mo friends lang ang hinahabol, mga stalkers pala. You just gave away kung saan ang last location mo. Baka i-Ativan ka nyan, ewan ko kung saang kangkungan sa Bulacan ka pupulutin nyan. Ang regret mo lang, walang kangkungan na location sa Bulacan. choz


~0~


I really missed chatting with Sherwin. He's Chinese so mejo napapalaban ako ng Englishan pag kausap sya. It's aryt naman kasi mejo napapractice na rin ako. Well, sya yung makwentong tao. Halos lahat ng experience nya naikekwento nya ng casual na casual lang. No holds barred. Pero actually, mas gusto nya na mas madaldal ang kausap nya, pero di mo yun mapapansin kasi nga walang preno sya magkwento. Well, minsan naman binabasa nya ang posts ko, pero nagtatanong pa rin sya sakin, dahil combo ng taglish at bex ang posts ko, "what is borta?"

Anyway, kung may bet sya ikekwento nya sayo. Gano kalaki ang kargada non, ikekwento nya sayo. Anong nangyari sa sex nila kagabi nung jowa nya ikekwento nya sayo. Pati ba naman yung pag-iipon daw ng semen eh ikekwento nya sayo. Di ko lang maalala bakit sya nag-iipon. Kaya siguro makinis ang face nya, itinatapal sa mga pores ang yun para mawala nang tuluyan choz. Kaya rin pala nyang magbasa ng chinese zodiacs, although related sa sex pa rin ang end topic nyo. At higit sa lahat, kaya nya malaman gaano kalaki ang junjun mo just by looking at your facial features. Of course, di ko kelangan ijustify yung sakin sa mga sinabi nya. All in all, masayang kausap si Sherwin, sex or otherwise ang topic. Yun lang yung sex topics, I think it's a bit overshared. Yun lang.


~0~


Nagkaroon ako ng madamdaming usapang puso with Enzo this Friday sa YooHoo over beer. At dahil namimili lang ako ng pinagkekwentuhan ko ng aking inner emotions--inner daw eh naipost ko na sa twitter at blogs ito hahah--hinayaan ko muna sya magkento ng love life nya. Icebreaker lang.

Mag-eeight years na sila ni Dex this May. Happy sila dahil nakaraos sila sa seventh year, na ayon daw sa usap usapan eh parang year of tribulations or somethang. Well, one month na lang at mairaraos na nila kung ano mang hurdles ang humarang sa relationship nila. Kinwento nya from how sila nagkakilala, pano sila nagsupport sa isa't isa, at paano sila naging close sa family nila. Actually it's very sweet. Tinanong ko sya kung MMK episode sila, anong magiging title. He refused to answer. Sabi nya, sa palagay nya normal lang daw ang relationship nila, not worth showing sa public. Siguro nahiya lang sya pero I think lahat ng relationships ay special--for only two people to share and it would be incomparable to what others have. Except siguro kung pangtelenovela ang lablayp nyo na may version ang Kapamilya, may version din ang Kapuso.

Anyway, nung ako na nagstart magkwento... mejo hesitant ako sa pagshare. Dahil di ko alam pano ko maikekwento ang feelings ko. Kung ang utak ko nga chaotic na, puso ko pandemonium na. As in I'm telling one detail, tapos biglang, "ayyy oo nga pala ganito kasi yan. Ayyy saka ganito yan. At eto pa. Did I tell you may ganito?" Isa lang tinanong nya, kelan ba yan? Sabi ko... nagsimula siguro mga February. Isa lang din ang sinabi nya, "wala pa yan, napakaikli pa."

Di ako magsisinungaling kung sasabihin ko naoffend ako sa comment na yun. Hinayaan ko syang magkwento ng love story nya tapos ako ikacut off nya lang na parang sya si Willie R at he's the projuicer?! Ano nga namang laban ng 8 years sa 2 months?! Di na lang ako nagkwento. Oversharing na ako. I should've kept my mouth shut. Sariling utak nga di maipaliwanag ang puso eh. Utak pa kaya ng iba? Mahirap kasi maghusga sa nararamdaman ng iba. Di naman ikaw yung nakakaramdam ng tuwa, inis, galit, takot, at kalungkutan. Audience ka lang. Tandaan mo 10% lang ang audience impact! Pak!

Biyernes, Abril 12, 2013

Sama Summer


Summer na naman at gaya ng last year eh saka naisip ng project na magkaron ng team building summer outing somewhere out there. Actually, wala naman akong balak sumama dahil nga gusto ko ang weekends ko eh "me" time only, na may occasional foodtrips involved lamang. Heniweys, walang magagawa dahil kasama na naman sa scorecard to, at may "attitude problem" ka na naman kung di ka sisipot.

Wala pa yatang 2 months ang preparation time para kumuha ng suitable location sa summer outing na to, compared last year na planned ahead ang mga company activities. Northbound kami last year sa may bandang Subic, umiisla galore. Pero ngayon southbound. Kamusta naman ang nagmumurang temperatura habang papalapit sa equator.

Club Balai Isabel. Sa Talisay, Batangas. Mga 2-3 hours ride from Metro Manila. Pangalan pa lang mejo confused na ako. Parang pangsushal na parang pangdukha. Well, actually it's like a little of both. Sushal kung ang pagbabasehan eh ang pavilions at infinity pool, pero pangmasa ang housing. At least may view ka ng Taal. Wag ka nga lang lulusong. Baka mamatay ka, sa kahihiyan. Ang dumi ng tubig like eewww.

Akala ko pa naman nilagay nila ako sa room na pang apatan lang. Bilang di ako masyadong mahilig ng maraming tao na kasama sa kwarto, o kahit katabi man lang sa kama. Pagcheck ko sa room list, kasama ko ang sangkabekihan ng project. As in, ang penthouse penthousean na room 301 ng Mataas na Kahoy apartments ay assigned sa most bex ng Wave 2. Dahil ang capacity lang ng room namin eh isang dosenang bex, may ilang napadpad at mapasama sa mga straighties pero kebs.


~0~


Nahati ang mga players sa 5 teams na pinagpilitang ikonek sa fruits for summer daw: Luscious Banana, Green Avocado, Misty Blueberry, Creamy Strawberry, at Orange Papaya. Ewan ko ba bakit sa fenk team ako napunta. Wala nang Barney Violet team from last year ha. Heniweys, may pakana pa silang cheering. Syempre bongga ang pang-ookray ng Green dahil unang salang sila. Orange daw pang Bilibid, Blue pang MMDA, Pink pangbading, at Yellow pangBisaya... although mejo sablay lang tlga sa yellow dahil walang konek ang okray nila. At pakshett porket pink, bading agad agad? Di ba pwedeng pang MMDA din version Bayani Fernando?

Strawberry

Pappayaaaaaaaa!

Banana, split!

Blueberry (di ba violet ang color ng blueberry?)

Avocado (bastos ba yan?)

Admins (si Sophia Nicole ang centerfold)

Heniweys, may 5 games din na lalaruin per team na irorotate every 15 minutes. Kami ang unang naisalang sa logic game. May 4 questions in increasing level of difficulty, like yung fox-goat-corn puzzle, may mystery word puzzle, may math equation puzzle, at last yung how many kamag-anaks puzzle. Infer, kami lang ang nakasagot all 4 question, albeit hula yung last dahil muntik namin masagad ang 15 minutes sa logic. 

Second game namin yung Spiderweb, kung saan ipapasok ang sampung katao sa malasapot na mga tali ng di lumalapat. At dahil may scarcity ng petite samin, nasama ako sa sampung mapalad. Sa pinakamataas pa ako ng butas inilusot. Di ko alam pano nila ako nabuhat pero nilambutan ko na lang pagkahiga ko, kebs kung may nadukot o nasundot, basa nairaos lang hahah.

Third game namin ang Art class, kung saan may tangram with assorted colors na tatandaan ng other players para irecreate bago irerelay sa drawers, cutters, at pasters. Muntik na kami mag-away away sa pagtanda ng colors and shapes. Lalo na dun sa pink na parallelogram hahah. Anyways, I think we did good sa time namin. Yun lang maraming penalties.

Fourth game namin Synchronized Ball Toss. Kung sa ibang teams ang strategy nila eh pass after three counts, "1-2-3-Pass!" Samin naman one count lang. "One, Pass!" Para walang gulatan. "One, Pass!" Pag sinabing one, get ready na! "Pass!" Bawal mag-assume. "One, Pass!"  Bawal manguna. "One, Pass!"  Bawal magpaiwan. "One, Pass!"  Sabay sabay tayo! "One, Pass!" At ako tlga ang nasa dulo ng pila. Ako ang bottomfeeder. Nakakahiya naman pag di ko pa nasalo. "One, Pass!" 

Last game namin yung Egg Relay. Part one yung papatayuin mo yung five plastic eggs sa table. Easy naman kasi audience lang ako. Yung part two ang shocking. Gamit ang five sticks kelangan maitransfer ang isang plastic egg across sa isang basket mga isang dipa ang layo. Skeri kasi ako yung fifth player na support lang sa mga sticks. Grabe, kahit isang dipa lang yun, kabadong kabado ako na makabagsak.


Socials night namin after ng dinner. May bingo (yeah parang pang senior citizen lang ang peg), may intermission number ng Titanium, at may fashion show both in creative cutout costumes, at summer outfit rampa mode. Syempre ligwak kami sa costumes dahil halos maghubad na ang other teams samantalang ang pambato namin in conservative yet trendy summer attire. Wala naman kasi sa rule na magtopless. Bati babae tuloy napa-topless, accidentally lang naman. Buti di ko napiksuran. Nakakasuka choz. May intro din ng new joiners, parang initiation lang. Last part ang awarding ng winners. Kulelat ang green, then yellow ata, then blue, then orange, at kami ang grand champion. Go Pink team! Sinong bakla ngayon? choz.


Tingnang mabuti ang larawan. Bastos ba yan?


~0~


After ng socials night, nagkanya kanya na ang mga tao sa pagpapakasaya sa gabi. Yung iba derecho nomo na. Kami nag miming miming muna sa infinity pool. Parang more babad lang kami while inookray si Jaymar, ang designated victim of the night. 


"Bakla ka na nga, mahirap ka pa!" sey ni Seth sa kanya nung nanghingi sya ng toothpaste.

"Bakla ka na nga, tanga ka pa!" sey naman ni Seth nung nagpapaturo si Jaymar pano magsmoke. Ininhale ang usok at di nilabas. Mamaya utot na yan.

After maabutan ng curfew ng miming, gumora kami sa room nila Carol para makipagchismisan. Like bumalik na kami para matulog bandang alas tres ng madaling araw. Naabutan namin sa sala si Nomer lasing na lasing at nagtatawag ng uwak. Suot pa rin nya ang Sofia Nicole alterego  nya na di nya nairampa sa fashion show. After pasukahin, dinala ni Seth sa taas para matulog, pinahiga sandali at pinainom ng kape. That was the most wrongest. Gising na gising na at nagwawala.

"Mga putang ina nyo! Gumising kayo jan! Magfafashion show tayo mga bakla!"

Pinatulan naman ng mga bex. Nagparade of nations sila. Ako kebs, nagtalukbong na ako sa kumot. Naramdaman ko na lang nakaibabaw sakin si Sofia Nicole, nagsisisigaw at nambubulabog. Mygass, pinatungan ako ng nakadress hahahah. Lumipat sa kama ni Jaymar, at pinatungan nilang dalawa ni Seth. Nagising din at nakiparade. Blurry na sakin ang ilang detalye dahil nakaidlip na ako. Occasionally, maaalimpungatan ko sila na nagtatawanan at rumarampa.

"Beep, beep, beep! May chumuchupa sa jeep! Egypt!"

"Kapag ayaw magpachupa, itali! Italy!"

"Pagkatapos magdasal, anong sasabihin? Yemen!"

Yes, mostly bastos jokes lang naretain sakin. Nakatulugan ko most ng mga bansa. Malamang di na nila inirampa ang gasgas na gasgas na Malaysia at Pakistan. Natapos ata sila pasado alas quatro y media na.

Di ko inexpect na maeenjoy ko kahit maikli lang ang time sa Club Balai Isabel ha. Kung may next time pa, why not. Pero sana di masyado mainit. Summer outing na di mainit? Ano yan sa Antarctica? choz.  Well, sa uulitin! Yemen!

Martes, Abril 9, 2013

Going Up?


Alas sais y media sa isang parking lot. Madilim. Maluwag. Walang tao. Perfect sa isang krimen, kung may magaganap man. Pero wag sana ngayon. Di ako prepared. Malelate na ako sa orientation. Patakbo akong umikot sa perimeter ng parking lot. Pakshett. Nasan ba yung stairs na tinuturo ng guard? Bakit ba naman kasi dito ang orientation?! Boom, nasa gitna lang pala ng parking lot. Matutuklaw na ako ng ahas, di ko pa nakikita.

After two years, hinahanap ko pa rin nasaan ang elevator sa success na yan. Sabi ng manager ko dati, "right attitude is the key to success." Eh kung maattitude nga akong tao, so pipigilan na nila ang pag-angat ko? Lahat naman ng tao may attitude ahh?

I remember yung scene sa 3 Idiots. Sa job innerview ni Raju, inofferan sya ng work kung kaya nyang i-let go ang kanyang attitude. Ansabeh nya:

Sir, I have learnt to stand up on my feet after having broken both my legs. This attitude has come with great difficulty. No sir, I can't. You may keep your job, and let me keep my attitude.

So yeah, I'll keep my job if you let me keep my attitude.

Here's to two years of my job with the company. Two long years. Two years na puno ng trackers. Two years na static lang. Aaminin ko, marami rin naman akong natutunan. More than just connect the dots sa mga productivity charts hahah. After two years, nakakasanayan ko na ang mga admin tasks. So the only way to go up ay sumunod sa patakaran. Patakaran na nakakasakal. Patakaran na nagsasabing wag ka na lang magreklamo.

Going up?


____________________
Photo by rosypose via Flickr.

Huwebes, Abril 4, 2013

NR

"NR."

Kebs.

"Sabi ko NR."

"Ano?"

"NR ka na naman!"

"Ano yan Nurse Room? Ayaw ni Cynthia Villar ng ganyan."

Actually, kay Lei ko una narinig ang term na NR. Nalito ako nung una. NR? Ano daw? No reaction pala, or no response. Pwede ring not responding. Kasi nga inis na inis kami dun sa isang team lead sa amin. Akala mo maganda, akala mo magaling. Tapos pag tinanong mo, di makakasagot. Tatanga lang just there. Pag pinag-explain mo, NR ka.

"Program ka ba?"

Kebs

"Kasi, slow ka na nga. NR ka pa."



~0~


Mahigit dalawang buwan ko na kaBBM si Harry. Ewan ko ba pano ako namagnetize sa taong to. Well, physically bet na bet ko sya. Pero within, andami nyang complexities. Ok, bex sya, aminado naman sya dun. Borta pero collector ng barbie. Fashionista rin, actually for the past month eh sya ang stylist ko. Advocate din sya ng gay rights at HIV awareness.

Maniwala ka never pa kami nagkita. Sabi ko nga dati kahit bet na bet ko eh di ko tinatangkang imeet. Kasi naman may takot din ako sa meetups. Ilang beses na ba ako na-injan. Alam mo yung feeling na naghihintay ka tapos magdadahilan na lang sayo na umiiyak yung kapitbahay nila kasi may sakit yung pusa kaya di ka na daw nya mapuntahan. Pusa mo mukha mo! Kaya ever since very rare lang ako makipagmeetup. Nakakababa kaya ng morale yun.

Heniweys, kahit ganun eh ilang beses ko tinangkang imeet sya. First time eh galing pa akong Las Pinas. Sabi nya gagabihin pa daw ako sa byahe kaya matutulog na lang daw sya. Sumunod eh galing naman ako sa Quezon Ave. Alam mo yung tipong kabado ka sa byahe sa gabi sa rumaragasang jeep patungong Maynila, tapos kung kelan malapit ka na sasabihin sayo matutulog na daw sya. After nun di ko na muna inulit makipagmeet. May pangatlong chance pa, dumaan daw sya sa officemate nya na malapit lang sa cityhall sa may amin. Kasagsagan ng kumukulong araw sumugod ako sa Watson kung san daw sya namimili ng toiletries, pag dating ka wa. Nakasakay na ng jeep. Buti na lang di nya sinabing natulog sya sa Watsons di ba kaloka naman yun. At alam ko sa lahat ng yan eh minahal ko ang gagong yan. Tanga tangahan lang ang peg.

To think tawagan namin (like before) eh Huntie. Weird ano? Sya may pakana nyan. Ewan ko pero pinagsamang honey at cunt daw yan. Akala ko tuloy honey na ibang spelling lang. Naiba iba pa ang variations namin ng spelling nyan. Huntee, huntey, huntay, hantee. Pati Huntipatiko nasama. Inferness sa ngayon bagay na sa kanya yan. 

Kasi we're like not speaking anymore. Well, di ko rin alam anong nangyare. Nagkekwento sya about weight loss nya from 235 to 190 and I'm happy naman sa achievement nya. Tapos sabi nya gusto daw nya maging 29-30 ang waistline. Ewan ko ba sa sobrang sabaw na ako eh nareply ko na mahirap yun. Naoffend. Ayun nagcomment pa "Vice Ganda ka ngayon ha! Ilang titi ba kelangan mo?" Naoffend din ako. Di ko alam san nanggaling ang comment na yun. Ako pa ang nagsorry. Pero huli na ang lahat. NR na sya.



~0~

Siya nagrecommend sakin na magtake ng HIV test. Di naman ako magmamalinis, di ako virgin. Pero di ako makati. Ok na ako sa On My Own. Well, sa totoo lang from way before, nagkaroon na rin ako ng experience na unprotected. Sa ngayon eh wala akong nararamdaman, ni symptoms wala naman nagpapakita. But you can never can tell.

So sugod ako sa Medical City as recommended. Nagboxi na lang ako dahil di ko knows how to make tawid there, kahit ilang milyong beses ko na nadaanan ang Medical City na yan. Pagpasok ko derecho kaagat ako sa Clinical Pathology laboratory. Lakas pa ng loob ko magtanong, "saan po ba dito magpapatest ng HIV?" Pakshett sa may lobby lang pala, sa Ambulatory services. Retrace steps.

Sa front desk mejo nabawasan ang aking confidence. "Miss magpapatake po ako ng ano... ahmm... HIV test po." May binigay na forms at finill-upan ko. Parang nagsasagot lang ng slumbook, pero shett andaming tanong. Andaming testimonials and such. Pinagbayad ako ng tumataginting na 1,135 out of pocket. Antay sandali at boom, tinawag na ako para kunan ng dugo. But wait, meron palang precounseling muna. Antay again.

Isang kuya ang nagcounseling sakin about the virus. Long-haired, may singsing sa ring finger. Mukhang straight naman si kuya, wala kaming konek. So ayun, the usual questions: have you had sexual relationships with women? men? kelan ang last? Mga ganyang set ng questions. Mejo rattled ako syempre. So nung sabi ko lahat sa male lang, nagtatanong sya kung unprotected ba? Ganon kadami? Aba malay, alam ko rough estimate 5-10 lang. Baka nga overestimated na ang 10. Anyways, so tanong na kelan, sabi ko mga 2011 pa yata yung last. Eh mejo naconfuse ako, kasama daw ang oral. So ayun sabi ko sometime early 2013. Tapos nag-eexplain sya na pwede nga daw makuha yun kahit oral, in a way na parang pinapalabas nya na porket bex ka eh automatically ikaw na lagi ang chumuchups, ikaw na lagi ang nabobottom. Najudge kaagad ako ni kuya choz. Ok lang naman. So after ng counseling, kinunan na ako ng dugo kung san mejo nabugbog ang tissue sa surrounding veins ha. Anyway, naghintay ako ng 3 days bago kinuha ang results.

Tumawag muna ako para iconfirm kung may results na. Normally kasi 2-3 days lang daw ang results, kung negative ka ha. Pag lumagpas na jan, magrosario ka na sa Quiapo, Baclaran, at St. Jude na negative ka. So ayun nga tinatanong ni ate sa other line kung anong klaseng test ba kinuha ko. Nahiya ako syempre nasa office ako, so binigay ko na lang full name ko. May results na daw. Syempre tuwa naman ako. Dizz izz really izz it! Pero we can never can tell pa! Bakit ba isa ito sa mga test na winiwish mo na negative ang resulta? Aside sa unwanted pregnancy of course.

Mga alas sais na ako nakarating sa Medical City galing sa office. Humahangos pa ako at pawisan sa paglakad mula Galleria. Parang re-penitensya na rin na sana negative nga. Think positive, sana negative! Sa releasing area, binigay lang sakin ang result na nakaenvelope. Wala na palang post-counseling. Naupo ako sa isang gilid ang binuksan ang laman ng envelope. May mga kung anu anong nakasulat na di ko magets. Pero nakahighlight doon: NONREACTIVE! Oh my, is that a good sign? Ginoogle ko pa tlga, nonreactive daw IS negative. Wooooooo! Sabi na eh. Pero wait, dapat may counselling pa rin ito di ba? To help increase awareness. Pero wa eh. Kebs.

Well, sabi ko nga sa sarili ko, positive o negative ok lang. I'll learn to take care of myself. Di ako magmumukmok sa isang sulok kung positive man. Well, siguro mga two months pero that's it. Di ako magpapakamatay kung sakali man. Di ako weak. Bex tayo, dapat palaban tayo! Kahit sugatan ang puso, laban lang. Kahit di pinapansin, ok lang. Buhay ka pa.


____________________
Photo by jublin via Flickr.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips