Miyerkules, Oktubre 30, 2013

Delirium


"Miss Ai, Miss Ai. Ang taas ng lagnat ko po ohh!" sabay kapa ng sariling noo as if nagmamano sa sarili. Ganyang ganyan ang acting nung former officemate namin na nagbabalak tumakas sa office nun. Kesyo may lagnat daw or something. Oscar worthy na sana ang sakit sakitan school of acting pero mejo fail lang yung pagseselfie check nya ng temperature nya.

~0~

Lagnat ka ba? Kasi ang hot mo!

After like 4 days nakasurvive na naman ako sa trangkaso. Kung tumagal tagal pa to mejo kakabahan na ako. Pero think about it, kung dengue to baka mas maaga ako nategi di ba? Anyways, thankful pa rin ako. Mejo sinusulit ko na ngayon ang sick leave namin. Dati kasi kahit inaapoy ng lagnat eh pumapasok pa rin kasi nanghihinayang sa health bonus para sa perfect attendance. Ang problema ngayon eh san ako maghahagilap ng medical certificate.

Martes ng madaling araw ako tinamaan ng deliryo. Nakakatakot. Feeling ko nababaliw na ako. Oh kill me now Lord. Meganyang drama. Sarap patayin di ba. It's not the best feeling I know. Like siguro mga ilang beses pa lang ako nagdeliryo sa buong buhay ko.

Deliryo yung tawag nila pag sobrang inaapoy ng lagnat, minsan may kasabay na pagkabalisa, pamumuti na ang mga mata, at may kung anu anong nakikitang ilusyon. Parang Wonderland lang ang peg ganyan. 

Siguro mga 4 or 5 years old ako nun. Sobrang taas daw ng lagnat ko pero bigla daw ako bumangon sa kinahihigaan ko at nagtuturo randomly. May nakikita akong mga mata kung saan saan, in psychedelic colors. Yes, ang creepy makakita ng rainbow eyes sa kisame, sa ilalim ng kama, sa pader, sa loob ng kumot, sa bintana. Di ko alam kung may sapi ba ako nun. Or may calling sa Illuminati choz.

Elementary days naalala ko lang na sobrang taas ng lagnat ko nun. Habang nakahiga sa spooky kwarto (na buti ngayon eh di ko na tinutulugan) eh nararamdaman ko may pagkabog sa ulo ko na parang palakas nang palakas. Di ko maintindihan kung anong nagaganap pero feeling ko may papalapit nang papalapit sa akin.

Nung highschool ako may delirio scene ulit ako. Ang naalala ko lang nun eh nakabalot na ako sa dalawang sweater at dinala pa ako ng tatay ko sa tita namin na mejo malapit lang naman samin nakatira. Like ok lang naman siguro maglakad ang isang nagdedeliryong bata nang gabi mga 10 kalsadas away di ba? Nakakahiya naman kung magparequest pa ako ng tricycle di ako anak mayaman hahah. Di ko alam kung anong pinainom nya sakin or anything, basta naalala ko lang ang concern nila eh nagkukulay purple na daw ang mga kuko ko. After that blackout na sa memory ang susunod na kabanata.

At ayun nga nung Martes nagising ako ng mag-aalas dos. Pumikit ulit ako at pinilit matulog ulit ngunit di ko na kaya. Tiningnan ko ulit ang oras, making sure na hindi 3:07 ang oras. Madilim sa kwarto maliban sa orange na liwanag na galing sa poste sa tapat ng bahay. Nakapatay din ang electric fan. Pawis na pawis ako pero ginaw na ginaw. Grabe mababaliw na ata ako. Hinila ko yung unan ko malapit sa pader para may mapagsasandalan ang likod ko dun. Hindi ko malaman kung paanong pagbaluktot ang gagawin ko dahil ramdam na ramdam ko ang lamig sa mga kasu kasuan. 

Mahaba naman ang kumot. Dapat nagpantalon na rin ako habang natutulog di ba para more comfy. Ewan ko ba bakit ang laki laki ng kama ko eh wala naman ako kashare nito. Hindi dahil gusto ko may katabi, in fact ayoko talaga nang may katabi matulog. Nao-awkwardan ako kumilos. Baka magkadantayan ganyan. Pati sa pagtulog, I want my personal space hahah. At dahil sa lamig, saka ko lang naramdaman ang sobrang luwag ng kama ko para sa akin lang. Napakalonely ng kamang ito ngayong gabing inaapoy ako ng lagnat. Kung kaya ko lang tumayo eh maghahanap ako ng kahon at doon muna ako matutulog. Pero wala, kaya magpapakabaliw muna ako at magpapakaemo.

Kinaumagahan narealize ko na kaya pala ako giniginaw eh dahil sa sarili kong pawis. Yes basang basa ng pawis yung likod ko kasama yung shirt at jacket at kobrekama at kumot na gamit ko. Parang neverending cycle lang. Kaya ako nilalamig dahil sa pawis; kaya ako nagpapawis dahil sa lagnat; kaya ako nilalagnat dahil sa lamig. At dahil emo din ako. Ngayon, I can say na bumuti na ang pakiramdam ko. So di nga sya dengue, pero I bet may mga nagwiwish jan na sana nadengue na lang ako choz. I'm a survivor, I'm gonna make it. Wala naman natetegi basta basta sa lagnat; pero sa sobrang kaemohan mataas ang mortality rate.


____________________
Photo by Hypnotic Love via Flickr.

Linggo, Oktubre 13, 2013

Wapol


Nung elementary days, isa lang ang shape ng waffle na alam ko. Yung hugis hotdog. Yan kasi yung binebenta sa bilao sa amin tuwing recess time. Bilao yung lagayan nila ng snacks hindi gaya sa iba ng tray or basket or timba siguro. Ewan ko anong pagkakamakabayan at environmentalist ang pinupush ng head ng canteen samin. Anyway, ayun nga yung hugis hotdog na waffle lang ang available. Halagang 3.50 PhP ito at may palamang Rica hotdog na nakatuhog sa stick. Pwede na para sa isang average public school pupil. Aarte ka pa eh sushal ka na kapag nakabili ka nyan. Yung iba nagtyatyaga lang sa nutribun (monay na napahiran ng Dairy Creme), sopas (minsan lugaw, lomi, o champorado pero generally tinatawag syang sopas), o nilagang saging na worth 2 PhP each.


Ngayon ang shape na yan eh nakikita ko pa rin sa Waffle Time, na meron yata sa lahat ng MRT stations. Mahal na sya ngayon worth 10 to 20 PhP depende sa palaman. Yes, gumradweyt na sila sa hotdog. Meron cheese na cheapest at 10, at meron ding mga bavarian, bacon, o sausage (na pinasushal na version ng hotdog).

Lately naaadik ako sa Belgian waffles ng Famous Belgian Waffles. I know, di masyadong pinag-isipan ng brand name. So san ba gawa ang Belgian waffle? Eh di sa Belgian? Choz! Actually, walang Belgian waffle sa Belgium, ewan ko ba sa mga Americans bakit sila nagpapangalan ng mga foods nila eh di naman dun ang place of origin nyan--like French Fries. Ang Belgian waffles parang pancake lang naman pero may malalaking mga square na butas. Parang gawaan ng yelo pero made out of flour hahah. At ang pauso ngayon eh pabonggahan ng spreads. May iba na gumagamit ng fruits, choco, banana, hazelnut, peanut butter or cream cheese. Basta ang favorite combo ko eh yung may cream cheese at anything. Pwedeng blueberry, strawberry or ham. Mejo mahal nga lang nasa 55 PhP na sya.

Sa Starbucks meron din silang ganyan. May whipped cream at choice of chocolate or strawberry syrup pa. Ganyan yung binili ng isang babaitang itatago na lang natin sa pangalang Maria Shellalynjoy Villavicencio. Si Shell kasi ngayon ang target ng sangkabekihan sa office. Wala namang ginagawang masama si Shell, mabait naman sya, masipag, matyaga, at ano mabait ganyan, at funny, at saka mabait sya, Kaso nga lang di naman nya sinasadya na mapaupo sya sa tapat ng isang crush ng bextown na itatago na lang natin sa pangalang VJ. Well, di naman nya nilalandi si VJ dahil may jowa naman sya na mga 69 months na. At dahil jan ginamit na lang syang instrumento ng ilang bex upang magsnoop ng info kay VJ. Kung may jowa na ba ito, anong phone number, anong favorite color, bex ba sya, anong zodiac sign, anong favorite food, etc.

Mabait din naman daw itong si VJ. Although di ko alam kung bex ba ito, pero ayon sa kanilang judgment eh kapag ang tao nagsusuot ng bekishoes, beki na rin. Hiyang hiya naman si John Lloyd Cruz sa inyo, sorry daw di na daw mauulit. Anyway si VJ pag may food, inooperan si Shell. Binibigyan sya ng chocolates and the like. Ikaw na maganda, at mabait. Kaya bilang ganti eh nag-aalok din naman si Shell ng food nya kay VJ.

At sa hinaba haba ng intro ko dito pa lang papasok ang konek sa waffle. So bumili nga si Shell ng waffle nya from Sbux as recommended by inyong lingkod. At dahil jan binigyan nya ako ng chance na makatikim nito since mga 2 years ko na di natikman ito. Nahiya naman ako kumuha ng kalahati ng waffle nya kaya kapiranggot lang ang inislice ko. Di ko na rin tininidor baka kasi mandiri pa sya sakin choz. Tapos lumayas na ako.

Maya maya inoperan na ni Shell si VJ ng waffle. Di naman ito tumanggi pero at least nagkaron sya ng courtesy magtanong kung maselan ba sa kubyertos si Shell. Nagtanong din sya kung may kakain pa. At least courteous sya. At paglingon ni Shell, boom ubos na ang waffle nya. Buti na lang nakatikim sya hahah. At mabuti na rin nakatikim ako.

Wala naman masama sa pag-aalok basta wag ka lang aasa na may kapalit. Eh di sana binenta mo na lang di ba kung ganon. At wala naman masama makitikim, make sure lang na di gutom yung kinukunan mo ng food, at walang regla, at hindi highblood. Baka naman appreciative lang sya sa mga inooffer na food. Masama daw kasi tumanggi sa grasya. Next time pag mag-aalok ka, yung Waffle Time lang. May cheese flavor pa.


____________________

Photo by Waffle Makinası via Flickr

Banat Fantasy

Para sa mga Final Fantasy fans out there, wala lang. Mema lang.



ME: Black Mage ka ba?
NENE: Bakit?
ME: Kasi, you put a Magick Spell on me.
Nene casts Silence!



ME: White Mage ka ba?
NENE: Bakit?
ME: Kasi, you're the Esuna to my pain.
Nene summons Malboro!


ME: Thief ka ba?
NENE: Bakit?
ME: Kasi, you Stole my heart.
Nene steals Life!



ME: I wanna be a Knight.
NENE: Bakit?
ME: Kasi, I wanna Protect you!
Nene casts Wall!



ME: Bahamut ka ba?
NENE: Bakit?
ME: Kasi, ang hot mo! Parang MegaFlare sa paningin ko.
Nene casts Diamond Dust!


ME: Ang ganda mo parang kay Rinoa.
NENE: Bakit?
ME: Kasi, I want your Eyes on Me only.
Nene casts Apocalypse.

Huwebes, Oktubre 10, 2013

Bahay ni Tih



"Lumayas ka sa pamamahay ko! You are a disgrace to this family! I don't need a parasite!"

Minsan feel ko lang maglitanya ng ganyan. Para kontrabida lang ang effect. Pang Angelica Santibanez school of acting lang naman. Di ko naman magagawa tlga yan in real life. Dahil wala akong sariling pamamahay. Choz! Pero really, di ko pa naisip gawin yan. Naimagine ko lang tlga.

Nahawaan kasi ako. Meron kasi akong friend na muntik na sa layasan blues ang drama. At dahil ako eh nakikisawsaw sa poot at feelings ng iba eh gusto ko rin magwala, mambugbog, at mag-eskandalo, masabi lang na I feel for you. Mema lang.

Itago na lang natin sya sa pangalang Tih. Si Tih ay isang bex, trending kasi yan. Kahousemate nya ang mga friends from college pa. Heto na enter ang isang hampaslupang Bexfriend nya. Walang trabaho. Walang bahay. Walang pera. Wala. Pero may jowa. At dahil mabuti ang kalooban ni Tih, hinayaan nilang patirahin sa kanilang pamamahay si Bexfriend. Fine. So ngayon mga ang dating kanilang bedroom ay tumi-3-in-1+1 na. But there's more. Si Bexfriend dinadala din ang jowa sa house nila para patulugin. Pumaplus one ang plus one. Taraaaayyy!

After a few months, nagkatrabaho na rin sa wakas si Bexfriend. Nakakahiya naman sa kanya kung tambay lang syang palamunin di ba? Bakla ka na nga, mahirap ka pa? Di yan pwede dahil palaban ang lahi ni Bekimon. Same pa rin ang setup, nakikitira pa rin si Bexfriend pero ngayon naggigibsung na sya ng monet kay Tih. At dinadala pa rin nya ang jowa sa bahay ni Tih.

One night, pumapartey si Tih and other legitimate housemates sa sala nila. Eh puyat ata si Bexfriend, naghahanap ng tulog. Bulabog sa kanya ang party partyhan. May nagstatus post.

"I wanna sleep. <sad face>"

Kebs na sana ang lahat pero nabasa ng mga distinguished guest ang wallpost ni Bexfriend. May nagstatus post back.

"We wanna sleep too. But we want our room back. <annoyed face>"

Kinaumagahan may nagstatus post ulet. Inferness, may wifi ata sila sa bahay.

"Kung ayaw nyo pala ng ganyan eh di sana sinabi nyo. <angry face>"

Boom! Nagalit na lahat ng legitimate housemates. World Warla III na itu. Nagpatawag ng intervention. Usap usap. Kesyo may isang legitimate housemate na nagbigay ng ultimatum. Either bexfriend goes, or we go (kasama ang jowa na legitimate housemate din). In the end nagkasundo na rin sila. Lalayas na si Bexfriend para maghanap ng kahihiyan, I mean apartment pala. May 1 month pa sya bago lumayas.

Sabi nga ni Tih, silang mga legitimate housemates eh magkakakilala na forever. Si Bexfriend eh kilala lang tlga nila back in college. Di nila sya kilala nang lubusan. Nito na lang nakasama na nila sa bahay. Saka mo lang malalaman ang ugali ng isang tao kung matagal mo syang nakasama sa loob ng bahay. Ito nga nagkakilala na rin sila. Panget lang ang kinalabasan. Kung makikitira ka, fine. Makisama ka. Dahil masarap pa rin na may uuwian ka na walang kinikimkim na inis sa kasama mo. Yung tipong makakatulog ka ng walang iniisip, "may inistatus message ba si roommate?"

____________________
Photo by Leigh Ann via Flickr.

Martes, Oktubre 8, 2013

Bleed


One day I got hurt. It bled and didn't heal for days. I got scared I thought I had HIV. It healed. 

One day I got cut. It bled and didn't heal for days. I got scared I thought I have diabetes. It healed eventually.

One day I got wounded. It bled and didn't heal for days. I got scared I thought... I'm not really sick. I'm just thinking maybe I am. It will probably heal in a few days. I'm just scaring myself. Thinking maybe I'll die with all this pain.

I learned wounds will heal, in time. I learned I have a great imagination, bordering morbidness. I learned many times I'm too afraid I might just die (due to the morbidness) that I forgot to live life. I learned it takes great amounts of pain to be strong. I learned I'm a little bit emo more than I wanna be.

And no, I'm not really THAT depressed right now. I accidentally cut myself while shaving with a razor. Dumb yeah. But another excuse to write a blog. It will probably heal.


____________________
Photo by BJ Vicks via Flickr

Linggo, Oktubre 6, 2013

Patola


Kundol, patola, upo't kalabasa.... Dati naman di ako kumakain ng gulay. Like feeling rich kid makaarte kumain chumuchoosy pa. "Mommy, I don't like that green slimy stuff. Make luto mo me ng chicken nodols." Ganyan. Nangyari lang akong matuto nung nagtatrabaho na ako at kelangan na bumili ng ulam sa sariling pera. Kelangan sulitin ang lahat ng inorder. Kaya kung dati nakahiwalay ang gulay sa sulok ng plato, ngayon simu't sarap na sya. Makulay ang buhay sa sinabawang gulay sabi nga.

Ano ang Pambansang Gulay ng Pilipinas?

Sa prutas alam ko, mangga! Pero gulay? Di ko talaga alam. Wala pa naman naisasuggest sila na gawing pambansang gulay, pero kung pwede lang ilalobby ko na sa Kongreso na ang gawing pambasang gulay natin ay patola. Uso kasi sa mga Pinoy ang patola. At least nasa bahay kubo pa sya.

Ang mga Pinoy kasi sadyang mapagcomment. Patola. Patol ng patol sa halos lahat ng issues. Ok lang naman kung may social relevance. Gaya ng Pork Barrel scam. Pero yung karamihan puro mema lang. Memacomment lang. Memapost lang. Memasabi lang. Galit na galit kay Napoles, eh narinig lang naman nya sa nagchichismang trike driver eh nakigalit na rin. Ang galit kasi contagious. Tapos makarally sa Quirino at Ayala akala mo naintindihan ng buo ang nangyayari. Yun pala magseselfie lang. Pati yung mga iskwating informal settlers, nakikicomment din. Porket ninanakawan daw sila ni Napoles. Eh teka mawalang galang na po mga manong at manang, nagbabayad po ba kayo ng buwis? Makareklamo kayo eh dapat kami ang magreklamo di ba? Halos wala na kami takehome sa dami ng deductions.

Uso rin sa atin ang Pinoy Pride. Yun bang pag may dapat ipagmalaki eh uber supportive tayo. Kahit pa 1/8 Pinoy na lang yung contestant eh kineclaim pa rin natin tubong Cavite yung lola sa tuhod nyang taong yan. Pero kapag nalait ang pagiging Pinoy grabe makareact. Dudumugin talaga. Angry mob kung angry mob, na sa panahon ngayon eh napalitan lang ng mga tweets instead ang mga araro at itak.

Daming nagsusulputang mga fake accounts sa net at di pa rin natututo ang mga Pinoy paano alamin ang fake sa tunay. History repeats itself. Rereact kasi agad. Akala ko ba think before you click? Like may nagtweet, "sana malunod ang mga Pinoy jan sa Habagat. Poor country eeeww!" React agad tayo. Di man lang chineck kung famewhore lang tong bagong troll na to.

Tapos eto nga nanalo si Megan Young. Congratz bata, kahit mejo nagbuckle ka sa Q&A portion we're proud of you. Anyway, very proud nga ang sambayanang Pinoy. At nagsipagfollowan naman sila sa Twitter account ni Megan para magreet ng kanilang congratulations. Eh mali pala ang nafollow nila, tukayo lang pala. Si ateng naman ang faux pas nya eh nagtweet pa sya: "Dear Asians, I am not the Megan Young who won Miss World 2013 please stop following me." At least, gumamit sya ng please. Pero wag ka, racism daw yan ayon sa mga nakabasa. Ewan ko ba, anong racist kung tinawag kang Asian, eh Asian naman tayo? Hallooo, nasa Astralya ba tayo? Parang Pinoy Henyo lang ni Tito Sen choz. At kawawang ateng, dinumog na ng mga lait ng mga bobong Pinoy. Sino ngayon ang racist? Eh nung sinabihan na mababaho daw ang mga Iranians porket tinalo tayo sa basketball, di ba racism din yan?

Eto pa, may isang Devina Dediva na may-I-comment daw ng ganito: "Miss Philippines is Miss World? What a joke. I didn't know those maids have anything else in them." at may dagdag pa na poor, smelly from cleaning toilets, at uneducated.  Lakas maka-Maricel Soriano ng statement nya ha, ayoko ng mabaho, ayoko ng putik! Pwes, ayaw din namin sayo! Angry Mob Assemble! Inulan ng batikos at lait si ateng. Hanggang sa dulo napatalsik sa trabaho nya si ateng. Apparently, yung boss nya eh Pinoy pala. Eh may antiracism chorva ang Singapore. Ayun natsugi si teh. Ang karma talaga ngayon LTE na.

Walang masama kung maging overreactive ka sa lahat ng issues. Basta nasa tamang lugar ka rin bago ka magalit. Wag padalos dalos. Di masarap kapag laging patola. Dahil ang patola sa miswa lang bumabagay. Ansabeh?


____________________
Photo by joeysplanting via Flickr.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips