Alam mo yung twilight? Hindi sya yung book o movie series ha. Twilight. Ayon sa wikipedia, is the illumination that is produced by sunlight scattering in the upper atmosphere, illuminating the lower atmosphere when the Sun itself is not directly visible because it is below the horizon, so that the surface of the Earth is neither completely lit nor completely dark. Mejo high falluting sya pero ang ibig sabihin lang naman nyan eh yung time in between sunrise and dawn or sunset and dusk. Mejo confusing pa rin pero kung mapapansin mo kapag lumubog na ang araw di pa rin naman ganun kadilim, tama? Yan daw ang twilight.
Di naman uso ang twilight sa Pilipinas. Basta ang alam ng mga Pinoy, paglubog ng araw oras na ng telenovela. Sa madlang people di naman ganun ka big deal ang sunsets. Unless may kadate ka siguro bandang Baywalk. May pa-holding hands holding hands pag may time pa kayo, sweet sweetan ang evrathang. Walang gumagamit ng salitang dapithapon o takipsilim sa totoong buhay. Unless makata ka, nagmamaru, adik, o may Filipino thesaurus sa PC mo.
I've been in love with sunsets and twilights since I can't remember. Narinig mo na yung term na Magic Hour? Also known as Golden Hour. Sabi nila, ito daw yung last hour before sunset. Yung mga oras na maghahabol ka ng liwanag para macapture yung beauty ng setting sun. Sa photography napacrucial nito, also known as chasing light. Sabi nila one hour pero actually you have only minutes bago tuluyang magdilim ang langit. Habang dahan dahang humahalik si haring araw sa horizon, nagkakalat sya ng splash of colors: oranges, pinks and purples. Minsan fuchsias din pero for simplicity purposes reds na lang. It depends sa altitude mo siguro, sa weather condition, cloud formations and such, how beautiful you can capture twilight.
Kung gamer ka at nalaro mo na yung Kingdom Hearts na game, malamang familiar ka sa world na Twilight Town. Isa sa mga weird worlds na merong eternal twilight. I know chasing light is romantic and all, pero kung kada minuto na dudungaw ka eh puro kulay orange na lang nakikita mo sa kalangitan, mejo nakakasuya naman to. Ok-ish lang naman kasi sa kaweirduhan ng mundong to eh somehow sanay na ang mga citizens nito. There's something about that world na sad. Like a place of lost memories and trying to remember; what it feels, what is lost. Nakakaemo sya pramis. Ooopps, I forgot magdisplay ng geek alert sa paragraph na to.
Noon, pag naririnig ko yung Twilight, ang naiisip ko lang yung Twilight Zone. Yung horror show noong nineteen kopong kopong. Alam ko bata pa ako para maintindihan yun dati, it's in English pa. Alam mo naman pagpang mababang paaralan ka eh mga Regal Shocker lang ang level dapat ng pinapanood mo. Di makakarelate kahit si Mrs. Villavicencio pramis. Basta tanda ko lang horror series sya in black and white. Kaya ang idea ko ng horror movie dati eh dapat monochrome. Natatakot ako sa maputlang show. Wala kasing glamour choz.
Anyway, dati pag binanggit mo ang Twilight, takot ang mananaig sayo. Ngayon pag binanggit mo ang Twilight, love story kagad ang maririnig mo. Yung mga shining, shimmering splendid vampires ni tyang Stephenie. Ewan ko ba anong ginawa ng babaitang ito pero alam mo yun. Yung magsulat ka ng fantasy-romance-porn mo na pinag-aagawan ka ng anemic na vampire (considering umiinom sya ng dugo ha) at balbon na hubaderong werewolf. Ayyy shett ka teh, pang Precious Romance lang yang level mo teh. Hiyang hiya naman sayo si Bram Stoker, Anne Rice at Buffy the vampire slayer.
~0~
A couple of times ko na rin narinig madrop sa usapan nila Jowein and Yves yung movie na Before Sunrise at Before Sunset. So nagtanong ako what's it about and they suggested I should watch it para maimmerse ako sa level nila ng ka-emohan.
Before Sunrise ay lumang luma na, like 1995 pa sya starring Ethan Hawke as Jesse and Julie Delpy as Celine. Tungkol sa isang American at French na nagmeet sa train at nagdecide na magspend ng whole night together sa Vienna. I don't know about them pero turo ng animated bubuyog sa TV nung bata ako eh don't talk to strangers daw at say no to drugs. Although wala naman talagang drugs involved, naisip ko siguro kaya rin wala akong namimeet na stranger na potentially "the one" eh dahil sa pilosopiyang ito.
Anyway, going back. So the whole movie nag-uusap lang sila while walking around Vienna. Talking about stuff; life and love. Eto yung type ng movie na you should pay attention ala Yuko Yamashita ganyan kasi may mapupulot kang something na magagamit mo somehow sa life mo. And love if applicable. Eventually, kelangan ni Jesse gumora pasakay ng plane bandang sunrise kaya yah know na yun lang ang timeframe ng whole movie. Bago sila naghiwalay, nagpramis sila na magkitakits ulit after six months.
Before Sunset naman ay pinalabas 2004. Di sila nagkita after nine years after nila magkahiwalay. Yah know pramises are meant to be broken. Si Jesse daw ay bumalik after six months pero si Celine injanerang drawing choz. Actually namatay daw yung lola ni Celine kaya reasonable naman ang alibi nya. Nagsulat si Jesse ng book about sa meeting nila 9 years ago entitled This Time, at nung tinour nya sa Europe umasa sya na mameet nya uli si Celine It worked like magic, or sinadyang screenplay. Ngayon naman yung plane ni Jesse gogora bago magsunset. Parang nangyari na to? Dumedeja vu ang peg. So ayun another timebound pasyal pasyal pag may time sa Paris. At dahil limited time nga, mejo bibitin nila uli ang audience what happened after the last scene.
A few years past at mukhang wala na ngang continuation sa hanging ending. Hanggang sa nagbulung bulungan na naman na may sequel daw ulit! Mygass excited. Ano namaln ang title? I suggested Before Twilight, wordplay sa timeframe at sa recent connotation ng word na twilight. Much better naman siguro than Before Dawn na slightly synonymous sa first movie, or sa Before Dusk na same sa second. Before Noon naman, parang pang variety show lang ang peg. Hanggang sa lumabas ang official title.
Before Midnight.
Nagstatus si Faye na may kalakip na trailer: "Before Sunrise was nostalgic, Before Sunset was poignant. I haven't seen this but I must!" I would say bravo sa tweetish review ni Faye sa two movies. Nagreply ako, "Before Midnight is enigmatic. #mema lang" Ikinatuwa naman ni Faye ang pagmema ko.
Ang hindi ko ikinatuwa ay ang biglang pag-enter eksena ang isa sa mga tagged sa post nya: "Ahh... pass ako sa movie Faye.. nde ko masyado type.. based sa trailer.." comment ng friend ni friend. No wonder di nya type. Correct use of ellipsis pa nga lang ligwak na sya choz. Sa totoo lang, mejo confusing nga naman ang trailer ni Before Midnight. Given na perstaym narinig ni ate ang movie na to. Pero para magjudge ka agad based sa trailer? Sya yung mga klase ng tao na nauuto manuod ng mga pelikula ni Bong Revilla tuwing pasko. Nadadala lang sa mga special effects o theme songs eh gogora na agad makipagsiksikan sa pinakamalapit na sinehan. Ate, you failed me! At mag-aral ka ng tamang punctuation ha....
Nine years again after ng last movie, nag-open ang movie sa airport. Nine years again, imagine! Parang nangyari na to. Dumedeja vu choz. Si Jesse hinatid ang anak nya sa airport pauwi. After that makikita natin na kasama pala si Celine naghihintay sa labas. At may anak na sila, not just one, but twins! So the usual na minimalist shots na focused sa usapan nilang dalawa sa small island off Greece. I knerr, you know it wouldn't be Greece without her tragedies. At di exception sa movie na to. Though I know you'll enjoy the conversations more. Funny, romantic, bitter and sad. Parang life and love lang. Sa ending mabibitin ka once again.
I know di ganun kalaki ang following ng series na to compared to big budget fantasy films like Harry Potter or Fast and the Furious. But you'll definitely fall in love with this film when you do get to watch it. I know, I was a cynic and skeptic about this film before hahah. And once upon a time, there was a beautiful story of love and life written before Twilight.
____________________
Photo by Sahil Gupta via Flickr.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento