Miyerkules, Disyembre 31, 2008

Fountain Dew

Countdown
December 31, 2008

Naiinis ako dun sa mga batang hagis ng hagis ng mga picolo sa kakalsadahan. Meron pa mga pinapatulan ang watusi, inaalog alog pa sa mga palad. Mag exhibition ba? Sige nga itry nila sa bibig alugin yun.

Sa totoo lang ayoko ng mga paputok na yan. Ilan na ba ang naputulan dahil jan? Wala ring takot ang mga taong to eh. They keep coming back for more. Kahit ipagbawal pa ng barangay eh wa effect naman. Sabi nga nila ang bawal daw ang exciting. Leche eh di putulan na lang ng daliri yang mga yan, tutal dun din naman ang kahahantungan nun eh di shorcut-in na natin.

Sinira ng kapitbahay namin ang ilang new year's eve ko. Bakit kasi kelangan pa magpasikat sa pagpapaputok ng pinakamahabang Sinturon ni Hudas. Hudas talaga sya, gustong gusto ko nang sinturunin eh. Hindi man lang ako makatalon ng maayos kasi maya't maya may hahagis na labintador sa pinto nyo.

Mas enjoy ko pa yung lusis na pwedeng ikaway, iwagayway. Wave!!! At eto ring Fountain na iniimagine kong volcano na nagpoproduction number sa explosion. Nitong nakaraang taon eh nabawasan na ang ingay, napalitan na ng mga ilaw. Mejo shala na ang mga tao, mejo gumagastos na sa pyrotechnics kaya nakakabalik na ako sa panunuod sa labas.

Magandang pagmasdan ang iba't ibang kulay sa sumasabog na liwanag. Kung ingay lang naman talaga ang habol ko eh di sana nagpukpok na lang ako ng batya at palu palo. Sa pagtingala ko mamaya, magwiwishing on the same star ako na nakatingala ka rin at humihiling ng magandang kapalaran.

Simbilis ng paglalakbay ng liwanag ay nahulog ang loob ko sa iyong pagningning. Rollercoaster ride itong 2008, maraming pataas at pababa na parang ispaghetti dinidigest ko ngayon. Marami ring paikot ikot, nahilo ako pero tumibay ang sikmura. Nawa'y ipagpatuloy mo ang iyong pagningas. Burn for me baby! Meganooon?! Bawat isa sa atin ay nagsilbing ilaw sa karimlan sa ating mga kaibigan at mahal sa buhay, in one way or another.

Ilang sandali na lang magpapalit na tayo ng taon. Habang ang ilan nagsusunog ng pera sa mga paputok, may ilang nagsusunog ng tulay sa nakaraan, sa mga masasakit na sinapit at napagdaanan. May bagong bukas na nakalaan sa lahat. Kaya't gumising ka, maghilamos, magpagpag ng alikabok. Singhutin mo ang hangin na ngayo'y mausok pa at amoy pulbura, lilipas din yan. May papalit na bagong simoy. Bagong umaga na. Bagong taon na!

SEB HeadBang Now!!!

Bangengers!
December 31, 2008

Shen: Ateng may love love chorva akez dabah. Mega date galore ang lola mo with Carlo. Followup kay Gardo. Pero I'm like a confuse now.


Becky: Habaherness ang vruha. What ba inispluk ng Carlo nung date galore with you?


Shen: Si Carlo eh ayun Silent night, its like frenly levelling lang. Pero ang Gardo may chorvaness to the maximum levellations.


Becky: Where na buzilakness mo?! Sauce Barbra Streissand. Gorabelles na ateng for Gardo. Winona Ryder.


Shen: Eh yah know Carlo is like make pampam to me pero I'm not a know right now ok. Pero ang Gardo naman eh merong bleeding keep keep bleeding love before and now.


Becky: What if you're make yaya ng Carlo for chorva?


Shen: It's not happen sis, tuod sya. Yah know, I'm not make pili pa.


Becky: Ayyee! Ganda mo teh! Choisy!


Shen: Cheh!


Becky: May multiple choice talaga?


Shen: Pwede ba NOTA?


Becky: I'm known mahilig ka sa NOTA.


Shen: None of the above, shungaerz! Nako ha, kung ano jinijisip mo jan!


Becky: What the hey none of the above? Bet mo BOTTOM?


Shen: Ayyy wit!


Becky: Sabugan kita jan eh. Bet mo super lolo?


Shen: Ewwww di ko betching magplay with lolo thunder noh! Same is go with baby rocket. Sometimes in the middle lang.


Becky: Si Hudas bet mo?


Shen: Halik ni Hudas gora pa akez.


Becky: Meganon?


Shen: Yeiz!


Becky: Yaw mo nung pasabog nya? Sinturon ni Hudas? So mahaba and so malakas!


Shen: Mayayanig ba mundo ko?


Becky: Not really. Kase pabuzilak epek ka!

Martes, Disyembre 30, 2008

Torpedo


Stoic
December, 2008

Leche patapos na lang ang taon eh andami ko pang iniisip. Hindi maganda to, ayoko magdala ng mabigat na damdamin. Sa isang banda eh masasabi kong maganda ang itinakbo nitong taon. Maraming bago:
bagong kaibigan, bagong aral, bagong karanasan, at bagong pananaw sa mundo at sa sarili ko.

Ayon sa isang psycho exam eh isa raw akong counselor. At napangatawanan ko naman yun sa pamamagitan ng pagiging chismoso, este adviser sa mga friends ko. Kahit na walang kakwenta kwenta mga payo ko eh mejo bumebenta naman sa kanila. Hindi naman talaga nila kaylangan ng advice, basta meron lang makikinig sa mga problema nila eh parang nakakagaan na rin ng kalooban. Sabi sakin ni Janice eh magaling daw ako makinig, akala ko dati sa chismis ko lang magagamit tong tenga ko, akalain mo yun kahit sa mga seryosohang usapan pala eh effective pa rin. Ang masama lang eh bakit pag ako na ang magsasalita parang walang gustong makinig?! Leche talaga. Ang natitirang pag asa ko, si Warren na lingguhan ko lang mahagilap dahil sa pagkocallboy, at si Maureen naman nasa Bataan pa para sa month long celebration ng kasal ng ateng nya. Alam ko namang napagtyatyagaan nila ang emo mode ko. Kelangan ko maglabas ng sama ng loob, at wa epek na ang dulcolax.


~0~


Jude: Ask ko lang hinihintay mo pa ba yung special someone mo kaya singular ka pa rin. Naghihintay ka pa rin ba sa wala?

Jeremy: Bakit on the spot ako?

Jude: Bakit ka pa rin naghihintay. TANGA ka ba?

Jeremy: Cheh! Kanya kanyang diskarte yan noh.

Jude: Kahit na. Waiting is waste of time for a lover na naghahabol sa taong walang kasiguraduhan.

Jeremy: The fact is hindi ko alam. Masyado akong choozy kaya hindi ako basta basta nakakapagdecide. And I dont care if I'm loveless right now, kaya wag mo pakialamanan ako.

Jude: Sana nga nakikialam ako so that I could slap yer face really hard. You could care and think about other's love problems, give comments and advices tapos you're being unfair to yourself, hanging in that comfy tower won't bring you any progress.

Jeremy: Eh kasi ang love nakakatanga yan.


~0~


Maricel: Pwede ko ba sabihin na kung busy sa work eh wag na lang i-try mgkaron ng lovelife? Napakakitid ko ba kung humingi ako ng time?

Jeremy: Hindi naman noh. Pero sa relationship eh investment ng time eh mahalaga di ba?

Maricel:
Kase di ba ano pang use na pumasok ka sa isang relationship kung wala ka naman time para dun. Eh di mabuti pang magsolo ka na lang.

Jeremy: Pero kung kaya naman nya magbigay ng time eh why not. Pero kung lagi na lang... kung sana nag-eeffort sya, kahit sa loob ng five minutes magpakasweet sayo.

Maricel:
Eh tuwing nandito sya usual na gagawen niya tatayo siya sa harap without saying anything as in wala, tapos maya maya tatanungin ako kung pwede niya ko i-kiss. Aba malamang eh di pwede diba?

Jeremy: Baka nahihiya lang sya sayo.

Maricel:
Ako nga nahihiya sa ginagawa niya, kase baka may makarinig sinasabihan niya ko ng "I miss you!"

Jeremy: Ayaw mo ba nun? Hindi ka ba kinikilig?

Maricel:
Ok nga yun eh ang ayoko pag wala siya. Mejo nahihiya pero kinikilig. Tapos kahit galit ako dahil di siya nagpaparamdam sakin eh nawawala pag nakikita ko na siya.

Jeremy: Ayyy in love ka nga, pero nalilito ka lang kasi namimiss mo sya lagi.


I don't know pero mejo allergic ako sa mga ganyang words. The most I can reply is "hmm.. ok. Thanks. Ikaw talaga!" BUZZ!!! Wrong answer. Pero what can I do, I'm certainly not romantic. Pero hindi naman ako robot. Tinman siguro pwede ba, looking for his heart. Tinanong sakin ni Ariel dati bakit nga ba pag gusto mo ang isang tao eh hindi mo masabi sa kanya ng derecho. From one torpedo to another, ewan ko ang sagot jan.

Sana hindi ko na lang binuksan yung "Jack-in-the-Box," nagfeeling Pandora tuloy akong nagpakawala ng delubyo sa kautakan ko. Hinahanap ko pa yung Hope sa ilalim, sana meron pa. Kahit isang stick lang basta may maaninag lang.

Leche patapos na lang ang taon eh andami ko pang iniisip. Hindi maganda to, ayoko magdala ng mabigat na damdamin. This is not me. I hate this feeling.



Huwebes, Disyembre 25, 2008

Patawad


Namamasko!
December 25, 2008


Sa dami ng batang nagbabahay bahay eh nakakasawa ring sumigaw. Kung sa ibang bansa eh may Trick or Treat ang mga bata, ang sarili nating kajolog jologang version ang Namamasko po!

Kasama jan ang pangangaroling. Kung yung ibang bahay eh pagtapak ng September eh bonggang bongga na ang bahay sa Christmas tree, parol at Christmas lights, ang mga bata naman eh inaabangan lang ang pagtapak ng December para mangaroling. Wala pa ngang simbang gabi eh naririnig mo na ang mga ligaw na tono. Armado kadalasan ng tambol na gawa sa latang binutas sa magkabilang dulo at may plastic na ginomahan; marakas na gawa naman sa maraming tansang nakatuhog sa alambre; o ang paborito kong kutsara't tinidor, saludo ako sa kanilong pag-eeffort.

Syempre napagdaanan ko yan nung childhood moments ko noh, pero alam ko yung tono at lyrics, pati yung proper blocking at pagpoproject, isama na rin ang dami ng song choice dun sa album nila Basil Valdez, etal na Christmas medley ata.

Ang pinakaayaw ko marinig ang Patawad! Syempre kelangan gumanti ka ng Ambabarat ninyo! Ngayong eh umikot na ang gulong at ako na ang sumisigaw non. Bakit nga ba patawad? May kasalanan ka ba sa kanila?

Malamang humihingi ka ng paumanhin na hindi mo sila mabahaginan sa kaunting mayroon ka. Kahit papiso piso lang eh sana'y mapasaya mo sila, pero wag ka at baka ikaw pa batuhin nila non.

Ang pasko ay dapat season for sharing, season of smiles, season of love, at star for all seasons. Love you lucky me! Panahon to para magbuklod at magkaisa, upang magsama sama, upang magpatawad sa ating mga nagawa sa taong matatapos. Dahil ito ang itinakdang araw na para sa kapanganakan Niyang tumubos sa kasalanan ng mundo. Kung Siya nagpapatawad, ako pa kaya? Ikaw? Tayong lahat?

Maligayang Pasko sa inyong lahat!

Linggo, Disyembre 7, 2008

Tengang Kawali


Lend me your Ears
November 30, 2008



Nakipagnomo nomohan lang ako sa isang friend ko, si Tonton. Bale tinext nya lang ako na pumunta sa kanila. Magdala daw ako ng yelo. Tinanong ko kung ilan, malinaw na malinaw na isa daw. So nagdala ako ng isang yelo, yung nabibili sa tindahan ng tigdo-dos pesos. Pagdating ko sa scene of the crime eh kulang daw yun, isang bloke daw ang gusto. So tambling ako sa pinakamalapit na suking grocery groceryhan. Isang supot na yelo at dalawang Red Horse grande ang tangan.

Pagkabalik sa bahay eh balik sa kwentuhan. Hindi naman drowsy tong si Tonton pero I can sense na wala na sa tamang katinuan. Napag-usapan ba naman pati si Nicole Hiyala na kesyo rebonded lang ang buhok, 29 na pero nakabraces pa rin at bad breath daw, puro pink ang suot at andami kabebeltan na alipores. Ewan ko lang kung imbyerna lang sya kay Nicole o inggit lang sa tunay na engkandiosa. Whatever yaya!

Sa sobrang daldal eh naikwento rin nya samin pati itong si Natalee Holloway. Hindi nyo kilala si Natalee? Ako rin weh, pero ayon sa kwento na hango daw sa Fox News eh tatlong taon nang nawawala sya. Magfeeling where in the world is Carmen San Diego ba, or Where's Wally. So heniweys, nagbakasyon daw si ateng sa Aruba. Dun daw sya dinala sa beach ng isang nagngangalang Joran Van Der Sloot, with correction pa sa pronunciation namin na islowt daw dapat hindi islut. Sya daw ang pinakawafu na nakita nya. Ginoogle kagad namin at shett, lasing nga sya. Ngayon eh pinaghahanap pa si ate, nasa Thailand daw binenta yata bilang palengkera. Hindi kaya naabduct ng alien? ALIEN!!! Feeling ko nagtatago lang sya sa bombay eh. May kapitbahay din kami dati parang ganito nangyari sa kanya.

Bigla ba naman napansin ni Ton yung tenga ko. Maliit daw, ibig sabihin daw mamatay ako ng maaga. Kainis na! Pero ok lang daw yun kasi maraming iiyak daw para sa akin, sasabihin nila na sayang daw maaga ako kinuha ni Lord. Anobeh! Eh gusto ko man lang makatikim ng 20 percent discount sa Jollibee at libreng sine noh. Yung mga kasama ko malalaki daw ang tenga kaya aabutin daw ng isang daan. Lulumutin na sila eh buhay pa. Matutuwa pa nga daw ang mga tao pag nategi na sila kasi ba naman eh sobrang excited na silang maghatian ng pamanang lupain sa paso. Baka nga big reunion ito tapos may banda talaga, parlor games, madjongan, saklaan, at tongitan. Bonggacious to the maximum levellations ang despedida mo!

Ang moral lesson, wag na makipagtalo sa mga lasheng. Hayaan nyo lang silang magsalita, pag pinatulan mo pa eh boogie wonderland talaga ang mangyayari. Kaya nga daw tayo may dalawang tenga at isang bibig para tayo'y makinig muna bago magsalita. At kaya naman tayo naimbentuhan ng ating mga ninuno kung sino man sya ng mga earphones at earplugs eh para pananggalang natin sa mga kabubullshitan at tae taeng konsepto na maririnig natin kung kani kanino lang. And with that mag iiwan lang ako ng words of wisdom from our sponsors.


Una magdasal ka para mabuhay ka
Pangalawa magtoothbrush ka
Para mabuhay naman ang iba.


Nicole at Chris, Tambalan

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips