Not really a film buff, pero once in a while naappreciate ko manood ng mga films. Kung film buff lang din naman, may mga kilala ako at deym, di ko talaga gets ang level ng good or bad movies nila. Pinalabas yung Sana Dati sa Cinemalaya under Director's showcase category. Nung scheduled run nito last July-August, di ko napanood dahil mabilis masoldout ang tickets. Nagkaron ito ng commercial run pero di ko rin napanood dahil sa conflicts ng work sched. At gaya ng ilang pelikula ng mga nakaraang taon--Sayaw ng Daliwang Kaliwang Paa at Ang Nawawala--isa na ito sa mga di ko mapapanood. Hanggang may nagbukas na opportunity. Last two screenings sa Fully Booked Fort. Walang patumpik tumpik, sumugod agad ako.
SPOILER ALERT!!!
Sana Dati ang kwento ni Andrea. Sa mismong araw ng kasal nya nakilala nya ang isang videographer na si Dennis. Interview style ang pinili nilang mode ng supposed wedding video coverage, at dito unti unting nirereveal ang tunay na laman ng puso ni Andrea. Pakakasalan nya si Robert na nakilala nya isang taon na ang nakalipas kung saan member sya ng ad agency sa campaign nito. Mahal mo ba si Robert? Mahirap na tanong. Ang totoo, di nila kilala ang isa't isa. Flashback ng isang taon. Nakilala ni Andrea si Andrew, isang videographer sa kasal na guest si Andrea. Sa loob ng limang araw na magkasama sila ay lubos nilang nakilala ang isa't isa. Ito ang nagtulak kay Andrew na maglayas upang itanan si Andrea. Nakilala rin ni Andrea kung sino si Dennis. Dennis Cesario, kapatid ni Andrew. Pumunta sya para makilala si Andrea, para malaman kung minahal nya ba ang kapatid nito bago sya namatay. Habang abala ang lahat sa preparasyon ng kasal, tumakas sila Andrea at Dennis sa building deck upang makapag-usap. Makakasama ko na si Robert habang buhay, ano ba naman ang a few minutes late? Ilang flashbacks pa at malalaman natin ang mga kacheesyhan nila Andrea at Andrew, kung paano napabayaan ni Andrew ang kanyang kalusugan, ang kanyang sakit na arrythmia, para lang makasama ang babaeng pinakamamahal nya. Kung umikli man ang buhay nya, at least naging masaya daw sya. Sa araw na matutupad na ang pangarap nila Andrea at Andrew na magtayo ng sariling flower shop at wedding photography saka naman inatake si Andrew na ikinamatay nya. Si Dennis ay sumunod lamang sa yapak ng kapatid nya upang makilala si Andrea. Si Andrea naman, muling nagpakita kay Robert upang pakasalan ito after ng isang linggo lang. Di nya ba alam ang three-month-rule? Bakit ba ang tigas mo Bash? Sa climax ng movie, tatayo sa edge ng building si Andrea at parang tatalon. Darating si Robert na pagod sa kakahanap sa kanya at dadalhin sya pababa. Muling tatakbo ang oras at babalik tayo sa wedding CEremony... err ceREmony. They will say their vows, kahit scripted ang kay Andrea. Habang si Robert ay magbibigay ng kanyang heartfelt promises to her. Magtatangka ulit si Andrea tumakas kasama ni Dennis ngunit iiwan sya nito. Tapos na ang misyon ni Dennis. Masaya na syang nakilala ang taong nagpasaya sa kuya nya. Si Andrea ay muling dadalawin ang puntod ni Andrew. Bago pa sya makaalis sa sementeryo, susunduin sya ni Robert. Aaminin ni Robert na alam na nya ang lahat, matagal na. Sa byahe pauwi, iiwan ni Andrea ang huling regalo ni Andrew sa kanya, isang pares ng blue flat shoes na isusuot sana nya sa opening ng Say Anything shop nila. Bago pa ikwento ni Robert ang side nya, hinawakan ni Andrea ang kamay nya. Ending credits.
Maganda ang shots ng film, isipin mo na lang na wedding coverage na pinabongga so you'd expect details sa bride and groom and the whole package. Solid ang performance nila Lovi Poe, Paulo Avelino, TJ Trinidad at Benjamin Alves. Si Lovi lalo na, nakakadala ang emosyon na flowing sa character nyang si Andrea. Pati si Carla Martinez, effective na bungangerang nanay. Ang other casts na sila Gee Canlas, Nico Antonio, Mihk Vergara, at Cai Cortez ay nandun para magbalance ng kaunting comedy. Angkop ang lapat ng music para maenhance ang emotions onscreen. Overall, you'd feel the bittersweet atmosphere ng movie. Kaya sapat lang siguro na hakot award ito sa Cinemalaya. Sana nga dati ko pa ito napanood. Sana dati pa. Umikot ang kwento sa iba't ibang uri ng love. True, reciprocated love, endless love na napaghiwalay lang ng kamatayan, love na kayang magsakripisyo para sa kapatid, martir na uri ng love na mapagbigay at umaasang masusuklian ito, at love na unti unting matututunan. Sino ba ang maniniwala na pwede ka magmahal ng taong nakilala mo lang sandali? Ng taong niligawan ka lang ng isang linggo? Love is timeless. Kaya nga siguro may love at first sight daw. Ngunit di kaya superficial lang ito? Just to share, ang cheesiness ng fictional Mexican poet ni Jerrold Tarog na si Julio Medem (not to be confused with a Spanish director), na namatay daw sa car accident habang nagpopropose sa girlfriend. TAN-Gee-Aye? "In the silence, I hear the sound of two hearts beating." ~Julio Medem
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento