June, 2008
Ilang araw ko ring di nakakausap si Warren dahil busy busyhan pareho kami sa mga buhay buhay. Tapos na ang summer vacation, pero di pa tapos ang init. Global warming pa rin! Gusto ko sana magbeach eh wala namang nagyayaya. Malamok pa sa tindahan ni Aling Janna. Walang effect ang katol na nakadisplay lang. Naadik na ako sa amoy. Wow, pare heaven. Maya maya dumaan si Warren para bumili rin ng katol.
~0~
Jeremy: Wag ka na bumili, walang epek yan.
Warren: Hindi nga? Pakshett ka pag niloloko mo ako. Hoy isipin mo kelan tayo magga-Galera!
Jeremy: Pwede ba next month kasi naubos ko na budget ko.
Warren: July?
Jeremy: Yeah.
Warren: Keri lang. Okay, sino sino tayo?
Jeremy: Ikaw kaya magorganize noh!
Warren: Nye! Bakit naman ako.
Jeremy: Eh ikaw ang aming leader.
Warren: Isasama ko officemates ko.
Jeremy: Ayyy, nakakahiya.
Warren: Anobeh!
Jeremy: Hindi ko sila knowingz galore.
Warren: Kelangan may leader! Si Tyler? Si Elvin? Ang hirap maging leader, ikaw na lang kaya.
Jeremy: Ayoko maging leader noh! Pwede one day lang? Yung Sunday lang?
Warren: Sige Sunday, Monday morning tayo uuwi.
Jeremy: Hmmm... ok lang siguro.
Warren: So ikaw na leader
Jeremy: Hindi nga ako leader.
Warren: Leader! leader! leader! All hail!!!
Jeremy: Isama natin si Lola Madonna?
Warren: Sino yun?
Jeremy: Yung teacher natin nung grade 2!
Warren: Ayoko nga ng aalagaan pa dun!
Jeremy: Si Kenneth malabo sumali yan. Si Elvin baka magjinarte.
Warren: Pakshett naman yun.
Jeremy: Si Tyler go yan kasi maglalalanji.
Warren: Okay si Tyler.
Jeremy: Si Reese malabo kung andun si Tyler, baka mag-away. Si Derek malamang, kung buhay pa sya by July.
Warren: Oh yah, yung sa prediction naten.
Jeremy: Hindi lang dahil dun noh. Alam mo ba nung isang araw, nagpaparesearch sakin about slashing his wrist.
Warren: Suicidal na ba sya?
Jeremy: Yes he is suicidal, sabi nya sa akin. Kung hindi daw ako mgreresearch, itutuloy daw nya.
Warren: Seryoso?
Jeremy: He has tendencies. At emo rin daw sya...
Warren: Emo meaning?
Jeremy: Emotionally disturbed.
Warren: Pagbigyan mo na kasi sya.
Jeremy: Anobeh! Hindi naman ako yung type nya.
Warren: Sino ba?
Jeremy: Mas type pa nya si Tyler, or si Reese, pati si Aling Janna. Imagine that! Saka he's sad kasi lumipad na ang uwak.
Warren: Tagal na noon ah!
Jeremy: Yah, I mean for good.
Warren: Maghanap kaya sya ng therapist.
Jeremy: Sabi nya depressed daw sya.
Warren: Di ba paulit ulit ko nga sinabi sayo yun.
Jeremy: Honga eh. He feels empty.
Warren: Walang makakapuno non, so he's reaching out to friends.
Jeremy: Wow, may ganung drama? Kaya ba pag nakaunli sya eh send to all ng "hi sexy"?
Warren: Naiinis na ako sa mga text nya.
Jeremy: Nako kanina lng ako naalala itext, send to all pa! "Di na ko aasa pang muli, kung ikaw ay babalik, saka na lamang ngingiti..."
Warren: Well try to help him as much as you can. Wag mong ignoramus.
Jeremy: Anobeh, naging guidance counselor na lang ako sa lahat... forever. Pero sarili kong problems eh nasa backlog pa rin.
Warren: Well sabi nga nila, "Silent water breeds mosquito."
Jeremy: Hindi ko lubos maunawaan ang kalaliman. Maglilimas muna ako ng tubig.
Warren: Okay eto na lang, "Ang buhay parang gulong, minsan nasusunog."
Jeremy: ...Minsan nilalagyan ng plapla, lolothunder, at watusi? Anobeh, hindi ko pa rin magetz! Groggy ako weh! Please explain!
Warren: Wala lang. Gusto ko lang masabi kahit walang relation. Bakit? Is it a crime?
Jeremy: Alam ko kasi stagnant water breeds mosquito, kaya nga may 4-o' clock habit ang DOH di ba?
Warren: Anobeh!
Jeremy: Che! Akala ko naman deep deep-an ka.
Warren: Galing yun sa quote.
Jeremy: Galing naman yung sa akin sa infomercial, kasama ng TKO!
Warren: Anobeh! Galing sa quote. Chorva! Ang gulong minsan nasa taas minsan nasa baba...
Jeremy: Eh kasi hindi ko marelate yung mosquito eh.
Warren: Walang relation ang mosquito!
Jeremy: Hinahanapan ko ng metaphor, wala ako maisip. Ispreyan na lang kaya kita ng Baygon jan ng manahimik ka!
Warren: Wala naman eh, kaya ka nga nagtitiis sa katol eh.
Jeremy: Leche!
~0~
Sa mga nakakaalam ng kahulugan ng quote ni Warren, parang awa mo na, isend mo ang salmong tugunan para maibsan ang paghihirap ng aking kautakan sa pagtuklas ng implikasyon nito sa ating buhay, sa ekonomiya, at sa mga pangyayari sa mundo.
Ang mga masamang nakaraan na lumilipad sa iyong isip ay parang lamok na nangungulit at dumadapo sa iyong katawan. Kung hahayaan mo lang, makakagat ka nito, maaring mamantal lang, magkasugat ka, o di kaya'y magkasakit ka, o mamatay kung sakaling may sakit na dala ang mga ito. Kung di pupuksain kaagad, ikaw lamang ang mapapahamak.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento