Sabado, Agosto 24, 2013

An Open Letter to...


Madami na namang galit sa mundo. Madaming affected sa mga bagay bagay, maliit man o malaki. Sa dami ng problema ng mundo like depleting ozone layers, flashfloods, nalulusaw na polar caps, hurricanes, earthquakes, at mga bagyo, iisipin pa ba nya yang problema mo? Kaya go lang daw sabi ni Mother Earth, mag open letter ka na lang sa problema mo. Baka mabasa pa ng pinapatamaan mo. At dahil jan, makikitrending na rin ako.


~0~


An Open Letter to Whom it may Concern:

Teka lang. I changed my mind.

Dear Emiko,

Remember me? Do you miss me? Ako, naalala pa kita. 

1990 kakabili ko pa lang ng bagong bagong Mongol number 2. Wala pang kagat ang eraser at di pa natatasahan ng kutsilyo ang lead. Ipinatong ko lang sa desk ko para kunin ang craypas sa bag ko ng biglang poof. Nalost na sya in mid air.

After a week, pati si Michelle, si Ferdie at si Cherrie nawawalan na rin ng lapis. It's as if may Bermuda Triangle ng lapis dito sa classroom.

Di pa naman uso ang CSI nun kaya siguro very very light pa lang kami sa investigation. Nagkaalaman na lang ng may maka caught in the act sayong dumedekwat ng lapis. Grabe ka! Pero sure na sure ako teh, kung ako ang nakahuli sayo, baka iCalvento Files kita!

Alam mo bang pinaghihirapan ng mga magulang namin na bumili ng lapis, well nagiging every week na dahil sa kagagawan mong gaga ka, para lang maitaguyod ang aming pag-aaral. At para na rin mas makatipid kami sa pagpapaphotocopy ng books. Isipin mo kung ilang pamilya ang sinira mo ang budget sa pagbili na naman ng lapis?

At nung may-I-confront na peg namin, anong ginawa mo? Nag imbento ka pa ng kwento. Kesyo may sumpa sumpa sa iyo ang isang witch na magiging compulsive klepto ka! Bruha ka!!! Hiyang hiya naman sayo si Winona Ryder. Di nya naisip ang ganyan ha. A+ for Originality ka teh. Ngunit walang sumpa. Tayo ang gumagawa ng mga mga sumpa, ng mga himala. Ang sumpa ay nasa puso ng tao!

Kaya kung ako sayo, magbago ka na. Well, sana after 20 years eh nagbago ka na nga. Di ka na pumasok sa next school year eh. Siguro kung makikita kita ngayon, baka rumaraket ka na ng mga 10 billion pesos sa gobyerno. Dahil walang pinagkaiba ang klepto ng lapis sa klepto sa kaban. Magnanakaw ka pa rin, ibang magnitude nga lang. Kahit maging Robin Hood ka pa, the end doesn't justify the means. Magnanakaw ka pa rin.

Lubos na gumagalang,

Anonymous


~0~


Ayaw po magpakilala ng ating letter sender. Kasi hanggang ngayon po affected pa rin sya sa punyetang classmate nya nung elementary. Scarred for life ganyan. Pramis di ko sya kilala. Move on move on din teh. Si Maring nga nakamove on na eh, ikaw pa kaya?

Title ng episode: Mongol


__________________
Photo by Kyle Thompson via Flickr.

Walang komento:

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips