Miyerkules, Disyembre 11, 2013

Laglag Brief


Boxer o brief?

Bilang confused ako, alam nyo ba'ng sa bahay ang ginagamit ko pangtulog ay boxer AT brief. Yes, redundant at overprotected lang. You can never can tell baka magkaron ng intrusion while sleeping choz.

I don't buy my own undies. Pramis! Sa tanda kong to eh di pa ako nakakabili ng sarili kong brip. Natatanggap ko lang to na regalo ng mama ko every two Christmases, or kung mawasak na ng washing machine, whichever comes first.

So mauunawaan nyo naman siguro kung nagbebacon na ang garter ko. Sa mga di nakakaalam, ito yung quality ng garter na nagiging kulubot at slightly brittle na halos di na kayang kumapit sa pagkakapitan. Kinakaya na lang. Its aryt naman kung nasa bahay ka lang using your 2-year-old brip. Walang kaso don. Pero what if may importanteng event sa buhay mo.

Para sa kapakanan ng taong involved, di natin sya papangalanan. Ate Charo, itago na lang natin sya sa pangalang Cameron. Etong si Cameron ay nagkaron ng isang corporate event sa kanyang company. Party party ganyan. Mejo may budjey kaya umEdsa Shangri-la ang event, with matching outfit pa. Strictly formal. You aint in if you aint glam. Shining, shimmering, splendid is the new black. In the most hampaslupa comparison, parang JSProm lang ang peg.

Anyway, kinuhang photog itong si Cameron sa event. At although tinatamad sya gumora, pumunta pa rin sya kahit late. Nakapagsimula na ang event nung makarating sya. Hinaltak agad ng mga tao upang magpapiksur. 

Pose! Hold it! Click! Flash! Perfect!

Naalala nya bigla, umattend kaya si crushie?! Ikot ikot lang hanggang maispottan ang target. Parang ibong mandaragit lang. There, table 18! Para di naman obvious nagpiksur piksur on muna si Cameron sa other tables; papalapit nang papalapit sa table ni crushie!

Can I take a photo? Hold it! Perfect! Thanks! Isa pa. That was so nice. Thank you!

That very instance naramdaman nya may bumagsak. Ang brip nya. Partly dahil sa pagbebacon. Mabuti na lang may pundilyo na sumalo ng brip nya kung hindi mamumulot sya sa dance floor ng nagkalat na undie. I know gross. Pero sure na sure sya iyon ay dahil sa kilig. PBB Teens?

Bakit ba naimbento ang katagang laglag panty/brip? Dahil yan sa asawa ni Marie, one-two-three, araw-gabi walang panty. Natural! Unless that's my tomboy ang asawa ni Marie, malamang walang panty yon.

Pero seryaslee, bakit nga ba? Ayon kay Dra. Margarita Holmes, dahil daw sa heightened emotions, tumataas ang production ng dopamine which makes our bodies tense sometimes causing uncontrollable fits. Choz lang. Di ko nga alam ano yang dopamine, at kung sino si Dra. Margarita Holmes choz. Di naman talaga nalalaglag ang brip o panty kapag may kinikilig. Nalalaglag ito kapag may landi factor. Para go kaagad, sexy time na.

Isipin mo mejo nakakatakot pala kung maging modus ito. Laglag brip o laglag panty gang. Parang laglag barya gang, pag pinulot mo ang barya madudukutan ka agad. Kapag laglag undie gang, pag pinulot mo reyp kaagad. Or gangbang. Skeyri I know.

Pero I'm pretty much sure di naman masyadong magkiclick dahil sa ilang mga rason:
1. Sino sa matinong pag-iisip ang mamumulot ng underwear sa gitna ng daan?
2. That is just eeewww. IKR!
3. Mamumulot ka lang ng something sa daan kung ito ay something na may value, like baryables, or Nokia celphone, or approval rating ni PNOY, or isang sako ng NFA rice, or panyo ng crush mo.
4.  Posible na may sakit ang nakahulog ng undie. Pag sakit HIV kaagad? Di ba pwedeng ketong, bulutong tubig, eczema, or diarrhea muna?
5. Uso ang rayuma dito kaya kebs sa mga tao ang mga ganyang bagay sa daan.
6. Kaderder ito.

Oh did I forgot, kasulasulasok mamulot ng brip o panty sa daan. Unless nga manyak ka, at kahit used panty eh pagpaparausan mo na. Celibacy din pag may time. So sa next time na may nakita kang nalaglag na panty sa daan, smile. Isipin mo na lang, di akin yan. At di ko pupulutin yan ulol ka. Isipin mo na lang, may kinilig ng sobra today, be happy na lang sa trip ng iba. Walang basagan.

Title ng episode: Bacon garter


____________________
Photo by Darius Goins via Flickr

Walang komento:

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips