Pangarap ko makasakay ng skipping train. Pramis! Alam mo gaano kaweird yan na inuulit ulit ko sabihin kay Carol sa tuwing nagkakasabay kami pauwi via MRT. Werd! Dahil parang sinabi ko na rin na pangarap ko makasagot ng missed call. By default wrong gramming na sya. Well, not necessarily siguro. Dahil skipping train lang sya kung di sya magsasakay sa station nyo. Otherwise, choosy train lang sya choz.
Bakit ba naimbento ang skipping train? Dahil sa limang milyong tao na nakikipagsiksikan tuwing rush hour kinakailangan maserbisyuhan naman yung mga station na siksik, liglig, umaapaw sa pasahero para naman makamove on na sila pauwi. Like Ayala and Guadalupe na overflowing always forever. Buti pa ang Shaw at Cubao, kahit masikip at least sakayan-babaan. Makakasakay at makakasakay ka basta't manalig kang makakasingit ka paglabas ng mga pasahero.
"Ang paparating po na tren ay skipping train. Guard, pakisabihan ang mga tao na skipping train po ang paparating." ang walang kabuhay buhay na announcement ni ate announcer. Well actually di ko pa narinig yan dahil di pa nga ako nakatsamba makasakay ng skipping train. Puro na lang "Alam nyo ba?" o "Wag po tayo tumapak sa yellow platform edge" o "ang susunod na estasyon ay Beki Go Belmonte!" Ampeyr kasi yung mga di naman nangangarap makasakay non eh nakakatiming. Ako na forever na waiting ng skipping train eh nganga pa rin. Para syang unicorn, o holy Grail, o girlfriend nung malansa mong officemate na nagpipilit magpakamacho. Imaginary.
Bakit ka ba kasi hintay ng hintay dumating ang skipping train. Eh meron namang paparating na tren, masikip nga lang. Eh kung ayaw nga eh. Wag mo ipagsiksikan ang sarili mo sa ayaw. Ayoko sa mabaho, ayoko sa masikip, ayoko sa putik.
Eh papaano kung ang eksena, "Ang paparating po na tren ay skipping train. Ang susunod na istasyon ay North Ave na. Skipping train po di ba?" Sana sumiksik ka na lang sa ordinary tren, nakababa ka pa sa patutunguhan mo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento