Laging bigo. Laging sawi sa pag-ibig. Minamalas, o kay sakit. May balat nga ba ako sa pwet? sabi ng Mojofly. Holds true hanggang ngayon. Hopelessly romantic ba talaga o hopeless lang?
Magdamag na yata ako nagmumukmok sa kwarto. Walang tubig. Walang pagkain. Eh di magsayaw na lang tayo choz. Pero seryoso wala naman akong gana kumain. Siguro liliit na tyan ko nyan. Wala rin akong tulog. Nakahiga lang at patuloy na sumasakit ang ulo. Kumakabog kabog ang dibdib na lalong dumadagdag sa sakit ng ulo. O may kumakatok ba sa pinto? Di ko na alam. Naghahalu halo na ang katotohanan at panaginip sa utak ko.
Bakit ako iniwan? Di ko maunawaan. Naging mabait naman ako ah. Mapagbigay sa kanya. Pati yung oras ko na pinagkakadamut damot sa iba maliban sa sarili ko ay ibinigay ko na sa kanya. Ngunit wala pa rin, di pa rin sapat yun. 327 missed calls ni walang sagot. Missed nga eh, paano magiging missed call yun kung nasagot di ba? Buti pa ang call namimiss, ako nganga.
Ang sakit talaga sa dibdib. Shett sobrang sakit. Parang di ako makahinga. Akkhhh. Hindi nga. Waahhh. Tulong. Asan ka na? Akkkhhhh.
Kadiliman.
Asan ako? Where na you, here na me. Pero where is here.
"Huy."
Mamaya na. Hinahanap ko pa ang sarili ko.
"Huy sabeh!"
Galit ka ba teh? Teka lang sabi. Ayyy wait, ikaw alam mo ba asan ako?
"Yiz mem. Nasa Netherworld ka na tih. Welcome!"
Potah ka. Nasa kwarto lang ako kanina nag-eemote. Wag mo nga ako inaano. Iba na lang.
"Oo nga maniwala ka. Imulat mo kasi ang mata mo!"
At biglang lumiwanag. Nasa kwarto pa nga rin ako. Echosera talaga yung voice over. I'm still here. Mejo umangat nga lang yung bed. Or bumaba ang kisame. Anyare?
"Lumulutang ka tih. At naririnig ko ang iniisip mo. Potah ka rin."
Omggg this cannot be! Wag mo sabihin?
"Yiz mem."
Pero marami pa akong pangarap. Gusto ko pa magpuntang London, Paris, Tokyo, at Binangonan.
"Boring don. Pero pwede naman tayo magtour if you want."
Go parang bet ko yan pero wait. Anyare sakin?
"Tegibells madam. Nakakamatay pala ang sobrang pag-eemote. I should know. Been there, done that."
Nakita ko na lang na nakahilata pa rin ang aking katawan habang hawak ang dibdib. Eto siguro yung nagsisikip ang dibdib ko. Akala ko tutubuan lang ako ng muscle ganern pero no. Tapos ang chakka ng mukha ko sa pagkangiwi. Parang nakasipa ang porma ng mga binti ko na di ko maintindihan ang ayos. At naninigas na. Pero seryoso, tegs na ba talaga ako?
"Yiz mem. Ulit ulit?"
Di kita kinakausap. Nag-iinternal monologue ako.
"Pero sabi ko nga dinig lahat ng thoughts dito sa Netherworld."
Bakit di ko marinig yung sayo?
"Di ka pa properly trained."
Kilala ko tong hitad na to. Mejo mabilog at smiling face na bex. Direk?
"Yiz mem."
Pero ang tagal mo nang patay?
"Mga ilang buwan lang matagal na agad? Saka pwede naman mag move on. Matagal ko na tinanggap sa sarili ko ito. Now I am at peace. Kaya ikaw kailangan din magmove on."
Pero ayoko. Alam mo ba yung three-month rule?
"Hindi sakin yung linyang yan pero bet ko ang movie na yan ni madam. Walang three-month rule dito. Wala nang konsepto ng time and space. Pwede tayo mag move forward at back or magstay lang dito sa moment na to. Would you like to have any last words?"
Ano papatayin mo ako sa sindak dito? You got the wrong Barbara. Saka ano yan double dead?
"I mean baka may lingering thoughts ka pa jan sa katawan mo na gusto mo habilinan. Although I would suggest kalimutan mo na sya. Shell lang yan ng past mo. Ang kasalukuyan naririto kasama ko, kausap ko."
Pwede ko ba ipossess muna katawan ko? Parang yung ginawa ni Patrick Swayze kay Whoopi Goldberg?
"Move on na teh. Alam mo naman acting actingan lang yon. Walang possessiong magaganap ngayon, bukas, at magpakailanman."
Eh bakit ikaw nandito?
"Ako ang iyong konsensya. Charot. Guide mo ako dito."
San mo ako dadalhin? Networking ba to? Di ako open minded. Wala na ba others jan?
"Wala na iba. Gusto mo ako palitan?"
Sana. Di ko naman bet mga pelikula mo eh. Actually mejo corny naman talaga.
"Narinig ko yun!"
Ayyy sorry. Paano ba i-off tong mind reading na to ha. Buset. Wala akong privacy.
"Potah ka. Aminin mo na kasi nagustuhan mo rin naman. Nanood ka nung Petrang Kabayo di ba at nakarelate ka!"
Naaya lang ako ng friends. Ok fine nakarelate ako sa sarcasm.
"See. Tapos nanood ka rin nung Private Benjamin."
Hoy hindi ahh. Napanood ko lang yun sa bus yun pati yung isa na kasama si Kris. Irita much. Ha ha ha.
"Eh yung kay Zanjoe. Uyyy gusto nya yun."
Haynako kung di pa si crush nagpumilit nun. Sayang nga eh. Na-turn-off tuloy ako kay crush after nun choz.
"Eh yung kasama si Lucky at Toni Gonzaga."
With friends ulet. Sayang lang di masyado naexplore ang concept.
"Eh di ikaw na. Di naman ako gumagawa ng indie film para may ipush na concept. Mag uusap lang ba tayo ng accomplishments ko o magbaback track ng mga accomplishments mo?"
Yung request ko nga kanina. Wala na bang ibang guide? Si Virgil?
"Shala! Busy sya ngayon. Saka may language barrier kayo."
Di ka ba marunong magtranslate?
"Yiz mem. Nagcrash course na ako ng Speaking in Tongues 101. Actually I can speak 17 languages pa lang ngayon."
Pak! Ayun naman pala eh. Baka marunong na magtagalog si Virgil.
"Offline pa ngayon ang Tagalog module so sorry di kayo magkakaintindihan."
Eh si Britney Spears na lang kaya. Avail ba sya?
"Gaga buhay pa sya."
Patay na yung career nya, di ba?
"Ewan ko sayo. Ako na lang. Ako na lang ulit."
Si Kuya Germs?
"Busy may production number silang pinapractice mamaya."
Wala na talaga? Sige na nga.
"Napilitan? Ako na mag-aadjust para sayo."
O san na tayo gogora?
"First, kailangan mo matutunan mag navigate dito."
Wala ba instruction manual?
"Ako na nga. Halata ka. Ayaw mo sakin."
Hindi na. Ok na ako. Ok paano na?
"Pwede ka magfloat float lang. Pwede pataas. Pwede pababa. Pwede bumilis at bumagal. Pero dahan dahan ka lang baka mahulog ka bigla."
Kaya nga ako nandito kasi ambilis kong nahulog.
"Tama na hugot. Sabi ko nga dahan dahan lang."
Opo. Ayan pwede na ba?
"Fast learner check."
Pero sabi nila ambagal ko daw matuto. Bakit daw lagi na lang ako nauuto.
"Tama na sabi eh. Sa impyerno kita ihuhulog jan eh."
Kaya mo yun?
"Hindi. Si Lord lang ang pwede magjudge kung san nararapat ang isang kaluluwa."
Wow mejo deep na yata tong usapan.
"Well kung di ka magtitino, dun kita dadalhin sa rehab. At hindi yun crash course lang. Para pwedeng hanggang eternity ka matututo."
Ang harsh pero at least may forever pala talaga. Sige na po. San mo ba ako dadalhin?
"Meron ka bang any regrets sa buhay mo?"
Wala!
"Okay nung highschool ka."
Wala akong sinabi o inisip!
"Pero nagsusumigaw ang damdamin mo."
Unfair. Paano tayo pupunta dun? Teleport?
"There's no such thing as teleport. Isang kathang isip ng siyensya para paniwalain ka na pwede ang lightspeed travel."
Pero paano ka ba makakalipat ng lugar o oras kung di sa teleport?
"Makakabalik ka dahil iisa lang naman ang time and space dahil lahat naroroon si Lord. Omnipresent sya remember? Kelangan mo lang puntahan ang isang punto nito. Parang bookmark. Isipin mo lang mabuti at madadala ka dun."
So pwede ba ako magfast forward sa future?
"Hindi dahil Sya lang ang maaari makakita nun. Parang flash lang sya ng pure light pag pinilit mo pumunta dun teh. Ano na, ikaw na ba ang babalik sa highschool? Kaya naman kita dalhin dun if you want. Nireview ko na ang files mo."
Parang di ko kaya.
"Taralets."
Taong 1995. Masipag pa ako mag-aral. Pero iniwan ako ng mga friends ko dahil gusto nila magfocus sa mga extracurriculars. Naging loner ako at weird.
"Pero naging focused ka sa mga passions mo sa buhay."
Di mo ba narinig naging friendless ako at antisocial at introverted.
"Pero inborn ka nang ganyan. Kahit di ka nila iwan magiging ganyan ka pa rin."
Pero dahil dun naging tamad ako sa pag-aaral.
"Wag mo isisi sa friends mo bakit ka naging tamad. Sabi ko nga it was bound to happen anyway. At saka di ba nga naenjoy mo ang mga trips mo sa buhay. Yung smarts mo eh based sa arts."
Sayang. Sana pala nagfocus ako lalo dun kesa nagmumukmok sa present ko.
"Ehem. Past. Tense. Tegi ka na teh. Review lang to ng mga regrets mo para mas maaccept mo asan ba nakaturo ang moral compass mo at san ka dadalhin nito for all eternity."
Tinatakot moko Direk. Baka sa super south mo ako dalhin ha. Ok na pala ako sa forever rehab.
"Shut up ka na lang, let's move na."
Taong 2007. Meeting room. Nagtataasan kami ng boses ng boss ko. Paano naman hindi eh napaka incompetent sya.
"Naisip mo ba anong feeling kung ikaw nasa pwesto nya?"
Malamang I can do my job way better than him.
"Kaya mo mag manage ng tao habang nagrereview ng mga files at nagrereport sa manager nyo?"
Well, I think I'm more than qualified.
"Sure ka? Ano ba mga nagawa mo na?"
Well... Teka I'm not the one under investigation here. Sya. Incompetent sya.
"Look again. Kanino bang past ito? Yang boss mo na pinahirapan mo ng ilang taon ay hanggang sa ngayon masayang nabubuhay pa, kasama ang pamilya nya, at naggrow sya at natuto sa mga pahirap mo. Eh ikaw?"
Sige ipamukha mo pa na single ako since birth at single til death.
"Hindi yan ang issue."
Ok fine. I know mahirap akong makadeal dahil ang dami kong frustrations sa buhay. Di ako UP grad, di cum laude, di nga ako natanggap sa dream job ko.
"Remember nag ugat yan sa high school mo?"
Ok fine. Kung ininternalize ko ang loneliness ko dati you think I'll be more adjusted?
"Yiz mem. Naman."
Hindi rin siguro ako naging harsh sa mga tao sa paligid ko. I wouldn't think of them lesser than me but equals.
"See, now we're getting somewhere."
Somewhere na nga ba?
Taong 2008. Sa isang chatroom. Kausap ko sya at masaya kami nag uusap. Tapos tumigil. Taong 2009. Bumalik ulit at masaya ulit kaming nag uusap. Stop ulit. Taong 2010. Nagdedate na kami. Meet up once a month. Magkikita sa Greenbelt, at Mall of Asia, at Fairview, at Pasay. Tapos stop ulet. Di na nya ako pinapansin.
"Ano sa tingin mo nangyari?"
Di ko alam. Dahil asshole sya? Gusto ko magreach pero ayaw nya. Ang hirap hirap. Naghihintay. Umaasa.
"Naging super clingy ka kasi. Hello, may normal bang tao nagmimissed call ng 327 times? Pinaasa ka ba talaga nya?"
Well, wala naman kaming pinagkasunduan technically. Pero soulmates kami.
"Soulmates? Kung soulmates kayo bakit parang disconnected sa kaluluwa mo dito?"
Dahil di pa sya tegs kaya wala pa sya here. Pwede ba antay lang tayo ng konti. Wait lang ha.
"Sabi nya sayo chill lang kayo. No pressure. Pero ano ginawa mo? Pinressure mo sya."
Ok ako na. Natatakot ako iwan nya. Naenjoy naman namin yung companionship. Ayoko naman jowain talaga agad agad ano. Natatakot ako sa commitment.
"There is no fear in love. But perfect love casts out fear."
Ayyy may pagku-quote na naganap.
"Mahal mo ba talaga sya?"
Oo naman.
"Why?"
Love doesn't need reason. All you need is love.
"Baka naman mahal mo sya dahil lang sa atensyon na binigay nya?"
Mahal mo ba ako dahil pinapansin mo ako, o pinapansin mo ako dahil mahal mo ako?
"Very Claudinistic I love it."
Cheh ka. Ok makasarili siguro ako na hinahanap ko ang atensyon nya pero di yun rason para mahalin ko sya. Mahal ko sya dahil lang naramdaman ko na lang yun. Hindi dahil hiningi nya ito o sinabi nya. At kahit pigilan nya ako, mamahalin ko pa rin siguro sya.
"Very Roselle Nava. I love love love it. Meron ka bang regrets na nakilala mo sya?"
Alam mo sa totoo lang hindi ko alam bakit dinala mo ako dito. Dahil I don't regret the very first moment na nakilala ko sya at I won't ever regret na minamahal ko sya. Sorry, I mean minahal pala. Past. Tense.
"Tama naman ang tense. Ang tunay na pagmamahal hindi namamatay. So minamahal mo pa rin sya mula noon hanggang sa forever. Kahit sya ang dahilan ng pagkategs mo?"
Well, at least namatay ako nang may pagmamahal. Hindi man ito nasuklian pero at least ibinuhos ko ang akin, siksik, liglig, umaapaw.
"And world peace. Winner ka teh. Gusto mo ba makita anong nangyari sa kanya sa future?"
Akala ko ba bawal? Akala ko flashlight lang makikita ko dun?
"Pure light. Wala si Jessie J dito teh. Pinaalam ko na kay Lord at sabi nya pwede ka daw mag sneak peak."
Really? Gora. Baka may jowa na syang iba. Baka masaktan lang lalo ako.
"Gaga di ka na masasaktan. Patay ka na. Isaksak mo mga yan sa kokote mo!"
Sorry na. Sorry na. Tara na.
"Kapit ka lang sakin mabuti ha. Baka maligaw ka."
At nalunod ako sa liwanag. Dahan dahang pumupusyaw ang sinag at tuluyan nang maaaninag ang iba't ibang hugis at kulay. May mga kurtina. At bintana. May laptop at electric fan. Parang familiar place. Nasa kwarto ko ako.
Kanina lang kasama ko si Direk pero nalost na sya. Eto ba ang future? Parang past ko to. Past tense na ako di ba? Unless....
May pulso! Omggg I'm alive! May kumakatok sa pinto.
Bukas ang pinto! Di naman nila binubuksan. Bukas sabi ang pinto! Di ako marinig?
"Bukas yan!"
"Por Dios por Santo. Nag aalala kami sayo. Akala namin nasa galaan ka kaya walang naghahanap sayo dito. Kumain ka na ba?"
Parang gutom na nga ako eh. Anong food ba jan?
"Bakit tinitignan mo lang ako ng ganyan? Di ko alam ano iniisip mo. Bumaba ka na jan at kakain na tayo ng dinner para makapagvitamins ka na rin. Namumutla ka na."
"Thanks Ma. Love mo ako di ba? Mamimiss mo ba ako pag nawala ako?"
"Lintek ka. Wag ka nga mag salita ng ganyan. Bumaba ka na. Love you."
Wala pa ring message sa phone. Dedma na. Ako naman ang worried anyare sa kanya. Baka nategi na pala sya nang di ko man lang nalalaman pero wag naman sana.
Parang totoo yung mga nangyari kanina. Isang mahabang dream sequence na mahihiya sa akin si Lav Diaz. Paano kung nadeds talaga ako? May makakamiss kaya sa akin? Pero mabuti pa siguro mamatay na ako ngayon kesa mabuhay nang wala sya. Choz lang. Pero namiss ko tuloy si Direk.
Parang ang daming realizations. Hindi ko alam kung madadigest ko lahat yun. Focus on my strengths rather than my frustrations. Treat everyone with respect. At love unconditionally. Ang dami ko natutunan pwede na akong mamatay. Joke lang, Lord.
Kung panaginip lang lahat yun sana naman nagkatuluyan man lang kami kahit sa panaginip. Pero paano magkakatotoo ang pangarap kung di ka magsusumikap. Tatawag ulit ako kahit 327 times pang missed calls. Effort kung effort. Malay mo minsan magbunga ang efforts.
Ringing....
____________________
Photo by YUKIHAL via Flickr. https://flic.kr/p/nQwyk3
Crosspost from Wattpad here. http://my.w.tt/UiNb/oClyw9llUt
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento