"Miss Ai, Miss Ai. Ang taas ng lagnat ko po ohh!" sabay kapa ng sariling noo as if nagmamano sa sarili. Ganyang ganyan ang acting nung former officemate namin na nagbabalak tumakas sa office nun. Kesyo may lagnat daw or something. Oscar worthy na sana ang sakit sakitan school of acting pero mejo fail lang yung pagseselfie check nya ng temperature nya.
~0~
Lagnat ka ba? Kasi ang hot mo!
After like 4 days nakasurvive na naman ako sa trangkaso. Kung tumagal tagal pa to mejo kakabahan na ako. Pero think about it, kung dengue to baka mas maaga ako nategi di ba? Anyways, thankful pa rin ako. Mejo sinusulit ko na ngayon ang sick leave namin. Dati kasi kahit inaapoy ng lagnat eh pumapasok pa rin kasi nanghihinayang sa health bonus para sa perfect attendance. Ang problema ngayon eh san ako maghahagilap ng medical certificate.
Martes ng madaling araw ako tinamaan ng deliryo. Nakakatakot. Feeling ko nababaliw na ako. Oh kill me now Lord. Meganyang drama. Sarap patayin di ba. It's not the best feeling I know. Like siguro mga ilang beses pa lang ako nagdeliryo sa buong buhay ko.
Deliryo yung tawag nila pag sobrang inaapoy ng lagnat, minsan may kasabay na pagkabalisa, pamumuti na ang mga mata, at may kung anu anong nakikitang ilusyon. Parang Wonderland lang ang peg ganyan.
Siguro mga 4 or 5 years old ako nun. Sobrang taas daw ng lagnat ko pero bigla daw ako bumangon sa kinahihigaan ko at nagtuturo randomly. May nakikita akong mga mata kung saan saan, in psychedelic colors. Yes, ang creepy makakita ng rainbow eyes sa kisame, sa ilalim ng kama, sa pader, sa loob ng kumot, sa bintana. Di ko alam kung may sapi ba ako nun. Or may calling sa Illuminati choz.
Elementary days naalala ko lang na sobrang taas ng lagnat ko nun. Habang nakahiga sa spooky kwarto (na buti ngayon eh di ko na tinutulugan) eh nararamdaman ko may pagkabog sa ulo ko na parang palakas nang palakas. Di ko maintindihan kung anong nagaganap pero feeling ko may papalapit nang papalapit sa akin.
Nung highschool ako may delirio scene ulit ako. Ang naalala ko lang nun eh nakabalot na ako sa dalawang sweater at dinala pa ako ng tatay ko sa tita namin na mejo malapit lang naman samin nakatira. Like ok lang naman siguro maglakad ang isang nagdedeliryong bata nang gabi mga 10 kalsadas away di ba? Nakakahiya naman kung magparequest pa ako ng tricycle di ako anak mayaman hahah. Di ko alam kung anong pinainom nya sakin or anything, basta naalala ko lang ang concern nila eh nagkukulay purple na daw ang mga kuko ko. After that blackout na sa memory ang susunod na kabanata.
At ayun nga nung Martes nagising ako ng mag-aalas dos. Pumikit ulit ako at pinilit matulog ulit ngunit di ko na kaya. Tiningnan ko ulit ang oras, making sure na hindi 3:07 ang oras. Madilim sa kwarto maliban sa orange na liwanag na galing sa poste sa tapat ng bahay. Nakapatay din ang electric fan. Pawis na pawis ako pero ginaw na ginaw. Grabe mababaliw na ata ako. Hinila ko yung unan ko malapit sa pader para may mapagsasandalan ang likod ko dun. Hindi ko malaman kung paanong pagbaluktot ang gagawin ko dahil ramdam na ramdam ko ang lamig sa mga kasu kasuan.
Mahaba naman ang kumot. Dapat nagpantalon na rin ako habang natutulog di ba para more comfy. Ewan ko ba bakit ang laki laki ng kama ko eh wala naman ako kashare nito. Hindi dahil gusto ko may katabi, in fact ayoko talaga nang may katabi matulog. Nao-awkwardan ako kumilos. Baka magkadantayan ganyan. Pati sa pagtulog, I want my personal space hahah. At dahil sa lamig, saka ko lang naramdaman ang sobrang luwag ng kama ko para sa akin lang. Napakalonely ng kamang ito ngayong gabing inaapoy ako ng lagnat. Kung kaya ko lang tumayo eh maghahanap ako ng kahon at doon muna ako matutulog. Pero wala, kaya magpapakabaliw muna ako at magpapakaemo.
Kinaumagahan narealize ko na kaya pala ako giniginaw eh dahil sa sarili kong pawis. Yes basang basa ng pawis yung likod ko kasama yung shirt at jacket at kobrekama at kumot na gamit ko. Parang neverending cycle lang. Kaya ako nilalamig dahil sa pawis; kaya ako nagpapawis dahil sa lagnat; kaya ako nilalagnat dahil sa lamig. At dahil emo din ako. Ngayon, I can say na bumuti na ang pakiramdam ko. So di nga sya dengue, pero I bet may mga nagwiwish jan na sana nadengue na lang ako choz. I'm a survivor, I'm gonna make it. Wala naman natetegi basta basta sa lagnat; pero sa sobrang kaemohan mataas ang mortality rate.
____________________
Photo by Hypnotic Love via Flickr.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento