Sabado, Abril 27, 2013
Fire Drill
One week pa lang kami sa office nasaktuhan na namin ang annual fire drill sa Solaris. April 15, 2011. Kahit hesitant kaming bumaba, kelangan daw kasi part sya ng practice ng Safety and Wellness ng mga employee.
Unang rule wag mag-elevator. Di natin alam kung magkakaroon ng power failure. Mastuck ka pa sa loob. Tapos manisi ka pa. I WAS NOT INFORMED. YOU DON'T DO THAT TO ME! So ang way lang namin is through the stairwell. Ok lang kasi fourteen flights down lang naman. Imagine kung ang assembly sa top ng building sa penthouse or something? Baka nasunog na ang buong building umaakyat ka pa rin choz. Anjan naman si gravity para tulungan ka bumaba. Kung tinatamad ka, gumulong ka pababa. Ewan ko lang kung di ka magmukha tangang duguan at puro bukol sa ground floor.
Tanghaling tapat bumaba kami sa ilalim ng nagngangalit na araw. Sa maluwag na parking lot may designated na pwesto bawat company. Jan namin nakita ang mga kapitfloor namin. Pinakamarami participants yata ang Shell, habang parang salimpusa lang ang 24/7. Moderate pa lang ang dami namin dahil kakaestablish lang ng Hub that time. Although non-direct employee kami eh nakisali na rin dahil within client premises naman. Kanya kanyang paraan pano magtatago sa araw. Actually, kahit di na namin allotted space yun eh sinugod na rin. Makalilim lang.
Nagdemo sila ng may smoke effect sa may bandang 9th floor. Tapos may mga nagrarappel as escape route daw. Parang action movie lang. May normal na feet first. May pabida na head first. May umiiskip level jumps si kuya, like one floor, two floors, then four floors ang jump nya. Ano to contest gano kabilis bumaba? May nagrappel na may kasamang artistang victim. Actually may shocking pa yun kasi baka mauntog si artistang victim. Yun tlga ang concern ko eh.
After nun nagprovide naman sila ng drinks. Like mineral water. At since galing sa box yun, mejo kumukulo lang naman. Wag na choosy. Naiinom naman yan. Mas effort yata ang pagbalik sa floor kasi ba naman sabay sabay mo papapasukin lahat ng occupants. Kamusta naman lahat ng turnstiles at elevators nyan. Like mga 30 minutes pa bago ka makabalik sa floor.
A year after, more organized na ang fire drill. Naset naman sya bandang alas diez ng umaga. May assigned fire marshalls pero section para silang bahala magcheck kung complete attendance ang mga evacuees. At nag-alarm na nga. May voice over pa! Mejo besaya nga lang si koyang gardo. Tawa nang tawa sila sa "isteerwell."
Relaxed na relaxed kaming bumaba ni Denise. Mga 15 minutes after ng alarm. May tinapos pa kasing task. Imagine kung totoong sunog to, tatapusin pa namin yung mga adhoc. Parang mas mahalaga pa ang SLA kesa sa sariling buhay eh. Pagkalabas, kinuha pa ang phone at wallet, at nagCR. Mas mahalaga pa ang personal effects at hygiene kesa sa sariling buhay eh. Pati pagbaba sa isteerwell eh more kwento kwento. Take your time, di pa naman masusunog ang buong building choz.
Sa labas, nakiumpok kami sandali pero after macheck ng attendance ni fire marshall nagliwaliw na sa pagbili ng mamemeryenda. Replay na yung rappel action drama eh. Kebs na kami doon.
Kahapon nasched na naman ng isa pang fire drill. Like third time ko na to ha. As usual, nahuli ulit ako sa pagbaba. Ang assembly area namin nalipat sa likod ng Standard Chartered dahil yung dating parking lot na assembly area namin eh tinatayuan na ng condo ng Kroma. Anyways, ang true assembly area namin eh sa Legaspi Active Park pa across Washington Sycip park sa may Rada. As if naman mapapapunta nyo kami ng ganon kalayo di ba?
Sa masikip na access road nakasetup ang mga firetrucks at ambulansya. Dun din kami nakaharang. As usual, replay ng hulog drama, at nang presentation ng mga victims daw. Ngayon naman may tutorial paano gumamit ng fire extinguisher.
So explain explain si ate. Like one time big time mo lang magagamit ang extinguisher, unless iparecalibrate mo daw or something. Tapos kelangan i-aim mo sa base ng apoy yung nozzle. So ayun nga may nagtry na isa. Successful after like 5 seconds na spray nya. Success din sya sa pagpapalayas ng mga tao nung kumalat ang usok. Sorry nang sorry si ate sa mga nausukan pero ganun daw tlga di makocontrol ang direction ng usok. Huli na ang lahat, nagsipaglayasan na mga tao. Wala nang magka-clapclap sa namatay na apoy. Next kuya nagtry din magfire extinguisher pero fail. Imbes na mapatay ang apoy eh lumaki lalo. Pero mas epic fail dahil nakunan pa sya ng pics nung mga chismosong bystanders.
As usual ang pagbalik sa floor namin ang matagal na part ng fire drill na to. Naubos na namin mga blind items eh di pa rin ubos ang mga tao sa pagpasok sa building. Actually pwede naman kami bumalik via isteerwell. Pero no. Sunugin nyo na lang kami kung yan lang ang available na daan pabalik.
Where there's smoke there's fire. Sana wag naman magkaron ng sunog sa building namin pero mabuti na rin na handa.
Apoy ka ba? Gusto kasi kitang patayin habang nagpapalakpakan ang mga tao. Choz lang! Baka may magreact na naman.
____________________
Photo by Cakeybake via Flickr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento