Kebs.
"Sabi ko NR."
"Ano?"
"NR ka na naman!"
"Ano yan Nurse Room? Ayaw ni Cynthia Villar ng ganyan."
Actually, kay Lei ko una narinig ang term na NR. Nalito ako nung una. NR? Ano daw? No reaction pala, or no response. Pwede ring not responding. Kasi nga inis na inis kami dun sa isang team lead sa amin. Akala mo maganda, akala mo magaling. Tapos pag tinanong mo, di makakasagot. Tatanga lang just there. Pag pinag-explain mo, NR ka.
"Program ka ba?"
Kebs
"Kasi, slow ka na nga. NR ka pa."
~0~
Mahigit dalawang buwan ko na kaBBM si Harry. Ewan ko ba pano ako namagnetize sa taong to. Well, physically bet na bet ko sya. Pero within, andami nyang complexities. Ok, bex sya, aminado naman sya dun. Borta pero collector ng barbie. Fashionista rin, actually for the past month eh sya ang stylist ko. Advocate din sya ng gay rights at HIV awareness.
Maniwala ka never pa kami nagkita. Sabi ko nga dati kahit bet na bet ko eh di ko tinatangkang imeet. Kasi naman may takot din ako sa meetups. Ilang beses na ba ako na-injan. Alam mo yung feeling na naghihintay ka tapos magdadahilan na lang sayo na umiiyak yung kapitbahay nila kasi may sakit yung pusa kaya di ka na daw nya mapuntahan. Pusa mo mukha mo! Kaya ever since very rare lang ako makipagmeetup. Nakakababa kaya ng morale yun.
Heniweys, kahit ganun eh ilang beses ko tinangkang imeet sya. First time eh galing pa akong Las Pinas. Sabi nya gagabihin pa daw ako sa byahe kaya matutulog na lang daw sya. Sumunod eh galing naman ako sa Quezon Ave. Alam mo yung tipong kabado ka sa byahe sa gabi sa rumaragasang jeep patungong Maynila, tapos kung kelan malapit ka na sasabihin sayo matutulog na daw sya. After nun di ko na muna inulit makipagmeet. May pangatlong chance pa, dumaan daw sya sa officemate nya na malapit lang sa cityhall sa may amin. Kasagsagan ng kumukulong araw sumugod ako sa Watson kung san daw sya namimili ng toiletries, pag dating ka wa. Nakasakay na ng jeep. Buti na lang di nya sinabing natulog sya sa Watsons di ba kaloka naman yun. At alam ko sa lahat ng yan eh minahal ko ang gagong yan. Tanga tangahan lang ang peg.
To think tawagan namin (like before) eh Huntie. Weird ano? Sya may pakana nyan. Ewan ko pero pinagsamang honey at cunt daw yan. Akala ko tuloy honey na ibang spelling lang. Naiba iba pa ang variations namin ng spelling nyan. Huntee, huntey, huntay, hantee. Pati Huntipatiko nasama. Inferness sa ngayon bagay na sa kanya yan.
Kasi we're like not speaking anymore. Well, di ko rin alam anong nangyare. Nagkekwento sya about weight loss nya from 235 to 190 and I'm happy naman sa achievement nya. Tapos sabi nya gusto daw nya maging 29-30 ang waistline. Ewan ko ba sa sobrang sabaw na ako eh nareply ko na mahirap yun. Naoffend. Ayun nagcomment pa "Vice Ganda ka ngayon ha! Ilang titi ba kelangan mo?" Naoffend din ako. Di ko alam san nanggaling ang comment na yun. Ako pa ang nagsorry. Pero huli na ang lahat. NR na sya.
~0~
Siya nagrecommend sakin na magtake ng HIV test. Di naman ako magmamalinis, di ako virgin. Pero di ako makati. Ok na ako sa On My Own. Well, sa totoo lang from way before, nagkaroon na rin ako ng experience na unprotected. Sa ngayon eh wala akong nararamdaman, ni symptoms wala naman nagpapakita. But you can never can tell.
So sugod ako sa Medical City as recommended. Nagboxi na lang ako dahil di ko knows how to make tawid there, kahit ilang milyong beses ko na nadaanan ang Medical City na yan. Pagpasok ko derecho kaagat ako sa Clinical Pathology laboratory. Lakas pa ng loob ko magtanong, "saan po ba dito magpapatest ng HIV?" Pakshett sa may lobby lang pala, sa Ambulatory services. Retrace steps.
Sa front desk mejo nabawasan ang aking confidence. "Miss magpapatake po ako ng ano... ahmm... HIV test po." May binigay na forms at finill-upan ko. Parang nagsasagot lang ng slumbook, pero shett andaming tanong. Andaming testimonials and such. Pinagbayad ako ng tumataginting na 1,135 out of pocket. Antay sandali at boom, tinawag na ako para kunan ng dugo. But wait, meron palang precounseling muna. Antay again.
Isang kuya ang nagcounseling sakin about the virus. Long-haired, may singsing sa ring finger. Mukhang straight naman si kuya, wala kaming konek. So ayun, the usual questions: have you had sexual relationships with women? men? kelan ang last? Mga ganyang set ng questions. Mejo rattled ako syempre. So nung sabi ko lahat sa male lang, nagtatanong sya kung unprotected ba? Ganon kadami? Aba malay, alam ko rough estimate 5-10 lang. Baka nga overestimated na ang 10. Anyways, so tanong na kelan, sabi ko mga 2011 pa yata yung last. Eh mejo naconfuse ako, kasama daw ang oral. So ayun sabi ko sometime early 2013. Tapos nag-eexplain sya na pwede nga daw makuha yun kahit oral, in a way na parang pinapalabas nya na porket bex ka eh automatically ikaw na lagi ang chumuchups, ikaw na lagi ang nabobottom. Najudge kaagad ako ni kuya choz. Ok lang naman. So after ng counseling, kinunan na ako ng dugo kung san mejo nabugbog ang tissue sa surrounding veins ha. Anyway, naghintay ako ng 3 days bago kinuha ang results.
Tumawag muna ako para iconfirm kung may results na. Normally kasi 2-3 days lang daw ang results, kung negative ka ha. Pag lumagpas na jan, magrosario ka na sa Quiapo, Baclaran, at St. Jude na negative ka. So ayun nga tinatanong ni ate sa other line kung anong klaseng test ba kinuha ko. Nahiya ako syempre nasa office ako, so binigay ko na lang full name ko. May results na daw. Syempre tuwa naman ako. Dizz izz really izz it! Pero we can never can tell pa! Bakit ba isa ito sa mga test na winiwish mo na negative ang resulta? Aside sa unwanted pregnancy of course.
Mga alas sais na ako nakarating sa Medical City galing sa office. Humahangos pa ako at pawisan sa paglakad mula Galleria. Parang re-penitensya na rin na sana negative nga. Think positive, sana negative! Sa releasing area, binigay lang sakin ang result na nakaenvelope. Wala na palang post-counseling. Naupo ako sa isang gilid ang binuksan ang laman ng envelope. May mga kung anu anong nakasulat na di ko magets. Pero nakahighlight doon: NONREACTIVE! Oh my, is that a good sign? Ginoogle ko pa tlga, nonreactive daw IS negative. Wooooooo! Sabi na eh. Pero wait, dapat may counselling pa rin ito di ba? To help increase awareness. Pero wa eh. Kebs.
Well, sabi ko nga sa sarili ko, positive o negative ok lang. I'll learn to take care of myself. Di ako magmumukmok sa isang sulok kung positive man. Well, siguro mga two months pero that's it. Di ako magpapakamatay kung sakali man. Di ako weak. Bex tayo, dapat palaban tayo! Kahit sugatan ang puso, laban lang. Kahit di pinapansin, ok lang. Buhay ka pa.
____________________
Photo by jublin via Flickr.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento