Do you hate it pag napupuno ang inbox mo ng unnecessary messages?
"D2 na pf0uH m3."
"Mocha Frappe at Starbucks for the nth time this morning."
"Ganda ng opening number ng ASAP! Winnest!"
"I noticed some of you are wearing jeggings. This is against the dress code policy. Jeggings is leggings duh. For your strict guidance and compliance."
I know maganda ang naidulot ng technology sa pang-araw araw na mga buhay natin para ibridge ang ilang gaps na di mapupunan personally dahil sa time or space constraints yah know. Like wala ka nang balita sa mga tita mo sa California, so ang tanging way lang na magkausap kayo eh through FB or Skype. O kaya magkaiba kayo ng shift ng mga dabarkads mo kasi nasa graveyard ka, so ang conversation nyo na lang eh through notes or emails. Good.
Pero may mangilan ngilan--like mga 58 million na siguro worldwide, binilang ko--na inaabuse ang technology na yan para magshare ng kanilang personal experience. Like makashare sa twitter kada minuto ng ginagawa nya.
Watching Ula on Channel 13. #dabezz #instanood
Now watching Fox News. Boring! #killmenow #instabored
Najejebs ako. #poops #instae
Walang sabon punyetaaaa! #anger #instagerlet
Magbayad ka na ng utang mo walangya ka Bernadette! #Happy14MonthsaryViceRylle
Lahat yan in a span of 3 minutes lang. Oh di ba nakakaasar. Anong pakealam namin sa sabon o kay Bernadette. Kebs. Artista? Kelangan ipangalandakan mo sa buong mundo bawat action mo? Parang GM lang yan eh. May mga taong makaunlisend ng text message akala mo mahalaga ang itetext sayo. Kung alam ko lang magblock ng text message, matagal ko na nagawa pero no. Pag sinabihan mo sya na exclude ka sa GMs, ikaw pa ang masama. May similar feature sa BBM, broadcast naman. Same concept, group message din.
Sa side naman ng check-ins nanjan ang Foursquare. Actually may location services din ang Facebook pero less accurate kasi ang sa kanila. Like nilagay mo yung pics mo na taken from Pampanga pero pagcheck mo sa map nasa Manila. Anyway, sa Foursquare naman pwede mo ishare ang check-ins mo sa mga friends mo. Like nagcoffee ka na naman sa Seattles Best kagabi, or dinner at Jollibee, or happy time at Sogo Pasay. Ingat lang kasi yung mga nag-aadd sayo akala mo friends lang ang hinahabol, mga stalkers pala. You just gave away kung saan ang last location mo. Baka i-Ativan ka nyan, ewan ko kung saang kangkungan sa Bulacan ka pupulutin nyan. Ang regret mo lang, walang kangkungan na location sa Bulacan. choz
~0~
I really missed chatting with Sherwin. He's Chinese so mejo napapalaban ako ng Englishan pag kausap sya. It's aryt naman kasi mejo napapractice na rin ako. Well, sya yung makwentong tao. Halos lahat ng experience nya naikekwento nya ng casual na casual lang. No holds barred. Pero actually, mas gusto nya na mas madaldal ang kausap nya, pero di mo yun mapapansin kasi nga walang preno sya magkwento. Well, minsan naman binabasa nya ang posts ko, pero nagtatanong pa rin sya sakin, dahil combo ng taglish at bex ang posts ko, "what is borta?"
Anyway, kung may bet sya ikekwento nya sayo. Gano kalaki ang kargada non, ikekwento nya sayo. Anong nangyari sa sex nila kagabi nung jowa nya ikekwento nya sayo. Pati ba naman yung pag-iipon daw ng semen eh ikekwento nya sayo. Di ko lang maalala bakit sya nag-iipon. Kaya siguro makinis ang face nya, itinatapal sa mga pores ang yun para mawala nang tuluyan choz. Kaya rin pala nyang magbasa ng chinese zodiacs, although related sa sex pa rin ang end topic nyo. At higit sa lahat, kaya nya malaman gaano kalaki ang junjun mo just by looking at your facial features. Of course, di ko kelangan ijustify yung sakin sa mga sinabi nya. All in all, masayang kausap si Sherwin, sex or otherwise ang topic. Yun lang yung sex topics, I think it's a bit overshared. Yun lang.
~0~
Nagkaroon ako ng madamdaming usapang puso with Enzo this Friday sa YooHoo over beer. At dahil namimili lang ako ng pinagkekwentuhan ko ng aking inner emotions--inner daw eh naipost ko na sa twitter at blogs ito hahah--hinayaan ko muna sya magkento ng love life nya. Icebreaker lang.
Mag-eeight years na sila ni Dex this May. Happy sila dahil nakaraos sila sa seventh year, na ayon daw sa usap usapan eh parang year of tribulations or somethang. Well, one month na lang at mairaraos na nila kung ano mang hurdles ang humarang sa relationship nila. Kinwento nya from how sila nagkakilala, pano sila nagsupport sa isa't isa, at paano sila naging close sa family nila. Actually it's very sweet. Tinanong ko sya kung MMK episode sila, anong magiging title. He refused to answer. Sabi nya, sa palagay nya normal lang daw ang relationship nila, not worth showing sa public. Siguro nahiya lang sya pero I think lahat ng relationships ay special--for only two people to share and it would be incomparable to what others have. Except siguro kung pangtelenovela ang lablayp nyo na may version ang Kapamilya, may version din ang Kapuso.
Anyway, nung ako na nagstart magkwento... mejo hesitant ako sa pagshare. Dahil di ko alam pano ko maikekwento ang feelings ko. Kung ang utak ko nga chaotic na, puso ko pandemonium na. As in I'm telling one detail, tapos biglang, "ayyy oo nga pala ganito kasi yan. Ayyy saka ganito yan. At eto pa. Did I tell you may ganito?" Isa lang tinanong nya, kelan ba yan? Sabi ko... nagsimula siguro mga February. Isa lang din ang sinabi nya, "wala pa yan, napakaikli pa."
Di ako magsisinungaling kung sasabihin ko naoffend ako sa comment na yun. Hinayaan ko syang magkwento ng love story nya tapos ako ikacut off nya lang na parang sya si Willie R at he's the projuicer?! Ano nga namang laban ng 8 years sa 2 months?! Di na lang ako nagkwento. Oversharing na ako. I should've kept my mouth shut. Sariling utak nga di maipaliwanag ang puso eh. Utak pa kaya ng iba? Mahirap kasi maghusga sa nararamdaman ng iba. Di naman ikaw yung nakakaramdam ng tuwa, inis, galit, takot, at kalungkutan. Audience ka lang. Tandaan mo 10% lang ang audience impact! Pak!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento