Wala pa yatang 2 months ang preparation time para kumuha ng suitable location sa summer outing na to, compared last year na planned ahead ang mga company activities. Northbound kami last year sa may bandang Subic, umiisla galore. Pero ngayon southbound. Kamusta naman ang nagmumurang temperatura habang papalapit sa equator.
Club Balai Isabel. Sa Talisay, Batangas. Mga 2-3 hours ride from Metro Manila. Pangalan pa lang mejo confused na ako. Parang pangsushal na parang pangdukha. Well, actually it's like a little of both. Sushal kung ang pagbabasehan eh ang pavilions at infinity pool, pero pangmasa ang housing. At least may view ka ng Taal. Wag ka nga lang lulusong. Baka mamatay ka, sa kahihiyan. Ang dumi ng tubig like eewww.
Akala ko pa naman nilagay nila ako sa room na pang apatan lang. Bilang di ako masyadong mahilig ng maraming tao na kasama sa kwarto, o kahit katabi man lang sa kama. Pagcheck ko sa room list, kasama ko ang sangkabekihan ng project. As in, ang penthouse penthousean na room 301 ng Mataas na Kahoy apartments ay assigned sa most bex ng Wave 2. Dahil ang capacity lang ng room namin eh isang dosenang bex, may ilang napadpad at mapasama sa mga straighties pero kebs.
~0~
Nahati ang mga players sa 5 teams na pinagpilitang ikonek sa fruits for summer daw: Luscious Banana, Green Avocado, Misty Blueberry, Creamy Strawberry, at Orange Papaya. Ewan ko ba bakit sa fenk team ako napunta. Wala nang Barney Violet team from last year ha. Heniweys, may pakana pa silang cheering. Syempre bongga ang pang-ookray ng Green dahil unang salang sila. Orange daw pang Bilibid, Blue pang MMDA, Pink pangbading, at Yellow pangBisaya... although mejo sablay lang tlga sa yellow dahil walang konek ang okray nila. At pakshett porket pink, bading agad agad? Di ba pwedeng pang MMDA din version Bayani Fernando?
Strawberry
Pappayaaaaaaaa!
Banana, split!
Blueberry (di ba violet ang color ng blueberry?)
Avocado (bastos ba yan?)
Admins (si Sophia Nicole ang centerfold)
Heniweys, may 5 games din na lalaruin per team na irorotate every 15 minutes. Kami ang unang naisalang sa logic game. May 4 questions in increasing level of difficulty, like yung fox-goat-corn puzzle, may mystery word puzzle, may math equation puzzle, at last yung how many kamag-anaks puzzle. Infer, kami lang ang nakasagot all 4 question, albeit hula yung last dahil muntik namin masagad ang 15 minutes sa logic.
Second game namin yung Spiderweb, kung saan ipapasok ang sampung katao sa malasapot na mga tali ng di lumalapat. At dahil may scarcity ng petite samin, nasama ako sa sampung mapalad. Sa pinakamataas pa ako ng butas inilusot. Di ko alam pano nila ako nabuhat pero nilambutan ko na lang pagkahiga ko, kebs kung may nadukot o nasundot, basa nairaos lang hahah.
Third game namin ang Art class, kung saan may tangram with assorted colors na tatandaan ng other players para irecreate bago irerelay sa drawers, cutters, at pasters. Muntik na kami mag-away away sa pagtanda ng colors and shapes. Lalo na dun sa pink na parallelogram hahah. Anyways, I think we did good sa time namin. Yun lang maraming penalties.
Fourth game namin Synchronized Ball Toss. Kung sa ibang teams ang strategy nila eh pass after three counts, "1-2-3-Pass!" Samin naman one count lang. "One, Pass!" Para walang gulatan. "One, Pass!" Pag sinabing one, get ready na! "Pass!" Bawal mag-assume. "One, Pass!" Bawal manguna. "One, Pass!" Bawal magpaiwan. "One, Pass!" Sabay sabay tayo! "One, Pass!" At ako tlga ang nasa dulo ng pila. Ako ang bottomfeeder. Nakakahiya naman pag di ko pa nasalo. "One, Pass!"
Last game namin yung Egg Relay. Part one yung papatayuin mo yung five plastic eggs sa table. Easy naman kasi audience lang ako. Yung part two ang shocking. Gamit ang five sticks kelangan maitransfer ang isang plastic egg across sa isang basket mga isang dipa ang layo. Skeri kasi ako yung fifth player na support lang sa mga sticks. Grabe, kahit isang dipa lang yun, kabadong kabado ako na makabagsak.
Socials night namin after ng dinner. May bingo (yeah parang pang senior citizen lang ang peg), may intermission number ng Titanium, at may fashion show both in creative cutout costumes, at summer outfit rampa mode. Syempre ligwak kami sa costumes dahil halos maghubad na ang other teams samantalang ang pambato namin in conservative yet trendy summer attire. Wala naman kasi sa rule na magtopless. Bati babae tuloy napa-topless, accidentally lang naman. Buti di ko napiksuran. Nakakasuka choz. May intro din ng new joiners, parang initiation lang. Last part ang awarding ng winners. Kulelat ang green, then yellow ata, then blue, then orange, at kami ang grand champion. Go Pink team! Sinong bakla ngayon? choz.
Tingnang mabuti ang larawan. Bastos ba yan?
~0~
After ng socials night, nagkanya kanya na ang mga tao sa pagpapakasaya sa gabi. Yung iba derecho nomo na. Kami nag miming miming muna sa infinity pool. Parang more babad lang kami while inookray si Jaymar, ang designated victim of the night.
"Bakla ka na nga, mahirap ka pa!" sey ni Seth sa kanya nung nanghingi sya ng toothpaste.
"Bakla ka na nga, tanga ka pa!" sey naman ni Seth nung nagpapaturo si Jaymar pano magsmoke. Ininhale ang usok at di nilabas. Mamaya utot na yan.
After maabutan ng curfew ng miming, gumora kami sa room nila Carol para makipagchismisan. Like bumalik na kami para matulog bandang alas tres ng madaling araw. Naabutan namin sa sala si Nomer lasing na lasing at nagtatawag ng uwak. Suot pa rin nya ang Sofia Nicole alterego nya na di nya nairampa sa fashion show. After pasukahin, dinala ni Seth sa taas para matulog, pinahiga sandali at pinainom ng kape. That was the most wrongest. Gising na gising na at nagwawala.
"Mga putang ina nyo! Gumising kayo jan! Magfafashion show tayo mga bakla!"
Pinatulan naman ng mga bex. Nagparade of nations sila. Ako kebs, nagtalukbong na ako sa kumot. Naramdaman ko na lang nakaibabaw sakin si Sofia Nicole, nagsisisigaw at nambubulabog. Mygass, pinatungan ako ng nakadress hahahah. Lumipat sa kama ni Jaymar, at pinatungan nilang dalawa ni Seth. Nagising din at nakiparade. Blurry na sakin ang ilang detalye dahil nakaidlip na ako. Occasionally, maaalimpungatan ko sila na nagtatawanan at rumarampa.
"Beep, beep, beep! May chumuchupa sa jeep! Egypt!"
"Kapag ayaw magpachupa, itali! Italy!"
"Pagkatapos magdasal, anong sasabihin? Yemen!"
Yes, mostly bastos jokes lang naretain sakin. Nakatulugan ko most ng mga bansa. Malamang di na nila inirampa ang gasgas na gasgas na Malaysia at Pakistan. Natapos ata sila pasado alas quatro y media na.
Di ko inexpect na maeenjoy ko kahit maikli lang ang time sa Club Balai Isabel ha. Kung may next time pa, why not. Pero sana di masyado mainit. Summer outing na di mainit? Ano yan sa Antarctica? choz. Well, sa uulitin! Yemen!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento