"Language is the source of misunderstandings."~The fox, The Little Prince
"Boolseet!"
Naalala ko yung adviser namin nung first year high sa PUP. Kami na yata ang pinakamaingay na section nun. To think tatatlo lang ang sections for each year ha, isipin mo gaano ka super superlative na ang mabansagang pinakamaingay na section.
"Boolseet!" sabi ni sir Ambrosio T. Pechardo. Tandang tanda ko talaga ang full name nya. Sya rin kasi ang instructor sa drafting. So everytime gagawa ka ng plate, ilalagay mo in 0.3 lettering ang full name nya.
"Boolseet!"
Hindi naman daw nya kami minumura. Yung pader ang sinisigawan nya. Para tumigas. Matigas na kasi masyado ang ulo namin. At kahit alam mong may punto sya magsalita, gets mo naman ano ang ibig nya sabihin. Pakshett kasi kami. First year pa lang magugulo na. Expected na dapat sa third year pa tutubuan ng sungay ang mga estudyante. Well, siguro nga tumigas ang mga pader namin. At natuto na rin kaming magtino sa klase. Hindi yung
araw araw nirereklamo kami ng buong campus. Noisiest ang I-Del Pilar.
"Boolseet! Ang gawin ninyo, pumasok kayo sa loob ng basurahan at doon nya tanggalin ang mga madudumi at nabubulok sa pagkatao nyo. Paglabas nyo malinis na kayo." Of course mas dudumi ka pag pumasok ka sa basurahan. Pero sino kami para icontest yun? After nyan, life changing tlga ang homeroom discussion na yun. Pag minura ka ba naman ng paulit ulit ewan ko na lang sayo kung di ka pa magbago. Natrim nang maaga ang mga patubong sungay, at di ulit namin narinig ang boolseet.
~0~
Kilala mo ba si Jacklyn Jose? Isa lang naman sya sa mahuhusay na premyadong aktres sa TV at pelikula. Pero alam mo bang di mo mababasa ang emosyon sa kanyang pag-arte. Kung si Kristin Stewart ay walang pinagkaiba ang mga facial expressions, si Jacklyn naman walang pinagkakaiba ang mga tono ng delivery ng mga linya. Like flatline lahat. Di ko mapapansin yan kung hindi sya laging iniispoof ni Mr. Fu sa radio show nya sa umaga.
"Ha. Ha. Acheche." Imaginin mo ang mga linya ni Aiza nung bata pa sya eh ginamit na punchline ni Jacklyn. Flatline pa rin. Matatawa ka pa rin kahit di mo mabasa na jumoke na pala sya.
"Puta ka!" Kahit siguro murahin ako ni Jacklyn, di ako mabibigla. Baka matawa pa ako. Dahil na rin siguro sa delivery nya. Di naman nawawala ang husay nya sa pag-arte. Funny lang tlga na walang emosyon ang pagkasabi nya. It's not what you say, it's how you say it.
"Ayyy. May sunog!!!" Imaginin mo sinasabi nya yan sayo ng blank face. Matatakot ka ba? Magpapanic? O tatawa na lang? Dahil si Jacklyn ang nagsabi nun, luluha ka na lang. Baka masampal ka pa nya choz.
"Shatap! Betch ka lang! Ako soperbetch!"
~0~
Pagpasok ko kanina sa office, maganda ang mood ko. Halfday lang kasi ako dahil may holiday ang client namin. Although tinatamad na tlga ako pumasok kanina, eh mainit sa bahay kaya pumasok na rin ako hahah. Pero sabi nga, halfdays are halfmeant. choz.
As usual, nagcheck-in sa foursquare. Good vibes. Inilagak sa locker ang phone at bag. Good vibes pa. Nag log-in sa desk. Good vibes pa rin. Nagcheck ng email. Pakshett!
"I'm so disappointed...."
Bungad pa lang sira na araw mo. May pinapagawa kasi si Boss. Eh busy kaming lahat kahapon. Alam mo yung tipong pinakiusap lang ipagawa sa inyo tapos pag di nyo nagawa galit na kaagad sila? Ganyang ganyan. Magdodrawing lang naman ng charts. Again. Maisisingit naman. Yun lang, hindi maganda ang approach nya. Pwede mo naman sabihin, "Guys, I know you are busy but can we do this in preparation for our audit. Let's help each other please." Eh yung please nga parang nabura na sa vocabulary nya.
I'M SO DISAPPOINTED! FEEL NA FEEL MO PAGIGING BOSS HA! INSTEAD NA LEADER OR MENTOR! #icapslockmoparaintense
It's not what you say. It's how you say it. It may be not what you meant, but the medium weighs more than the substance. Lost it translation? We can never tell. Ang problema: sa tunay na buhay walang subtitles.
Yung tipong tinitiis mo na lang araw araw yung mga maliliit na bagay na nakakapagpainit ng ulo mo. Tapos yun pala alipin lang ang tingin sa inyo ng management. Sa totoo lang kanina, para kaming mga cleaners na naglilinis ng boards. Hindi naman kami nagtapos ng college at nagtake ng board para lang magpunas ng salamin sa bulletin board. Inaaccept na namin yun na part ng role namin kahit di sya stated sa job description.
Pero utang na loob, kung may gusto kayo mangyari, tulungan na lang please. Ang balak nasa tabi tabi lang yan. Pwede naman namin iwan ang kumpanya. Sa ibang marunong tumingin ng tao as tao. Hindi kami numero lang. Hindi kami robot. Hindi kami laruang de susi.
Boolseet!
____________________
Photo by Nando Machado via Flickr.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento