Alas sais y media sa isang parking lot. Madilim. Maluwag. Walang tao. Perfect sa isang krimen, kung may magaganap man. Pero wag sana ngayon. Di ako prepared. Malelate na ako sa orientation. Patakbo akong umikot sa perimeter ng parking lot. Pakshett. Nasan ba yung stairs na tinuturo ng guard? Bakit ba naman kasi dito ang orientation?! Boom, nasa gitna lang pala ng parking lot. Matutuklaw na ako ng ahas, di ko pa nakikita.
After two years, hinahanap ko pa rin nasaan ang elevator sa success na yan. Sabi ng manager ko dati, "right attitude is the key to success." Eh kung maattitude nga akong tao, so pipigilan na nila ang pag-angat ko? Lahat naman ng tao may attitude ahh?
I remember yung scene sa 3 Idiots. Sa job innerview ni Raju, inofferan sya ng work kung kaya nyang i-let go ang kanyang attitude. Ansabeh nya:
Sir, I have learnt to stand up on my feet after having broken both my legs. This attitude has come with great difficulty. No sir, I can't. You may keep your job, and let me keep my attitude.
So yeah, I'll keep my job if you let me keep my attitude.
Here's to two years of my job with the company. Two long years. Two years na puno ng trackers. Two years na static lang. Aaminin ko, marami rin naman akong natutunan. More than just connect the dots sa mga productivity charts hahah. After two years, nakakasanayan ko na ang mga admin tasks. So the only way to go up ay sumunod sa patakaran. Patakaran na nakakasakal. Patakaran na nagsasabing wag ka na lang magreklamo.
Going up?
____________________
Photo by rosypose via Flickr.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento