Biyernes, Abril 19, 2013

Quitz


I hereby tender my resignation, irrevocably effective today.

Ganyan ang gusto last line ng resignation ko. Keywords: immediately, effectively, irrevocably. Para may conviction. Lalayas ako at wala kayong magagawa para pigilan ako. Pero di ko pa naman gagawin yun. Tinanong na nila ako kung may balak na ba ako magresign. Ang balak nasa tabi tabi lang yan. Maaaring hindi ngayon, pero itulak mo pa ako punyeta ka irrecovable resignation talaga ihahain ko. Di naman ako galit nyan. Nagpapractice lang.

Bulung bulungan na sa office ang mga resignees. At dahil meron daw confidentiality chorva, nananatili silang mga bulong lang. Magugulat ka na lang may nagpaparty sa pantry, despedida ni kuwan. Or biglang mag-iikot si ate para ihug lahat ng tao dahil last day na nya. Parang kandidato lang, I knerr. O bigla na lang mawawala na parang bula pero kebs naman sayo tapos bigla mo na lang maalala di na nya sinoli yung calculator na hiniram nya sayo last monthend. Anyway, secret man o hindi, pag lumayas na yan, malalaman din ng lahat.

Last day na bukas ni madam Angie. Lilipat na sya sa may Taguig para magpakayaman choz. At dahil tight ang scheds, naghire na sila ng papalit sa role nya. Dumating si Angelika umpisa ng April. Nagtraining na rin sya, nakunan ng accesses, at nagknowledge transfer ng process. Mahigit dalawang linggo ang nagastos sa kanya. Sumweldo na rin sya nung ng first cutoff nya nung Byernes. Nung Wednesday nagfile na sya ng resignation.

Gusto ko tumawa, pero nung nalaman ko kelangan ko mag-absorb ng task, punyeta! Ayon sa sabi sabi eh may mas magandang offer daw sa kanya. Kesyo daw di daw sya nachachallenge sa tasks na ginagawa namin. Hiyang hiya naman ako sa kanya. Eh pivot table nga di nya magets, eh pano pa kaya kung paste special? choz. Kasi galing DAW syang audit, tapos tumalon sa BPO. Malamang magkaibang magkaiba ang work dun.

I don't know, I just find it weird. Yah know there's a problem kung yung taong papalit sayo eh mauuna pa ang last day kesa sayo. I'm not saying problema yun ni madam Angie. Baka may sinabi nga naman sya para wag na tumuloy si Angelika. Or baka naman may narinig syang something sa management. Basta di ako nanirang puri ha. Sarili nyang desisyon yun. Problema nya yun kung quitter sya. Buti nga di na sya pinagtender ng 30 days before effectivity. Ano yun mas matagal pa yun kesa sa actual stay nya before resigning?

At nagpadespedida na rin kanina sila Jett at Angie. Sa 12th floor pantry kami para mejo discreet choz. Anyway, may speech speech pa silang nalalaman, andun lang ako para makikain ng palabok hahah. Pero mamimiss ko sila. Si Jett na malakas tumawa at magmura, at si Angie na malakas magtaray. Sa lilipatan nila babaunin nila yang mga unique qualities nila yan, at sana tanggap sila dun anu man ang ugali nila.

Ako kaya, may makakamiss kaya sakin pag nagresign na ako? Malamang lahat ng TL ko di ako mamimiss. Sakit ako ng ulo nila eh. Pati TL ng ibang team hate na rin ako dahil daw sa ginagawa ko sa TL ko hahah. Alam ba nila nararamdaman ko sa ginagawa sakin ng TL ko? Kung anu man yon, natural na reaction ko lang na magtaas ng kilay at magroll eyes. Di ko intensyon na mang-offeend. Ang problema kasi, mas affected pa yung pinagkwentuhan kesa dun sa taong involved. Baka nga wala na lahat ng friends ko pag nagresign na ako. Di natin alam, nasa tabi tabi lang ang mga balak.

When, I'm gone, when I'm gone. Will you miss me when I'm gone?


____________________
Photo by Abdulla Haris via Flickr.

2 komento:

irahhh ayon kay ...

matira ang matibay..diba?

Unknown ayon kay ...

Hahah di pa naman ako aalis pero pag napuno na ako goodbye na tlga sa kanila hahahah

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips