Sabado, Abril 20, 2013
PUV 101
Araw araw may walong milyon kang kasabay sa byahe papasok o pauwi. Ayon daw yan sa survey. Sa walong milyong nag-uunahan, nagtutulakan, at nagsisiksikan, di ka ba isa sa tumigil at nagtanong, "am I doing the right thing?" Urteh umiinglish ka pa eh late ka na nga. Kebs. Basta sasakay ako by hook or by crook.
Actually wala namang rules, regulation, city ordinance, or memorandum of agreement na nagsasabi ano ba ang mga dapat gawin sa pampublikong sasakyan. Parang common courtesy lang sa mga nakakasalamuha mo. Di mo alam baka anjan pala ang soulmate mo. Anodaw? Siguro common lang na wag masyadong mag-ingay sa kahit anong sasakyan. Baka may natutulog sa byahe eh mabulabog pa ng tawanan nyo na walang bukas.
Sa jeep:
Sapat lang ang kuning space sa pag-upo. Pag babae ka, wag umupo nang patagilid. Pag lalake, wag masyado bumukaka. Ang upong kalahating pwet lang eh ocho pa rin naman ang binabayaran. Pero sana yung mga barker at driver din mismo ang may pakundangan sa pagtatawag ng pasahero. Yung tipong isa na lang ang kasya, apat pa daw?
Kapag nasa harapan ka, makisuyo sa pag-abot ng pamasahe. Wag kang uupo jan kung di ka naman tutulong, unless kung yan na lang mauupuan mo siguro. Magbayad kahit sabit ka lang o nakakandong ka lang. Ang binabayaran mo dito eh yung byahe hindi yung upuan.
Sa umaga, wag magsuklay ng buhok sa byahe. Di namin gusto teh mabasa ng buhok mong vinaseline. Wag din ilugay ang buhok pag mahaba. Ayaw namin nasusundot ang mata namin. Baka masabunutan pa kita jan lintek ka.
May nakasakay na ako dati bigla ba naman nagbreastfeed sa loob ng bus. Isang manipis lang na good morning towel ang harang kaya nasisilip mo pa rin ang mga kaganapan. Wala namang masama, pero teh ang breast exposure mo hiyang hiya si Anne Curtis.
Kung balak mong matulog sa byahe, siguraduhing maayos ang pagkasandal o pagkakapit. Hassle naman kung sandal ka nang sandal sa mga katabi mo, tapos tutuluan mo pa ng laway. Like eewww.
Sa bus:
Wag humarang sa center aisle lalo na't nagbababaan na ang mga tao. Kung ayaw mo ng aircon na bumubulusok sa ulo mo, malamang ayaw din ng ibang tao na nakatutok sa kanila yun. Patayin na lang kung maayos pa ang controls into, o di kaya harangan ng kurtina hahah.
Wag kumain ng pagkain sa loob ng bus lalo na't aircon. Mabango ang french fries at mani pero kumakapit ang amoy nya sa buong bus kaya please lang. Pero may nakasakay na ako kumakain ng adobo at tinapa sa loob ng bus. San ka pa?
Kung mahihiluhin ka, uminom ng bonamil at magbaon ng plastic. Baka biglang bumulwak ang suka sa katabi mo. Ganda pa naman ng porma nya, maasim nga lang. Ang effect pa naman ng suka, maamoy mo lang nasusuka ka na rin. Parang chain reaction lang.
Kung provincial bus ang nasakyan mo, siguraduhin mong di ka lalagpas sa allotted time ng stop. Gamitin lang ang oras na yun para sa pag-ihi o pagbili ng food. Wag magbuffet habang nasa basa stop, baka maiwan ka. Maghanda ng at least 5 pesos tuwing iihi. Para makatipid, siguraduhin na nakaihi ka na bago umalis or magpigil ka hanggang makababa.
May nangyari samin dati pauwi kami ng Bicol. Kasama ko mga pinsan ko, eh inabot si ate Mia ng regla sa daan. So nagpabili pa sya ng napkin. Actually di ko alam ang nangyayari sa ganyang mga eksena kaya hahayaan ko na lang din sa inyo yun. So anyway, nasa loob na kami ng bus habang hinihinitay sila galing CR. Nagmamadali ang mga pasahero kaya't todo talak ang iba. Lalo na si manang. Nung makita nya na majuba si ate Mia, nagcomment pa sya, "kaya naman pala matagal kasi ang lobo lobo." Pag sakay nila quiet na sya. Tiningnan ng masama ng kapatid na si Donna, sabay sabing, "akala mo naman maganda, mukha namang ulikba." Nanahimik na si teh sa buong byahe, bugbog na bugbog sa mga lait. Moral: wag sumakay ng ordinary bus, madaming skwating ang ugali. Kasama ka na don Donna choz. Actually, pag may nahuli sa byahe, wag ka na lang magreklamo. Walang maitutulong ang pagbabadmouth. Di mo alam baka sayo mangyari yun. Gusto mo ba maiwan ng bus?
Sa tren (MRT/LRT/PNR?)
Wag pong tumapak sa yellow platform edge. May namatay na po dito.
Pumila lamang ng maayos sa may pintuan. As much as possible two straight lines lamang po. Wag humarang sa dadaanan ng papalabas ng tren, at wag ding makipagsiksikan habang di pa sila nakakalabas. May next train pa naman. May next train pa naman. After ng tatlong tren, ayyy punyeta sasakay na talaga ako. Wag mag-alala, tutulungan ka ng ibang pasahero para makasiksik. Gusto rin naman nila makasakay din. Siguro pangarap ko na lang ngayon na makasakay sa isang skipping train.
May pambabaeng section ang tren, pero mas brutal ang sikuhan dun. Kaya kung babae ka at nakisiksik ka sa mixed section, wag ka rin magrereklamo na naiipit ang dede mo. Ginusto mo yan teh. May pangbex na section sa MRT, yung last car. Dun nagaganap ang mga gapangan at kiskisan. Kung bet mo yan, go lang din teh. Wag ka magrereklamo pag akala mo junjun mo lang ang kinakapa, cellphone na pala.
Sa taxi:
Well, ako yung taong di masyadong mahilig magtaxi. Unless siguro kung kailangang kailangan, or kung pagod na ako at gusto ko na lang itulog pag-uwi. Ang prinsipyo ko kasi kung kaya naman ibyahe via public transpo, why not. Although public transpo din kasi ang mga taxi, wala syang "regular" na byahe o direksyon. Kung san lang din ituro ng pasahero dun sila gogora. Unless choosy din si driver.
Karaniwan pa naman, pag di alam ang pupuntahan itataxi na lang. Pwede naman magtanong ng way di ba? Or igooglemap muna bago puntahan. Well, nangyari na sakin dati naligaw ako sa Makati. Papunta lang akong Salcedo, isa sa mga building dun. Sinulat ko lang sa papel ang ang address pero di ko na inalam pano pumunta dun. Basta Makati. Bumaba akong Paseo at naglakad lakad hanggang makarating ako sa... Buendia/Makati ave. Sa sobrang lost na ako, nagtaxi ako pabalik, at dahil di rin alam ni manong driver kung san ang building, ibinaba nya ako sa may Rufino. Naglakad pa ulit pa ako patawid ng Ayala hanggang matunton ko sa kabilang side lang pala. Lesson learned: magtanong tanong. Di mo pwede iasa sa driver na alam nya lahat ng pupuntahang lugar.
Anyways, kung may taxi bay, matutong pumila. Wag makipag-unahan sa ibang nag-aabang. Maraming taxi, puro may sakay nga lang. Makakakuha din kayong lahat. Wag excited. Kung magcacarpool kayo maximum capacity siguro ng taxi eh mga 4 na katao. Wag ipagpilitan na kasya pa at kandungan na lang kayo. Pwede naman magsplit sa two taxis kung lima na kayo sa grupo di ba. Magsplit din kayo sa pamasahe, wag iasa lahat dun sa isang tao lang. (Kadalasan ang nagbabayad eh yung nasa tabi ng driver o yung nasa likod ng driver na unang sumakay).
____________________
Photo by me yay at Intramuros February 18, 2012.
Version 1.0 Baka maupdate ko pa to soon. Alam ko may nasulat na akong topic about public transpo dati. Kebs. Special request daw.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento