Miyerkules, Abril 24, 2013

Campaign. Period.


It's that season once again. Campaign season. Yah know what I hate about this season? Una, marami na namang hinuhukay na daan. Para lang maalala ng mga tao na may project na ginawa si congressman sa nasasakupan nya. Sa ilang beses pa lang akong bumoboto, tandang tanda ko na ganitong panahon lagi biglang nagkakaron ng major project sa public works and highways sa amin. Kasi nga naman Mayo, magtatag-ulan na naman. Kelangan ayusin ang drainage. Eh ilang beses na nahukay samin, pag inulan nilulubog pa rin ang cityhall namin. Nagsayang na naman ng buwis ang mga tao. Syempre mas affected na ako ngayon dahil nagcocontribute na rin ako sa kabobohan ng mga politiko na yan. Sana nagpaayos na lang sila ng mga schools. Or nanood ng concert ng Super Junior. Para at least di masyadong affected ang traffic.

Ikalawa, uso na naman ang campaign jingles. It's the jingles mostly that I hate. Sino ba nag-imbento at nagpauso nyan? Ang panahon kung saan ang mga pop songs ay binababoy at pinapatungan ng mga lyrics na akma sa pangalan ng mga kandidato. Nung isang araw puro KPop versions yata narinig ko dito. May Gangnam style pati ang Nobody nagamit pa rin. Akala ko nga si mayor namin maggigwiyomi na rin. Nasa stage na po si Mikay. Anodaw?

Syempre di rin mawawala ang mga flyers, posters at printads. Buti nga ipinagbawal na ang pagdidikit sa mga pader ng mga posters nilang naglalakihan ang mga pagmumukha. Anyways, binababoy naman yung mga posters na yun. Nilalagyan ng nunal, shades, at bungal. Sa amin, pinagsasabitan na kami ng mga tarpaulin ng mga kandidato. Mga di naman namin kakilala. Buti nakatali lang. At least madaling ligpitin ang mga pagmumukha ng mga hinayupak na yan.

At nauuso rin ang surveys. Ang sad kasi sa surveys pa lang nakikita mo na na mababa ang ratings ng mga bet mo. Sad baka di na naman palarin si ateng Risa Hontiveros. Beauty, brains, balls, check. What more could you ask. Eh yang nita negritang si Nancy Binay nasa tugatog ng surveys, anong meron? Beauty, brains, balls? Teh Binay lang ang nananalaytay na B sa katawan nya. Actually di ko sya masyadong knows. Kung di lang pinoint out nila Mick na yung receptionist sa Solaris One sa Makati eh kamukha ni Nancy, di ko pa sya igugoogle. Seryoso, kahawig nya si Nancy. Kulang na lang pumila ako sa kanya para humingi ng lugaw choz. Pero ingat sya sa mga doppelgangers, ganyang ganyan nangyari kay Vilma. Sa pelikulang The Healing. Sana mategi na sya! Choz lang, knock on Binay.



~0~


Patapos na naman ang evaluation period namin this May 31 at di ko alam kung dapat ba tlga akong kabahan. Although wala akong problema sa operations, I think isa sa main problem ko eh ang shift ko ng career counselor. Well, we're not really in good terms. Jumajanine Tugonon, yes. Pero totoo naman civil kami. Mabuti na civil kesa civil war.

Anyways, parte ng evaluation ko eh magsulat ng self input. Yung way ng pagbubuhat mo ng bangko sa mga achievements mo sa buong taon. Two years ago inabot ng four pages ang self input ko. Last year half na lang yata non. This year, almost copy paste na lang ng objectives ang self input ko. May kilala ako inabot ng six pages ang inputs nya, bawat commendations, recognition, bawat updated status at well composed emails eh sinulat doon yata. Kesehodang nasabihan lang ng "good pick up!" o "great work" o "reviewed" sila ng client eh nilagay na yata sa inputs. Kelangan kasi epal ka. Nagtatagumpay ang mga epal dahil sila lagi ang mapapansin sa mga umpukan. Habang ang mga kimi napag-iiwanan. Ang mundo ay isang malaking Mendiola, umepal ka! Maiiwananan ka!

May isa pa akong kilala na totally nagconcede na sa race. As in wala syang nilagay sa self input nya. Nung idiscuss sa kanya ng counselor nya ang feedback, kebs na sa kanya. Pero may ilang feedback na masyadong nakakahurt. Kahit ako siguro maooffend kung yun ang findings sa akin. Sinabihan kasi sya... na masyado daw syang malakas tumawa.

And I was like, SRSLY?! Anong koneksyon ng malakas na pagtawa sa operations? Pag malakas ba tumawa ang tao, nabobo ba sya? Bumabagal ba sya magtrabaho? Nawawalan ba sya ng kumpiyansa sa sarili? Sa totoo nga, pag tumatawa ka, naa-uplift ang iyong spirit. Kasi nakakapagrelease ka ng positive vibes. Mejo annoying nga lang tlga siguro kung may narinig kang malakas na tawa pero di mo narinig ang joke. Pero that's beside the point. Walang konek ang tawa sa ops period. Pero sabi ni career counselor, "masama ang sobrang masaya." Napatunayan na ba yan? Nategi nga ang hari ng komedya, pero di sya nategi habang tumatawa. Nakakalokang argument lang.

Wag tumawa. May namatay na dito.



~0~


Hindi ba holiday ang May 13? Akala ko kasi kapag election day eh public holiday na ito kaagad sa Pilipinas. Well, dahil Melbourne ang client namin eh kebs sila sa mga public holidays sa Pinas. Wala na akong naenjoy na holiday dito maliban sa pasko at bagong taon. Mabuti na lang at double pay. Pero iba pa rin yung sabay ka sa holiday ng masa. Yung sabay sabay kayong maggogo to the beach ng barkada mo. Hindi yung Maundy Thursday namomroblema ka kung anong ang sasakyan mo. Buhay BPO tlga.

Anyway, nagpapaconfirm na kasi sila sa amin kung anong oras daw kami boboto sa atrese. Like hello, ang layo pa kaya?! Mapaumaga o mapahapon man yan, matatapos din agad yan. Di aabot ng walong oras. Papasok pa rin naman kami. Unless magpoll watcher kami. Pero wag naman silang mamressure kung anung oras kami boboto. Martial Law? I was not informed.

Smartmatic pa rin ba ang pagboto? Makakapagcamwhoring na siguro ako nyan. At sana makapag-uwi ako nung pen. Choz.


____________________
Photo by _gem_ via Flickr.

Walang komento:

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips