Miyerkules, Mayo 1, 2013

LOL


I don't LOL. Muntanga lang. Parang unnatural. San ka naman nakarinig sa actual conversation biglang mag aabbreviate... LOL! Laugh out loud. Awkward lang. Mabenta pa sakin ang haha. At least onomatopoeiac ako dabah choz. Napansin ko nga nagiging common na sa chats ko ang mag-insert ng "haha." As if punctuated na ang sennences ko nito.

Ganda mo teh hahah.


Hahah adik ka tlga.


Parang may sasabihin ka tapos biglang nagbuckle. I like you hahah. As if naneutralize ang seriousness. Pero s
abi nga nila hindi naman direct antonyms ang serious at joke. Something could be half serious and half joke.



~0~


"Single ka ba?"


"Yes."


"May chance!"


"Hahah"


"Alam ko ibig sabihin ng tawa na yan."


"Ano daw?"


"Ibig sabihin hindi pwede."


Huli ka balbon. Pero true. Pag tinanong ka ng serious na tanong tapos tawa lang sagot mo, for sure unfavorable ang sagot jan. Parang silence means... lang yan. Silence means the less favorable answer yah know. Like kung tinanong ka kung totoo bang buntis ang isang palengkerang aktressa tapos ang sagot mo lang ay smile... compeeermt! Buntis nga sya.


Hindi lahat ng tawa pare pareho. There's something sa pag laugh lang na naggive away ng true emotions behind it:

  • haha - funny tlgang tawa
  • hehe - slightly funny tawa; napilitang tawa
  • hekhek - tawang may kasamang plema
  • HAHA - tawang may emphasis
  • hahaha - super funny napatype ako ng additional ha
  • hihi - pacute na tawa; tawa kung witch ka teh
  • wehehe - tawang may duda
  • hoho - mapang-asar na tawa; seasonal na tawa
  • bwahaha - malakas na tawa na umaalingawngaw; o tawa ng kontrabidang goon
  • mwahaha - evil laughter; confusing sa iba kasi akala nila kiniss muna sila bago tumawa
  • nyahaha - tawang may halong malisya
  • j3j3 - tawang jejemon
Sa totoo lang mahirap magpatawa. Pero pag nahuli mo na ang kiliti ng audience mo, pak na pak audience impact ka! Ang problema lang akala ng target audience mo eh lagi kang nagpapatawa. Mahirap magpatawa yes. Mahirap magpanggap na laging masaya. Mahirap magawa na funny lahat ng bagay. Mahirap na habang nadudurog ka eh pumapunchline ka pa rin.

Hehe!


____________________
Photo by VicinRuiz via Flickr.

Walang komento:

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips