Huwebes, Disyembre 31, 2009
Red Party
CKC Xmas Party
December 12, 2009
At natuloy din ang balak naming pagkikita ng mga dating officemates ko. Parang allstars ito ng mga pasaway sa office na mga reklamador at radical ang pag-iisip. Heniweys, nagset-up kami ng isang Christmas party sa Cennerstage Jupiter. At ewan ko ba bakit may pauso pa itong si DM na dresscode: kelangan red! Ok lang naman kasi meron naman akong shirt na hindi purely red kaya pwede pwede na yon. Saka red naman talaga eh color ng pasko, with all the poinsettia and all, at symbol din ito ng victory dabah. Ayaw ni Tita Cory ng ganyan, baka bumangon sya sa hukay at pagsasampalin si DM pero keber na, basta kikrismas party kami kahit di sumang ayon ang universe. Victory against our oppressors ang drama, yung mga bossing namin yon yah know. Ano pa nga ba ang aasahan mo sa corporate setting kundi ang pag-aaklas ng mga manggagawa di ba?
Additional task din ni kuya DM na dapat daw may gift na worth 300 pesos. Yun nga nahaggard pa ako kakaisip ng gift dahil di naman ako marunong pumili ng gift. Tinext ko pa mismo yung nabunot ko kung ano ang wishlist nya. Nagkita pa nga kami ni Lei para sabay maggift hunting. Nagpasama pa talaga si Lei mamili ng boxer shorts for DM na baby nya. Pumili kami nung print na kamukha ng isang polo ni DM, at ang kaloka small size daw sya. Azz in 29 daw ang waistline eh mas malaki naman ang katawan sakin ni DM. Parang di yata ako makakapayag dun, nasaan ang hustisya? Later eh nagtatambling kami kakahanap ng Starbucks dahil tumbler na lang ang binili ko for ate Joanne, pero kelangan color black ito ha. Eh ang talamak na design yung red na may snowflakes kasi nga seasonal version nila. Buti nga sa second shop pa lang nakakita na ako ng black, last stock na sya.
Kinagabihan ng petsa ng Christmas party, as usual late uli ako ng mag-iisang oras, nagbibyahe na ako papuntang site nang biglang naremember ko na di pala pwedeng idaan ito through MRT kasi naman bubuklatin pa ang gift wrapper. So ang tanging daan ko eh bus to Buendia, then jeep to Makati Ave, tapos more lakad papasok ng Jupiter. Habang pinapagpag ko pa ang alikabok at pawis sa katawan ko sabay grand entrance sa loob, nashock ako sa nakita ko! Kakaupo lang nila sa loob mga 10 minutes, at wala pa nga kumakanta kasi di pa nagstart yung timer. Nakaloop ang music ni Miley Cyrus na nakakarindi. Hindi naman nakared lahat: ako lang, si Joyce, Lei, DM, at si Rona. Present din sila Jhen, Garah, Fitz, Jhoanne.
Nagsipag-order na ng food si DM. Dahil taggutom ang Pilipinas eh ang pinili namin na set eh yung Philippine, kasi may compliment na rice. Akswali mejo matagal dumating yung order namin. Nakapagkantahan na kami't lahat eh wala pa rin yung food. At nung dinala na eh kulang naman sa plato. Parang wala silang balak pakainin kami noh. Ang nasa set eh liempo, pansit canton, ensaladang mangga, mixed veggies, at baked tahong. Nagkamali pa sila ng dala kasi nadoble yung ensalada pero walang tahong. Nung bumalik naman dalawang order ng tahong ang dinala. Kahit pataygutom kami eh napigilan naman naming wag lantakan yon dahil sa takot na macharge. Nag-additional order na lang kami ng pork sisig at fish fillet para solb sa lahat. After one hour lang dumating sila manong Bert along with jowang Ayla. May baon pa syang Emperador na ipinuslit lang sa takot na macharge kami ng corkage. Tumatagay kami in between songs ha.
Tuloy ang pagsosong number namin. Nag-adik kami ni Jhen at napakanta ng Sinta by Aegis. Maya maya nagme-medley na lahat ng Aegis. Nacut muna ang aming song number ng biglang magpagames sila ng Pinoy Henyo. First team sila Rona at Fitz, kung saan nandadaya si Fitz na pasimpleng tinuturo yung siko nya dahil yon mismo yung huhulaang word. Next kami ni Joyce na nagbuzzer beater 2 seconds before two minutes sa word na Laptop, kasi naligaw ko ata sa word na Notebook. Last team sila Garah at Jhen na di rin nakahula. Nagrequest ng consideration sila Fitz at pinagbigyan naman. Nakuha nila kaagad yung word na Dinosaur (code name namin yon sa mga bossing namin.)
Nung naisipan nilang mag-exchange gift na eh mejo nagkagulo pa kasi may mga absent. Balak pa yata nila magbunutan uli. Nagkaron pa ng election at ang napagkasunduan eh ituloy ang dating nabunot, total dalawa lang naman ang affected sa mga di makakareceive ng gift dahil absent ang nakabunot sa kanila. May piksur taking pagkabunot ng gift. Si DM sinukat talaga yung boxers nya, ipinatong lang naman nya sa suot nya. At ang common gift for the night: starbucks tumbler. Si Fitz nga eh tuwang tuwa sa tumbler at di na to binitawan ever, akala mo naman may mang-iisnatch non sa kanya. Si manong Bert eh di nakabili ng gift kaya nagpay na lang sya ng 500 bucks kay Lei. Nagpalitan lang kami ate Joanne kasi ako rin pala ang nabunot nya. Ang gift nya sakin eh Black shirt na medium ang size, buti na lang at fit sakin and I lurve it. Naappreciate naman nya yung black tumbler na gift ko sa kanya.
Nagresume ulit sa more singing. Medyo tumaas ang dugo ko nung iniskipan yung song na ininput ko, right in the middle of singing ito ha. Balak ko na nga sana magwalkout eh. Bad trip kaya yung ganon. Buti na lang at napigilan ako ni Lei. Yung next songs na ininput eh di ko na binitawan ang mic. Kabayaran ito sa song na di ko nakanta, lahat ng iinputin nyo eh ako ang kakanta at walang makakapigil sa akin. Agaw na kung agaw ito. Infernezz wala naman ibang kumakanta sa group namin kaya ok lang sa kanila na magconcert ako dun. Natapos kami pagkatapos ng mahigit na tatlong oras.
After party
December 13, 2009
Dahil may pasok pa kinabukasan kahit na Linggo yun si ate Joanne eh kelangan na nya umuwi. Si Joyce naman eh may curfew kaya umuwi na rin. Nagkayayaan magtambay muna sa Starbucks. Sarado na yung Sbux sa Pacific Star kaya tambling kami sa 6750 Ayala. Nagkasya kami sa dalawang set ng taxi. Yung driver namin alam na pwede sya dumaan sa Ayala kaya maaga kami nakarating don. Maraming tao doon at karamihan nakared din na outfit. Habang nag-aabang sa isang batch eh enter stage si ateng Parlola, all dressed up in a flowing gown made of Pink kurtina (or mantel?) at tingin kay DM from head to toe. Pikon na pikon si DM kasi parang nahamak ang kanyang pagkatao. Tiningnan ko nga rin si ateng na mas mukhang beking kanal talaga, yung retokadang type ha. Akala mo naman kagandahan sya at mayaman eh tall lang naman yung order nya. Maya maya pa dumating yung batch 2 namin kasi umikot pa daw sa Greenbelt yung taxi nila. Sa labas sana kami pepwesto malapit sa inuupuan ni ateng Parlola, para titigan ng masama si ateng. Makaganti lang talaga eh.
Sa loob na kami pumwesto sa second floor. Nakakakuha kami ng three tables at pinagkasya na namin ang sarili namin don since pito na lang kami. Bumaba kami nila Lei para umorder. May nakita akong two flavors na di ko pa natry. Tinanong ko sa barista kung ano ang meron sa Peppermint MF, eh di peppermint. Nung tinanong ko ano meron sa Dark Cherry MF, eh di dark cherry daw. Leche, pilosopo ba to o talagang walang alam sa products nila?! So go na lang ako sa peppermint, which I did enjoy. Pagbalik sa taas more chikka na sila sa usapang office namin dati. Reklamo dito, reklamo doon. Wala nang kamatayan ang reklamo, kahit pa matagal na kaming nakaalis sa office. Masaya lang pagtawanan at magbalik tanaw sa mga pasakit at paghihirap na nangyari sa amin, pero boring na sya after ng isang oras na kwentuhan. Si Lei di na nga masyadong makasagot kasi may sore throat na pala. Nagpasama pa sya kumuha ng warm water sa barista para inumin at marelieve ng konti yung hapdi. Kung may baon lang sana kaming Nescafe 3-in-1 eh, next time siguro.
After non eh taggutom kami kay tambling sa nearest McDo na open. Pumunta kami sa Paseo na McDo, na nagreopen na after nyang marenovate for two months ata. Dito kami madalas tumambay dati: lunch outs at mga after work miting de avanse against sa nakatataas. Hinanap ko kung andito pa yung crush kong manager pero wala, baka umuwi na. Napwesto kami sa may cushions pero di kami kasya kaya naghihila pa kami ng tables and chairs. Nagtreat na naman si manong Bert ng extra large fries at nuggets (na slightly kinamumuhian ko ang name kasi yun ang bansag sakin ng boss ko kesyo cute daw pakinggan). More chikka si Garah at pasimpleng inuubos na namin lahat ng food. Maya maya may dumating na grupo ng inglisero. Mukhang galing sila sa party at mukhang mayaman kaya di mo pwedeng sabihing nag-iinarte callboys and callgels ito. Well, magaling nga sila magspluk in nosebleeding english pero bawat sentence naman punctuated ng "you know" na akala ko si Pacman ang nagiispeech.
Nung matapos kami lumamon sa McDo, balak pa sana namin magpapiksur sa front door ng office namin dati. Magkatapat lang kasi yung building naming McDo at ng office namin dati. Buti na lang nagkatamaran nang tumawid. Lakad kami patungong Ayala. Medyo matagal ang babayan; unang sumakay ng taxi sila manong Bert at Ayla, si Joanne nagjeep na papuntang MRT, si Lei naman nagtaxi na lang kasi wala pang jeep papuntang Makati Ave; hanggang sa naubusan na kami ng bus. More lakad pa kami patungong Ayala MRT station. Nagbublue na ang langit dahil lalabas na ang haring araw. First time ever ko tong inabot ng pamorningan ang aking CKC group ha. Linakad pa namin along Ayala, pumasok sa area sa gilid ng G5 na madilim pa that time. Pawis na pawis kaming nakaakyat sa MRT station. Si DM humiwalay din dahil magbabus na lang daw sya. Kaming apat na lang nila Garah, Fitz at Rona ang survivors. Infernezz kahit pagod kami wagi talaga ang evening na to pramiss! Last meetup namin for 2009, hopefully magkita kita pa sa 2010.
Mga etiketa:
Bliss
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento