Sabado, Disyembre 19, 2009

Lantern Around



Photo by keyjeykey at Flickr.



UP Lantern Parade 09

December 18, 2009


Mula sa paanyaya ni Herson na gumora sa Paskuhan sa UP eh pinagpasyahan namin nila Rai na dumalo nga. So ang set-up kita kita sa may Philcoa ng 3:30 PM. Pero dahil na rin sa maaga kong paggising sa araw araw dahil sa pagsisimba simbahan eh nangailangan ako ng extra sleep at nagulantang na lang ng alas tres ng hapon na ako nagising. Super late na naman. Sabi na eh, masama ang idinudulot ng pagsisimbang gabi choz.

Quarter to four ako nakasakay sa MRT, sumiksik pa talaga ako sa pinto ng pangatlong tren na dumaan. The usual siksikan sa tren, na halos kayakap ko na yung nasa harap ko pero I didn't dare, di ko type eh hahah. Pagbaba ng Quezon Ave, punta naman ako ng sakayan ng jeep. Nasa dulo pa pala ang sakayan ng UP Campus at dahil puno na yung jeep kalahati lang ng pwet ko ang nakasampa. Mali pa talaga yung binabaan ko sa loob ng campus. Sinundan ko kasi yung dulo ng parade, magra-round trip na sana ako nang biglang may kumalabit sakin at si Jackie pala yon. Kasama sya sa parade, sa Babaylan. Nakasuot sya ng red jersey at shorts
na in honor of his basketbolista jowa. Kung nakakapanood ka pa ng back episodes ng NBA circa 70-80s ata, ganun mismo ang outfit nya. Para din syang gym uniform, kinda Taylor Swift-ish with the knee high socks and all. And to complete the ensemble, we top it off with a red bandana. Cute naman sya infernezz. Tinuro nya ako shumortcut kung saang kakahuyan. Napadpad na nga ako sa may Sunken Garden. More lakad pa ako across the campus. Kung san san naliligaw. Pati ang mga tinetext ko di na nagsasagutan kung nasan sila. Nakarating ako sa harap ng Melchor Hall at andun ang pagkarami raming Eng students all in kosa attire, I mean orange pala. Tambling naman sa kabilang side hanggang finally nakarating na rin ako sa likod ng Oble. Kaya naman pala walang nakakareceive ng text kasi blocked sya ng sinet up na signals ng ABS habang nagcocover sila ng event. Nagkita kita kami nila Rai bandang 6:30 na ata.

Mahigit dalawang oras na ang nakalampas nang magsimula ang parada. Lantern Parade daw to pero less lanterns or parol ang nakita ko at more on floats. Ang theme nila "Kapaskuhan, Kalikasan, Kinabukasan." May 5-10 minutes na idadaan ang isang "lantern" sa harap ng stage habang binabasa ng hosts ang background nito. Minsan may production number din na involved. Naabutan ko ang sa CSWCD at ung parol nila isang simple white lang. May angel pa sila in white tapos biglang nagsong number sila, "Ako, Ikaw, Tayo, Pamayanan" masaya yung beat nya. Meron din yung Asian Studies na parang cosplay competition lang. Tapos may pambato din ang Islamic Studies na mejo shocked ako bakit may parol sila, di ko alam nagse-celebrate din pala ng pasko ang Muslim. Ang parol nila may orb at moon, tapos nakapatong sa kumintang. Meron din palang parol na Sarimanok. Sa College of Music nakakatawa lang dahil walang background music ang production nila. Ang parol nila may Ballerina sa ibabaw, panalo sa effort si ateng pero sa parol eh lotlot na yan for sure. Hala dumaan na ang College of Engineering, feeling ko lahat yata ng estudyante sumali na at ginawang alay lakad ito imbes na parada. Meron silang parol daw na mga robot robotan, parang mga puppets sa COD dati. After 40 minutes ata natapos ang walkathon nila. Enter na ang mga Babaylan
, org ng LGBT community. Naka-all red outfit sila, na ayon sa kanila eh mapa-pechay, otoko, beki o lulu, iisa lang ang kulay ng dugo natin at iyon ay pula. Panalo yung kasama nilang ateng kasi ang ganda nya, parang tunay. Di namin talaga sure kung tranny sya o fem lezbo. Pati mga hosts natulala at nainggit sa boobies ni ateng. At last pumasok na ang College of Fine Arts. Meron silang sariling theme na Asian style. Merong Elephant galing Thailand na nagtransform into lotus flower na may dancing-dancingan pang lulurki on top. Merong Chinese Temple na may Qing Long Dragon pa daw na umiistory pa sila kuno ng drama dramahang Chinovela. Merong Buhay na Gubat pero mukha namang low batt yung kasama nya sa parade. Merong Alamat ng Alitaptap float na may giant fez ng fairy daw na kirat. Merong Pandanggo sa Ilaw troupe din. Ang pang finale nila eh ang mag-inang Pacman at Pacmom, buti di sumama si Pacbet. Heniweys, nakakatakot pa rin at mashongetz ever ang fezz ni Pacman kahit sa float. Imagine mo pa na may hawak syang basong may kandila, san ka pa?! Mejo pilipit nga lang yung pagkakagawa nila ng braso. Tapos nasa dulo si Mommy Dionesia. Nakasuot ng ballroom get up ang lantern nya, kaso isa lang ang paa. Lafftrip yung mga hosts pramiss. Biglang may production number pa sila na may mesh ng samples ng voice nyang "Sesaning granyels" at "Ako ang tonay na kampyown."

Natapos din, nag-announce pa sila ng incentive eh as if naman may makukuha kami don, nang inggit lang sila. Innanounce na ang winners sa mga categories. May isang category na 2 lang ang sumali so placers na kagad sila, winner at loser, I mean first at second place pala. May award din para sa carolfest na nagperform ng "Kaysigla ng Gabi." At last winner ng Parol innannounce na rin. College of Home Economics ang nakahakot ng awards ha. Bago matapos yung program, nagvideoke pa sila onscreen ng "Ang Pasko ay Sumapit."

Natapos ang gabi sa Fireworks Display courtesy ng Beta Epsilon yata. Ang sarap panoorin sa open field. Si Lan nga nagka-stiff neck na daw kakatunganga. May ilang mabilis na sparks lang, may ilang mabagal magdissipate habang dahan dahang bumababa. Para syang meteor shower kinda stuff. Imagine Cloverfield. Scary and weird pero may warm feelings ng excitement. Naalala ko tuloy yung conversation ko with Elvin about pyros. Kung walang spark pilitin. Dalhin sa fireworks display. Pero di sya nangangahulugang merong chemistry involved. Minsan lights lang talaga sya. Magandang pagmasdan sa mga sandali.

Habang lahat nakatingala, naisip kong para kaming mga gamu gamong nakapalibot sa mga lampara,
hinahanap ang init, hinahabol ang liwanag. Malamig na ang simoy ng hangin sa field. Ilang araw na lang. Maligayang Pasko sa mga dumalo at sa lahat.

Walang komento:

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips