Martes, Disyembre 8, 2009
Something
Exchange Gift
December, 2009
Malamig na naman ang simoy ng hangin. At alam na natin kung ano ibig sabihin non, nakabukas ang ref. Pasko na. Shett ilang days na lang ba?! Nagka-countdown ang mga tao sa pasko at pati sa pagsisimbang gabi. Uso na naman ang Christmas Parties, yung iba nga last month pa nagparty para di na sumabay sa rush, at least na two-in-one combo nila ang Halloween at Pasko dabah. Bongga siguro ang get up mo kung makakapagdress ka ng Jack Skellington. Sya ang perfect Christmas-Halloween crossover character.
Syempre di mawawala ang exchange gift. Ito ang pinakahetted part ko sa panahong ito, kasi: una di ako marunong mamili ng gift (dahil wala naman ako pambili at wala ako pagbibigyan, friendship lang ang gift ko... and world peace!) at ikalawa di ako marunong mag gift wrap. Well kung pwede naman nakalagay na lang sa yellow celophane why not. Ang di ko makakalimutang gift na natanggap ko sa exchange gift eh noong grade 3 ako, safeguard at bimpo. Azz in parang sinasabi sakin ni classmate na "maligo ka naman minsan please lang." I'm so offended pero smile na lang and walk away. Buti nga hindi kalendaryo at piksur frame.
Syempre di rin mawawala ang variant ng exchange gift na Kriz Kringle, na minisize version at madalas daily edition, basta mas mabilis ang frequency nito. Madalas na category: something soft, something hard, something white, something sweet, at kung anu ano pang something something. Naalala ko nung one time nagpapasuggest si Irene ng something scary daw worth 30php. Nagbrainstorming pa kami ng kung anu anong scary, nasama na pati mga ipis nilang kulay magenta sa bahay. Ang ending wala ako nasuggest. Bumulaga na lang sa kanya ang gift na DVD direct from Carriedo ng "The Mirror." Scary film daw ito pero parang ang pinagduduldulan ni mommy nya eh scary ang fezz ni teh. Nyahahah
Ngayon ang problema ko eh bibili ako ng gift sa nalalapit na Christmas party. As usual di ko alam ang gagawin. Nag-ask na ako directly dun sa nabunot ko ng wishlist nya. Sabi nya nung una, "anything useful at galing sa puso." Wow di ko kineri ang ganyan ha, so profound. In the end nagsuggest sya ng something black. Ayun naman pala eh, nakukuha sa pakiusapan.
Sa exchange gift di mo pwedeng ibypass ang something category, kaya nga nagset ng theme eh. Pero nasa iyo naman yan kung go ka lang maggibsung ng regalo sa isang tao, pwede na sigurong anything basta't bukal ito sa puso and you're expecting nothing in return. Christmas should be all about sharing. Pero uulitin ko ha, exception to the rule ang exchange gift dahil dito required na meron kang ibibigay na kapalit, at kung hindi magagalit si teacher. Nagkakaintindihan ba tayo, Lemuel Ababa ng grade 4 section 1 class of 1993. (May poot?)
Mga etiketa:
Bliss
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento