Sabado, Disyembre 5, 2009

MMXII








2012 Review?!
November, 2009


Nagset-up ang aking group of friends for a movie date supposedly ng New Moon. Since I'm not a fan ng Twilight series eh wala na sana akong plan to go, at yung date pa na parang mandatory part eh nagpapataas ng stress level para sa akin kaya no no no way na talaga ako manonood. Kaso may I invite ako ng isang friend sa group at ito akswali ang initiation nya kaya napilitan na rin akong pumunta para lang isupport si friend. Gusto talaga ng mga tao magwatch ng New Moon sa opening day nya ha! Sayang nga lang di nila tinaon sa new moon ng November which was on the 16th. Ang shunga talaga ng planning nila, winning moment na sana yun ohh. Hooooweeeell.



New Moon?! No, 'Mon!
November 18 6:00 PM


So nung Martes pa lang nagpareserve na ang mga tao ng tickets ng pupunta sa New Moon. Kinse katao ang nabilang na dadalo. Pero kung sino ang bibili ng tickets, walang nagpresenta. At naiutos pa talaga kay Ms Jackie ang pagbili kasi sya ang may pangdown. We're so majiraffe we know. Gabi ng Miyerkules eh tinext ako bigla ni Ezz na gumora sa UST para makipagmeet kay Jackie. Akala ko naman simpleng kain sa canteen lang to pero no, dederecho kami straight to Shang para bumili ng tickets after. So ayun kami sa kahabaan ng Forbes nag-aabang ng taxi going to Arrheneo, nang biglang nagpresenta si manong tryke driver na ihatid kami. Gudlak naman di ba sa polusyon ng Maynila. Baka pagdating namin don eh balot na kami ng alikabok at nanigas na ang hair namin. After 23 taxis pa ata kami nakasakay. Dumirecho na kami sa house ni Jackie then lipat sa ride nya going to Shang.

Sa Shang dumirecho kagad kami sa Cineplex ticketing area. Si Jackie ang pumila at chikka kami ni Ezz sa bandang likod. Biglang dumaan si friend ni Ezz na si Archie. Kilala daw nya yun from church, surprised ako na nagsisimba pala sya. And it turned out na may past sila ni Jackie. Exit stage left kagad siya sa awkward moment. Tinangka pang habulin sya ni Jackie para mag-usap at magkaron ng closure pero huli na ang lahat, pahabol effect si mokong. After non kumain kami sa Tender Bob's. Actually natagalan kami umorder kasi more chikka and emote kami don. Finally we decided to go for Meat and Seafood platter. Ako lang ang kumain ng tahong, ayaw itouch ng dalawa. Well si Jackie kasi allergic sa shrimp, pero nag-uuminarte talaga ang Ezz. Masarap kaya sya kahit na it's so lezbo I know.


Twenty Twelve
November 20 8:00 PM


Dumating na rin ang inaabangang New Moon. Ang screening ay 10:15 PM pero alas ocho na ako dumating. May tatlo pa palang humabol para manood, at dahil wala nang seats para sa kanila, ang nabiling ticket sa kanila eh 2012. Biglang nagkaroon ako ng urge na ang magpapalit ng tix to 2o12. And after a few negotiations, ako, si Dolph friend, at si Jackie ang manonood na ng 2012.

Since hindi naman talaga ako nagrereview ng movies, magbibigay na lang ako ng highlights ng film kay? Basta ang bida dito si John Cusack bilang Jackson. I'm sure na kung napanood to ni Bakex (sister ko) eh Team Jackson na sya kasi crush na crush nya si John. Isa syang manong driver dito kasi floptsina ang kanyang writing career sa book na taytold "Farewell Atlantis" azz in 422 copies lang ang bumenta, at I'm sure karamihan nyan nasa Recto na or sa Booksale. Basta magugunaw na daw ang mundo yun ang story at kelangan nila umabot sa China para makasakay sa Ark. Akswali before nadurog ang California nagcameo pa si Arnold Schwarzenegger, Hasta la vista baby. More on CG etong film na to. Pinakitang gumuho ang ilang famous landmarks like Yellowstone park, Golden Gate Bridge, Saint Peter's Square, Eiffel tower, at Christ the Redeemer. At ang movie pala more on driving galore: sa limousine, sa trailer truck, sa charter plane, sa jumbo jet, at sa Porche. Sayang yung pilot ng jet na si Sasha, he didn't make it, sana si Gordon na alng naiwan sa plane. Team Sasha ako pero slight lang. Pagdating sa China pa nila nameet si Nima, friend ni Dalai Lama. Team Nima forever. Dapat mameet mo sya, inadd nya ako sa facebook pramiss. Choz. Sya ang nagpalusot sa kanila from China papunta sa Ark. Infernezz kahit made in China ang Ark mukhang matibay ha. Nagcameo naman dito si aling Queen Elizabeth II with her two dogs, inantay ko talaga kung magpapakita si Prince Andrew pero no show sya. Tapos continue na naman sa loob ng Ark. Tumaas ang water levels at may diving scenes na. Natapos yung movie sa paglamyerda ng Ark patungong Cape of Good Hope kasi dun na daw ang highest point geographically. At wag ka mag-expect na may dove at may olive leaf tapos production number with rainbow sa background dahil walang ganon. Inexpect ko lang talaga pero walang ganon. At may chumikka pa sa akin na ang ending daw may alien na nagligtas sa Earth, leche naniwala naman ako. Ano to, Close Encounter of the Third Kind?!

Well, yung movie parang pinaghalu halong eksena sa iba ibang movies. Merong Titanic, Deep Impact, Independence Day, Armageddon, The Day after Tomorrow, There's Something about Mary, at Inday Bote. Ewan ko pero kahit bits and pieces lang may ganung feel sa movie eh. Natatawa nga ako dun sa kwento ng friend ni Joross na naiyak daw sa pagwatch, akala ko nga nadamay yung barangay nila sa nasalanta ng 2012 kaya naiyak. Pero nung megawatch na ako nagpipigil ako sa emotional parts ng film. Eh biglang naiyak si Jackie kaya ayun umiyak na rin ako.



~0~



Natutunan ko na para makaligtas ka eh kelangan marunong ka magdrive, magswim,  magChinese, at magpray. Rosaryo na nga lang ang kaligtasan ko pero di ko pa kabisado. At natutunan ko rin na wag kang mawawalan ng pag-asa. Tutulungan ka ng Diyos, Siya ang direktor, ngunit ikaw ang scriptwriter, at ikaw rin ang actor. Kahit di ka nominated eh winner ka pa rin sa sarili mong pelikula. Kahit magunaw pa ang mundo wag mawawalan ng pag-asa at pananalig ha, makakaligtas ka rin dahil masamang damo ka!

Walang komento:

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips