Miyerkules, Disyembre 23, 2009
Glitter
FSR Xmas Party
December 22, 2009
Nakapagset na naman ng event for December ang FSR at iyon ang Christmas Party. Ano pa nga ba ginagawa ng mga tao sa December kundi Xmas magparty here, there and everywhere. At syempre maglalandi na naman ang mga beki. Ang venue na napili eh isang Art gallery sa bandang Pasay. Ang time of arrival eh bandang alas sais ng gabi. Kasabay ko sana si Jomz pero alas ocho pa sya kaya umuna na ako.
Ang way daw eh galing Taft MRT, grab a jeep going to Malibay at dadaan na daw yun sa FB Harrison St. So nagmamadali akong sumakay sa Boni Stn, yung unang tren na southbound eh hinabol ko pa habang humahangos pababa ng hagdan. Shoot na shoot sa pagsasara ng pinto. Pansin ko na lang na may di kaaya ayang vibes akong nadama. Para akong pinaliligiran ng buong cast and crew ng Bahay Kubo, azz in puro kagugulayan ang kasama ko sa tren, mostly pechay yah know. Pero before anything else, icheck mo muna kung may pechay sa bahay kubo dahil alam ko wala. Heniweys, napasakay ako sa Gurls train pala. Ok nga sana at maluwang, pero gusto ko sa masikip, sa mainit, sa putek choz. Pagbaba ng Taft stn, patakbo akong nakipaggitgitan palabas. Mejo mahaba na ang pila ng biglang may-I-singit ang isang mag-anak na di makalabas nung una kasi dala dala ni yaya ang mga cards nila. Kaya nga inimbento ang pila para magkaron ng disiplina, hay mga Pinoy talaga.
Pumapasok pa talaga ako sa Metropoint Mall para lumabas sa harap along Taft, biglang tanong sa mga dispatcher kung san ang biyahe ng Malibay. Sa kabila daw kaya akyat uli ako ng overpass kasabay ng sanlaksa ng tumatawid na tao. Pagbaba sa kabila, sa gilid gilid ng Sogo, tinanong ko ang isang MMDA manong kung san ang sakayan ng Malibay, parang nanghuhula lang syang tinuro ako papasok sa loob. Pagtingin ko sa looban eh Genesis bus na ang byahe papuntang Malanday yata, nabibingi lang siguro si manong MMDA. Labas uli ako at palakad na patungong Baclaran, tinanong ko naman ang isang driver kung dadaan ba sila ng Harrison eh hindi daw. Balik uli sa kanto ng EDSA/Taft at nakita kong may mga jeep din pala don. May dumaan na isang byaheng Malibay, perfect! Sakay kagad ako, at mabuti na lang talaga nagtanong kaagad ako sa driver kung dadaan ng Harrison. Hindi pa rin daw, sa kabila daw ako sumakay. Lintek yan, mali mali ang directions na tinuro sakin ni Macoi. Grrr! So tawid uli ako sa overpass at nastress na naman sa tulakan dito at doon. Pagbaba dun ako sa side ng Edsa nag-abang. May byaheng Libertad-Malibay. Sakay naman ako at tinanong kung dadaan sa Gideon Academy, na di alam ng driver kaya tinanong ko kung dadaan sa Harrison, at for the first sa gabing ito eh isang malaking check pa lang ang natanggap ko. Dumerecho ang jeep along Edsa, tumawid sa Taft, pagdating sa kanto na katapat ng Sogo (may sogo na naman?!) eh Harrison na daw yun, so antabay lang ako sa left side ng kalsada kung may school akong makikita.
Wala pang 10 minutes ayun na nga, tumawid ako at hinanap ang red gate daw (eh mukha namang violet yung color) at tama naman yung number kaya malamang ito na. Pagpasok sa loob, mejo disoriented lang ako na di ko makita ang gallery. May guard sa labas na naghahapunan ng pritong galunggong at para lang siguro di maistorbo eh inginuso ako na sa dulo pa daw yung party na pupuntahan ko. Madilim ang daanan, mga ilaw lang sa katabing mga bahay-bahay ang nagsisilbing liwanag mo. Sa may katabing damuhan biglang may sumulpot na tao, akala ko nga kasama sa party, mukhang cute kahit sa dilim, at sinusundan nya ako papunta sa dulo. Less than 5 minutes na lakad nakita ko na rin yung gallery, nawala na si kuya sa likod ko na parang isang ghost lang na naglaho. Natakot ako bigla... sa missed chance na makilala sya choz.
Yung place ay tinatawag na Avellana Gallery na nasa loob ng isang compound sa Pasay. Actually parang minisubdivision yung compound, yung mga bahay eh parang colonial style na makikita mo na lang madalas sa Vigan ang style (or so I thought.) Two floors yung gallery. Sa may door may mga hanging sculpted glass arts chorva. May isang kwarto na binansagan naming red room dahil sa red colored walls kung saan nasa gitna ang stone structure. Sa second floor may room na may wavy glass designs sa wall na may zodiac symbols. Sa next room may alambre art, or metal rain structure na nakadikit sa wall na may planetary symbols. Narito rin ang room ng souvenir shop na may paintings, pottery at porcelain stuffs. Sa looban pa ang study na supposed off limits na pero sinilip pa rin namin. May veranda sa second floor din na may antique chairs at side table. Muntik ko pa mabasag ata ung vase sa table nung matabig ko. May backdoor papunta sa backyard kung san nakaset up na ang tables at food para sa amin. Imbes na bakuran ng semento o bakal ang perimeter ng backyard mapapansin mo na mga wine bottles ang nakapalibot.
Wala namang napag-usapang dress code unlike sa ibang partyhan pero hiniling lang nila na we should wear something shiny or glittery, yah know bling blings, Lady GaGa costumes, shiny skinny jeans, or magsprinkle ka sa fez at buong katawan mo ng isang dakot na glitters. May pinamimigay na pin na may small ribbon at bells sa door (na mukhang control nila para malaman kung sino ang bayad sa hindi.) May ilang nakaglittered outfit. Si Juna may shiny gold necktie. Si Jackie may shiny silver sneakers. Si Rai may-I-stick-on ng luminous stickers, naubos lahat pati ang mahiwagang Uranus shape. Si kuya Noi maraming tattoo stickers na baon kaya ayun hala pinag-agawan talaga ng mga beki. Walang nagpapaawat. Wala nga akong kaglitter glitter eh. Sabi nga nila, "not all that glitters is gold." Konek?
Additional request pa eh magdala ng pang-exchange gift worth 100 peso pesoses. Sa hirap ng buhay ngayon eh malamang isang happy meal na lang ang mabibili ng isang ube, pero dahil sa nagsulputan ang mga 99-peso shops eh piso na lang ang poproblemahin mo. Akswali meron din pabente bente shops pero nakakahiya naman siguro magregalo ng limang good morning towel di ba? In short, wala akong nabili rin sa takot ko lang na parehas ang madampot kong gift.
Marahil na rin sa matinding gutom eh di na inantay dumating ang mga latecomers. Nagstart up kaagad ng kainan, to be lead my Macoi na ayaw paawat ata. Nasa buffet table ang two types ng pasta na may red sauce at white sauce yata, fiesta ham, boiled potatoes, lumpia, roasted chicken, at mini sandwiches. Dahil we requested for cash bar, kelangan pa pala namin magpaysung bago kami makakuha ng panulak, at take note twice the normal price ang charge nila for every drink. Late na nila nilabas ang complimentary iced tea at service water.
Ang host for the night na si Jomz eh sobrang late na nakarating kasi ba naman naligaw na at umabot pa hanggang OWWA yata kakalakad. Syempre pag may party kelangan may game, at unfortunately ang first game for the night ay Human Portrait. Hinati hati ang mga tao sa four groups. Kelangan pa daw maggawa ng name at cheer sa bawat group, at may pahabol pang pagkukuweystiyown and answer portion. Group ko na ata ang least imaginative at cooperative. Tinagurian kaming Jem'z Angels, at ang cheer supposedly eh to the tune of Charlie's Angels series. Sa group nila Popoi eh tinawag na the Wonderboys, kasi may import silang Korean beki. Sa group nila Biber eh ayaw pa muna magpakilala ng name pero nung magstart na sila ng aaaaaaaaaaaahhh... Cheer! Yun na mismo ang name nila, Cheer! Yung last group eh ang PTA Group kasi andun si Elder Jun at si Junang umaawtfit ng coat and tie. May followup question si Jackie sa kanila: what is the square root of 655? Ayyy ako naman nakikisagot sa background... 25 point something. Hala sawayin daw ba ako ni Jackie na di daw kami ang tinatanong. (Kakacheck ko lang sa calcu at ang sagot ay 25.59 oh ha!)
Ang first eksena na pina-act out eh mental hospital. Hala ang grupo namin nakatayo lang at nagtitigan kung ano ang gagawin, nagkakahiyaang jumoin sa lecheng game na to. Second eksena eh sa zoo, gusto sana ni Abbu eh animal kami kaso mejo malaswang tingnan ung portrait namin kaya resume kami sa tunganga position. Sa third scene eh Miss Earth daw, hala pare pareho iba ibang stages lang ng coronation ang eksena. Sa fourth scene eh Intrams. Nakuha namin ang point dito dahil may pagbubuhat sakin na cheerleader kuno ang drama. Nagtie na lahat ng teams. At ang tiebreaker na eksena eh Starry Starry Night. Entra pa si Jomz na akala nya yung song ni Don Mclean ang tinutukoy. Ang team Wonderboys may pag-aacting ng mga guests na nagviview ng painting, kaso lang yung iba nakaupo at nakasalampak sa sahig. Ang team Cheer gumawa ng picture frame. Team namin eh nakatunganga ulit, na napagkamalan ni Jackie na umaacting kaming nagviview ng painting. Panalo ang PTA team na naka-allblack at yung mga palad nila ang mga stars kuno.
Next set ng games eh Pinoy Henyo. Unang isinalang si Hart at Mhel sa word na Fuchsia. Mahirap na nga makarating sa category nyan, mahirap pa iispeyl ng tama. Sumunod si Jun at Robert sa word na Shadow. Naligaw sila dahil napunta sa body parts ang questions. Sumunod naman sila Rai at AJ sa word na Coke Light. Ten seconds bago magbuzzer eh saka pa lang napunta ang mga questions sa drinks.
"Coke?"
PWEDE!
"San Mig Light?"
PWEDE!
Buzzer. Sana pinaghalo na lang nya di ba. SanMig Sakto? CHOSERA! Ang last group eh sila Jackie at Jon sa word na iPhone. Madaling nahulaan kasi ba naman yun mismo ang phone ni Jackie at ginamit pa naming timer.
Ang last game ng gabi eh ang walang kamatayang Charades. Hinati sa two groups lang, ang category eh Movies, at sa kamalas malasan ba naman eh dalawang film buffs ang nasa kalaban naming team. Kanya kanyang strategy sa paggamit ng key actions, for names, places, paggamit ng "sounds like", at short words like "the", "of", or "in." Panalo ang pag-act out ni Robert ng "dino" at ginawa pang choreo ni Jomz ala-Lady GaGa. Syempre lost ang team namin. May pagpipiksur taking pa ng mga wagi kasama ng kanilang prize na grocery showcase, at kaming luhaan na may pagka-Gleek pa with the "loser" finger sa forehead.
Ang last part ng program eh ang exchange gift. Supposedly di ako kasama kasi wala akong dalang gift, pero inoffer ni Jackie yung extra gifts nyang dala para saming walang gift para lang makajoin lahat. Lahat ng gifts numbered. May mga porcelain balls na may nakaattach na rolled paper with number, yung number non ang kukunin mo gift duh! Pag yung gift mo ang nabunot, ikaw ang next na bubunot. Rinse and repeat until sa last gift. Ang last na bumunot eh si Hart, at sa kanya binigay ang privilege na mang-agaw ng gift, akswali makikipag-exchange sya sa nabunot nyang gift para sa gusto nyang gift. Hawak nya yung gift ni Popoi (na akswali di naibalot kaya nakatago lang sa loob ng bag), at namataan nya ang hawak na gift ni Ian na wrapped sa buri. Parang episode ng Bag o Bayong. Ang laman ng bayong... set ng hankies ata, at ang laman ng bag... dalawang stuffed tiger toys.
As a parting gift, ibinigay na samin yung mga porcelain balls as reminder of this evening. Si Jun din nagbigay ng mga bags na may lamang calendar, pens, at may small note with a wonderful poem titled "It's gonna be okay." Dahil di kasya sa bag yung ball eh tinago ko na lang sa pocket ko. Si Macoi linaro pa ng nilaro yung ball nya. Hagis, salo, hagis, salo... hanggang plak! Basag. Ang mga bagay na babasagin ay dapat ingatan at di paglaruan. Binigyan na lang sya ng ibang ball bilang kapalit. Sayang nga at maganda pa naman yung design sa kanya kasi parang wavy ala water element, katulad nung nasa akin kaso color bronze ung print ng sakin at di gray slash silver.
Bago nag-uwian eh nagbreakfast pa kami sa may Jollibee Jupiter. Mahaba habang pagtambling ito from Pasay na nangailangan ng pagtataxi. Nadaanan namin akswali yung Pasay City Hall na mukhang assorted marshmallows with all the blues, yellows, and oranges. Pagpasok sa Jabee eh nag-assemble na kami ng mga tables. Yung iba umorder na sa counter. Habang inaayos ni Rai yung ilang chairs, biglang gumulong sa labas ng bag ang isang porcelain ball. Basag. Sigaw ng mga nanood lang. Biglang gulong ng isa pang pall. Basag. Sigaw uli ng mga nanood lang. Nabasagan na naman ng ball si Macoi. Binigay na lang ni Jackie yung ball nya. All in all, dalawa ang nabasag ni Macoi. Itinago mo na nga't lahat nabasag pa rin. May mga bagay na kahit panghawakan mo ng buong pag-iingat ay lalo pang nalalagay sa kapahamakan. Baka hindi sila talaga meant para sayo.
Winner talaga ang gabing ito na puno ng tawanan, landian, excitement, food, at glitters. Gold sya kung gold. Sabi nga ng kuyang Spandau Ballet, "always believe in your soul 'cause you got the power to know you're indestructible." Konek?
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento