Biyernes, Disyembre 11, 2009

Values



Photo by trini_naenae at Flickr.



Lessons from Yesteryears

December, 2009


Naabutan nyo ba yung subject na CBA? It stands for Character Building Activities. Yan yung subject na pangkabutihang asal nung grade one kami. May pray pray pang nalalaman si teacher at uma-Alive Alive pa sya paminsan minsan. Pagtapak ng grade two biglang napalitan sya sa curriculum at simula noon ay tinawag na syang GMRC, o Good Manners and Right Conduct. Araw araw may pinapasulat sa blackboard sa class secretary at kokopyahin naman namin. Syempre nakakaawa naman kay Sec pero kasalanan nya yan eh, pinangalandakan nyang maganda ang handwriting nya kaya magdusa syang magsulat sa pisara at notebook sa araw araw na ginawa ng Diyos. Ang nakakatawa lang eh may quizzes at exams talaga tong subject na to. Isa to sa pinakamadaling ipasang test, akswali more than 95% siguro ang makakakuha ng mataas na marka dito, yung natitirang 5% talagang pinanganak na kampon ng demonyo. Basta't alam mo lang magbait baitan school of acting eh sure na sure na papasa ka dito kahit di naman iyon ang ginagawa mo sa tunay na buhay. Alam mo naman pala ang tama bakit di mo pa ginagawa?

Dahil nasasakop ang aming mababang paaralan ng malapit na simbahan, pinapadalhan nila kami ng mga Katekista upang magturo samin about Papa Jesus. Nung grade one si Ate Chat, mataba sya pero lively. Nung grade two si Ate Lolit, masungit at mukhang tatandang dalaga (kung di pa sya hanggang ngayon ha.) At nung grade three si Ate Rose. Loves na loves namin si Ate Rose. After nya magturo, laging meron syang ministories; minsan horror, minsan comedy, minsan musical. Palakanta rin si Ate Rose at minsan jumajazz danz sya, nilagyan nya ng interpretative dance yung mga songs sa Church. Tapos bigla na lang syang nagpapaalam na di na daw nya maipagpapatuloy ang pagtuturo sa amin. Pinagtugtugan pa nya kami ng "Hindi kita Malilimutan" sa casette tape at biglang umagos ang luha sa room namin. Hindi ko pa sya nalilimutan hanggang ngayon.
Mayroon syang sinunod na ibang panawagan, ang tawag ng laman. Choz. Tawag ng pag-ibig. Happy naman kami ang jumojowa pa sya, di naman sya madre eh. Nagkaroon kami ng replacement katekista. Nung grade four si Ate Nieves na masungit. After noon, di ko na masyadong natandaan ang ibang katekista. Natraumatize na ba ako sa paglisan ng naging close sa puso ko o sa pagdating ng terrorista?

Paggradweyt doon eh sa highschool na ang next tambling mo. Di tulad ng ibang highschool eh di kami nagkaroon ng subject na Values Education, at ito na marahil ang dahilan kung bakit wala akong kavalue value, well meron naman slight nga lang. At bilang kapalit nito ay nagkakaroon kami ng weekly Homeroom meeting sa aming Adviser. Dito nagkakaroon ng discussion ng mga attitude problems, encouragement sa mga honor students, extracurricular activities, at sanction sa mga pasaway. Di ko malilimutan si Mrs. Whatshername, nagbirthday sya at pinaghanda talaga namin complete with cakes and balloons. Nagsong number pa nga yung love team sa class namin na sina Maureen at Bjorn ng "One Sweet Day" na at that moment akala namin love song. Leche. Tapos megasing na rin si Ma'am ng favorite song nyang "Refrain." Showdown ito, ayaw paawat ni Ma'am.

Ngunit bago pa namin naging adviser si Ma'am, nagdaan kami sa kamay ni Mr. Pechardo, ang adviser ng first year. Isa syang masungit at perpeksyonistang teacher. Dahil first year pa lang kami noon, di maiiwasan ang pagiging maingay at pasaway. Maingay dahil kakahakbang pa lang ninyo mula elementary at di pa nawawala ang pagiging makulit at pilyo. Pasaway dahil feeling nyo nakakataas na kayo mula ng maging highschool kayo. Ayun na nga at nareport report na kami na worst section sa first year. At dumating ang homeroom meeting bandang November. Galit na galit si Mr. Pechardo.

"Boolshett! Di ko kayo minumura! Yung pader ang minumura ko para tumigas!"

Ramdam mo ang poot sa tono nya. Nagpatuloy sya sa mga litanya nya. Wag na lang daw kami magsabit ng decoration para sa Pasko. Ang gawin namin daw punuin ng kulay itim ang classroom, at magsabit ng mga bungo. Azz in Tim Burton mode si Ser. Di daw bagay samin ang makulay.

"Boolshett!"... another one. "Ang dapat nyong gawin, pumasok kayo sa loob ng basurahan. Doon, tanggalin nyo lahat ng dumi sa katawan ninyo para paglabas nyo malinis na kayo."

Hindi ko alam kung tatawa ako sa sinabi nyang yon. Hindi ko alam kung may seseryoso din nyan, magfeeling pangscavenger o magbobote why not. Pero kung hihimayin mo yung sinabi nya, may maaaninag kang katotohanan somewhere there I'm sure of it. Wala kami sa loob ng silid ng panahon iyon, nasa loob kami ng basura. At ito ang cleansing na ginawa nya samin. Sa hinaba haba ng lecture, di na nakapagturo yung next subject sa amin. Wala ring umiyak sa amin, kahit alam namin na verbally abused na kami, di namin magawa kasi alam din naming may mali kami doon. Hindi nabutas ang pader sa mura, bagkus tumibay nga ito gaya ng sabi nya. Isang beses lang namin ginawa ang murahan session na yon thank God. Lumabas kaming animo mabubuting tupa, at mula ng araw na yon di na nareklamo ang section namin. Tinuruan nya kaming maging responsable. Kung di sa araw na yon, kailan pa?

Maraming salamat na lang sa mga naging teacher namin ng values, kahit wala akong ganung subject talaga, at mejo matino ang aking kautakan. Naputol ang sungay bago pa umusbong ng bongga. Good cop o bad cop man ang drama nila may matutunan ka rin.


P.S. Please Save!!!

Walang komento:

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips