Miyerkules, Marso 26, 2008

Papi Chulo Pilot


Da Vinci Chorva
March 11, 2008
Photo from Henmeck at Flickr

Ano na namang bagong pauso to ha?! Nung isang araw nabalitaan ko ang dalawang chikkador ng subdivision eh napalayas sa club ng bayan. Nakaaway daw ang basag-ulerong si Derek, ang warfreak sa subdivision, tomador ng kanto, at ipinaglihi daw sa siling labuyo. Heniweys, etong dalawang prenship ko na sina Pierre at Chester eh malapit naman talaga sakin, close close-an kami. Si Chester ang taong tahimik na inlababo dun kay Jack at may pagkatigasin... ang ulo, stubborn daw, oh sya. Si Pierre naman ung isa, in-na-in sa latest fashion, prangka at gimikera.

So ayun, mega stay sila sa penthouse ni Pierre. Shala?! Papi Chulo daw ang rename ng hangout nila. Ako eh hindi naman talaga invited, manghihiram lang ako ng cds ni Pierre eh ayun nacurious ako sa tsismisan at nag eavesdrop. Nakakahiya kasi kita naman pala nila ako kaya special invitation ako sa private club.


Pierre: Welcome to Papi Chulo

Chester
: Bakit nga ba Papi Chulo?

Jeremy: Oo nga, san mo naman napulot yan Pierre?

Pierre
: Bakla ako eh, wag na kayo makialam.

Chester: Ang taray lang ha!



~0~




Di ko kinaya, kelangan mairesearch ito, dahil di namin kayo tatantanannnnn! At ayon sa urbandictionary na di kalevel ni merriam at webster or kahit wikipedia, eto daw ang definition ng papi chulo: Spanish for an attractive man, or a Handsome daddy. yan na ang pinakaOK na definition dun kasi ba naman ung ibang entries eh may nalalaman pang Puerto Rican, Dominican, Samoan at pati Eiffel Tower na namedrop pa. Nakulangan ako, pinatranslate ko nga ung term from spanish to english: insolent papi. Ano daw? Nagdudugo na ang utak ko, mabisita nga si merriam, hmmm... *type* insolent *click* ayun naman pala, proud papa. *penge tissue*

Well para sa first session ng Papi Chulo, ang first order of business ay ang pagseset ng Da Vinci Chorva. Ano daw?! Well, lahat ng tao eh matanong, ano na ang bagong balita tungkol kanino, tungkol san at kung anu ano pa. Hindi naman sa pagiging chismoso pero gusto lang natin alam natin ang latest. Eh pano kung kaharap mo lang ung gusto nyo pag-usapan? Ano ang dapat gawin? Magsign language! yan nga. Eh kung tulad mo ako na alphabet lang alam, malamang sa malamang alam din ng kaharap mo ung alphabet lang. Ano pa other choice, morse code? Hindi rin kasi maingay at mahirap tandaan, para pa kayong butiki.

The only chance na makalusot kayo eh kelangan gamitan ng codenames. Hindi na kelangan ng special posing sabay sigaw ng: Codename Shaider! Wala naman si Fuuma Ley-ar eh. Hindi mo na kelangan gumawa ng codex at ipatago pa sa Swiss Bank ang codenames nyo. Mag ala-Nanette Imbentor kayo at gumawa lang kayo kahit anong maikokonek, pero kelangan eh kayo lang sa circle ang nakakaalam kung sino ang sino. Syempre added effect at laugh trip na lang kung alam nyo ang etymology ng mga codenames nyo.

For example meron kayong classmate na sobrang ingay sa classroom, lagi na lang nasa noisy at standing at cleaner na lang sa araw-araw na ginawa ng Diyos. Pwede mo sya tawaging Irma, as in Irma Daldal from the Batibot days. (Cynthia? walang childhood) Kunwari naman eh meron kang kaaway na security guard sa gate ng school na mukhang kabayo dahil sa haba ng nguso. Pwede mo syang tawaging Roderick o kaya Petra o kaya Diego. Basta be creative, mean, o funny. Bahala kayo jan. Kayo lang naman ang magkakaintindihan di ba.

Isa pa, pag nag may I use in a sentence ka na ng mga codename, make sure yung chikka eh imodify mo rin para magswak sa kwento. Eto sample ng tsismisan namin.



~0~



Pierre: Nakita mo ba sila Regine at Jaya dun sa Malate?

Chester: Ayy oo nga, merong Hand in My Pocket Tour yata sila!

Jeremy: Ows talaga? Nagpautograph kayo kay Regine? Kay Jaya kahit wag na, dont care. Eh teka si Alanis Morissette kumanta nun eh. Meron ba sila version nun?! Mahanap nga sa Limewire. Maganda ba? Narinig ko lang yung isang song, ano ba yun....

Chester: Wag ka na kasi makisingit, wala ka dun. Heniweys, di ba si Regine may Ogie na?

Pierre: Oo nga, pero wag ka! Eto ang sabi ni Regine sa akin, wala daw makakapigil sa kanya na makipagflirt sa iba!

Jeremy: Talaga nga naman malandi si Regine eh nakisingit lang sya, una kay Gelli, tapos kay Michelle.

Pierre: Isa pang entra mo jan masasaktan ka na. Mali ka na naman. Lose a turn. Kamay na sa dibdib!

Chester: At eto pa, tinawagan daw nung agent ni Regine ung agent ni Jaya para mapag usapan yung duet nila at napapayag kagad si Jaya kasi hindi mabenta yung album nya.

Jeremy: Weh hindi naman talaga eh. Anong aasahan mo dun? Panget ng voice nya, hindi kaya magfalsetto. Ano lang ba napauso nyang kanta? L-O-S-E-R!!!

Pierre: Pasalamat ka walang bouncer dito, bet mo ma-boogie wonderland? Next time bawal ka na sa Papi Chulo!

Jeremy: Meron ako free passes oh.

Pierre: Natuloy ba ang contract signing nila Jaya at Regine?

Chester: Oo yata. Kaya ayun, magkasama pa sila sa SOP. Pinakilala na si Jaya sa subdivision.

Jeremy: Eh matagal na kaya sila sa host sa SOP?! Hindi ba lilipat si Regine sa dos? Anong subdivision yan?

Pierre: Wichelles naman nito magetlak ang kuda ditrax!

Chester: Oo nga, wala syang copy ng Da Vinci Chorva!

Jeremy: Ayy gusto ko yan, pero mas maganda yung Angels and Demons. Sa tingin nyo?

Pierre: Che! Alis! Layas!!!

Jeremy: Bitter Ocampo?!



~0~



Nagets nyo ba? Cguro hindi. Ibang levelling na yan pag nagets mo pa yan. May telepathy ka na, na kalevel ng "I see dead people." Oh di ba ang saya kapag nakakapagchikkahan na kayo lang ang nagkakaintindihan ng intended audience mo, parang mutual understanding lang. Kahit harapan, wala kayo pakialam. At before anything else, hindi ko pinopromote ang tsismisan. Pangkatuwaan lang to, di lang pampamilya, pang isports pa! Good luck and have fun!






Walang komento:

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips