Linggo, Marso 30, 2008

Jellyace


JellyAce
March 30, 2008



Nanonood ako ng dvd nung linggo ng Enchanted, courtesy of ate Christina ng Starmall board of pirates. Smile naman jan ate Tina, this is your time to shine, pinopromote ko ang tindahan mo. Kuya Edu, wag mo po sya hulihin, kawawa naman ang pamilya ng jowaerz ni ate Tina. Pagsayawin mo na lang ng Papaya. At dahil sa fevorit ko ang songs sa movie eh kinarir ko ng panoorin ng paulit ulit hanggang sa puro gasgas na at parang ginamit nang pambunot ng sahig ang dvd. Si Maricel naman eh busy nagtetext sa boylet nya. Nasa kalagitnaan ako ng Happy Working Song ng humirit si Cel, meron daw kwento. Kelangan ng advice.


Jeremy: Nako ha, it better be good, di ko pa kabisado yung last stanza.

Maricel: You know naman na may boylet ako right?

Jeremy: Alam na ng baranggay, baka hanggang kabilang sitio pa nga eh. Ano naman ngayon?

Maricel:
Ganito kasi yun, di kasi talaga kami.

Jeremy: Hala, sinasabi ko na nga eh. Fling fling mo ate ha.

Maricel:
Classmate ko yun nung highschool tas super crush ko siya. Tapos ayun pero di rin naging kami noon. Niligawan niya ako pero isang araw kumusta sagutin ko siya diba.

Jeremy: Nung highschool din ba to?

Maricel:
Tange ngayon toh. Tapos ayun last year lang same day I found out ung ex ko si Don is getting married. Bigla siya nagmessage sa akin sa Friendster. Tapos online ako nun at online din siya. Tas ayun kwentuhan after almost seven years yun. Eh wala talagang communication before. Kahit magkabanggaan sa daan, wala!

Jeremy: Baka akala mo lang wala, pero meron, meron, meron! Natuloy ang kasal?!

Maricel:
Ni Don? Oo di nman si Don ang boylet ko ngayon ano ba!

Jeremy: Aba malay ko ba, parang andami mo kasi. Ako'y nlilito pa.

Maricel:
Ang nagmessage sa akin sa Friendster si Will yung boylet ko ngayon. Siya yung seven years ko di nakita at siya yung highschool classmate ko.

Jeremy: Si Will?

Maricel:
Tapos ayun all of a sudden since sabi niya nga wala siya gf we talked about having sex pag uwi nya.

Jeremy: Walang preno.

Maricel:
Wala talaga. Tapos ayun nung umuwi sya, naggerger kami as in pagdating na pagdating nya.

Jeremy: Talbog sa pasalubong!

Maricel:
Sobra! Di ko kasi gusto si Will kasi nalaman ko na may gf pala so yun parang ang lungkot. Tas yun nung naggerger kami ni Will tinatanong niya bakit daw ako pumayag. Sabi ko wala lang napagusapan na kase eh.

Jeremy: Ayy hindi nagbabackout sa mga promises! Maganda yan!

Maricel:
The point is pinilipilit niya ko umamin na gusto ko sya pero ayokong umamin. hahaha

Jeremy: Eh bakit nga ba? Dahil napagusapan na? hmm...

Maricel:
Kasi nga gusto ko siya ayoko lang malaman niya gets mo.

Jeremy: Si Don o si Will? Nalilito na ako.

Maricel:
Ano beh si Will ang kinukwento ko. Si Don alikabok na sa akin ngayon yun.

Jeremy: Baka malay mo mapakanta ka, "another one bites the dust."

Maricel:
hahaha

Jeremy: Eh pano yung gf nya?

Maricel:
Actually before sya umuwi inamin niya rin na may gf siya pero she's going to Canada sa December eh. Unplanned naman yung uwi nya nung December so nung dumating sya, akala ko wala na yung girl. Tas yun pala nandun pa!

Jeremy: Ayyy. tsk tsk. Dapat pinalayas na yung girl. heheh

Maricel:
Oo nga eh. Tas yun ngayong May naman daw aalis. Ewan ko nga eh. Nagtetext pa rin kami. Niyayaya pa rin niya ko maggerger pero di ako sumasagot. Gusto ko pero may gf eh.

Jeremy: Hmm... may feelings na ba dito? Akala ko si Don ang gusto mo?

Maricel:
Si Don dati ko yun, di na ngayon. May feelings naman kasi di ko naman yun gegergerin kung wala eh.

Jeremy: Sabagay. Akala ko pa naman pokpok ka ateng na go lang ng go.

Maricel:
Tas yun na nga yesterday magkatext kami ni Will. Actually araw-araw ah.

Jeremy: Do you really like him? Love na ba to o lust lang to?

Maricel:
Yeah. Love yun.

Jeremy: Awww. So 100% sya para sayo pero ikaw 50% lang sa kanya? Is that it?

Maricel:
Hello di ko nga lam kung may gusto yun sakin eh. Tas eto nga mgkatext kami yesterday nga. Basta may topic lang tas dun sa text ko sabi ko pag nagpropose sakin si Tatum papakasalan ko na siya as in now na. Kilala mo ba si Tatum?

Jeremy: Tatum? huuuwhaaaat?

Maricel:
Oo yung bida sa Step Up, ung una huh. Tatum Channing. Eh malay ko naman na di pla niya kilala.

Jeremy: Movie ba to?

Maricel:
Oo.

Jeremy: Ako rin di ko kilala. hahah

Maricel:
Tas yun ang reply niya sakin, "sino yun?"

Jeremy: Ako rin irereply ko yan.

Maricel:
Tas yun sabi ko bf ko yun. Tas sabi niya, "duh." Yung nagduh siya akala ko gets na niya na artista pero di ako syempre pahalata tas tinanong ko anong duh. Tas sabi niya, "may bf ka na pla." Sabi ko nasa States naman yun. Sabi niya puntahan ko daw. At ilang years na daw ba kami?

Jeremy: Ayyy wala kasi google sa celfon ate kaya hindi nya malalaman kagad yun.

Maricel:
Malay ko naman! Well di naman yun ang point eh.

Jeremy: Ayyy selos!

Maricel:
Yes. yun nga di ko alam kung nagseselos ba siya o nagtatanong lang. Tas after Tatum naging topic namin si Don. Parang bitter yung drama ko pero ndi naman talaga. I just don't like Don's wife. Tas sabi sken ni Will, "o tigilan mo na pagiging bitter." Tas sabi ko di ako bitter I'm over Don and I'm in love with someone else. Tas reply niya sakin, "and who is that?"

Jeremy: Huminga ka naman.

Maricel:
Sabi ko basta! Tas ayun pinipilit niya ako. Tas nung sabi kong ayaw ko eh di wag daw. Tas maya maya na naman nagtxt sabi niya, "para naman kasing mamamatay ako pag sinabi mo eh..." Natawa ako sa reaction niya kasi bakit naman siya mamamatay diba?

Jeremy: Hanohbah?! Baka sarcastic lang. Ganyan kaya ako minsan.

Maricel: Tas ayun tinanong niya kung nasan daw ba yun. Sabi ko nasa Pasig. Tas ayun sabi niya, "sabihin mo na kasi, baka matulungan kita." Tas ayun sabi ko itago na lang natin siya sa pangalang Tae. hahaha

Jeremy: hahah. Eeeewww

Maricel:
Sabi ko di kasi ko gusto ni Tae kaya wala lang di ko kailangan ng tulong kasi di ko naman siya liligawan. Tas sabi niya sakin, "eh parang baliw ka lang pala..." hahaha

Jeremy: Hanohbah!

Maricel:
Tas ayun nagseselos na siya kay Tae ngayon kasi di ba may stiff neck ako kahapon. Tas sabi niya, "tawagan mo si Tae para gumaling ka." Dati pag may sakit ako siya nagcocomfort sakin.

Jeremy: Sabihin mo sa kanya kaya! Mamamatay sa selos yan. hahah

Maricel:
Natatakot kasi ako na mareject

Jeremy: Naggerger na kayo eh. Hanohbah. heheh

Maricel:
Pero iba pa rin yun.

Jeremy: Malay mo naman. Nagseselos sya that means something.

Maricel:
Natatakot talaga ko kasi mahal ko na siya. Pag nagselos ba gusto ka na rin?

Jeremy: I think so. Kasi kung hindi ka gusto ng tao, kahit mgparinig ka ng iba parang wala lang sa kanya yun.

Maricel:
Ganun? Pero nag-iba siya talaga after I told him about Tae. Lagi yun biglang natutulog tas di na siya nagpapaalam na tutulog na siya. Tas kagabi nagpaalam tas may mwah pa last ko nareceive. Ang text niyang may mwah eh sa pinas pa ako nun.

Jeremy: Pampam na si Will. hahah

Maricel:
Oo nga bwiset yun eh ginugulo utak ko. Tas nagpapabili sakin iPod Touch yun pero gusto talaga niya iphone, yun nga lang super mahal na daw nun. Sabi ko sa kanya si Tae ibibili ko ng iphone...

Jeremy: hahah. Hala. Lalong mag-iisip yan.

Maricel:
Yung nga eh Tas sabu niya sakin, "sige iprioritize mo si Tae." hahaha

Jeremy: Nakakabaliw kayo ha! Gelli kaw ba yan?

Maricel: Bakit Gelli?

Jeremy: As in selos. Jealous, jelling-jelling, gellatin, jellyace. Hanohbah!

Maricel: Hindi ko alam un. Tas yun di ko alam kung nagseselos siya kasi yung attention na binibigay ko sa kanya mapupunta sa iba or dahil gusto niya na ako so nalilito ko. Anong gagawin ko?

Jeremy: Sa tingin ko dahil nagseselos na sya kay Tae, malamang may feelings na sya sayo. Hindi ko lang alam kung same ba to nung kay Gelayfren or ibang level. Pero pwede rin kaya ka nya inaantay eh dahil nag-aanticipate sya ng gift mo.

Maricel:
Yun rin naisip ko.

Jeremy: Ok entra ate Claudine: "mahal mo ba ako dahil kailangan mo ako, o kailangan mo ako dahil mahal mo ako?" Ayan sa wakas, magagamit na ang linyang yan. Ang tagal ng stuck up nyan sa utak ko ha.

Maricel:
hahaha pansin ko nga. Nagamit mo na kaya sakin yan once.

Jeremy: Hanohbah! Ngayon baka pwede i-repeat telecast. Well, nakakatakot nga lang baka you won't like his response.

Maricel:
Yun lang. Pero di nman pwede na ganito na lang yan forever. Kapaan kami sa dilim diba di ko lam kung ano ba talaga. Siguro in time I'll be ready na rin sa response niya.

Jeremy: Do you really love him? Are you ok na meron kang kahati?

Maricel:
Kay Will, I love him na talaga pro ayoko ng may kahati. Kay Don, I loved him pero pumayag ako na number two lang ako. Yun nga mahirap maging number two kasi super kailangan tanggapin mo lahat! Hello ayoko na ng ganun!

Jeremy: Gusto mo ba itest kung sino ang matimbang? Are you willing to face the consequences? Kelangan papiliin mo sya. Ang swerte naman ni mokong kung makakadalawa sya. Anjan lagi si Gelayfren. Tapos pag anjan ka na, kaw muna, may kasama pang gift.

Maricel:
At pano ko naman sasabihin sa kanya na mamili siya sa amin aber?

Jeremy: Hindi ko rin alam. hayz

Maricel:
Actually my plan is to give him na the iphone tas not to talk to him na. Wala lang! hahaha. Kasi alam niya bibigyan ko si Tae ng iphone so syempre pag binigyan ko siya ng iphone magegets na niya yun. Tapos nun, kanya lang din.

Jeremy: Ahhh, pwede rin. Baka marealize nya sya rin pala yun after all.

Maricel:
Minsan nga tatangatanga lang siya. Tawag ko kaya sa kanya Tae.

Jeremy: hahah. Baka he's not paying attention sa mga sinasabi mo. Hewan.

Maricel:
Parang pelikula lang ang buhay ko! Pakshett!

Jeremy: Oo nga. Teka may friend ako nagtatrabaho sa Dos. Papadala ko sa Maalaala mo Kaya yang kwento mo. Baka si ate Charo ang makakasagot noh.



~0~



Ang hirap magbigay ng advice kung ang sarili mong love life eh hindi mo rin maintindihan. Kung nasagot ko lang ung sarili kong questions, I could have provided a better advice. Mapapakanta na lang ako ng fevorite song ko sa Enchanted:

How does she know that you love her? How do you show her you love her? How does she know that you really, really, truely love her?

Ang love parang gellatin, sweet, soft, colorful, and cute in small doses. If you keep it out of the cold, mapapanis yan at magiging maasim. If you keep it too long in the ref, it becomes hard and bland. Pag dinamihan mo ang kain, mabubulunan ka. Pag tinipid mo, you'll keep craving for it.

Walang komento:

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips