January 30, 2008 Bliss
Minisize me
Nung grade 1 ako ang turo ni titser sa akin ang pag drowing daw ng bahay eh gagawa ka muna ng square. Tapos lagyan mo ng tatsulok sa ibabaw, yan ang bubong. Ngayon lagyan mo ng dalawang tukod o paa, yan ang poste. Pwede mo lagyan ng square dun sa tukod, parang sapatos lang. Syempre dahil walang labasan, lagyan mo ng pinto, isang rectangle sa gitna. Dagdagan mo pa ng hagdan para naman makaakyat ang mga bisita. Kulang ng bintana, lagyan mo ng isa sa kaliwa. Kung may budget ka pa, isa pa sa kanan. Para symmetric diba?! Para makumpleto ang drawing, maglagay ka ng puno sa kaliwa ng bahay mo. Lagyan mo na rin ng palayan sa kanan. Tapos mga bundok sa likod at ulap sa langit. Lagyan mo pa ng araw na nakangiti. Parehas ba tayo ng drawing? Malamang sa malamang eh sing adik ng titser ko ang titser mo. Kung meron lang magpafile ng plagiarism o intellectual property rights eh ewan ko lang kung ilang libong titser ng grade 1 ang nagbunuan at sikuhan na sa Supreme Court.
Well sa panahon ngayon eh hindi kelangan parehas tayo ng drawing ng bahay. Pwede ka na magdesign ng sarili mo. Kahit hindi ka architect, engineer o interior decorator Im sure kayang kaya mo to. Ang tinutukoy ko ay ang Minilife, isang site kung saan pde ka na magdesign ng dream house mo.
Kung nalaro mo na ang games na The Sims, parang ganun lang eto. Pero limited lang sa pagdedesign ng houses ang minilife. Hindi katulad ng Sims2 na entirely 3D ang environment, ang minilife eh isometric view lang ala-Sims1 na 4 views lang ang nakikita.
Other things you can do with minilife is design your minime, eto yung mini version mo pero since walang interaction na pwede gawin ang minimes other than walk around, ang use lang nila eh decoration.
Pwede ka rin magupload ng items para maibenta sa marketplace ng minilife. Pwede rin mga floorings and wallpapers for additional designs.
Another aspect ng game eh ang pag-iipon ng friends. Parang popularity contest lang. Large number of friends boosts your income for a day. Yung iba naman eh ginagawang kariran ang game. Dito naghahanap ng hookups. Nagsesend pa ng mga gifts at pampam messages. Goodluck sa inyo!
Merong iba naman na sumasali sa mga guilds o groups ng minilife. Parang status symbol to na adik ka na sa game at lagi kang online para makapagdesign ng mga lots mo. Ouch! Tinamaan ata ako, pero slight lang. Slight lang talaga!
I'm just inviting anyone to try this. Malay mo may career ka pala sa architecture, engineering or interior decoration.
Just try it and if you don't like it, we'll give your money back. We'll even throw a Good Morning Towel absolutely free. But wait, sign in within the next hour and you get another good morning towel for free. So what are you waiting for?! Click on the link and try it now.
Its your time to shine. Maybe you can build your dreamhouse there. But how can it be perfect when there is no one to share it? Cheers to you!

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento