Miyerkules, Marso 19, 2008

Coffee and Music


March 1, 2008 Bliss
Celebrity Duets?!

cast:
Nico in striped polo
Reden in white/red shirt
Ferdie in green shirt
Athan in yellow/white shirt
Angel, not in photo
Kip, not in photo
Paul, not in photo

This is an old photo, like from a year ago. Ang tagal kasi magupload ni Angel!!! 48 years!!!
Met up with friends at Synergy at mega. As usual na arcade adikan to. Sila lang yun, rusty nako maglaro ng arcade. Nasanay nako sa keyboard sa emulators sa bahay. Challenge challenge sila sa KOF 2002, detabatably the best of the series.

After spending tokens, we decided to eat first before heading to the main event. We ate at Sushi-ya, as usual. The gangs favorite japanese style resto. Ayoko na sana kumain kasi I already ate tinola at home pero since minsan lang din ako lumabas kumain narin ako. Yuki meal onegai shimasu.

Matapos ang kainan, deretso kami sa may St. Francis para kumuha ng taxi. We took two cabs to Timog, groups of 3, to our videoke mecca, Music 21. Since hindi na kami kasya sa small room, next size na kinuha namin.

First two rounds of singing eh single single lang. Aba, parang nagkanda bored ang mga tao. Ok, suggestments nila duets daw. Aokies. Limited lang kaya alam ko dun. And another thing I cant sing high notes. Good luck na lang di ba. Buti pa sila abot nila mag "diva". heheh. Of course gumamit sila ng performance enhancing drugs. Hindi to steroids, Astringosol Specialist, try it and you'll see results instantly. But wait there's more, call within the next hour and we'll throw in a falsetto absolutely free. So for two hours nagduet duetan kami. I sang "Can we just stop and talk a while," "Let the love begin," and "A whole new world" among others. Nakakainis nga lang at hindi pala sound proof yung rooms dun.

Late na dumating si Reden kasi nag-inarte pa na meron daw silang preps for their defense pero hindi naman umattend. As usual kodak moments dun sa may bar.



March 2, 2008 Bliss
Coffeemates
After ng kantahan blues, naglakad lakad pa kami. Siguro mga dalawang kanto pa yun papunta sa kanilang suking Coffee Bean. Kaya lang full na yung coffee bean so naisip namin na either mag Starbucks or Seattle's Best. Para lang akong kaladkaring bata na sumama dun. No experience pa sa mga coffee shops kaya join lang para charge to experience di ba.

We went back a few blocks to Seattle's Best. We sat in this sofa with just a glass window sperating us from the smoking section. Kaso four lang ata ang capacity nun. Nagsiksikan na lang kaming anim, tapos si Reden dun sa isang chair na lang. Buti na lang at umalis ung isang group kaya nakalipat kami ng table. At the counter, i didn't know what to order kaya I let Ferdie pick one for me. Brownie Javakula. Si Reden nagpasabay ng order, Double Choco Mint Javakula.

Back at the table, nagchismisan na. Hayz, puro ragnarok adik pa to. So boring. Buti na lang may katxt para mawala ang bagot. Gusto sana namin kodak moments pero ampanget ng ambiance daw, di maganda ang lighting, mainit dahil parang walang aircon, malamok, at walang sounds maliban dun sa biglang ngplay na "I feel good" ni James Brown. I dont feel good! Dun sa kabilang half ng table chikkahan sa ragna, kami naman eh random stuff lang, di kinaya ang powers ng ragnadiks. heheh.

Actually, I loved the brownie javakula. Si reden at kip nagrereklamo kasi kadiri daw yung chocomint. Tinikman ko nga, masarap naman, arte lang nila. Nico ordered a brownie na pinagkukurot ng lahat hanggang maubos. Si kip naman umorder ng breakfast, may pancakes, bacon, toast, honey and marmalade with parsley pa. As usual na mag-arte sa food si kip na ndi daw magagalaw ung marmalade. Taste test uli, ok naman ung taste. Ung chocomint nya pinacirculate for tasting. Negative reaction except for me pero ride na lng ako sa kanila. Mya pa eh binuksan narin ni kip ung potato chips nya he bought from Healthy Options, almost 200 daw ang price. At uber spicy sya. Naubos din ni reden ung chocomint nya sa anghang.




March 3, 2008 Bliss
Coffee with a twist
After another day na adikan sa arcade, punta kami Starbucks. First time ever ko dito. hahah. So walang javakula dito. As usual pa assist ako kay Ferdie. Choco daw orderin ko. Ok. Aba, may hirit pa. Belgian waffles daw, two pa. Sige na nga. When asked what topping gusto ko, i picked chocolate and strawberry para matry both.

So we went up to the second floor. Marami magazines lying around but nothing interests us. Kaya chikkahan na lang. May dalang laptop si Reden pero sorry low end lang to. So hindi sya wi-fi ready. What to do, what to do, what to do? Ahhh... magtext twist. So for the next hour naglalaro kami ng text twist. WTF! Nagpapaunahan pa sa longest word.

Moments later, may dumating na isang grupo. Early twenties, looks middle to upper class, at lahat merong wi-fi ready celphones. Talbog kami. ahaha. Nakakatawa na lang kasi ang parinig na lang namin eh kung meron ba silang text twist?! Wala?

All in all, within three days I took two astringosol specialist, a javakula and a choco, a piece of brownie, toast with marmalade, sip of chocomint, organic potato chips, a herbal dark choco, two tempuras and two fried tofus, burger steak and two shanghai rolls, a dozen pics, and lots of stories. Wait my stomach is rumbling. ahaha

Walang komento:

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips