Original Screenplay
photo from herbalmusings.com
Wag seryosohin ang mga sumusunod na tagpo. Nalikha ko lang to habang boring boringan at baliw baliwan ako one day. I dedicate this piece to Bonnie and Clyde, sana makahanap ka ng inner peace.
~0~
Sa isang palengke, nakatayo si Yohann sa gitna ng karamihan ng tao. Matangkad, maganda ang pangangatawan ngunit nanlilimahid sa uling at grasa at malagkit ang buhok. Tumuntong sa isang monobloc at sumisigaw.
Yohann: Alms, alms! Spare me a piece of bread!
Jared: GUSTO KO RIN NG TINAPAY!
Lumingon sa kanan, dedma ang mga tao, lumingon sa kaliwa, nagtatawanan ang mga batang pauwi na galing sa highschool. Pagtalikod nya andun si Jared.
Yohann: Anong bread ang gusto mo? Ako pandesal, mainit na pandesal.
Jared: IBIBILI KITA NG PANDESAL MAMAYA.
Yohann: Pwede ngayon na?
Nanay, tatay, gusto ko'ng tinapay
Ate, kuya, gusto ko'ng kape
Tumawa ng tumawa si Yohann. Nakita niya ang mga batang nagpapasahan ng bola. Tumitig sandali. Bumawi ng tingin at biglang tumingala. Pawang naghahanap ng ibon.
Yohann: Sana nandito si dad para makita nya, makita nyang isa na akong magaling na singer.
Jared: MARUNONG KA BA KUMANTA? ALAM MO BA JUNE 4 NGAYON, BIRTHDAY KO, KANTAHAN MO NGA AKO!
Yohann: Che?! Nung grade one ako, kinabisado ko lahat ng tula at kwento sa libro ko, paborito ko lahat yun. Nung grade two ako sinali ako ni mommy sa declamation contest, magaling daw ako! Magaling! MAGALING!!!
Jared: WALA KA SA LOLO KO! MULA GRADE 1 SINASALI NAKO NI ITAY SA BASKETBALL LEAGUE.
Yohann: Tapos, isinali na ako ni mommy sa singing contest! Ang ganda ng costume ko, ang ganda ganda, makintab, maraming glitters, para akong prinsesa!
Jared: NAKIKINIG KA BA?
Yohann: Pero si daddy, ayaw nya, sabi nya pambababe lang ang singing contest! Anong alam nya?
Jared: BAKLA!!!
Yohann: Sino ang may sabi?! Wala kayong alam!!!
La-la-la-la
la-la-la-la
la-la-la-la-la-la-la-la-la
doobeedoobeedoodoo
ahhhhhhhh
Nagkukumpulan na ang mga tao sa palengke. May mangilan ngilang nagtatapon ng mamiso. May pumapalakpak din, karamihan ay nagtatawanan.
Yohann: Thank you! Before my next song, I would like to tell you my story.
Muling nagpalakpakan ang mga tao, minsan lang sila makakita ng ganitong pagtatanghal. Madalas kasi dito ang mga pantas pantasang nagtuturo ng bibliya o kaya ang babaeng nakasuot ng plastic cover lang.
Yohann: Patago ako nageensayo kumanta, I dont want my daddy to know, sabi ni mommy bawal sa bath. Bawal diyan, baka marinig ang echo. Kaya ayun, pumupunta ako sa likod ng punong mangga sa garden malayo sa bahay.
Lumingon uli, naghanap ng prutasan, tumakbo.
Yohann: Puno namin to! Mga magnanakaw!
Tumatawa si Yohann, tumatawa na rin ang mga tao. Naiinis ang tindera ng mangga, pinukpok sya ng kahoy.
Yohann: Tama na dad! Di na po! DI NA PO!!!
Tumutulo ang luha nya. Pinunas ng damit na mauling, lalong dumami ang uling sa mukha nya. Lumalakas ang tawanan ng mga tao.
Yohann: Anong tinatawa nyo? Hahahah. Magaling, ishoot mo pa! Sabi yan ni dad, magaling daw pala ako magbasketball.
Jared: OO NGA, MAGKASAMA TAYO DUN DI BA?
Yohann: Tumahimik ka! Di ko marinig ang musika, hindi ko makuha ang tono! Mom, from the top please, I want to sound perfect!!
Let start from the very beginning,
A very good place to start
When you read you begin with ABC
When you sing you begin with do-re-mi,
Do-re-mi
Jared: EH PANO KA NAKAKAPAGPRATICE NG BASKETBALL?
Yohann: Tuwing sabado at linggo lang, kasi walang pasok si dad. Nilalagyan ko ng alikabok ung piano para kunwari walang gumagamit. Galingan mo pa! Push up! 10 rounds around the garden!
Nagtatakbo si Yohann paikot sa palengke, iniiwasan ang mga kariton at basket na dinaraan niya. Hinahabol pa rin ba sya ni Jared?
Jared: TUMIGIL KA NGA!
Yohann: Opo. Heto po ang aking awit! Palakpak naman diyan!
I believe I can fly
I believe I can touch the sky
I dream about it every night and day
Spread my wings and fly away
I believe I can soar
I see me running through that open door
I believe I can fly...
Kinakampas kampas ni Yohann ang kanyang kamay at nakatingin parin sa langit. Natabig ni Yohann ang isang tumpok ng kamatis. Nadurog ang isa.
Yohann: Dugo?!
Jared: DUGO!!!
Yohann: Kuya, tulungan mo ako, nasan ka? Wag ako, ikaw na lang... Iniwan mo ako! Nakakinis ka!!!
Jared: HINDI KO SINASADYA!
Yohann: Naalala mo nung fourth year highschool tayo? Hindi. Umalis ka na nun. Ako na lang mag-isa. Last game ng best of 3, kelangan ko sumali sabi ni dad. Sabi nya, sabi nya. Lagi na lang sabi nya. Hindi ba ako masusunod.
Jared: ...
Yohann: Alam mo ba meron akong sasalihang contest nun? Hindi mo alam. Wala kang alam... Ang ganda ng costume ko, andaming glitters, ang kintab. Kakantahin ko ang favorite song ko.
On the wings of love Up and above the clouds
the only way to fly
is on the wings of love
On the wings of love
only the two of us
Together flying high
Flying high up
on the wings of love
the only way to fly
is on the wings of love
On the wings of love
only the two of us
Together flying high
Flying high up
on the wings of love
Yohann: Hindi ako sumali sa last game, kuya! Ang galing ko kumanta, first place ako, may ribbon ako, kulay blue. Ang ganda ganda. Meron pa akong trophy. Ang laki, kasing taas ko. Ipapakita ko dad sa office niya. Nakayuko lang sya sa table. Nung nakita nya ako, nakita ko namumula ang mata nya. Natakot ako, nakita ko na to dati... pitong taon na nung huling nakita ko syang nagkaganun. Ako naman ngayon.
Jared: AYOKO NA, MASAKIT! TAMA NA!!!
Lumuhod si Yohann, umiiyak, parang bata. Pinunas ang mata ng damit, napuno na naman ng uling ang mukha.
Yohann: Hindi ko po sinasadya. Dapat panalo na kami nung isang game kaya dapat wala nang game 5. Hindi sila dapat sabay. Aray!! Wag po!!
Jared: PINAPALO KA TATAY! GAYA NG GINAWA NYA SAKIN. MASAKIT HINDI BA? PERO MASWERTE KA!
Yohann: Oo, ang sakit.
Jared: TAMA YAN, IPAGHIGANTI MO AKO!
Yohann: Dugo, dugo!!! Masaya ka na kuya? Ako masaya na. Natatakot ako. Aalis na ako. Magtatago, hahabulin nya tayo at bubugbugin.
Jared: MARAMING SALAMAT!
Tumawa nang tumawa si Yohann. Maya maya iikot at biglang iiyak.
Jared: SANA MAGKASAMA TAYO NGAYON. DI KA NA MALULUNGKOT. AKO NAGLALARO, IKAW KUMAKANTA.
Yohann: Magkasama naman tayo, sa puso, at isipan. Oo nga pala hindi pa kita nakakantahan, birthday mo... natin.
Happy birthday to us
Happy birthday to us
Happy birthday Happy birthday
Happy birthday to us!
Jared: NAGUGUTOM NA AKO, TARA HUMINGI TAYO NG TINAPAY! ALMS, ALMS! SPARE ME A PIECE OF BREAD!
~0~
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento