Huwebes, Disyembre 31, 2009
Red Party
CKC Xmas Party
December 12, 2009
At natuloy din ang balak naming pagkikita ng mga dating officemates ko. Parang allstars ito ng mga pasaway sa office na mga reklamador at radical ang pag-iisip. Heniweys, nagset-up kami ng isang Christmas party sa Cennerstage Jupiter. At ewan ko ba bakit may pauso pa itong si DM na dresscode: kelangan red! Ok lang naman kasi meron naman akong shirt na hindi purely red kaya pwede pwede na yon. Saka red naman talaga eh color ng pasko, with all the poinsettia and all, at symbol din ito ng victory dabah. Ayaw ni Tita Cory ng ganyan, baka bumangon sya sa hukay at pagsasampalin si DM pero keber na, basta kikrismas party kami kahit di sumang ayon ang universe. Victory against our oppressors ang drama, yung mga bossing namin yon yah know. Ano pa nga ba ang aasahan mo sa corporate setting kundi ang pag-aaklas ng mga manggagawa di ba?
Additional task din ni kuya DM na dapat daw may gift na worth 300 pesos. Yun nga nahaggard pa ako kakaisip ng gift dahil di naman ako marunong pumili ng gift. Tinext ko pa mismo yung nabunot ko kung ano ang wishlist nya. Nagkita pa nga kami ni Lei para sabay maggift hunting. Nagpasama pa talaga si Lei mamili ng boxer shorts for DM na baby nya. Pumili kami nung print na kamukha ng isang polo ni DM, at ang kaloka small size daw sya. Azz in 29 daw ang waistline eh mas malaki naman ang katawan sakin ni DM. Parang di yata ako makakapayag dun, nasaan ang hustisya? Later eh nagtatambling kami kakahanap ng Starbucks dahil tumbler na lang ang binili ko for ate Joanne, pero kelangan color black ito ha. Eh ang talamak na design yung red na may snowflakes kasi nga seasonal version nila. Buti nga sa second shop pa lang nakakita na ako ng black, last stock na sya.
Kinagabihan ng petsa ng Christmas party, as usual late uli ako ng mag-iisang oras, nagbibyahe na ako papuntang site nang biglang naremember ko na di pala pwedeng idaan ito through MRT kasi naman bubuklatin pa ang gift wrapper. So ang tanging daan ko eh bus to Buendia, then jeep to Makati Ave, tapos more lakad papasok ng Jupiter. Habang pinapagpag ko pa ang alikabok at pawis sa katawan ko sabay grand entrance sa loob, nashock ako sa nakita ko! Kakaupo lang nila sa loob mga 10 minutes, at wala pa nga kumakanta kasi di pa nagstart yung timer. Nakaloop ang music ni Miley Cyrus na nakakarindi. Hindi naman nakared lahat: ako lang, si Joyce, Lei, DM, at si Rona. Present din sila Jhen, Garah, Fitz, Jhoanne.
Nagsipag-order na ng food si DM. Dahil taggutom ang Pilipinas eh ang pinili namin na set eh yung Philippine, kasi may compliment na rice. Akswali mejo matagal dumating yung order namin. Nakapagkantahan na kami't lahat eh wala pa rin yung food. At nung dinala na eh kulang naman sa plato. Parang wala silang balak pakainin kami noh. Ang nasa set eh liempo, pansit canton, ensaladang mangga, mixed veggies, at baked tahong. Nagkamali pa sila ng dala kasi nadoble yung ensalada pero walang tahong. Nung bumalik naman dalawang order ng tahong ang dinala. Kahit pataygutom kami eh napigilan naman naming wag lantakan yon dahil sa takot na macharge. Nag-additional order na lang kami ng pork sisig at fish fillet para solb sa lahat. After one hour lang dumating sila manong Bert along with jowang Ayla. May baon pa syang Emperador na ipinuslit lang sa takot na macharge kami ng corkage. Tumatagay kami in between songs ha.
Tuloy ang pagsosong number namin. Nag-adik kami ni Jhen at napakanta ng Sinta by Aegis. Maya maya nagme-medley na lahat ng Aegis. Nacut muna ang aming song number ng biglang magpagames sila ng Pinoy Henyo. First team sila Rona at Fitz, kung saan nandadaya si Fitz na pasimpleng tinuturo yung siko nya dahil yon mismo yung huhulaang word. Next kami ni Joyce na nagbuzzer beater 2 seconds before two minutes sa word na Laptop, kasi naligaw ko ata sa word na Notebook. Last team sila Garah at Jhen na di rin nakahula. Nagrequest ng consideration sila Fitz at pinagbigyan naman. Nakuha nila kaagad yung word na Dinosaur (code name namin yon sa mga bossing namin.)
Nung naisipan nilang mag-exchange gift na eh mejo nagkagulo pa kasi may mga absent. Balak pa yata nila magbunutan uli. Nagkaron pa ng election at ang napagkasunduan eh ituloy ang dating nabunot, total dalawa lang naman ang affected sa mga di makakareceive ng gift dahil absent ang nakabunot sa kanila. May piksur taking pagkabunot ng gift. Si DM sinukat talaga yung boxers nya, ipinatong lang naman nya sa suot nya. At ang common gift for the night: starbucks tumbler. Si Fitz nga eh tuwang tuwa sa tumbler at di na to binitawan ever, akala mo naman may mang-iisnatch non sa kanya. Si manong Bert eh di nakabili ng gift kaya nagpay na lang sya ng 500 bucks kay Lei. Nagpalitan lang kami ate Joanne kasi ako rin pala ang nabunot nya. Ang gift nya sakin eh Black shirt na medium ang size, buti na lang at fit sakin and I lurve it. Naappreciate naman nya yung black tumbler na gift ko sa kanya.
Nagresume ulit sa more singing. Medyo tumaas ang dugo ko nung iniskipan yung song na ininput ko, right in the middle of singing ito ha. Balak ko na nga sana magwalkout eh. Bad trip kaya yung ganon. Buti na lang at napigilan ako ni Lei. Yung next songs na ininput eh di ko na binitawan ang mic. Kabayaran ito sa song na di ko nakanta, lahat ng iinputin nyo eh ako ang kakanta at walang makakapigil sa akin. Agaw na kung agaw ito. Infernezz wala naman ibang kumakanta sa group namin kaya ok lang sa kanila na magconcert ako dun. Natapos kami pagkatapos ng mahigit na tatlong oras.
After party
December 13, 2009
Dahil may pasok pa kinabukasan kahit na Linggo yun si ate Joanne eh kelangan na nya umuwi. Si Joyce naman eh may curfew kaya umuwi na rin. Nagkayayaan magtambay muna sa Starbucks. Sarado na yung Sbux sa Pacific Star kaya tambling kami sa 6750 Ayala. Nagkasya kami sa dalawang set ng taxi. Yung driver namin alam na pwede sya dumaan sa Ayala kaya maaga kami nakarating don. Maraming tao doon at karamihan nakared din na outfit. Habang nag-aabang sa isang batch eh enter stage si ateng Parlola, all dressed up in a flowing gown made of Pink kurtina (or mantel?) at tingin kay DM from head to toe. Pikon na pikon si DM kasi parang nahamak ang kanyang pagkatao. Tiningnan ko nga rin si ateng na mas mukhang beking kanal talaga, yung retokadang type ha. Akala mo naman kagandahan sya at mayaman eh tall lang naman yung order nya. Maya maya pa dumating yung batch 2 namin kasi umikot pa daw sa Greenbelt yung taxi nila. Sa labas sana kami pepwesto malapit sa inuupuan ni ateng Parlola, para titigan ng masama si ateng. Makaganti lang talaga eh.
Sa loob na kami pumwesto sa second floor. Nakakakuha kami ng three tables at pinagkasya na namin ang sarili namin don since pito na lang kami. Bumaba kami nila Lei para umorder. May nakita akong two flavors na di ko pa natry. Tinanong ko sa barista kung ano ang meron sa Peppermint MF, eh di peppermint. Nung tinanong ko ano meron sa Dark Cherry MF, eh di dark cherry daw. Leche, pilosopo ba to o talagang walang alam sa products nila?! So go na lang ako sa peppermint, which I did enjoy. Pagbalik sa taas more chikka na sila sa usapang office namin dati. Reklamo dito, reklamo doon. Wala nang kamatayan ang reklamo, kahit pa matagal na kaming nakaalis sa office. Masaya lang pagtawanan at magbalik tanaw sa mga pasakit at paghihirap na nangyari sa amin, pero boring na sya after ng isang oras na kwentuhan. Si Lei di na nga masyadong makasagot kasi may sore throat na pala. Nagpasama pa sya kumuha ng warm water sa barista para inumin at marelieve ng konti yung hapdi. Kung may baon lang sana kaming Nescafe 3-in-1 eh, next time siguro.
After non eh taggutom kami kay tambling sa nearest McDo na open. Pumunta kami sa Paseo na McDo, na nagreopen na after nyang marenovate for two months ata. Dito kami madalas tumambay dati: lunch outs at mga after work miting de avanse against sa nakatataas. Hinanap ko kung andito pa yung crush kong manager pero wala, baka umuwi na. Napwesto kami sa may cushions pero di kami kasya kaya naghihila pa kami ng tables and chairs. Nagtreat na naman si manong Bert ng extra large fries at nuggets (na slightly kinamumuhian ko ang name kasi yun ang bansag sakin ng boss ko kesyo cute daw pakinggan). More chikka si Garah at pasimpleng inuubos na namin lahat ng food. Maya maya may dumating na grupo ng inglisero. Mukhang galing sila sa party at mukhang mayaman kaya di mo pwedeng sabihing nag-iinarte callboys and callgels ito. Well, magaling nga sila magspluk in nosebleeding english pero bawat sentence naman punctuated ng "you know" na akala ko si Pacman ang nagiispeech.
Nung matapos kami lumamon sa McDo, balak pa sana namin magpapiksur sa front door ng office namin dati. Magkatapat lang kasi yung building naming McDo at ng office namin dati. Buti na lang nagkatamaran nang tumawid. Lakad kami patungong Ayala. Medyo matagal ang babayan; unang sumakay ng taxi sila manong Bert at Ayla, si Joanne nagjeep na papuntang MRT, si Lei naman nagtaxi na lang kasi wala pang jeep papuntang Makati Ave; hanggang sa naubusan na kami ng bus. More lakad pa kami patungong Ayala MRT station. Nagbublue na ang langit dahil lalabas na ang haring araw. First time ever ko tong inabot ng pamorningan ang aking CKC group ha. Linakad pa namin along Ayala, pumasok sa area sa gilid ng G5 na madilim pa that time. Pawis na pawis kaming nakaakyat sa MRT station. Si DM humiwalay din dahil magbabus na lang daw sya. Kaming apat na lang nila Garah, Fitz at Rona ang survivors. Infernezz kahit pagod kami wagi talaga ang evening na to pramiss! Last meetup namin for 2009, hopefully magkita kita pa sa 2010.
Mga etiketa:
Bliss
Sabado, Disyembre 26, 2009
Putek
Abot Kamay ang Langit
December 26, 2009
Paskong pasko at walang magawa eh kachat ko na naman itong Elvin. May friend sya nga pala na barista sa Ishtarbaksh at super cute sya azz in. Pinapa-add ko nga sa Facebook eh, sana iaccept. hahah. Ngayon, ininvite pala nitong si Elvin na dumaan si crushy sa office nila kasabay ng Christmas party madness ata. Eh nashy daw yata or tinamad, kaya ako na lang sana ang may balak gumora sa kanya mismo. Ayaw pa nya non, ako na mismo ang lalapit sa kanya. Wag syang choozy! hahah
BUZZ!!!
Athan: Teh kape nga muna tayo Starbux sa Pioneer.
Elvin: Sorry ka off nya ngayon.
Athan: Ayyy sa 7-Eleven na lang para mas mura.
Elvin: Hmm... sige na nga punta nga tayo dun minsan. May GC ako dito.
Athan: Oo sure, kelan ka pwede magkape para gogogo na tayo. Ipakilala mo ako ha. Sa Linggo na kaya?
Elvin: May pasok ako ano ba. Sabado lang ako pwede. Otherwise baka gusto mo magkape sa tanghali.
Athan: Andon ba siya ng tanghali?
Elvin: WALA
Athan: Ayoko nga. Bukod sa mainit, wala sya dun. Anong time lang sya nandon?
Elvin: Ayyy 6pm-3am. Inuunti unti mo ang info ah.
Athan: Di noh. Ahmmm... para makapagset tayo next week.
Elvin: Sabado lang ako pwede for now. Tapos sana hindi nya off kung makapunta man tayo aside Saturdays.
Athan: Ayyy January 2 na next week. I-set mo na na dapat andon sya next week. I-text mo na, now na!
Elvin: Demanding.
Athan: Kung pupunta sya jan sa building ng office mo, papuntahin mo rin ako.
Elvin: Kaloka ka. Sayang nga eh. Uwi lang ako Quezon bukas. Sana papuntahin ko sya sa house sa Cubao.
Athan: Pupunta ako sa Cubao kung pupunta sya.
Elvin: Walang ibang pwedeng gawin dun. Walang TV, walang radyo. Sex lang talaga pwede. So ano yun? Orgy? Wag ka na pumunta.
Athan: Eeewww! Ayoko nga! Ayoko sa mabaho.
Elvin: Hindi mabaho dun! May Albatross.
Athan: Ayoko sa mainit.
Elvin: May elektrikpan dun!
Athan: Ayoko sa masikip.
Elvin: Maluwag dun! Pwede ka tumambling.
Athan: Ayoko sa walang tubig.
Elvin: May tubig dun! May poso rin.
Athan: Ayoko sa walang pagkain.
Elvin: May de lata dun at noodles!!!
Athan: Ayoko sa walang innernet.
Elvin: May internetan sa kapitbahay!
Athan: Ayoko sa ipis.
Elvin: Walang ipis dun! Butiki meron!!!
Athan: Ayoko sa daga.
Elvin: Walang daga! Maraming pusa sa kapitbahay.
Athan: Ayoko sa putik!
Elvin: Hindi naman tag-ulan so baket magkakaputik. Leche!
Athan: Ewan ko ba. Sinapian ako ni ateng Maricel.
Ipinagdasal ko na kay Inday Bote na sana matupad ang aking hiling na i-accept ako sa fezbook ni crushy. Choz.
Miyerkules, Disyembre 23, 2009
Glitter
FSR Xmas Party
December 22, 2009
Nakapagset na naman ng event for December ang FSR at iyon ang Christmas Party. Ano pa nga ba ginagawa ng mga tao sa December kundi Xmas magparty here, there and everywhere. At syempre maglalandi na naman ang mga beki. Ang venue na napili eh isang Art gallery sa bandang Pasay. Ang time of arrival eh bandang alas sais ng gabi. Kasabay ko sana si Jomz pero alas ocho pa sya kaya umuna na ako.
Ang way daw eh galing Taft MRT, grab a jeep going to Malibay at dadaan na daw yun sa FB Harrison St. So nagmamadali akong sumakay sa Boni Stn, yung unang tren na southbound eh hinabol ko pa habang humahangos pababa ng hagdan. Shoot na shoot sa pagsasara ng pinto. Pansin ko na lang na may di kaaya ayang vibes akong nadama. Para akong pinaliligiran ng buong cast and crew ng Bahay Kubo, azz in puro kagugulayan ang kasama ko sa tren, mostly pechay yah know. Pero before anything else, icheck mo muna kung may pechay sa bahay kubo dahil alam ko wala. Heniweys, napasakay ako sa Gurls train pala. Ok nga sana at maluwang, pero gusto ko sa masikip, sa mainit, sa putek choz. Pagbaba ng Taft stn, patakbo akong nakipaggitgitan palabas. Mejo mahaba na ang pila ng biglang may-I-singit ang isang mag-anak na di makalabas nung una kasi dala dala ni yaya ang mga cards nila. Kaya nga inimbento ang pila para magkaron ng disiplina, hay mga Pinoy talaga.
Pumapasok pa talaga ako sa Metropoint Mall para lumabas sa harap along Taft, biglang tanong sa mga dispatcher kung san ang biyahe ng Malibay. Sa kabila daw kaya akyat uli ako ng overpass kasabay ng sanlaksa ng tumatawid na tao. Pagbaba sa kabila, sa gilid gilid ng Sogo, tinanong ko ang isang MMDA manong kung san ang sakayan ng Malibay, parang nanghuhula lang syang tinuro ako papasok sa loob. Pagtingin ko sa looban eh Genesis bus na ang byahe papuntang Malanday yata, nabibingi lang siguro si manong MMDA. Labas uli ako at palakad na patungong Baclaran, tinanong ko naman ang isang driver kung dadaan ba sila ng Harrison eh hindi daw. Balik uli sa kanto ng EDSA/Taft at nakita kong may mga jeep din pala don. May dumaan na isang byaheng Malibay, perfect! Sakay kagad ako, at mabuti na lang talaga nagtanong kaagad ako sa driver kung dadaan ng Harrison. Hindi pa rin daw, sa kabila daw ako sumakay. Lintek yan, mali mali ang directions na tinuro sakin ni Macoi. Grrr! So tawid uli ako sa overpass at nastress na naman sa tulakan dito at doon. Pagbaba dun ako sa side ng Edsa nag-abang. May byaheng Libertad-Malibay. Sakay naman ako at tinanong kung dadaan sa Gideon Academy, na di alam ng driver kaya tinanong ko kung dadaan sa Harrison, at for the first sa gabing ito eh isang malaking check pa lang ang natanggap ko. Dumerecho ang jeep along Edsa, tumawid sa Taft, pagdating sa kanto na katapat ng Sogo (may sogo na naman?!) eh Harrison na daw yun, so antabay lang ako sa left side ng kalsada kung may school akong makikita.
Wala pang 10 minutes ayun na nga, tumawid ako at hinanap ang red gate daw (eh mukha namang violet yung color) at tama naman yung number kaya malamang ito na. Pagpasok sa loob, mejo disoriented lang ako na di ko makita ang gallery. May guard sa labas na naghahapunan ng pritong galunggong at para lang siguro di maistorbo eh inginuso ako na sa dulo pa daw yung party na pupuntahan ko. Madilim ang daanan, mga ilaw lang sa katabing mga bahay-bahay ang nagsisilbing liwanag mo. Sa may katabing damuhan biglang may sumulpot na tao, akala ko nga kasama sa party, mukhang cute kahit sa dilim, at sinusundan nya ako papunta sa dulo. Less than 5 minutes na lakad nakita ko na rin yung gallery, nawala na si kuya sa likod ko na parang isang ghost lang na naglaho. Natakot ako bigla... sa missed chance na makilala sya choz.
Yung place ay tinatawag na Avellana Gallery na nasa loob ng isang compound sa Pasay. Actually parang minisubdivision yung compound, yung mga bahay eh parang colonial style na makikita mo na lang madalas sa Vigan ang style (or so I thought.) Two floors yung gallery. Sa may door may mga hanging sculpted glass arts chorva. May isang kwarto na binansagan naming red room dahil sa red colored walls kung saan nasa gitna ang stone structure. Sa second floor may room na may wavy glass designs sa wall na may zodiac symbols. Sa next room may alambre art, or metal rain structure na nakadikit sa wall na may planetary symbols. Narito rin ang room ng souvenir shop na may paintings, pottery at porcelain stuffs. Sa looban pa ang study na supposed off limits na pero sinilip pa rin namin. May veranda sa second floor din na may antique chairs at side table. Muntik ko pa mabasag ata ung vase sa table nung matabig ko. May backdoor papunta sa backyard kung san nakaset up na ang tables at food para sa amin. Imbes na bakuran ng semento o bakal ang perimeter ng backyard mapapansin mo na mga wine bottles ang nakapalibot.
Wala namang napag-usapang dress code unlike sa ibang partyhan pero hiniling lang nila na we should wear something shiny or glittery, yah know bling blings, Lady GaGa costumes, shiny skinny jeans, or magsprinkle ka sa fez at buong katawan mo ng isang dakot na glitters. May pinamimigay na pin na may small ribbon at bells sa door (na mukhang control nila para malaman kung sino ang bayad sa hindi.) May ilang nakaglittered outfit. Si Juna may shiny gold necktie. Si Jackie may shiny silver sneakers. Si Rai may-I-stick-on ng luminous stickers, naubos lahat pati ang mahiwagang Uranus shape. Si kuya Noi maraming tattoo stickers na baon kaya ayun hala pinag-agawan talaga ng mga beki. Walang nagpapaawat. Wala nga akong kaglitter glitter eh. Sabi nga nila, "not all that glitters is gold." Konek?
Additional request pa eh magdala ng pang-exchange gift worth 100 peso pesoses. Sa hirap ng buhay ngayon eh malamang isang happy meal na lang ang mabibili ng isang ube, pero dahil sa nagsulputan ang mga 99-peso shops eh piso na lang ang poproblemahin mo. Akswali meron din pabente bente shops pero nakakahiya naman siguro magregalo ng limang good morning towel di ba? In short, wala akong nabili rin sa takot ko lang na parehas ang madampot kong gift.
Marahil na rin sa matinding gutom eh di na inantay dumating ang mga latecomers. Nagstart up kaagad ng kainan, to be lead my Macoi na ayaw paawat ata. Nasa buffet table ang two types ng pasta na may red sauce at white sauce yata, fiesta ham, boiled potatoes, lumpia, roasted chicken, at mini sandwiches. Dahil we requested for cash bar, kelangan pa pala namin magpaysung bago kami makakuha ng panulak, at take note twice the normal price ang charge nila for every drink. Late na nila nilabas ang complimentary iced tea at service water.
Ang host for the night na si Jomz eh sobrang late na nakarating kasi ba naman naligaw na at umabot pa hanggang OWWA yata kakalakad. Syempre pag may party kelangan may game, at unfortunately ang first game for the night ay Human Portrait. Hinati hati ang mga tao sa four groups. Kelangan pa daw maggawa ng name at cheer sa bawat group, at may pahabol pang pagkukuweystiyown and answer portion. Group ko na ata ang least imaginative at cooperative. Tinagurian kaming Jem'z Angels, at ang cheer supposedly eh to the tune of Charlie's Angels series. Sa group nila Popoi eh tinawag na the Wonderboys, kasi may import silang Korean beki. Sa group nila Biber eh ayaw pa muna magpakilala ng name pero nung magstart na sila ng aaaaaaaaaaaahhh... Cheer! Yun na mismo ang name nila, Cheer! Yung last group eh ang PTA Group kasi andun si Elder Jun at si Junang umaawtfit ng coat and tie. May followup question si Jackie sa kanila: what is the square root of 655? Ayyy ako naman nakikisagot sa background... 25 point something. Hala sawayin daw ba ako ni Jackie na di daw kami ang tinatanong. (Kakacheck ko lang sa calcu at ang sagot ay 25.59 oh ha!)
Ang first eksena na pina-act out eh mental hospital. Hala ang grupo namin nakatayo lang at nagtitigan kung ano ang gagawin, nagkakahiyaang jumoin sa lecheng game na to. Second eksena eh sa zoo, gusto sana ni Abbu eh animal kami kaso mejo malaswang tingnan ung portrait namin kaya resume kami sa tunganga position. Sa third scene eh Miss Earth daw, hala pare pareho iba ibang stages lang ng coronation ang eksena. Sa fourth scene eh Intrams. Nakuha namin ang point dito dahil may pagbubuhat sakin na cheerleader kuno ang drama. Nagtie na lahat ng teams. At ang tiebreaker na eksena eh Starry Starry Night. Entra pa si Jomz na akala nya yung song ni Don Mclean ang tinutukoy. Ang team Wonderboys may pag-aacting ng mga guests na nagviview ng painting, kaso lang yung iba nakaupo at nakasalampak sa sahig. Ang team Cheer gumawa ng picture frame. Team namin eh nakatunganga ulit, na napagkamalan ni Jackie na umaacting kaming nagviview ng painting. Panalo ang PTA team na naka-allblack at yung mga palad nila ang mga stars kuno.
Next set ng games eh Pinoy Henyo. Unang isinalang si Hart at Mhel sa word na Fuchsia. Mahirap na nga makarating sa category nyan, mahirap pa iispeyl ng tama. Sumunod si Jun at Robert sa word na Shadow. Naligaw sila dahil napunta sa body parts ang questions. Sumunod naman sila Rai at AJ sa word na Coke Light. Ten seconds bago magbuzzer eh saka pa lang napunta ang mga questions sa drinks.
"Coke?"
PWEDE!
"San Mig Light?"
PWEDE!
Buzzer. Sana pinaghalo na lang nya di ba. SanMig Sakto? CHOSERA! Ang last group eh sila Jackie at Jon sa word na iPhone. Madaling nahulaan kasi ba naman yun mismo ang phone ni Jackie at ginamit pa naming timer.
Ang last game ng gabi eh ang walang kamatayang Charades. Hinati sa two groups lang, ang category eh Movies, at sa kamalas malasan ba naman eh dalawang film buffs ang nasa kalaban naming team. Kanya kanyang strategy sa paggamit ng key actions, for names, places, paggamit ng "sounds like", at short words like "the", "of", or "in." Panalo ang pag-act out ni Robert ng "dino" at ginawa pang choreo ni Jomz ala-Lady GaGa. Syempre lost ang team namin. May pagpipiksur taking pa ng mga wagi kasama ng kanilang prize na grocery showcase, at kaming luhaan na may pagka-Gleek pa with the "loser" finger sa forehead.
Ang last part ng program eh ang exchange gift. Supposedly di ako kasama kasi wala akong dalang gift, pero inoffer ni Jackie yung extra gifts nyang dala para saming walang gift para lang makajoin lahat. Lahat ng gifts numbered. May mga porcelain balls na may nakaattach na rolled paper with number, yung number non ang kukunin mo gift duh! Pag yung gift mo ang nabunot, ikaw ang next na bubunot. Rinse and repeat until sa last gift. Ang last na bumunot eh si Hart, at sa kanya binigay ang privilege na mang-agaw ng gift, akswali makikipag-exchange sya sa nabunot nyang gift para sa gusto nyang gift. Hawak nya yung gift ni Popoi (na akswali di naibalot kaya nakatago lang sa loob ng bag), at namataan nya ang hawak na gift ni Ian na wrapped sa buri. Parang episode ng Bag o Bayong. Ang laman ng bayong... set ng hankies ata, at ang laman ng bag... dalawang stuffed tiger toys.
As a parting gift, ibinigay na samin yung mga porcelain balls as reminder of this evening. Si Jun din nagbigay ng mga bags na may lamang calendar, pens, at may small note with a wonderful poem titled "It's gonna be okay." Dahil di kasya sa bag yung ball eh tinago ko na lang sa pocket ko. Si Macoi linaro pa ng nilaro yung ball nya. Hagis, salo, hagis, salo... hanggang plak! Basag. Ang mga bagay na babasagin ay dapat ingatan at di paglaruan. Binigyan na lang sya ng ibang ball bilang kapalit. Sayang nga at maganda pa naman yung design sa kanya kasi parang wavy ala water element, katulad nung nasa akin kaso color bronze ung print ng sakin at di gray slash silver.
Bago nag-uwian eh nagbreakfast pa kami sa may Jollibee Jupiter. Mahaba habang pagtambling ito from Pasay na nangailangan ng pagtataxi. Nadaanan namin akswali yung Pasay City Hall na mukhang assorted marshmallows with all the blues, yellows, and oranges. Pagpasok sa Jabee eh nag-assemble na kami ng mga tables. Yung iba umorder na sa counter. Habang inaayos ni Rai yung ilang chairs, biglang gumulong sa labas ng bag ang isang porcelain ball. Basag. Sigaw ng mga nanood lang. Biglang gulong ng isa pang pall. Basag. Sigaw uli ng mga nanood lang. Nabasagan na naman ng ball si Macoi. Binigay na lang ni Jackie yung ball nya. All in all, dalawa ang nabasag ni Macoi. Itinago mo na nga't lahat nabasag pa rin. May mga bagay na kahit panghawakan mo ng buong pag-iingat ay lalo pang nalalagay sa kapahamakan. Baka hindi sila talaga meant para sayo.
Winner talaga ang gabing ito na puno ng tawanan, landian, excitement, food, at glitters. Gold sya kung gold. Sabi nga ng kuyang Spandau Ballet, "always believe in your soul 'cause you got the power to know you're indestructible." Konek?
Lunes, Disyembre 21, 2009
Zombie
Despedida de Japonesa
December 19, 2009
Simula pa ng September eh naputulan kami ng phone line at yon ay dulot ng bagyong Ondoy. Mabuti na nga lang at may innernet kami dito kundi baka nabaliw na ako sa boringgerzi. After three months pa kami nainstallan ng phone. Imagine that! No telebabad ako with Irene at Ferdie. Feeling ko naiwan na ako sa mga latest chikka ng close friends at officemates dati. Di ko na alam sino ang magjowa, nabuntis, nahuling shoplifter, o nanalo sa lotto. Super disconnected talaga ako. Kaya nung nagkadial tone kagad ako eh parang automatic na nagpipindot ng numbers tapos boom chikka chikka na kagad with Ferdie.
Saktong sakto naman at napatawag ako sa kanya, eh kasi naman paalis na pala sya papuntang Japan para bumisita sa mommy nya. Ilang years na ba ang last visit nya doon? Last time kasi nadeny yung visa nya, kasi ba naman si mommy eh nagbawas ng age yata kaya naconflict sa birth certificate nya. Parang lumalabas na ten-year-old na sya nang lumabas sa sinapupunan ni mommy. That is just so like a Curious Case dabah. Heniweys di ko ganun kasure ang rason kung bakit nadeny kaya inassume ko lang. So ayun nga ininvite nya ako para dumalo sa despedida nya. Parang potluck pala ito. Si Nico daw magdadala ng mga obra nya. Si Ferdie bahala sa spag. At ako daw ang magdadala ng cake na bake ni mommy ko, tamang tama kasi maayos na uli yung oven namin. Darating din daw ang friends and classmates nya. So ayun sinet na nga sa Sabado ang despedida.
Nang dumating ang Sabado, gabi na ang balak kong biyahe. Nagbake si mommy ng Limestone Cake, para syang brownie-ish cake na may white icing at may dinurog na Hiro bits sa ibabaw. Oo di sya typo ng Oreo, cheap lang kami, Hiro talaga. Shocks naman ako kasi mejo malaki yung paglalagyan pala. Akala ko yung parang inupsize na Lock & Lock lang, pero hindi talaga. Para syang minisize na UFO. Balak ko pa naman i-commute ang cake pero mukhang mapapataxi ako. After ilang pilitan (at pag-iiscotch tape at pagpaplastic at pag-iistapler) eh napilit nila akong pwede ko naman ijeep na lang. So ayun nga, travel galore ako with a big bag na may cake sa loob. After more than an hour yata, nakarating din ako kanila Ferdie. Di nalusaw ang cake! It's not a miracle nor coatsaver, talagang magaling lang ako magbalanse kaya di sya tumilapon.
So ayun nga nakaharap ako sa mesang puno ng iba't ibang kafu-foodan, lahat luto ni Nico except sa spag na niluto ni Mylene na pinsanin ni Ferdie. Ano ba maasahan mo sa pagluluto kay Ferdie dabah. Merong inihandang Teriyaki Chicken, Sweet Chili Shrimp, Fish Fillet with Honey Mustard Sauce, California Maki, at Choco Cheesecake. Feeling ko lang nasa Palasyo ako ng Hari, at winner na naman sa cook off si Janggeum. Infernezz, pwedeng pumasang Korean si Nico dahil singkit singkitan sya at maputi. Nandoon na rin at lumalafangz sila Angel at Reden, pati yung classmate ni Ferdie na si Lyra. Maya maya dumating na ang gang of classmates na sila Val, Den, Mark at Gingging (akswali nakalimutan ko name nya kaya Gingging na lang ang itatawag ko sa kanya.)
So umakyat kami sa taas dun sa second floor sala nila Ferdie para magcomputer. Well nag-aadik sa facebook sila Reden lately. Si Nico umuwi na kasi pupunta pa syang Tagaytay the next day. Sila Den naman nagnonomohan na. Umispeysyal request pa si Ferdie na sana ang inumin eh yung "Purple Rain" concoction daw nila. Gawa sya sa grape juice, Sprite, at Vodka ata. Nung nagtatagayan na eh di ko kinaya kasi sobrang tamis sa una, pero ampait ng aftertaste. Wish ko lang alam ko mag mix ng drinks. Paturo nga ako next time ng formula ng Zombie, at least yon di mo masesense masyado yung alcohol.
Naisip bigla nila Den na wala silang baong toothbrush kaya go kami sa pinakamalapit na suking tindahan. Akswali mahigit apat na kanto yata ang pinakamalapit. May magkatabing botika at tindahan doon. Bumili si Den ng toothbrush sa tindahan worth 30 pesos at di naman kagandahan. Si Lyra nakabili sa botika worth 16 lang. Dahil naimbyerna si Den, pinilit nyang ipaexchange yung toothbrush sa chicha na lang, plus the occasional flirting kay kuyang tindero. Saka sya bumili ng 16 pesos na toothbrush sa botika.
Dapat alas dose eh natutulog na ako dahil kelangan ko pa gumising ng alas tres para sumimba. Ayy di pa natapos ang nomohan pala. May intermission number pa ng harvesting. At maya maya nilabas na ni Den ang secret files... collectiones ng mga 2x2 pics na sinubmit para sa Alumni ng CEU. Hala ang mga beki agawan na ng kanya kanyang bet na piksur. Si Reden naman inis na inis dun sa isang piksur, kasi naman umiistraight ang drama daw pero sa piksur bonggang bongga sa funda azz in. Si Ferdie at Val may sariling napili nang itinago. Ang highlight ng gabi eh nung halos magwala si Den kakahanap dun sa piksur ng isang crush nya na may goatee daw at ramdam nyang beki pero crush pa rin nya. Nacurious tuloy ako sa itsura. Halos lahat kami kapkapan na para lang lumitaw si piksur pero di na sya lumabas.
Puyat na puyat pa ako nang umalis muna para magsimba sa Rosario, parang zombie lang ang utak ko sa pagod. Mejo maliit lang ang simbahan nila kumpara dun sa amin sa San Felipe Neri Parish. Pray prayan na sana ako ng biglang may nahagip ang aking peripheral vision na kahindik hindik. May dalawang rampadorang poser na beki as in todo effort umoutfit eh magsisimba lang naman sila. Yung isa majubabs na naka-violet na dress na hapit na hapit sa kanyang bilbil, nakafishnet stockings at parang nakaspraynet ang hair. Yung isa naman slim na naka-tiger print na dress, may paghi-heels pa sya at nakapulupot sa leeg nya ang tatlong pearl necklace na parang hindi naman talaga pearl, parang malalaking mata ng isda or jolens na pinagdikit dikit lang or siguro synthetic pearl naman sya. Kakadistract talaga. Buti na lang umalis sila kaagad, siguro di bumenta ang beauty nila kung meron man kaya rampa sa next simbahan kaagad. Feeling pagod pa rin ako after ng nakakastress na eksenang iyon. Zombie mode galore! Buti na lang hindi nag Magnus Exorcismus si father or baka nalusaw ako instantly.
Pagbalik sa house ni Ferdie, hindi pa rin ako natulog. Nagharvest pa at nagchat. Maya maya dilat na si Den galing sa mala-powernap nyang paghimbing. More energy kagad si ateng. Nagwisik wisik lang ata tapos change costume na sya into jacket plus short skirt ala Cheerleader. Imagine Toni Basil singing Mickey, dahil yun mismo ang sinosong and dance nya during the time. Nagbonding pa kami dahil parehas pala kami ng natypean. At ayon sa confirmation ko sa kanya eh mas may taste pa pala ako kanila Ferdie at Val. Nagmamadali din silang umuwi kasi magdi-Divi pa sila tapos tambling sa EK. Ang adik na Den tinanong ako later kung nasa EK din ako kasi nakita daw nya akong sumakay sa Rio Grande Rapids. Wish ko lang kaya ko mag-Astral Project or Time-Space Warp di ba? Zumozombie na rin siguro si teh while riding kaya kung anu ano na ang nakikita.
Survivor Party
December 20, 2009
The following day eh nagyaya naman si Kip na gumora kami sa Mega at magtitreat daw sya. Ang original plan eh kakain daw sa pizzahan, pero nagpachange si Ferdie dahil puro na kami kain. So ginawang Avatar movie na lang sana, pero dahil nawatch na yun ni Kip at nareview na nyang racist move at reenactment lang ng Ferngully, nagchange uli kami ng plans. Maglalaro na lang kami ng LAN game.
Nagkita kami sa Mega. Akala ko naman maaga kami makakapagstart dahil magsisimba pa ako ng alas kwatro. Hala nabore na ako kakaantay sa kanila habang naglalaro ng arcade game. Nagmasid masid muna ako. May isang grupo ng emo slash anime-ish group. Lahat sila naka-black and white matching outfits. Nung una nagkukumpulan sila sa Guitar Maniac at Drum Maniac, bigla silang lumipat sa Videoke. Di ko talaga sila iniistalk di ba? Yung isang chubby emo girl biglang kumanta ng isang Paparazzi at infernezz kaboses nya si Lady Gaga pramiss. Tapos yung isang guy naman kumanta ng J-Pop, aba talentado sila ha. Biglang ginutom ata si Reden at nagcrave ng ice blended drink kaya nahaltak kami sa Spikes. Parang kalevel na ng Ice Monster ata pero di singmahal, WAIS! Di ko alam kung anong variation ang pipiliin ko kaya nakixerox ako sa kanila, except imbes na caramel yung syrup eh strawberry sakin.
Alas dose na nila napagpasiyahan na gumora sa net cafe, sa may bandang Greenhills, likod lang ng Promenade. May happy hour kasi sila na inooffer na makakaavail ka ng four hours game pag nagnet ka bandang 11:30 PM. Eh inabot kami ng 12:30 pagdating doon kaya hindi na daw namin pwede iavail yung happy hour. Hala nakipag argue na si Kip na kesyo palugi na nga kami if ever kasi less than four hours ang magagamit na sa same amount, master debater yata yan. Finally nasettle nung owner na pwede pa rin daw iavail kahit basta di kami lalagpas ng 4 AM which is perfect kasi aalis kami before that time.
So ang game eh Left4Dead. Nung una eh familiarization muna with the controls ako. Buti na lang at same lang sya sa ibang online game na nalaro ko, at although similar sya sa Counterstrike na di ko naman nalaro eh userfriendly syang game at di ganon kasteep ang learning curve. Ang siste, apat kayong survivor sa zombie attacks. Hindi sya katulad ng ibang zombie games like Resident Evil na more puzzles, story, at survival; more like hack and slash ito, or should I say shoot and whack. Maya't maya makakarinig ka ng sigaw kay Kip kung nasan na ba kami, at mga reklamo na kesyo sya daw yung laging nasasacrifice ang buhay kasi nagtatago kami kung saang sulok. Aba di pa naman namin ganon gamay ang game kaya wag sya masyadong galit. Kelangan kasi group effort itong game or mapapalibutan kayo ng mob. May mga special zombies din: Smoker yung may mahabang dila na hinihila palayo yung party members na parang tiktik lang; Boomber yung may yellow blinding cloud pag sumabog sya; Hunter na nang-iincapacitate ng member hanggang mategi na lang; Witch na galit sa flashlight; at Tank na parang beefed up and zombified Arnold Schwarzenegger at mahirap sya madedz. Dumadagdag sa suspense ang reloading ng ammo, at ang pagtitipid ng med pack. Actually madali lang syang game basta cover cover lang kayo ng mga likod nyo, proper blocking and projection lang kumbaga. Nakatapos kami ng isang round sa Farm, after ng ilang retries. Nagsurvival mode din kami, at nag-zombies vs survivors mode. A very nice game, good for practicing hand-eye coordination, tactics, at precision.
Looking for more zombie goodness? Try nyo Plants vs Zombies. Uber cuteness yan.
Sabado, Disyembre 19, 2009
Lantern Around
UP Lantern Parade 09
December 18, 2009
Mula sa paanyaya ni Herson na gumora sa Paskuhan sa UP eh pinagpasyahan namin nila Rai na dumalo nga. So ang set-up kita kita sa may Philcoa ng 3:30 PM. Pero dahil na rin sa maaga kong paggising sa araw araw dahil sa pagsisimba simbahan eh nangailangan ako ng extra sleep at nagulantang na lang ng alas tres ng hapon na ako nagising. Super late na naman. Sabi na eh, masama ang idinudulot ng pagsisimbang gabi choz.
Quarter to four ako nakasakay sa MRT, sumiksik pa talaga ako sa pinto ng pangatlong tren na dumaan. The usual siksikan sa tren, na halos kayakap ko na yung nasa harap ko pero I didn't dare, di ko type eh hahah. Pagbaba ng Quezon Ave, punta naman ako ng sakayan ng jeep. Nasa dulo pa pala ang sakayan ng UP Campus at dahil puno na yung jeep kalahati lang ng pwet ko ang nakasampa. Mali pa talaga yung binabaan ko sa loob ng campus. Sinundan ko kasi yung dulo ng parade, magra-round trip na sana ako nang biglang may kumalabit sakin at si Jackie pala yon. Kasama sya sa parade, sa Babaylan. Nakasuot sya ng red jersey at shorts na in honor of his basketbolista jowa. Kung nakakapanood ka pa ng back episodes ng NBA circa 70-80s ata, ganun mismo ang outfit nya. Para din syang gym uniform, kinda Taylor Swift-ish with the knee high socks and all. And to complete the ensemble, we top it off with a red bandana. Cute naman sya infernezz. Tinuro nya ako shumortcut kung saang kakahuyan. Napadpad na nga ako sa may Sunken Garden. More lakad pa ako across the campus. Kung san san naliligaw. Pati ang mga tinetext ko di na nagsasagutan kung nasan sila. Nakarating ako sa harap ng Melchor Hall at andun ang pagkarami raming Eng students all in kosa attire, I mean orange pala. Tambling naman sa kabilang side hanggang finally nakarating na rin ako sa likod ng Oble. Kaya naman pala walang nakakareceive ng text kasi blocked sya ng sinet up na signals ng ABS habang nagcocover sila ng event. Nagkita kita kami nila Rai bandang 6:30 na ata.
Mahigit dalawang oras na ang nakalampas nang magsimula ang parada. Lantern Parade daw to pero less lanterns or parol ang nakita ko at more on floats. Ang theme nila "Kapaskuhan, Kalikasan, Kinabukasan." May 5-10 minutes na idadaan ang isang "lantern" sa harap ng stage habang binabasa ng hosts ang background nito. Minsan may production number din na involved. Naabutan ko ang sa CSWCD at ung parol nila isang simple white lang. May angel pa sila in white tapos biglang nagsong number sila, "Ako, Ikaw, Tayo, Pamayanan" masaya yung beat nya. Meron din yung Asian Studies na parang cosplay competition lang. Tapos may pambato din ang Islamic Studies na mejo shocked ako bakit may parol sila, di ko alam nagse-celebrate din pala ng pasko ang Muslim. Ang parol nila may orb at moon, tapos nakapatong sa kumintang. Meron din palang parol na Sarimanok. Sa College of Music nakakatawa lang dahil walang background music ang production nila. Ang parol nila may Ballerina sa ibabaw, panalo sa effort si ateng pero sa parol eh lotlot na yan for sure. Hala dumaan na ang College of Engineering, feeling ko lahat yata ng estudyante sumali na at ginawang alay lakad ito imbes na parada. Meron silang parol daw na mga robot robotan, parang mga puppets sa COD dati. After 40 minutes ata natapos ang walkathon nila. Enter na ang mga Babaylan, org ng LGBT community. Naka-all red outfit sila, na ayon sa kanila eh mapa-pechay, otoko, beki o lulu, iisa lang ang kulay ng dugo natin at iyon ay pula. Panalo yung kasama nilang ateng kasi ang ganda nya, parang tunay. Di namin talaga sure kung tranny sya o fem lezbo. Pati mga hosts natulala at nainggit sa boobies ni ateng. At last pumasok na ang College of Fine Arts. Meron silang sariling theme na Asian style. Merong Elephant galing Thailand na nagtransform into lotus flower na may dancing-dancingan pang lulurki on top. Merong Chinese Temple na may Qing Long Dragon pa daw na umiistory pa sila kuno ng drama dramahang Chinovela. Merong Buhay na Gubat pero mukha namang low batt yung kasama nya sa parade. Merong Alamat ng Alitaptap float na may giant fez ng fairy daw na kirat. Merong Pandanggo sa Ilaw troupe din. Ang pang finale nila eh ang mag-inang Pacman at Pacmom, buti di sumama si Pacbet. Heniweys, nakakatakot pa rin at mashongetz ever ang fezz ni Pacman kahit sa float. Imagine mo pa na may hawak syang basong may kandila, san ka pa?! Mejo pilipit nga lang yung pagkakagawa nila ng braso. Tapos nasa dulo si Mommy Dionesia. Nakasuot ng ballroom get up ang lantern nya, kaso isa lang ang paa. Lafftrip yung mga hosts pramiss. Biglang may production number pa sila na may mesh ng samples ng voice nyang "Sesaning granyels" at "Ako ang tonay na kampyown."
Natapos din, nag-announce pa sila ng incentive eh as if naman may makukuha kami don, nang inggit lang sila. Innanounce na ang winners sa mga categories. May isang category na 2 lang ang sumali so placers na kagad sila, winner at loser, I mean first at second place pala. May award din para sa carolfest na nagperform ng "Kaysigla ng Gabi." At last winner ng Parol innannounce na rin. College of Home Economics ang nakahakot ng awards ha. Bago matapos yung program, nagvideoke pa sila onscreen ng "Ang Pasko ay Sumapit."
Natapos ang gabi sa Fireworks Display courtesy ng Beta Epsilon yata. Ang sarap panoorin sa open field. Si Lan nga nagka-stiff neck na daw kakatunganga. May ilang mabilis na sparks lang, may ilang mabagal magdissipate habang dahan dahang bumababa. Para syang meteor shower kinda stuff. Imagine Cloverfield. Scary and weird pero may warm feelings ng excitement. Naalala ko tuloy yung conversation ko with Elvin about pyros. Kung walang spark pilitin. Dalhin sa fireworks display. Pero di sya nangangahulugang merong chemistry involved. Minsan lights lang talaga sya. Magandang pagmasdan sa mga sandali.
Habang lahat nakatingala, naisip kong para kaming mga gamu gamong nakapalibot sa mga lampara, hinahanap ang init, hinahabol ang liwanag. Malamig na ang simoy ng hangin sa field. Ilang araw na lang. Maligayang Pasko sa mga dumalo at sa lahat.
Mga etiketa:
Bliss
Huwebes, Disyembre 17, 2009
Parusa
Buwan
December 17, 2009
After ng daily morning habit ko para sa season lang na to, balik chikkahan ever kami ni Elvin na nag-ooverstay sa office nila dahil natatakot ata mareyp sa daan pauwi or inaaksaya ang company resources. Nako I'm sure imbyernezz na naman si Charinggerzi sa kanya. Sana lang nagbabalik loob na sya sa Dos. Yep kapuso sa puso ng dos ang drama nya. Wak masyado maingay baka mapersecute, maparusahan, masalvage, at matagpuan ang chinopchop na katawan sa kangkungan sa bandang Bulacan. I'm skerd for you teh. Ipinapagpray over kita palagi. Alam mo yan.
Elvin: Musta ang simabang gabi?
Jeremy: Ok naman. Nagconcert si Father. Song kung song, birit kung birit. Ayaw paawat.
Elvin: Ayy, buti di binato ng kamatis from talipapa?!
Jeremy: Mahal kasi ang kamatis this season eh.
Elvin: Eh bulok na kamatis?
Jeremy: Sayang din daw. Mahal ang bilihin ngayon. Kelangan magtipid. Konek? At nga pala, beking beki ka daw sabi ni Juding Charing.
Elvin: Saan naman?
Jeremy: Sabi nya kanina sakin. Dahil daw sa statline mo, "PARURUSAHAN KITA SA NGALAN NG BUWAN."
Elvin: Seylormown?
Jeremy: Yeiz, as if di sya nanood ng Seylormown dabah.
Elvin: I know right. Inggitera lang sya.
Jeremy: Korek ka jan.
Elvin: Di ko kase pinagpapapansin.
Jeremy: Feeling nya sya si Queen Beryl o Peril ba yon?
Elvin: ihihihi. Beryl. Ako rin nalito dun.
Jeremy: Basta magkatunog
Elvin: Or sya nalang si Zirconia. Mas bagay sa kanya.
Jeremy: Ayyy anong season yan? Forgot ko na.
Elvin: Seylormown S yata. You know the one with tigers eye, hawks eye, fish eye.
Jeremy: Sore eye? Third eye? Andami nyang eye ha.
Elvin: Basta sa Seylormown S nga yun. Kase yun yung may Pegasus.
Jeremy: Anong name nung Pegasus na yon? Prince Chorvanesis ba?
Elvin: Ayy di ko lem. Basta Pegasus.
Jeremy: May name daw yun eh. Ewan...
Elvin: Baka naman si Richie lang yun?
Jeremy: Richie ka jan?! Da Horsey?
Elvin: Galing!
Jeremy: Naman! Ex mo yun eh! Choz.
Elvin: Si Jude si Richie da Horsey? hahahahahahahaha pwede. Pero mas bagay yata dun ang Jude, the Problematic Horsey.
Jeremy: May qualifier na "problematic"
Elvin: Of course. Ikaw na ang problemahin araw araw ang buong mundo. Tapos sasabihan pa na beking beki si Seylormown my gass.
Jeremy: Korekted by.
Elvin: Ayy nako, musta naman yung soulmate mo? Wala pa rin? Baka naman si Father talaga yun.
Jeremy: Wala akong soulmate kasi wala akong kaluluwa. Choz
Elvin: Ayy pareho tayo. Wala nga akong mai-barter sa Devil for wisdom and power eh, ya know.
Jeremy: Pwede yung costume mo na ginawa mo daw. Tumatanggap sya kahit second hand.
Elvin: Storm?
Jeremy: Oo naman, matagal na nya pangarap yon
Elvin: Ayy! Sige pag-iisipan ko. Teka, di ba nga ibebenta ko online?
Jeremy: Sya na daw ang highest bidder! Automatic yan, yes effem.
Elvin: Wow, anong level ba ng wisdom and bibigay nya? Dapat yung power ko same levelling ng kay Seylormown para may I-Moon Princess Halation ako!
Jeremy: Why not. Pangarap na Buwan ito.
Elvin: Unti unting mararating kalangitan at buwan....
Jeremy: Baka magalit si Janggeum sa atin.
Elvin: At isumbong tayo kay Lady Han. Kelangan kase galing ka sa kilalang angkan.
Jeremy: Paruhasan kaya kita jan sa ngalan ng Diyos.
Elvin: Chosera.
*Wala na ngang moral, wala pang lesson. More chikka lang talaga.
Mga etiketa:
Elvin
Miyerkules, Disyembre 16, 2009
Takbo
Oblation Run 09
December 15, 2009
Pagtapak pa lang ng Disyembre eh more chika na si Herson sa nalalapit na schedule ng events sa UP campus. Eh wala naman akong balak na gumora dun kasi di rin naman kasure-an ang mga tao kung pupunta sila dun at ayoko maiwang mag-isa. Hanggang sa nakakwentuhan ko si AJ na balak daw jumoin sa Obleyshown run. Akala ko nga gusto nya tumakbo pero makikiusyoso lang pala, saka na lang daw tatakbo dun. So inisked ko na ang pagpunta don. Two days before ang actual run, nalipat ng sched si AJ. From graveyard naging mall hours sya kaya zero chances na sya pumunta. Buti na lang at go si Rai kaya may kasama ako. Nagtanong na ako ng directions pano at saan magkikita.
Umaga ng a-kinse, dalawang oras lang ako nakatulog. Di naman sa excited pero alas tres ng umaga kasi ang timeslot ko kadalasan mag-innernet kaya ayun mulat na mulat na kaagad ako. Nagbusy busyhan lang ako sa farm ko at blogs para mag ubos ng oras. Pagdating ng alas siete saka naman ako inantok, kape kape na lang para magising. Shower lang at takbo na kaagad papuntang UP.
Biglang nagtext ang Alex at sabay na daw kami pumunta. Imbes na magMRT ako eh inantay ko na lang muna sya sa may bandang Shaw. After 20 minutes saka pa lang dumating. Nagpaabiso na ako kay Rai ng 20-40 minutes na tardiness yah know. At ang magaling na Rai kakagising lang pala. Ang meeting na 10:30 sa Philcoa inabot ng isang oras pa. Filipino time nga naman. Plus may traffic papasok ng UP. Around 10-15 minutes before actual run ang dating namin para magset-up ng tatambayan. Si Rai na talaga ang sikat sa campus, lahat ng nakasalubong na kakilala may bearhug.
Sa AS kami nag-abang. HQ ata ng APO. May nag-abot sakin ng flier laman ang adhikain nila. Maya maya nagsimula na ang mga streakers. Unang daan pa lang napa-OMG ako. Fully nekkid, may cover lang na mga masks or shirts sa fez, di naman flag ceremony si junjun, at may hawak na rose or banner. Akswali dapat yung statement nila ang binabasa mo eh, pero parang spaghetting pababa ng pababa ang titig mo until poof. Di ko nga gustong tinititingnan ung sakin, sa iba pa kaya. Kaya buti na lang sa chest na ako tumingin, malaman at maganda kahit papano, laman tyan din yan at di pa ako naiistress below where the belt should be. Pero infernezz magaganda ang butt nila ha. Nakadalawang daan lang sila, to and fro. Ayun na yun. Yung oblation run ganun lang. Wala man lang ako nareceive na rose. Choz. Well, siguro nag-expect lang ako masyado kaya nadisappoint ako.
Ginutom lang ako. Kaya yung next na tindera ng mais binilhan ko kaagad, pati tinunaw na star margarine tinungga. Eh ang kakainan pala namin ng lunch doon pa sa Katipunan. Ride pa ng jeep patungong Manila Water ha. Kumain kami kanila Mang Jimmy. Mura naman at masarap. Parang probinsya nga ang atmosphere eh. Batu bato ang flooring nila. May tumatagas pang tubo ng Manila Water sa gilid, pwede naman nila ireklamo siguro kasi katapat lang nila eh. Akswali di naman sila nakabantay sa gate kaya pwede ka mag 1-2-3, pero mahirap tumakbo ng mabigat ang tyan. Baka pumutok si appendix.
Heniweys, I'll be back na naman siguro for the Lantern Festival sa Biyernes. Sana naman maganda na maisulat ko next time ha. Eto ang first ko, hopefully not last, na usyoso mode sa Oblation run. Baka next time ako naman tumatakbo jan. Hahah asaness.
Martes, Disyembre 15, 2009
Waterrific
Wensha Virgin
December 14, 2009
Ewan ko ba pero lately tumatakbo takbo ako sa labas pag madaling araw. Parang sort of jogging joggingan blues. Pero di naman seryosohang jogging kasi nga 10-15 minutes lang ang kinakaya kong tumakbo, at madali ako madehydrate. Every other day lang ito pero naeenjoy ko na rin kasi lagi ko nakakasalubong si crushyness. Buti na lang opposite direction sya at mejo malaki yung circle na iniikutan ko kaya twice ko sya nakakasalubong sa isang ikot. At dahil jan nafoforce ko ang sarili ko makadalawang ikot why not. Kaso ang matinding kabayaran sa kalandian eh ang pananakit ng kasu kasuan. Totoo, feeling ko ngarag to the bones ang legs ko, at di ko pa rin naa-achieve ang pangarap kong calves leche. Di na ko gano tinatablan ng Omega painkiller, Alaxan ip-ar at Salompas. Mabuti na lang talaga at naassemble ko gumora ng Wensha si Warren at Theo. Ang sched Monday (para di conflict sa mga pangkatulong ang day off), alas kwatro sa Quezon ave station ng MRT.
Dumating ang nakatakdang araw. As usual muntikan ako malate pero umabot naman. Ang di ko napaghandaan eh ang battery ng celphone ko. Mega-texting galore pa kasi sa isang friend (nagpapacute kasi choz) ang ending pala di na ako makareply kanila Warren at Theo. Well, nakatext pa naman na wag na sa MRT station magkita, dun na mismo sa Wensha. Pagdating doon, wala pa ang Warren at Theo. Naghintay ako ng 30 minutes tapos pumasok na rin kahit mag-isa lang.
Dahil first time ko magsolo quest sa Wensha, kinakabahan ako syempre. Ang lungkot sa wet area kasi wala ka kasama magrate ng mga tao. Pinapalabas sa TV ang PBB at glued ang mga tao kay Melai. Di man lang ako matawa, nasasad ang puso ko maging loner. Choz. Di lang talaga ako fan ng Melason siguro kaya di pa ako makaride sa joke time nya.
Kalagitnaan ng aking pagtatampisaw sa kumukulong tubig saka pa lang dumating si Theo. Congratulationsss! Anong petsa na?! Ayun happy na ako, may kasama na magjudge ng mga tao sa pool hahah. Si Theo nga pala ay isang virgin sa spa scene, mas madalas kasi syang matatagpuan sa mga bathhouses. Yes, the notorious bathhouses ng bookingan at aurahan. Dapat yata may baptismal eksena pa sya tapos ilublob sya sa tubig dabah. Naappreciate naman nya yung tiles daw dito kasi rough sya. Well lighted pa yung place, unlike sa bathhouses na struggling ka sa redlight (kung saan ang moon surface ay animo bolang crystal if yah know what I mean.)
Nagtry pala kaming gumora sa steam room pero sobrang init ngayon. Pagpasok pa lang mabigat na talaga sa katawan ang init, heavy breathing ako sa loob. Parang levelled up since the last time. Siguro dalawang minuto lang ako doon, pero naglabasan naman mga pawis ko. Inaya ko si Theo sa sauna. Ekpleyn pa ako na ang sauna eh parang barbecue-han lang minus the marinade, at mas mainit sya sa steam. Well nung last na nagWensha kami ni Warren eh tolerable ang init doon. I'm sure ngayon levelled up din ang init, yung tipong pag pumasok ka na may plastic cup na may water, kukulo yung water at malulusaw yung plastic sa kamay mo. OA lang.
Ireview naman natin ang mga tao sa pool area. Meron mga nag-aassist don sa pool. Yung isa si kuyang nakaplaid na shorts, ang ganda ng legs nya, nainggit naman ako sa calves. Yung iba nya kasama... wala lang. Sa mga customers, karamihan mga thundercats. Meron din majujubabs. May friends na dumating na mukhang mas bata naman sa average age level. Hala, di malaman kung san lulublob. Hot or cold ba koya? Feeling ko lang gusto lang talaga nila magflash, ginagawang dahilan yung pagtransfer ng pool para ilabas si junjun. May dumating na nakaglasses, shett weakness ko yung glasses. Di kaya crush ko lang yung glasses at hindi yung may-ari? hahah. Heniweys, slim sya pero mamaskels kaya maganda yung built ng katawan nya. Shett inggit mode na naman. Kaso nagbababad sya masyado sa steam room. As if may tutunawin pa syang taba di ba? Or nagpapamoist lang talaga ng glasses?! Ewan ko ba dun. Finally dumating si kuya na tatawagin na lang nating JM for Jay Manalo, as per Theo malaki ang future ni kuya JM. Parang si Sid Lucero naiimagine ko sa kanya, sa mata at facial hair, gym buff. Water water daw ang pekpek ni Theo azz in. Sa sauna naman sya nagbababad. Napapansin siguro nya na pinagchichismisan namin sya ni Theo kaya lingon sya ng lingon sa amin. Kunwari pa kasing nanood sya ng TV eh soundproof naman sa loob ng sauna.
After one hour yata sa pool area nagyaya na si Theo gumora sa massage area. So shower muna then palit na ng robe. Hayyy ang mahiwagang robe, na di pa kasinglevel ng blusang itim at magic kamison. Hindi ko pa rin maintindihan pano itali ang robe na yon. Feeling ko kasi I'm so nekkid pa rin pag suot ko yung robe na yon, dahan dahan akong nagbuburlis habang natatanggal sa ayos ang pagkakatali. Dapat yata maglelecture sila doon how to wear a yukata. Heniweys, kahit di ako makamove on sa robe gumora na kami upstairs. Sign up kami sa front desk. Kinuha yung locker number namin para ilista. At nasa likod na pala namin si kuya JM. Kinuha rin ni receptionist ang number nya. Ibibigay ko sana number ko kay kuya eh pero nasa locker yung phone nya choz. Nung pinapili na kami ng masahista, go kami sa male. Ayyy si kuya JM female ang pinili. Wenkz. Lose a turn, kamay nasa dibdib.
Dinala kami sa isang room na two beds lang ang available. Tamang tama na sana na magkasama kami sa massage area ni Theo. Eh ang kaso nagjinarte pa ang masahista, kesyo it's like OMG it's sooooo mainit here, can we like make lipat to the other room?! So lumipat kami, nagkahiwalay kami ng room ni Theo. Kasama ko sa room isang majubabs na customer. Since virgin nga si Theo sa massage dito, more innerview pa sya kay kuya. Kung first time ba nya, OO. Anong oil ang gagamitin, ayy nagsuggest pa ata ng lavender, pero ang choice lang naman mineral at ginger. Tapos nung kinukuha yung bracelet nya na key sa locker, akalain mo ba naman nakipagshake hands. Azz in, nalurkey din si masahista. Heniweys, hard yung sabi kong massage sakin. Eh dapat yata moderate lang kasi feeling ko nabugbog ako. Pero di ko maikakailang naenjoy ko yung mga padaplis epek around sa pubic area. At I'm sure enjoy na enjoy nung roommate ko. The whole time sya nagmomoan. Ooohhh, aaahhh, ang sarap... repeat to fade. Pramiss! Akala mo jinejerjer sya doon. At ayoko na iimagine yon.
So ang last part ay sa buffet area. Gusto ko sana magshabu shabu kaso walang gana naman si Theo. Kung kasama lang namin si Warren I'm sure gogora kami sa shabu shabu. Kumain na lang kami ng foodstuffs doon. Si Theo go talaga sa pansit, na di ko tinikman kasi akala ko wala akong gana kumain, pero nakaround two ako ng kain hahah. May dessert pang ice cream pero yung Trio lang ng Nestle ang available, so it's either Choco, Cheese at Ube lang talaga. Naghahanap pa naman si Theo ng Anchovy Pistachio flava. Si kuya JM nasight ko pa lumalafangz dun sa smoking area, pero may friend syang kasama na isang super jubabs na gelay. Hayy sayang si kuya hahah.
Baba sa wet area, sinilip pa namin kung andun si Warren pero wala talaga. Akswali di na sya tumuloy sa pagwe-Wensha kasi zombie mode sya after ng Xmas party nila sa office at di na nya kami naantay dumating sa spa, umuwi na lang kagad since di naman ako makatext. Ayun nag-ayos ayos muna sa harap ng salamin, tapos nagsave the world from cavity gamit ang mga disposable na brush na di kagandahan gamitin, quantity versus quality ang overriding factor. Well wala na panahon mag-inarte, free naman sya eh. Later bihis na kami at nagshoes. Dumaan ulit si kuya JM, akala ko uuwi na sya pero di pa pala. Inantay ko pa naman baka makasabay namin umuwi choz.
Sana naman next time maayos na namin ang logistics para the more the merrier kami sa Wensha. At make sure na rin na charged ang battery. Sarap ulit ulitin toh pramiss, ♫yeah you maaaaaahhhke me feel shiny and new.♫
Mga etiketa:
Wensha
Lunes, Disyembre 14, 2009
Chess
Check!
December 14, 2009
Nanggaling sa kunsaang rakrakan tong si Friend at kasama daw nya si crushyness nya doon. Akswali ininvite ako pero di ako nakagora kasi kamusta naman nasa Christmas party ako. Chikka chikka sa text hanggang sa nalowbatt na lang ako. Nung makauwi na lang ako the following day sa pamorningang party eh saka ko pa lang nacharge ang battery ko at isang nakapangingilabot na text ang nareceive ko! Chain text, wala daw akong gift pag di ko finorward sa 25 friends. Erase. Next message, ayun ang Elvin nagtext na magkasama sya at si Crushie nya sa house nila. Ang landeeeehhh! Eh kelangan ko na rin magrecharge ng battery ng katawan ko kaya sa sumunod na araw ko pa sya nakumpronta about the issue.
Jeremy: Nako malakas ang kutob ko...
Elvin: Ano?
Jeremy: Na nakuha mo na ang Christmas bonus mo.
Elvin: Pwede!
Jeremy: Ano nangyari kagabi? Umamin ka!
Elvin: Sekreeehhht!
Jeremy: Cheeeeeeeeehhh! Aminin mo na! Natulog sya sa balur mo!
Elvin: Yeah.
Jeremy: And then?
Elvin: Ayun, hulaan mo!
Jeremy: Naglaro kayo ng chess?
Elvin: Meaning?
Jeremy: Nacheckmate ka! choz
Elvin: Sa palagay mo nagpacheck mate ako?
Jeremy: Malamang! Ikaw pa! Magpapakain ka naman! Ayyy Dama pala yung may kainan.
Elvin: Napipicture mo?
Jeremy: OMG. Wag na lang. Baka masiraan ako ng bait pag piniksur ko sa utak ko.
Elvin: Wag mo kalimutan, BUSILAK AKO!
Jeremy: Weh
Elvin: BUSILAK AKO as always.
Jeremy: Really? Alam ko may bahid ka na, may dungis ka na, may grasa ka na!
Elvin: Pwede, PERO I'VE BEEN REALLY BUSILAK KAGABI!
Jeremy: Wow congratz sayo ha! Banal banalan ang drama. Do you have any regrets?
Elvin: Ang regrets ko... si crushie talaga ang pabusilak kagabi. Asar!
Jeremy: Dapat pag ganon, ikaw na ang gagawa ng move. Kung sa tingin mo eh di naman sya papalag at gusto naman nya.
Elvin: Tulog sya eh. As in antok na antok
Jeremy: Eh di gisingin! Sabihin mo, "Hoy! sino nagsabi sayong matulog dito sa pamamahay ko! Let's doh ett."
Elvin: Well, I kissed him. At talagang hindi sya nagising.
Jeremy: Feeling mo sya si Aurora?
Elvin: Aurora Halili? chos
Jeremy: Aurora Munroe. Si Storm. choz. Ikaw nga pala si Storm.
Elvin: Aksuli, it's an awesome feeling to be with him. Basta't ramdam ko lang yung katawan nya nung natutulog kami.
Jeremy: Teka buti di sya nagtransform sa palaka nung kiniss mo sya. hahah
Elvin: He did, for 3 seconds. choz. Pero weird. I really can't say that I love him. Like lang talaga.
Jeremy: Oh dabah. Parang di pa sya levelling ng love. Baka it's not meant to be.
Elvin: Magulo...
Jeremy: Sino magulo? Ikaw o sya?
Elvin: Yung nararamdaman ko. At saka pinapakiramdaman ko din sya eh.We both know that he is friendly and inviting. Pano kung ganun lang talaga?
Jeremy: Sabagay masama nga naman maging assuming. Baka talagang flirt lang sya.
Elvin: Yeah, friendly and flirt.
Jeremy: Is that a good thing?
Elvin: Wala naman problema saken kung magsex man kami ng walang love eh. I mean, nakipagsex na nga ako sa strangers. Sa kanya pa kaya?
Jeremy: Ayyy you're so not busilak anymore.
Elvin: I know right. Basta weird lang talaga yung kagabi. Maraming factors kung baket hindi kami nagniig.
Jeremy: Cite an example.
Elvin: Una na nga yung inaantok sya. Then, mukhang hindi sya nililibog like the other times na indirect syang nagyayaya. At mas lalong hindi rin ako.
Jeremy: Frigid ang simoy ng hangin noh.
Elvin: Eto pa nakakatawa, pagkaalis namin sa concert, punta kami Aurora, kain sa Jabee.
Jeremy: Anong nakakatawa sa Jabee?
Elvin: Cheh! Yun nga antok na antok na sya. Sabi nya tambay daw sya sa bahay
Jeremy: Ahhhh para paraan.
Elvin: Eh biglang andun sa bahay yung dalawang kapatid ko, tatanggi dapat ako. Eh kakaawa naman, lalampas lang daw sya sa byahe kung pipilitin nya umuwi.
Jeremy: OMG, pinalayas mo yung kapatid mo?!
Elvin: Hindi! Sa sofa lang kami nagjerjer. echoz
Jeremy: Habang nanonood ang mga kapatid why not.
Elvin: Sa sofa kami natulog. As in yung uncomfy na position. Well yun nga, I liked the feeling na katabi ko sya matulog. Pero going back sa Jabee, nung pagkalabas pala namin, sabi ko na lang, dyan lang sa banda dyan yung SOGO! At sya ang tumanggi.
Jeremy: Ayyy may SOGO nga dun sa Cubao.
Elvin: Yeah dun mismo sa street namin. At meron pang Mariposa Lodge. Eh yun nga, ako na halos ang nag-invite. Eh sabi nya mahal daw pag weekends. Malamang wala lang talaga sya sa mood.
Jeremy: Nako boborlogz lang naman kayo dabah. Same lang ang epek, di pa kayo nagkaencounter sa mga kapatid mo. hahah
Elvin: Eh siguro nanghinayang sya, kung boborlogs lang kami. Nagsawa na rin siguro ang loko sa pag-indirect invitation saken. Pero seriously, had he invited me, sasama NA talaga ako.
Jeremy: Nag-iinvite sya dati sayo?
Elvin: Dati? Mga 2 or 3 times yata. Plus pa yung first meeting namin na halos nasa pinto na kami ng SOGO talaga.
Jeremy: Well kasalanan mo yan, pinalampas mo ang chance. Opportunity knocks only once on your door, rings on your bell, and knocks on your window sill. Ano daw?!
Elvin: Yun talaga busilak pa ako nung mga panahon na yun no. Tapos yun nga may tao sa kwarto so nasa couch lang kami. Kung nasa kwarto man lang kami, posibleng ako na nagfirstmove.
Jeremy: Ayy ikaw ang na ang White, ikaw talaga first move. Ingat lang ha, touch move.
Elvin: Wala din naman ako sa mood maging dirty. Kahit tamang cuddling lang at halikan. Pero seriously... yun.
Jeremy: Kiniss mo lang sya nung tulog na sya?
Elvin: Smack lang, panggising. Kase mataas na araw at magbababaan na mga housemates kong echosera.
Jeremy: Di pa rin naggising dabah?
Elvin: Yeah. Kahit nga hug, yung matagal ko ng pinapangarap na mahigpit na ultra electro magnetic hug ko, di ko pa nagagawa eh. Mejo malaman pa naman sya ngayon.
Jeremy: I-Laser Sword kaya kita jan?
Elvin: Pwede rin.
~0~
Oh dabah kung ang love parang game, siguro parang Chess nga ito. Di lahat may gusto maglaro nito dahil natatakot matalo or talagang di marunong. May nakakacheckmate in four moves or less. Kelangan protektado mo si King. Dalawang kulay lang ang pagpipilian mo, either black at white. Ganun sya kasimple, ganun ka-exacto. Black or white lang. Wala nang iba. Walang gray. Dahil kung gray ang bet mong kulay, baka hindi love yan. Baka Scrabble yan.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)