Linggo, Nobyembre 23, 2014

That Thing Called Tadhana

Walang komento:

When I saw Piolo-Toni's Starting Over Again, akala ko ito na yung relate movie of the year ko. I saw Siege Ledesma's Shift and Jerrold Tarog's Sana Dati this year pero 2013 movies yun. And totally relatable and heartaches nun.

Then came Tadhana. A very powerful word para gamitin para sa title. That Thing Called Tadhana. Mas powerful pa sa love. Walang trailer. Movie poster lang. Angelica Panganiban and JM De Guzman. Should I watch it? Ayon sa poster, "where do broken hearts go nga ba tita Whitney? Roma, Manila, Baguio o Sagada?" Pak panalo. Parang Marcelo Santos III lang ang peg pero not in a overly nagmamarunong at nanghihimasok kinda way.

Umikot ang movie sa pagmove on ni Mace (Angelica) sa ex-boyfie nya na ipinagpalit sya nung makagora na sa Roma. Nameet nya si Anthony (JM) sa airport nung pabalik na sya sa Manila. Excess baggage kasi si teh sa check-in. Bilang kapwa Pinoy eh tinulungan lang syang maiuwi ang ibang gamit para lang hindi na itapon. Ewan ko ba bakit may mga taong andami laging bitbit. Well, si Mace bitbit lang naman nya ang buong buhay nya. Yes, ang mga trench coat nya na galing ukay worth 2.5k at mga panties and teddy bears, yan ang buhay nya. Hindi naman kasi basta basta naitatapon ang sentimental value di ba? Mehganon?

Sa series ng pagkaladkad ni Mace kay Anthony ay unti unting nag-oopen up sila. May 20 minute monologue pa yata si Mace tungkol sa lecheng pag-ibig. Eight years yon, pakshett ganun na lang ba ang eight years? It's not how long mo nakilala yung tao eh. Minsan nga isang saglit lang ang kailangan mo para malaman mong mahal mo yung tao. Or isang araw. Isang 500-day period. Isang sunrise, or sunset ganyan. You can never tell. Pero eight years ay hindi sukatan na 100% sure ka na. Nasayang lang ang oras yes pero mas masasayang lang siguro kung sa dulo mo pa malalaman.

From Manila, to Baguio, to Sagada, andaming moments nila Mace at Anthony. Actually si Mace ang mas maraming moment. Kasi lahat na lang ng bagay eh konektado pa rin sa ex nya. Pati ketchup. SRSLY! Along the way dala dala pa rin nila ang baggage nila. Umakyat ng footbridge, dala ang baggage. Umakyat sa matarik na spa, dala ang baggage. Nagtungo sa museum, dala ang baggage. As if di pa rin nila maiwan ang "buong buhay" nila. Pwede ba magcheck-in somehere para lang iwan ang baggage? Kahit sa SM Baguio Supermarket na lang siguro iiwan ko talaga ganyan.

Pero, hindi pwede. Dahil sa baggage din umikot ang movie. May emotional baggage si Mace sa ex nya, si Anthony naman sa frustrations nya sa mga pangarap nya. Nawala lang yung baggage nung makarating sila sa Sagada, kung san naiwan sa bus station ang baggage nila. Well, pinabayaan na lang nila. Pero kung sa akin nangyari yon, metaphor man o hindi ang baggage, magpapanic talaga ako. Sa Sagada na rin nila narating ang rurok ng kanilang feelings so to speak. Well, hindi rated SPG rurok if yah know what I mean. Sa tuktok ng mga bundok ipinagsigawan ni Mace ang feelings nya, ang galit, ang sakit. Nairelease na rin nya sa wakas. Wala nang 20 minute monologue ha.

Uwian time na. But wait, there's more. May plot twist pa pagbalik ng Manila! You have to watch the movie to see what happens nga lang. The movie is open ended so go lang mag-imbento ka ng sariling mong version ng ending.

What I love about the movie. It's simple, pero hindi sya yung napanood mo na ng ilang ulit sa mga teleserye. Something fresh pero somehow familiar. Like One More Chance familiar. Before Sunrise familiar. 500 Days of Summer familiar.

I love the script. I love how it is funny at crushingly masakit pag nag-eemote na si Mace. Correction: nagte-twenty minute monologue pala siya. I like how they inject literature into the script. Like si F. Scott Fitzgerald: "There are all kinds of love in the world, but never the same love twice." Hindi sya mukhang forced kasi parang naisip lang bigla ni Anthony ishare ito. Hindi sya yung tipong ang eksena nag-uusap kayo about third and fourth dimension tapos bigla mo maipapasok: "love transcends time and space." Science fiction tapos magsisingit ng love? Ano yan love ang fifth dimension? Ayoko na magnamedrop ng film choz.

Ok lang naman yung song choice nila. Where do broken hearts go nga ba ateng Whitney? Chismis pala sa akin mejo mahal daw ang talent fee ni ateng Whitney. Choz royalties pala for the use of the song. Mabuti marami naman daw nagdonate para lang magamit ito. Sana nagstick na lang pala sila sa Up Dharma Down."Ba't di pa sabihin ang hindi mo maamin? Ipauubaya na lang ba to sa hangin?" Pero kung di naman nila nagamit yung Where do Broken Hearts Go, paano majajustify ang paglipat lipat nila ng locations?

Location, location, location. Perfect ang mga eksena ng lokasyon. Yung eksena sa Japense resto (sorry di ko natandaan ang name) naisip ko agad ang ganda ng lighting. Pwede magfoodtrip dito, dun sa mismong inupuan nila Mace at Anthony. Natural lighting pak ang ganda ng epek sa eksena. Yung eksena sa Bencab Museum, maliwanag at seryoso. Perfect sa pag-uunload ng baggage ni Anthony. Yung eksena sa Session Road, kahit gabi na, well lit at romantic. May acoustics pa. Yung eksena sa coffee shop sa Sagada, habang umaambon, chillax lang. Naset nila yung mood sa film to the point na gusto ko rin bisitahin yun. Pilgrimage ganyan choz.

I super super love this film. It's a work of art. It's a work of love. Para sa mga taong nainlab, nasaktan, at umibig uli. Tatanga tanga, ganyan. Dahil you can't unlearn love.

P.S. Sana magkaron ng book nila Mace at Anthony na The Arrow with a Heart Pierced Through Him kahit maikli pa sya. Gawin nyong 72 ang font size para dumami ang pages choz.


Huwebes, Oktubre 23, 2014

Musicless

Walang komento:

Naiwan earbuds ko sa office kagabi at umuwi akong labless. I mean, you know, music is love.

Yung tipong nakaupo ka sa bus at napipilitan ka lang manood ng teleserye o pirated copy ng latest blockbuster o makinig sa favorite DVD ni manong kundoktor. Asan ang hustisya? Wala kang say sa gusto marinig. So yeah brokenhearted ako nang malaman ko pakshett naiwan ko sa jacket ko yung earbuds ko. So tulug tulugan na Lang a byahe. Pati sa jeep. Siksikan na nga lang makapaglampungan pa yung katabi mo. Kwarto nyo teh?

Gusto ko san magstatus post ng malupit na emo quote kaso I feel uninspired. I'm too depressed to post a depressing status message. I'm too depressed to type  a 140-character emoness. Ang ending: blog lang ang makakaaccommodate ng sabug sabig kong utak.

Nagreunite na kami this morning. Oh ny namiss ko talaga to. Mahigit trenta minuto na ako nasa pantry nakikinig kay Yeng at Sitti at Armi, habang nag-uupdate ng playlist sa Spotify.

I love you music. Don't leave me again ha. Mamamatay ako. If music be the food of love, I'll eat it. I mean play on.

Sabado, Oktubre 11, 2014

Kalesang Tales

Walang komento:

Plok, plok, plok. Musika na sa tenga ni Mang Husto ang bawat hakbang ng kanyang kabayo. Mahigit tatlong dekada na rin yata syang umiikot ikot sa mga pader ng lungsod na ito. Nakapagpatapos na sya ng dalawang propesyunal sa kinikita nya dito. Sa ngayon, parang maintenance na lang ang kita nya sa pangangalesa, ibawas mo pa ang boundary. Mabuti na nga't nakakapagpadala sa kanya ang kanyang mga anak ng panustos.

Naalala pa nya ang mga panahong nasa moda pa sila. Maraming mga turista ang dumadayo dito. Sa ngayon maswerte ka na siguro makadalawang byahe. Kung sabagay naikot na rin ng mga tao ang lugar na ito ng ilang ulit. Ano pa nga ba't sa pagsulong ng teknolohiya eh alam na ng mga tao ang kasaysayan ng lugar sa isang click lang. Isinapuso na ito ni Mang Husto kaya masasabi mo isa na syang walking Wikipedia ng Intramuros. Ngunit dahil kutsero ang tawag sa kanila, di maiiwasang bigyan ng konotasyon sila na nag-iimbento lang ng sinasabi. Kwentong kutsero. Magtitiwala ka ba sa kwentong kutsero?

"Manong anong pinagkaiba ng karitela sa kalesa?" minsan na naitanong sa kanya. Wala naman, pwede naman ipagpalit sila ng tawag ngunit madalas mas malaki ang karitela na kaya magsakay ng lima hanggang anim na tao. Mali. Spelling daw. Mga pilosopo. Ngumingiti na lang sya sa mga pasahero. The customer is always right.

Nung isang araw may isinakay syang nagdedate. Yung babae morena, yung lalaki Australiano daw sabi ng babae. Mejo hirap maunawaan ang English dahil iba ang punto ngunit pinilit nyang sagutin bawat tanong. Kaso nga lang hindi na sya matapos sa kanyang tour dahil maya't maya ay pumulupot agad itong babae sa mga braso ng foreigner.

May ibang araw na parang taxi lang sya na naghahatid papunta dito at doon. Wala naman sya magagawa. Pasahero din yun. Mabuti nga't hindi di gasolina ang dala nya kung hindi talo pa sya sa buong araw na pag-iikot.

Ngayong hapon ang unang pasahero nya ay dalawang dalagita. Nagsimula sya sa pagpapakilala.

"Hello, I'm Justiniano. You may call me Mang Husto."

"Can we like just call you Justin?" sabay hagikhik ng isa. Chinita, Pinay na parang utal sya magsalita kasi para laging maga ang kanyang mga labi. Wala naman syang braces pero parang umaarte syang mayroon.

"Jessie, stop it. Ok lang Mang Husto. I can understand a few Tagalog. Gusto ko nga matuto more so I need to listen to more Tagalog. Anyway, ako nga pala si Kathy. Jessie, you'ved met already." may twang si Kathy magsalita. Blonde, balingkinitan at matangkad at maamo ang kanyang mukha.

"Justin, baka nagulat ka kay Kathy like why is she speaking Tuhgahlowg! I know right. Cause she's half German, half American, and half Pinoy that's why."

Umikot ang mata ni Kathy. "Don't worry about the history manong. I've read most about it on the net. Si mama kasi she wouldn't let me travel first ng walang alam about the place. But you can still point out some of the places I haven't read yet. Magtatanong na lang kami, is that ok manong?"

"Yeah we just need to get around the city in this heat. Gosh, it's killing me!"

"Don't mind her manong."

Ganyan na ba ang mga kabataan ngayon. Laging nagmamadali. Laging rush. Laging naghahabol sa oras. Siguro nga gawa na rin ng technology eh lahat na lang makukuha mo sa isang tap. Noong panahon buwan ang inaabot sa pagreresearch ng kailangan mo. Ilang taon bago mo makabisa ang kasaysayan ng bayang ito na sa ngayon isang google mo lang nanjan na. Panahon na rin bang kami ay palitan?

"Let's take sa selfie Kath." Snap, snap, snap. "Ang taba ko jan. Take another one." Snap, snap, snap. "Manong sama ka samin." Snap, snap, snap. "Ngayon, manong kunan mo kami ng selfie!"

Inabot ni Mang Husto ang celphone at inianggulo sa harap nya. Snap.

"Funny, manong. I meant take us a selfie. Kami ni Kath not you. Duh!"

"Jessie it's technically not a selfie when you asked manong."

"Pasensya na po mam. Mahilig din kasi magselpie ang apo ko kaya ginagaya ko lang ang ginagawa nya."

"Can I see a picture manong?"

Pinakita ni Mang Husto ang wallpaper ng phone nya. Yung apo nya sa picture ay anak ng bunso nya na nasa Canada naman dahil doon nadestino yung project nya. Sya na lang ang nagpapasaya sa kanya ngayong halos wala na tao sa bahay nila. Yung panganay nya nasa California na. Sumama din dun ang kanyang misis dahil gusto naman daw makabisita sa ibang bansa. Dito nga sa Pilipinas di pa nya naikot ang Luzon, naisip pa nya dumayo sa Amerika. Nasa bahay nila ang kanyang manugang at apo pero mga ilang buwan na lang magmamigrate na rin sila.

May selfie din sa kalesa ang apo nya. May mga litrato silang buong pamilya ilang buwan lang ang nakalipas. Nakakamiss din yung sama sama pa sila noon. Di bale sa susunod sya naman daw ang dadalhin nila doon. Para naman sya ang itour ng mga anak nya sa Amerika.

"Oh oh oh. Manong can you drop us off a while. I just hafta get coffee. Don't worry we're still getting off at Binondo you promised!"

"No worry mam."

Si Jessie lang bumaba sa Starbucks. Niyaya na rin sya dito dati ng kanyang anak at ng ilang mga pasahero. Natikman na nya ngunit mas gusto pa rin nya ang barako ng Batangas. Sana mga lokal ng coffee growers na lang ang pinayagang magtayo ng kanilang negosyo sa loob. Alang alang sa pag-unlad, hinayaan ng gobyernong makapasok ang foreign companies para pagkakitaan ang colonial na mentalidad ng mga Pinoy.

"Manong what can you say about talks of the government taking down the walls to make way for road widenings?"

"Hindi po totoo yan. Hindi po kami makakapayag jan. Parte na ng kultura natin ang mga pader na yan. Kung aalisin yan para bigyang daan ang pag-unlad para na ring tinanggal ang kahulugan ng Intramuros."

"You're right. You can't say it's Intramuros without the 'muros.'"

"Pero hindi natin masasabi, sa pagpapalit ng administrasyon may kanya kanya silang mga plataporma para sa Maynila. Nanjang ginawang tambayan ang Roxas dati ng mga manginginom. Nagsipagtayuan ang mga malls sa paligid. May nagtatayo pa ng condo para angkinin lang ang sunset ng Manila Bay. Ako ay makalumang tao, sanay na ako sa aking nakagisnan. Hindi rin naman ako tutol sa mga pagpapaganda sa bayan natin. Ngunit may ilang bagay na dapat mo nang iwan para lang sa nakaraan. Na magpapaalala sayo ng nakaraan. At eto kami para magpaalaala sa mga naghahanap."

"Wow that was deep. I didn't get some of it though. Sorry manong."

"Is he bothering you? OMG!"

"No worries, Jessie. You're actually bother us. Ok ka na ba sa coffee mo?"

"They don't have macchiato so I had lattes let's go na ok?"

Matapos maihatid ang dalawa sa Binondo ay nagpasalamat sila. Pauwi na rin si Mang Husto dahil malamang wala na magbabyahe sa papakagat na dilim. Umikot muna sya sa simbahan para magsabi ng kaunting papasalamat.

Kaunti na lang din ang dumaraan na sasakyan sa loob pati ang mga tao ay maiingay na mga estudyante at mga turista kanina lang ay wala na rin. Sa kulay orange na ilaw ay tinahak nya ang daan pauwi. Katahimikan. Maliban sa tunog ng mga hakbang ng kabayo. Plok, plok, plok.


____________________
Crosspost from Wattpad.

Lunes, Oktubre 6, 2014

Ang Videoke sa Tribunal

Walang komento:

"I can sing just any song," birit ni Janice. "I can dance, I can fly, and touch the rainbow in the sky."

Bata pa lang mahilig na kumanta si Janice. Idol na idol nya noon si Manilyn. Sayang na sayang lang ang pag-ibig ko. Feeling nya naisulat lahat ng kanta ni Mane sa buhay nya. Araw araw nagsasanay din sya sa pagkanta. Lumulublob din sya sa drum ng tubig para maenhance ang breathing nya.

Marami nang taon ang lumipas. Maraming singing contest ang dumaan ngunit di naman sya nakalahok. Dahil sa isang gabi ng takot ay di na muli sya umawit sa harap ng maraming tao.

August 25. Pista ng poong San Roque sa bayan nila. May peryahan at prusisyon at sayawang bayan. At may singing contest. First time ever na sumali sya. Kabado at excited. Dalawang buwan na sya nag-eensayo para sa kanyang number. Nagpagawa pa sya ng mixtape dahil magmemedley sya ng current idol nya na si Britney Spears.

Hindi lahat ng nasa plano ay umaayon sa pagkakataon. Nasa stage na sya at nakasalang ang casette nya nang biglang nagkabuhol buhol ang tape dahil siguro sa chipangga ang pagkatapos nito. Tumugtog ng pabaligtad ang Hit Me Baby One More Time. Alam na nyang mali ngunit the show must go on. Kinanta nya pa rin ito, in reverse. Dahil kabisado nya ang kanta side A, side B o backmasked man. Dahil dito naglabasan ang konserbatibong nakatatanda at tinawag syang kampon ni Satanas, "Oh my God ang anak ni Janice", at kung anu ano pang kademonyohang ibinintang sa kanya. Tumakbo sya paalis papuntang Maynila dala lamang ang kanyang damit at ang grand price na isang sako ng bigas at sampung de lata na naharbat nya on the way patakas. Adrenaline rush. Umabot pa sya ng Tiaong bago naibenta ang kalahating sako para lang may pamasahe sya paluwas.

That was before. Namasukan syang katulong sa may Pasay, lumipat sa factory, bago pa sya na nakapagtapos ng isang kurso sa kolehiyo. After oh so many years nawala na ang ingay ng nakaraan, ngunit ang tinig pawang bumubulong at tinatawag sya muli. "Tara lezz videoke," usig nito. Are you having fun yet?

"Come on Janice, alam ko naman gusto mo na kumanta," sabi ni Elena sa kanyang, lutang na sa walong bote ng Red Horse habang kinakalaykay ng jowa nitong si Berto ang mga dede nya.

"Pass ako jan. Di ako marunong kumanta."

"Puke mo green! Kanina ka pa sumesecond voice eh. Agawin mo na ang mic kay Samuel, naririndi na ako sa boses nya."

Sa totoo lang nakakarindi naman talaga. Madalas. Kasi minsan bumabagay naman kay Sam yung kanta. Sya yung taong ayaw paagaw ng mic. Kulang na lang ikadena na yung mic sa braso nya. Lahat yata ng kanta kung di sa kanya dapat kaduet daw sya. Kelan pa ba naging duet ang Top of the World? Eh yan yung song yan para lang mapakanta mo yung lola mo o yung manager na nonparticipative dahil kahit sino siguro kaya kantahin yan. Nakikieksena pa. Para syang si Sheryn Regis, eksenadora sa lahat ng songs.

"And now the end is near and so I face this final curtain." Ininput talaga nila yang kantang yan.  Di naman sa naniniwala akong may sinasapian pagpinapatugtog yan pero dahil si Samuel ang kumakanta ngayon na mejo nakakainis nang tatlong oras na sila nakikinig sa kanya. Baka mapatay ko talaga sya. Ano ba to concert nya sa Araneta?

Dating sila Janice at Samuel noon mga two years ago. Muntik na rin maging sila pero dahil alam nyang it's complicated ang office romance eh iniwasan nya ito. Gwapo naman si Sam kahit parang di sya naliligo ng ilang araw. Maangas ito, feeling nya lahat ng babae at bakla sa office may gusto sa kanya. Kaya ambitter kay Janice dahil sya lang ang nagmagandang chumoosy sa kanya. Ngayon binooking na yata ni Sam lahat ng may bet sa kanya para ipamukha kay Janice kung ano ang sinayang nya.

"Pati ba naman si Vanessa pinatulan nya? How pathetic!" bulong ni Janice kay Elena.

"I heard you gurl! Pathetic ka jan ang sabihin mo inggitera ka lang. Pero yes nilasap ko ang buo nyang pagkatao at ibinigay ko ang virginity ko teh. Mejo maamoy nga lang sya ano? Pero chuchoosy pa ba ako ang sarap ni kuya. I wanna try again pero dedmakels na ako sa lolo mo." hirit ni Vanessa. Dragonessa ang hitad, chubby chubbyhan pero di pa naman borderline obese II. Kung nagpakalalake lang sya at naggym siguro ng konti baka nabetan ko pa tong chinitong to. Kaso you can never really say 'sayang ka' sa kanya dahil she is enjoying and expressing herself.

"Virginity talaga puta ka? Sa taba mong yan I'm sure mahihirapan ipasok kahit Coke 1.5."

"Bruha ka talaga Elena ka! Dun nga kayo maglaspagan ni Berto sa balcony. At ikaw naman Janice wag ka na kasi magpanggap na di ka nasasaktan. You choose, you lose. Isip isip ka teh pag may time. Me, inenjoy ko lang ang moment. Eh ano ngayon kung pathetic ang tingin mo sakin gurl. Ok lang yon at least I took a risk and voila I think I'm preggy na!"

"It's not that nanghihinayang ako or what. Nakakainis talaga sya. Alam mo ba binubully nya ako? Everyday may nag-iiwan ng threat sa locker ko. Like I'm afraid."

"Ako'y di makakain, di rin makatulog buhat ng iyong lokohin. Kung ako'y muling iibig sana di maging katulad mo." Ayan na naman si Sam. Parinig mode, ginamit pa ang videoke. Ewan ko ba bakit naging sikat ang kantang yan. Ang awit parang may subliminal message na nagsasabihing tangkilikin nyo ako. Vote for me on MYX. Madepress ka. Magalak ka. O kung anu mang pakshett na mensahe ang nakapaloob sa kanya. Siguro subconsciously ikaw na rin ang mag-iinterpret nito kung yayapusin mo ang mga mensaheng ito.

"Bullying ba talaga gurl? Eh di dapat matagal ka na nagreklamo sa HR."

Araw-araw may 13 na post-its na nakadikit sa locker nya na may nakasulat na "IHATEYOU" ng 13 times din. Sulat kamay pa lang alam nyang si Sam yun. Nothing scary really dahil sanay naman na si Janice. At wala rin naman na syang nararamdamang feelings. Nung nagsabog kasi ng emosyon sa mundo nasa kweba sila Janice at Kristen Stewart. Pero minsan parang may kirot kapag may bumabahang memories.

Bumibisita sya sa simbahan ng poong San Roque. Si Samuel lang ang nag-ayang samahan sya dun. Nakakatakot baka may makakilala sa kanya ngunit inisip nyang kelangan nya magbalik doon at alamin kung ano mang pinsala ang nagawa ng huling beses na naroon sya. Lumikas ang pamilya nya din ng tatlong buwan ngunit bumalik din nang mapagtantong wala naman talagang gulo. Walang sumpa, tayo ang gumagawa ng mga sumpa, ng mga himala. All these years na nawalay sya sa pamilya nya iniisip na tinutugis sya ng nakaraan. Wala naman pala dapat ikatakot. At si Sam ang tumulong sa kanyang alamin to.

Ngunit di lahat ng nasa plano ay naaayon sa pagkakataon. Naging clingy at overprotective si Samuel at di gusto ni Janice na pinagbabawalan. Sa huli pinili nya ang kalayaan. I hate you, I hate you, I hate you ang huling nasabi ni Samuel nang paulit-ulit (mga 13 times sa pagkabilang nya) nung itinigil na nila ang kanilang exclusive dating. Sinasabi ng bibig nya hate ngunit nararamdaman ni Janice na sa loob ng puso nya love pa rin sya nito. Pinapakita lang nya sa lahat na matigas sya. Na galit sya. Ang mga post-its pawang twisted love letter sa kanya na nagmamakaawa. Sana ako na lang, sana ako na lang ulit.

"Oh si Janice naman!" sigaw ni Elena sabay input ng 86145.

"Di ako marunong kumanta!"

"Alam mo yan, Janice! Kahit sino alam yan."

Tumugtog na ang instrumental.

"So lately been wonderin who will be there to take my place. When I'm gone you'll need love to light the shadows of your face." modern anthem na yata to sa mga videokehan. Di nawawala sa uso. Safe song nga kasi madaling sundan ang tono. Naparoll eyes lang si Janice nang makita nyang sumasabay na naman si Sam. Parinig mode na naman to.

"Bruha ka marunong ka pala kumanta. Okay eto naman next."

Ano na naman tong pakana ni Elena? Oh my gosh tumutugtog na.

"I hear the ticking of the clock. I'm lying here the room's pitch dark. I wonder where you are tonight no answer on the telephone. And the night goes by so very slow oh I hope that it won't end though..." birit kung birit. Kontesera mode? At least di kaya sumabay ni Sam dito, na ngayon ay nakatitig na lang kay Janice.

"Pak! Panalo ka pala teh. May tinatago ka pala eh. Walang binuga si Sam oh. Laos ka pala eh!"

"Mga cheh kayo. I need to go."

"Aalis ka na agad? Encore! Encore!"

"CR lang ako."

"Samahan kita?"

"Wag na Vanessa. Baka maiskandalo pa ang CR. I can manage."

Naupo lang sya sa cubicle ng mga sampung minuto. Ipinasak ang iPod at full blast. Up Dharma Down ang nasa shuffle nya. "Makikinig ba ako sa aking isip na dati pa naman magulo o iindak na lamang sa tibok ng puso mo at aasahan ko na lamang bang di maaapakan ang aking mga paa. Pipikit na lamang at magsasayaw habang nanunuod ka." Nakakatawa na bawat salita sa mga kanta ay pawang relate na relate ka. Fuck this. Nagflush, nagsuklay at bumalik na sa videoke room.

"Akin ka na lang, iingatan ko ang puso mo. Akin ka na lang wala nang hihigit pa sayo." si Berto at Sam naman ang nagduduet. Nakita ko pa ang sulyap ni Sam habang sinasabi ang mga salita. Roll eyes. Can we just go home na.

"Eto na last song na tih. Alam ko favorite mo to."

"Okay fine para matapos na to let's just get on with the show."

Oh baby baby. Oh baby baby. Pakshett! How was I supposed to know that something wasn't right here. Parang muling nagbabalik ang takot ng nakaraan. My loneliness is killing me. Nagdidilim ang kanyang paningin. Umiikot ang kanyang mundo.

"It's Britney, bitch!"


____________________
Crosspost from Wattpad

Kashalahan at Kapuritahan

Walang komento:

"Langit ka, lupa ako. Im-im-impernes!" sigaw ni Shenelyn sa dati nyang bexfriend. Nagsimula silang closest of friends sa squatter, I'm sorry I mean informal settlements, sa Tondo. Pero nang magkajowa na si Beckyjoy ng Mexican eh nag-iba na sya. Di na sila nagtatravel together with their tryke driver jowas.

Struggling silang highschool students a few years back. Ngayon tapos na ng cosmetology sa TESDA at kumikitang kabuhayan na sa pagmumuk-ap sa mga bertdeyan, kasal, libing, binyag, kumpil, any celebration just name it. Combo package pa naman sila. Ngayon solo flight na ang Shenelyn. Minsan hinahanap pa rin nya ang bruha nyang bexfriend na inuutusan nya magtuloy ng gagawin nya kapag biglaan nya kelangan sumideline ng extra serbis. Extra serbis I mean yah know massage, labada, tinda ng sedula, etc. Sa panahon ngayon extra serbis na ang bubuhay sayo dahil ang minimum wage pang maintenance na lang choz.

Single nga pala ngayon si Shen. "Maganda naman ako ahh. Kulang pa ba ang muk-ap ko today?" Well, hindi sya talaga maganda. Feelingera lang talaga. Ang totoo, si Shenelyn ay ipinanganak na Arsenio Junior sa isang sigang tatay. Mayroon syang labing isang ate, may anim pa na bunsong babae sa kanya bago pa sya nagkaroon ng isang kapatid na lalaki. Naniguro kasi si Arsenio Senior na madudugtungan ang lahi nila. Di nga sya nagkamali dahil kinse pa lang ay dalawa na agad nabuntis ng bunso nila. Minahal naman sya ng kanyang ama kahit sumuko na itong pilitin syang magpakalalake. Ayaw daw magbasketball eh, pangcheerdance daw sya. At least daw active lifestyle. Tinuring naman si Shen na prinsesa sa tahanan nila, bilang nag-iisa syang reyna. Yun mama nya na nasa Hong Kong nagdi-DH eh kay Shen pinapadala ang mga muk-ap. Kaya naging calling na nya ang maging parlorista. Di naman required na maganda ka kung muk-ap artist ka lang di ba? Pwede ka lang magmaganda.

Di na nagkajowa si Shen after nung last of the last of the finallest of the last breakup nila nung walangyang tryke driver. Abusive relationship kasi, akala kasi punching bag yung cheekbones nya. At ang makapal na lalaki feeling gwapo madami pang gurlprens. "Gwapo ka kuya? Katawan mo lang ang ginusto ko. Pagkatapos ko palamunin ka ng bistek at adobo at tapsilog araw araw habang ako nagkacup noodles at skyflakes lang, matapos ka bihisan ng Bench shirt at underwear habang ako nagtyatyaga sa ukay! Ito pa ba ang isusukli mo sakin?You are always remember you are just a only a hipon. Look to yourself! Look at!" Ohhh I forgot bumabalik pala ang Englishment syndrome nya pag mataas ang emotions nya. But she's struggling na. Uminom na sya ng cough syrup para gumaling sya. Mejo. Pramis! Gawa ng hiwalayang ito naging manhater na si Shenelyn. Yes, baklang manhater na sya. Tatanungin mo ako, is it real, is it real? Lahat possible sa ilalim ng bughaw na langit. Para lang yang washing machine with wifi, o mango sorbet served with bagoong, o pulitiko na di corrupt, akala mo di nag-eexist pero possible.

Isang araw sa Starbecks tumambay si Shen inaantay ang kliyente nya na may aatenang ballroom mamayang gabi. May extra money pa naman sya kaya naisip na bumili muna ng Mocha Frappe habang hinihintay si Mrs. Trona. Yung Venti para mas sushal tignan, tapos kakanawan na lang nya ng tubig after para tumagal. Naupo sa isang sulok malapit sa window para matanaw nya ang mga dumadaan. Sketch sketch sa tissue. FLAMES FLAMES pag may time.

"He loves me, he loves me not..."

"Well, well. Look who the cat drug-addct! What are you doing in my coffee shop? Teritoryo ko to!"

"Becky? Is that you I miss you!"

"Miss mo mukha mo!"

"Keep calm and YOLO! Ano ba ginawa ko sayong masama?"

"Wala naman, you're just like a basura to me. A dirty memory. At muntik mo lang naman agawin ang asawa ko!"

"Are we on the next page? Sino nga ba pinag-uusapan natin? Si Boy Kulot? Si George? Ohhh, si Ramon. I remember that boy but I don't remember the feeling. Well, if my memory search me well, una sya naging akin! Dahil I'm more beauty than you. Magaling ka lang umextra serbis. Aminin mo jan ka lang magaling!"

"I know right. San ka pa nakakuha ng jowang handang magluto, maglaba, magplantsa at magmasahe sayo? Ako lang! At wag ka, for free ito. All in the name of love. You can never be half the woman I'll ever be will be que sera sera!"

"Gaga ka! The problem with you is you are bargain selling yourself! I'm not that kinda gurl. I won't st... ano ba yun... yung lelevel sayo ganyan."

"Now now look who's talking."

"Who's there?"

"Hindi ito knock knock joke bobita! I'm talking about you idiota! Don't talk to me when your mouth is fool. Manong guard! I said, manong guard! Get this woman out of my building!"

Feelingera, hindi naman napalayas kay Shen eh di nga sya may-ari kahit ng isang kape sa coffee shop na yon. Bumili ka muna bago ka mag-angas sa babaeng may pulgas. Bumalik si Shen sa kanyang peace at nagmuni muni. How can someone so close, so sistery bigla na lang magbabago ng ganyan. Sabi nila love of money is the root of evil. Wala namang money sa garden of Eden pero bakit may demonyo na? Ang totoo ang temptasyon ay paligid ligid lang, kumukuha ng kanyang mga biktima.

"Di ko sisisihin si Becky kung nagbago na sya dahil mahirap din ang dinanas ng bruhang yan. Ang gusto lang nya ay makabawi sa malupit na mundo. And now I'm the bad gurl? Tulong kaya kami sa lahat. Sidekick ko sya sa telenovela ko, at sidekick nya ako," napaisip si Shen.

Mag-aalas sais na nang magtext si Mrs. Trona. Shett naibayad na pala nya sa kape ang pangload nya. "Mama, last lod ko na to. Lod mo muna ko bente, ibawas mo na lang sa bayad. On the way na ako,"  text nya kay Mrs. Trona. Bago umalis nagrefill uli si Shen ng water at sugar at cinammon sa frappe nya.


____________________
Crosspost from Wattpad.

Biyernes, Oktubre 3, 2014

Selfielibusterismo

Walang komento:

"Selfie on a lazy Saturday!" tweet ni bex 1 year ago. May kalakip na piksur. Wrong spelling ba ito? Dahil first time ko lang talaga narinig ang salitang yun. May mangilan-ngilan din akong friends na mahilig kumuha ng pics ng sarili nila pero self-portrait ang term nila, which is self-explanatory naman para sa iyong self-confidence. Ewan ko kung dito ba natrim ang work na selfie. Self, self, self. Puro na lang self. Pero for the sake ng shorter syllabication, sige ipush na yan. Selfie. Pero wag ka, 2013 word of the year yan.

May mga taong magaling sumelfie dahil magaling umanggulo. Pag nagcheck ka ng pictures nila eh iisang style lang lahat. Overhead, duckface, kuha sa kanan. Hindi naman masama kung may "right angle" ka pero lagi mong tatandaan: ang tunay na ganda walang anggulo.

*Snap* Na-Glossy na, na-Sexy lips na, na-X Pro II pa! Upload sa Instagram. Nawalan na ang sense ng composition. Wehanongayon eh pwede naman icrop-plus-filter lahat ng pics ngayon eh. Nabalitaan mo yung nakipagdate sa Lipa tapos tumalon sa mall dahil iba yung itsura ng kadate nya sa tunay na buhay? Yes alam ko satire lang yun pero madami naniwala. Bakit mo iguglossy ang pics mo kung nung magsabog ng tagihawat sa mundo eh sinalo na lahat ng mukha mo? Ikakaganda mo ba ang makinis na skin sa pic? Nakakadagdag ng self-esteem pero pag humarap ka na sa kanila baka mapagkamalan ka pang poser. "Ako talaga yan, naeliminate lang ng flash yung mga blemishes ko." Ulolz! Ang tunay na ganda walang filter.

FRIEND1: Parang hindi ka man lang nagsuklay teh sa pic mo.

FRIEND2: Sorry naman friend, I just woke up and the sunlight was fantastic and I told myself I wanna get a selfie to capture the moment. Fresh naman ng skin ko jan, look!

FRIEND1: Magpaliwanag ka sa pagong na may care!

Thesis mo teh? Dahil ang tunay na ganda walang explanation.

Okay, so hindi naman ako nagmamalinis. Nagseselfie din ako. Those were the dark days choz urteh. Yeah araw araw may shot sa mirror ng CR. Eh bawal nga daw magselfie sa office. Eh kahit selfie sa bahay ko eh inookray lang ng mga friends. Pagbigyan nyo naman ang feeling GGSS ko. Eh walang support eh. So nagseselfie pa rin ng panakaw pero for personal consumption na lang. Wag lang sana mahack ang iCloud account ko choz.

Sa panahon ngayon, lahat na yata gusto gumanda. Ano na ba ang pamantayan ng ganda? Naging focus ang pagpapaputi hanggang sa malunod tayo sa glutathione. White is the new black ganyan? Parang lumalabas pag maitim ka panget ka o libagin o di naliligo o mukhang katulong. Hindi naman totoo ang mga ito. Remember yung Miss America na si Nina Davuluri, andaming racy comments sa kanya dahil hindi sya "white" na ineexpect siguro ng mga tao. Kesyo mukha daw syang terrorist at iba pang pakshett na comments. Ang nakakaawa, pati sa India mismo na origin ng parents nya eh di sya papasa sa pamantayan nila ng ganda: maputi. Ang tunay na ganda ay hindi dapat naaayon sa kulay.

Makati. Ayon sa TIME magazine, Makati ang selfiest city of the world. Nagtatala ng 258 selfiers sa bawat 100,000 katao, o 0.255%. Parang lumalabas ang bawat isang tao sa Makati may ikaapat ng isang bahagdan na chance na magseselfie every time. Para bang kung nasa opisina ka makakaramdam ka na lang ng urge na "ayy mamaya na yang report, selfie time muna." Mejo sick and weird, I know pero normal naman siguro na magselfie ka paminsan minsan. Wag mo lang gayahin yung ateng na nagselfie habang nasusunog yung mga barung barong sa tabi ng Makati Med. Lakas lang maka-Selina sa Mula sa Puso sa kabitchyhan. WAG TULARAN!!!

Anti-selfie bill. Narinig mo pa lang nagwawala ka na. Gaya ng milyun milyong mga Pilipino na nagreact agad at nagalit, nagwala, nagmura, nagtweet, at nagselfie dahil lang nabalitaan nilang papatawan na ng batas ang pagseselfie. Hindi pa muna nababasa ano ba ang nakapaloob sa bill na ito. Ayon sa principal author na si Misamis Oriental Rep. Rufus Rodriguez, ang panukalang ito ay naglalayong parusahan "any person who willfully intrudes into the personal privacy of another, without the consent of that person and with intent to gain or profit therefrom." Naalala ko bigla si Jennifer Lawrence. Sad. Or kahit si Paolo Bediones na lang, or si Wally Bayola. Intrusion din naman yun, hindi nila ginusto yun pero sinisira sila ng mga malilibog na mga tao. Like eewww. I've never seen any because that's like against my morals choz. Pero ayun na nga going back, dahil lang napagkamalang anti-selfie bill ang isang panukala--dahil lang namention ang pagkuha ng pictures at video--ay maibabasura na agad ito. Ayaw kasi natin na pinagbabawalan tayo.

Nasaan na yung mga selfie na pinagplanuhan muna bago nashoot. Hindi yung snap and post lang. Or stolen stolenan, tulug tulugan. Meron pa rin namang sining sa pagkuha ng selfie. Mahirap din kaya magselfie. Kaya naging mabenta ang monopod eh, to facilitate selfie-ing. Meron ba ganyang word? At please lang, kung nagpapicture ka sa iba, hindi na selfie yun. Self nga di ba? Otherie na yun. Meron ba ganyang word?

Ang selfie ay isang salamin sa iyo: an expression of yourself--your artistic side, your vain side. Kung madalian ka magselfie, lahat ng bagay sayo ay rushed. Ang selfie ay interpretasyon kung paano mo pinepresenta ang sarili mo sa publiko: natural ba, enhanced, o mema lang. Keep taking those selfies, baka makita mo nasaan ang natural na ganda mo. Ngunit laging tandaan: true beauty lies not in oneself, but in one's selflessness. #englishmopaparamapushangselfie


____________________
Crosspost from Wattpad.

Martes, Setyembre 30, 2014

Sa Loob o Labas ng Kubyerta

Walang komento:

Ako nga pala si... hindi na yata mahalaga yun. Basta ang alam ko mali ang intro ko. Sabi ng aking maestro sa Panitikan noong fourth year college si ginoo/ginang/dimawari Romeo Flaviano I. Lirio, PhD na dapat daw wag ka magsimula ng iyong akda sa "ako si" lalo na kung "ako ay si" kasi wrong gramming na agad yan. Magsimula ka sa isang tanong o anekdota o isang "ganap." Okay, take 2.

"Sino kayo? Nasaan ako? Pakawalan nyo ako! I did not kell anybody!"

Tubo akong Mandaluyong. Di ko masasabing born and raised dahil ang totoo pinanganak ako sa hospital ng Perpetual Succor sa Maynila. Alam mo ba na ang tagal nyan ay laging saklolo, ang lalim di ba choz. Anyway ayun na nga going back sa Mandaluyong ako nagkaisip, lumaki, at malamang dito rin ako mararatay sa wakas ng panahon. Pero malayo pa yun. In my *ehem* years of existence, I can say I am happy were I am dahil happiness is a state of mind. Happiness is relative; happiness is a choice; happiness is what you make of it. Motto ko na yata yan. Therefore ang ambition ko is to be perpetually happy. Pero alam naman natin there is no such thing.

Anyway ayun na nga nasaan na ba tayo? Yes sa Mandaluyong. Bilang taga Mandaluyong nga ako ang natatanong lagi ng mga tao, "sa loob o sa labas?" Malamang sa loob dahil kung nasa labas ka eh di Maynila, Pasig, San Juan o Makati na yon. Pero may other connotation kasi ang loob.

NCMH. National Center for Mental Health. In short, Mental. May institution kasi para sa mga wala sa tamang hulog ang pag-iisip. Mga baliw. Sino'ng dakila? Sino ang tunay na baliw? Sino'ng mapalad? Sino'ng tumatawag ng hangal? Thank you Kuh Ledesma. Infernezz maganda sa NCMH ha. Malaki ang lupain at napapalibutan ng forest ang mga pavilions. Parang nasa probinsya ka lang sa loob ng lungsod. Nagjajogging din ako dito paminsan minsan. Buti na lang di nila pinapakawalan ang mga patients para habulin ako ganyan. May rebulto rin dito si Sisa featuring Crispin and Basilio. Nakakalungkot isipin na si Sisa pambansang larawan ng pagkawala sa sarili ngunit ang totoo ay sya ang larawan ng hinagpis ng isang inang nawalay sa kanyang mga anak. Pwede ba iupdate na natin yan. Si Kris Aquino na lang ganyan? Dahil you do crazy things with love. At sya ang modernong epitomiya nyan.

Anyway ayun na nga, kapag tagaloob ka baliw ka agad. Yun ba ang distinguishing factor ng Mandaluyong? Mejo nakakaoffend ha. Pero sa paglaon ng panahon eh nasanay na rin ako. So sa susunod na may magtatanong, "sa loob o sa labas?" 

Minsan nasa loob, minsan nasa labas. Oh di ba eh di nilito mo sila. Or lalo mo lang pinatunayan na baliw ka. Kebs!

Fact: Alam nyo ba na ang dating pangalan ng Mandaluyong ay San Felipe Neri? Ang patron saint ng laughter, humor, and joy. Kaya pala nakakahappy dito choz. Pinangalanan na daw na Mandaluyong galing sa salitang daluyong o alon. Citation needed. Ewan ko kung chinochoz ako ni Wikipedia.

Hindi lahat ng tumatawa ay masaya. Hindi lahat baliw. May magaling lang magtago ng kalungkutan nila. Kung sino pa ang malakas tumawa sya ang malalim lumuha. Drama drama. Kaya nga minsan feeling ko bumoborderline na ako. Minsan nasa loob. Parang kulo, nasa loob daw sa taong tahimik. Izz not healthy na magkimkim ka ng nasa loob mo kaya eto minsan nagsusulat, nagbablog, nagsasoundtrip habang lumilipsynch sa kanta nila Kelly Clarkson, Adele, at Alanis Morrissette habang tumatawid sa tulay ng Guadalupe. Release release din pag may time. Dahil mag pumutok ang Pinatubo, catastrophic. Baka matuluyan ka ipasok sa loob.

Ikaw ba, sa loob o sa labas?


____________________
Photo by luca's eye via Flickr.
*Crosspost mula sa Wattpad. Ipagpaumanhin ang hindi mala Deniel Pedelle or Jims Red na kalidad* Link: Wattpad

Emo Leech

Walang komento:

"Get out of my house! I don't need a parasite!" ~Maricel.

Kapag naririnig ko ang salitang parasite parang nagbabalik ako sa grade 4. Quiz, get one half sheet crosswise. Mahirap ka na nga pero mas mahirap pa ang mga classmate mo at sayo pa magsisipaghingian ng papel. I don't need a parasite!

Maraming parasite. Pero parang madalas mga insekto sila na mahirap tirisin. Mga blood thirsty lamoks na mabuti naman pasalamat sa Diyos hanggang ngayon eh kahit hinahabol nila ako eh di pa rin ako minamalarya at dinedengue. Mga kuto na kaya ka raw ilipad pag dumami na sila sa ulo mo. Siguro dapat ang hive nila umabot sa 25,000 para kaya nila magbuhat ng mga 30 kilos. Pati garapata ni Brownie gusto ka rin sipsipan.

Ang pinakanakakadire yata eh ang linta. Makakakuha ka lang nito pag mahilig ka magbabad sa mga ilog ilog malapit sa mga palayan. Like dikit na dikit daw sila ang maninipsip din ng dugo. Well, sa panahon ngayon nagagamit na yan sa medical field dahil pinagsisipsip daw nila ng bad blood. Linta is linta. Nakakaderder. Naninipsip. Di lang naman dugo lang ang pwede sipsipin. Pwede din emotions.

Enter stage si Jeff. Kakagaling lang sa breakup. Drama drama ang peg. Nameet nya si Jericho na nagmagandang loob lang naman na icheer up sya sa moments ng kadramahan nya. All of a sudden inlababo na agad kay Jericho. Mabilis magmove on ganyan. Kelangan yata makaquota ng heartbreak ganyan. Wiz three-month-rule. Ok sana eh kaso may jowa si Jericho.

Enter stage si Ryan. Nag-eenjoy lang with himself sa Bora nang mameet nya dun si Jeff bilang sa iisang social network lang naman sila umiikot. Boom, nainlab bigla ang Jeff. Parang nagSimeco lang. Ambilis di ba? At dahil prenship ni Ryan si Jericho eh nakonek nya na may something ang dalawa. Pero prenship din kasi nya ang jowa ni Jericho, nagpresenta na sya para lang maiadya sa pagkakasala ang Jericho.

Back sa Manila, naging masugid na manliligaw ang Jeff. Biruin mo from Novaliches sumusugod sya sa mountain region of Antipolo para lang makaporma kay Ryan. Ganda mo teh! Pinagluluto rin sya. Sweet sweetan ganyan. Ang kaso andami pang priorities sa buhay si Ryan: work, family, work, deadlines, overtime, work. Madami! Open naman sila sa comms pero nagiging pushy at clingy din tong si Jeff. Kasi siguro dahil trenta na rin sya. Mejo latency na ang kanyang clock. Kelangan na magkajowa, kelangan na makaquota. Umaaylabyu, pero naiinis lang si Ryan. Kasi wala pa nga sa priorities nya. Eh push pa rin ng push si Jeff. Nagkasagutan. Mejo na-ouch ako dun sa side ni Jeff ha, pero ginusto nya yan eh. Hanggang sa dumalang ng dumalang ang comms at nanlamig na.

"Namimiss ka ba nya?"

"Siguro."

"Namimiss mo ba sya?"

"Siguro."

"Namimiss mo o yung attention?"

"Siguro yung attention lang." Parang ang sama sama lang ni Ryan pero it happens. You miss the feeling more than the person. Buti pa si Lea Salonga nareremember ang boy pero wiz na ang feeling... eynimore. Maiisip mo bang teka habulin ko kaya? O pag nagtimbang ka ng sitwasyon eh baka wala din patutunguhan.



Ginusto yan ni Jeff eh. Sugod kasi ng sugod sa lab. Emotional leech. Yung mga lintang kakapit agad sa kahit sinong magpaparamdam ng konting emotion. Konting titig lang go na agad. Karma nya ba si Ryan? Hindi naman nya siguro sinadya mabilis sya mahulog. Pero kung ginagamit mo muna ang isip mo bago ang puso mo, malalaman mo siguro ano ang tama, ano ang dapat. Kung ikaw si Ryan, wag ka din masyado pahopia. Sa mundo ng love, walang magpapakatanga kung walang magpapaasa. Ayaw ni Sarah ng ganyan, she doesn't need a parasite. Get out my patatas kitchen!
__________________
Photo by cris pop via Flickr.

Linggo, Setyembre 21, 2014

Babepota

Walang komento:
Natutuwa ako at tumataas ang viewers ko lately. Pumapalo na sya ng hundreds infernezz. Pero mejo nababother lang ako kasi pag nagcheck ka ng sources eh mejo weird. Di sila galing sa inaasahan kong link posts ko sa lahat na yata ng social networking. Google search.

Ginoogle ko na sarili ko at mejo sawa na rin ako. For now. Ang last achievement ko eh maialis lahat ng koneksyones ng full name ko sa mga social networks. Yah know para mabango ang name pag nag-apply apply. Di naman ako on the lookout ng job pero yah know what I mean.

Going back. Ayun na nga kalurks ang mga google search papunta sa site ko na to.



Ayon sa monthly traffic sources stat ko eh may at least 31 na nagclick gamit ang Facebook. May 2 na direct sa blog ko gumora. Pero 86 dyan eh google search lang. At ang keyword entry: fat black cat choz. Mga hipuan, kiskisan, sex, mrt, hubad. Josko wala pa nga ako nasusulat na ganyang blog. May naggugoogle pa pano kumuha ng ihi para sa drug test. At nacurios din ako kelan ang birthday ni Tarzan. Pero ang point eh, anong ibig sabihin ng babepota? At sino si Arvin? Gusto ko rin sya mameet choz.

Beggars can't be choosy. Mabuti nga may visitors pa ako eh. Thank you sa mga nadapa lang sa site ko at maraming salamat sa mga tumatangkilik regardless ng topics. At sanay wag kayo malasin sa fat black cat. Love yah all!


PS. Curious talaga ako sa meaning ng babepota.

Martes, Setyembre 16, 2014

Foot-Rest ka!

Walang komento:

Bawal daw kumanta habang kumakain. Bawal din mag-usap. Bawal nakahubad. Andaming bawal sa hapag kapag kasabay mo si lola. At dahil ancient sila sinusunod mo. Ngayon wala na sila, nakakamiss pero ginagawa mo na ang gusto mo. Bawal bawal pa sila eh kapag kumain nakataas ang paa sa silya. So barbaric, I know right! Pero yun yata ang pinakamasarap gawin habang kumakain. Ang magtaas ng paa. Kaya siguro di pinagbabawal ni lola.

Binenta ni mama yung lumang PC sa kwarto ko. Sira na yun daw at di na ginagamit. Di ko nga sure kung may laman pa talaga yun o housing lang. Ginagamit ko kasing patungan ng paa. Foot rest. Yah know ang dugyot ng kwarto ko, madaming kalat at tambak dito at dyan. At dahil practical ako, eh imbes na itapon na lang yon--dahil nga di na magagamit like baka sa Minesweeper lang maghang ka pa--ginawa ko nga syang foot stool. Not for any ergonomical reason or what not, kebs ko ba dun. Nakasanayan ko na. At sa ngayon hinahanap ng binti ko yung pagpapatungan nya sa harapan ko.

Minsan iniisip ko na lang na may imaginary foot stool sa harap ko. Pero mahirap naman magpanggap di ba? Ako lang ang mangangalay. Bakit ganon, minsan akala mo basura lang at walang silbi? Kapag nawala na sya, naitapon, naipamigay, nabenta... saka mo lang maiisip na kailangan ko pala sya.

Kaya kapag pinagsabihan ka na ng ancient, makinig ka. Bawal kung bawal. I miss my lola. I miss my old PC. I miss....

____________________
Photo by Victoria Livermore via Flickr.

Sabado, Setyembre 13, 2014

Depression

Walang komento:

May nagstatus: "The most painful part is you don't care and I expected that you care." 

I care about my job ser, I care about you. And my job is like to carebear this care care system. Anodaw? Care ka kasi ng care eh kebs naman sa pagcare yung isa. Ang most painful word kasi jan hindi yung care or absence of it, kundi yung expect. Expectation vs reality. Expect ka kasi ng expect alam mo naman marami na'ng sinirang buhay nyan. WAG MAG-EXPECT! MAY NAMATAY NA DITO!

True to life story ito I swearz. Nabasa ko lang naman via FB. Drunken status posts daw. Wala naman masama. Think before you post, hindi drink before you post. Pero nangyayari naman to. Lalo na sa akin na periodically emotero. Like pag bilog ang buwan mataas ng emo rate ko. Dahil water sign daw ako kaya nahihila ng gravitational pull ng moon ang aking emotions. Nag-explain talaga. Anyway ayun nga nagawa ko na ring magdrunken status posts before. Yun kasi yung puntong parang ambaba ng inhibition mo at kaya mo sabihin (o isulat) ang nasa isip mo. Less control sa thinking process and more power ang feeling mechanisms. So depressed ka, alangan namang magmumukmok ka lang sa sulok. Sumigaw ka, ilabas mo yan. Dahil pag inipon mo, baka mamatay ka naman sa kunsumisyon.

How do you handle depression?

Ako, dahil likas na emotero nga I like listening to music habang nag-eemote. Yung tipong nakikinig ka full-blast sa ipod mo habang naglalakad patawid ng tulay mula Guadalupe hanggang Boni sa ilalim ng ambon, hindi iniinda ang takot na baka may mangholdap sayo na mga batang hamog or worse ma-inhale mo halimuyak ng ilog Pasig. Nakikinig lang at naglilipsynch sa mga Alanis Morrisette at Kelly Clarkson at Adele at sinasabi sa sarili mo: Ayaw ko na'ng mangarap, ayaw ko na'ng tumingin, ayaw ko na'ng manalamin. Nasasaktan ang damdamin. x2. Music helps soothe the soul, at kung anu ano pang ganyang pagjajustify ng kaemotan. Pwedeng may tulo luha to the side ka pa if you want pero again this is another form of release ng depression.

Blogging. My ultimate release. Siguro sa mga nasulat ko, kalahati dun sa mga naudlot na lablayps. Yes marami nagpaasa ganyan. Hindi naman porket nagsusulat ako ngayon eh heartbroken na naman ako, depressed na naman ako ganyan. Nakakanta na ako sa Guadalupe. Kesa naman pinagkakalat mo sa prends mo kung paano ka sinaktan ni kuwan eh isulat mo na lang. Baka wala silang time makinig sa drama mo. O sawa na sila. Isulat mo na lang. Malay mo kumita ka pa sa Wattpad tapos gawing MMK episode o pelikula ng Star Cinema and all that shett.

Eh paano kung tahimik kang tao? Paano ka maglalabas ng sama ng loob?

Etong is officemate mga isang linggo na ata di pumapasok. Aba malay naman namin ano na nangyayari sa kanya. Napansin lang namin na nadisengage na sya sa work at kami na ang nag-aabsorb ng tasks nya. Iniisip namin kung nagdodroga ba sya o baka may nabuntis o baka may nilipatang ibang work na. Hindi namin alam at di ata namin malalaman. Dahil ganung klaseng tao sya. Tahimik. Nasa loob ang kulo.

Nakonek na lang ng isang teammate namin na baka depressed sya dahil naooverride yung mga decisions sya minsan. I have no reklamo naman sa work nya dahil mahusay sya. Pero dahil nagpapaapekto sya sa pressures, pati kaming naiwan eh apektado na. Para syang kabute, paminsan minsan lang papasok. Wala pang pasabi. Minsan ikaw na lang ang magugulat na: Ayyy, pumasok pala sya?! Ganyan.

Ok lang madepressed. Wag mo lang siguro dadalhin sa work. Ako ba ginawa ko na bang maglulupasay sa office dahil hindi na sya nagtetext? No, dahil wala namang ganon. At nakakahiya. At unsanitary sya. Wag ganon. Ang problema dapat di dinadala sa office. Well, di nga nya dinala, dahil di talaga sya pumasok sa office. But still, I mean, you know what I mean. Ayoko maging mean. Like you know. Pumasok kang leche ka, kung magreresign ka dahil depressed sabihin na para di kami ang naiistress kakaplano for the day, week, or month. Basta if you're having problems, just share it. Para di rin kami mag-eexpect kung papasok ka. WAG MAG-EXPECT! MAY NAMATAY NA DITO! And, we care about you. Please care about your job ser. No man is an island, kaya wag mo sarilinin ang problema mo. Share it! At minsan pwede din magmove on. Pag may time.


____________________
Photo by Cathy Mullen via Flickr.

Sabado, Setyembre 6, 2014

10 Books

Walang komento:

List 10 books that have stayed with you in some way. Don't take more than a few minutes and don't think too hard-they don't have to be "great" works, just ones that have touched you. Tag 10 friends, including me so I can see your list too.

1. The Little Prince - Antoine de Saint-Exupery
2. The Alchemist - Paulo Coelho
3. The Perks of Being a Wallflower - Stephen Chbosky
4. A Breach in the Watershed - Douglas Niles
5. A Song of Ice and Fire - George Martin
6. Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan - Bob Ong
7. Brida - Paulo Coelho
8. Eleven Minutes - Paulo Coelho
9. Haroun and the Sea of Stories - Salman Rushdie
10. Para Kay B - Ricky Lee

____________________
PS. Facebook survey yay! This section is not really part of the survey. I'll just talk about why I've chosen the ones listed above.

I'm not really a big fan of reading. Cause. I. Read. Too. Slow. Like I can read a 21 page chapter in 2 days. Partly because I get distracted easily... I have an attention span of 11 minutes, prolly like Luka Khalifa from Salman Rushdie. Also, the only time I get to read is during my trip to the office. That's like a 45 minute travel time. It's good that I don't have motion sickness though. So that's rough 4 breaks in between readings to check my notifs.

Anyway, as you can see I read mostly fiction. I don't like inspirational or self-help books. If I need to get motivated I'd talk to someone rather than just read it. I'd get the chance to talk it over than just swallowing what the author feeds us.

The Little Prince is a novel for grownups and non-grownups. It's a fun and colorful adventure for kids, else it's a really emotional story for adults.

I only read one book from Douglas Niles but that probably hooked me with the fiction series. I haven't ready any Dragon Lance novels though. The closes thing I have are stories from video games... Final Fantasies and Xenogears and Breath of Fires. Those sort. Anyway I've been tracking down the rest of the books in the trilogy from Douglas Niles. Maybe what hooked me with this is not just the story itself but the eagerness to find out what happens next. It's out there and I need to find it. Luckily I got to find those at a local Book Sale, after 10 years or so. 

I'm a big fan of George Martin so instead of writing all five in the list, I listed the entire series. Because it's a good read. Plus he gets to describe meat and mead like a food blogger, maybe even better than some.

I didn't put in Dan Brown because although I like how he writes, he usually frustrates me in the last chapters of his novels.

The only novels I've read of Coelho are the 3 above. There are a couple others he'd written which are probably better. But I felt I've connected with the three. Searching for your personal treasure, your soulmate, and your inner light. Haven't found them. I'm still searching.

Bob Ong is funny. On his first book. The rest took me a while to read because it felt he was trying to be funny and witty and whatnot but felt short. Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan felt like a 90s Shake Rattle and Roll. It was exciting and creepy. I'd like to see that in a movie format. Maybe in an indie format, not the trashy kind Mother Lily or Star Cinema produces.

I've read Perks because I felt I'm one. A wallflower. Maybe I connected except for the sexual abuse part. Charlie is weird and he expresses himself through writing. Plus, I loved the film version. And in that moment, I swear we were infinite! In hindsight, doesn't that film feel kinda Rebecca Black Fridayish in a way?

Para Kay B. A mixture of emotions. It started sad. Then sad and weird. Then just plain weird, and funny. And then funny. And then hopeful. After reading through all five stories you'd hope for a better ending. But then you'll think that's your life. You are all five of the stories. Because life is a B, bitch! Bakit nga ba dinedevastate ng pag-ibig ang 4 out 5 sa atin? Dahil may natitira pang 20% hope. Umasa ka lang.



Photo by shutterhacks via Flickr.

Sabado, Agosto 30, 2014

Pusher

Walang komento:

Pak!

The other day nanampal si  Mayor Herbert Bautista ng isang Chinese drug pusher. Di daw kasi maunawaan ang sinasabi nya. Kaya sinampal na nya. Ang nakakapagtaka daw eh may driver's license si mokong eh ni English o Tagalog di maintindihan eh paano nakalusot ito sa LTO. So kapag di ka pala maintindihan ok lang manampal ganyan? Madami ako masasampal nyan. Pak!

Dalawa lang naman ang uri ng adik. May adik na user, may adik na pusher. At may adik na hypothetical lang. Kung adik ka sa isip, sa salita at sa gawa, either user o pusher ka. Walang user kung walang pusher. Walang user kung walang pangangailangan. Walang pusher kung walang nangangailangan. Eh yung hypothetical na adik? Mga adik lang sila sa isip at sa salita. Malabo ba? Adik ka!

Tinanong ako ni Eman ano daw ba ibig sabihin nyan, 'adik ka!' Pinoy sya pero since five years old eh nagmigrate na sila sa America so limited na lang ang kanyang kaalaman sa Tagalog. Nakakaunawa pa naman sya ng Tagalog so no need na sampalin Honorable Mayor. Ang kaso lang minsan nakakabasa sya ng mga slang terms at mejo nalolost sya. Like yan, 'adik ka!' Nahawa lang ako sa expression na yan tapos naging expression ko na rin to. Adik ka! It means 'you're crazy' in English. Well, hindi sya literal translation pero same thing naman. Gets mo na yan. Kesa naman 'you're an addict' dabah?

Meron pa isang expression, 'ipush mo yan teh!' It means 'go ahead' 'go for it!' Bex term ba yan? Not necessarily pero sa panahon ngayon, ang wikang Tagalog na unti unting nag-eevolve ay unti unti ring binabakla ng mga tao. Nakakatulong ang media sa pagpapakalat ng ganitong uri ng pananalita. Nanjan ang mga tulad ni Kris Aquino sa TV at Nicole Hiyala sa radyo sa pagpapakalat nito. Nakakasad naman. Darla, nasasad ako! I know, right? Trulalu at walang halong eklavu!

Push is tulak. Ano naman itutulak ko? Droga ganyan? Sabi naman ng friends ko PUSH daw stands for pray until something happens. Eh kung push lang naman ang usapan, passive ang pray. Dapat perform o produce, o something else na proactive ang verb. Hindi yung magdadasal ka lang hanggang may mangyari. Ipush mo yan teh. Gawin mo yan!

Adik ka! Going back sa kaadikan. Parang harmless statement naman. Pero kung gagamitin mo to sa convo eh iba na ang dating. Like so:

KUYA: Hi!
ATE: Hello!
KUYA: Pwede makipagkilala?
ATE: Adik ka!
KUYA: Palabiro ka pala. Droga ka ba?
ATE: *seen*
KUYA: Kasi adik ako sayo!
ATE: *ATE blocked this person*

KUYA: Ang ganda mo talaga ate!
ATE: Adik ka!

KUYA: Coffee, tea, or me?
ATE: Adik ka! Meron ba orange juice?

KUYA: Will you marry me?
ATE: Adik ka!

Pusherzone. Nasa ibang level ito sa Friendzone. At least sa friendzone hindi ka nya pinapaalis sa buhay mo, hanggang friends nga lang kayo. Wag ka na umasa. Seenzone. In FB chat language, yung tipong sinilip lang nya ang message mo at kebs na sya sa sinabi mo. Hanggang tingin lang. Pak! Eh ang pusherzone? Nagreply naman sya pero indirect ang rejection nya. Adik ka! You're crazy! Stop it! Ikaw lang ang masasaktan pag nagpatuloy ka.


Kasi maraming taong umiiwas sa direct confrontation. Oo o Hindi lang dapat ang choice, may nalalaman pang 'Pwede.' Lahat na lang nasa gray area, nasa malabong usapan. Accept o reject, 'adik ka' ang sagot. You're like pushing the person away kahit hindi mo sinasabi directly. Dahil sa hiya. Nahihiya ka'ng tanggihan nang harapan yung tao. Nasa culture na rin siguro nating mga Pinoy. We are a polite race. Yung tipong may nangutang sayo, mahihiya ka pa tumanggi. Nahihiya ka rin maningil. Nahihiya ka tumanggi makipagdate. Nahihiya ka tumanggi sumama sa sinehan.

Try mo next time sabihin no. Just say no. Mahiya ka na lang sa oras na masasayang. Ipush mo yan teh!


____________________
Photo by Lorenzo Pasqualis via Flickr.

Linggo, Hulyo 20, 2014

Inside Out

Walang komento:

"Demerit!" 

Naaalala ko wayback CAT days nung highschool yung tactical inspection kung saan naka type C uniform ka--white shirt at maong--plus ichecheck kung complete ang attire mo. Ang buckle dapat shining shimmering sa silver cleaner, ang combat boots dapat jet black ang shine, ang thickler dapat bound ng black art paper. Ok na sana lahat kaso pagdating sa maong pants papalabas ang tupi ko. Demerit agad agad?! Di ba pwedeng ilagay muna yan sa manual na dapat paloob? Ganun kasi ang turo sa akin ng mga magulang ko, kelangan palabas ang tupi. Kaso jologs na daw yun sabi ni corporal, either ituck mo paloob o ipatabas mo na lang ang pants mo.

Ten years later mauuso na naman ang tuck out sa fashion. Tuping mayaman daw. Yung tipong halos kalahati yata ng fabric mula tuhod hanggang sakong eh patupi palabas. "Marami akong fabric, mayamans ako dahling!" Lakas makadonya. Abserbayshown lang ng mga friends ko. Ewan pero di naman ako ganun kaaware sa fashion akshwali. Labas o loob basta natatakpan ang binti mo eh di go lang. Unless gusto mo iflaunt ang calves mo, ipekpek nyorts mo na yan.

Tignan mo nga si Superman, bakit ang brip nya nasa labas? Since 1938 pa nya pinapauso ang inside out fashion at parang di naman sya nawala sa moda. Well, isa pa nga sya mga notable figures ng comic book industry sa pagpapalaganap ng ganyang fashion. Eh teka bakit nung 2013 biglang naiba ang ihip ng hangin at mejo natauhan ata si kuyang Man of Steel at nasa loob na ang brip nya? Parang nakalafs lang sya ng fruit of knowledge at tainted na ng malisya ang outfit nya. Whatever the case, lezz see sa next movie nila ni Dark Knight.

Wag mo lang asahang uuso yan IRL. Wala naman pipigil sayo kung gusto mo ilabas ang undergarments mo. Basta ako di ko magagawa yan kahit pa magpamartial law na nagrerequire na isuot sa labas ang brip. Side A, side B pwede pa, pero totally outside ang brip? Makita nyo ba ang bacon garter ko choz.

On a totally unrelated note, may tumetrending topic a few days ago. Natabunan pa yata nya ang issue ng DAP at ng MH17. May nag come on in out of Narnia na naman daw. Sa bahay ni Vig Vrother. May sumunod sa yapak ni BB Gandanghari, pero may hesitations pa yata. Anyways di ako ganun kaclear sa details dahil di naman ako nanonood ng TV masyadow. Diumano meron daw housemate by the name of Fifth ang umamin, "bisexual po ako!" A very brave move para sa isang baguhan pa lang sa industriya. Mixed emotions ang sambayanang may pake sa showbiz. May mga natuwa, napahanga, nainis, nadismaya. Ang LGBT community mismo hati ang reaksyon dito.

First, lezz define bisexuality. It is an attraction--romantic, sexual or otherwise--to both males and females. In today's jejeworld, most becklings are misinformed about the word. They take it as another meaning for "straight-acting" na di ko rin matanggap na salita. Much better term ang discreet, normal man o sinasadya ang pagdidiscreet it can be viewed as "straight-acting" dahil parang straight sya mag-act--I mean kumilos hindi umarte. Anyway, kung kukunin natin ang konteksto ng kabadingan classified as to behavior, lahat ng bading ay paminta. Pamintang buo at durog. Ang buo, di mo maaamoy. Sige nga subukan mo singhutin ang isang buong peppercorn kung di yan pumasak sa nostrils mo. Ang durog naman yung halata, smellanie mo even from afar, kahit pa ng mga televiewers. Anyway, itong mga becklings ngayon akala yata pag discreet ang bading eh bisexual na agad agad. Harapan mo ng pekpek yan sa harap nila ewan ko lang kung dumanak ang vomit.

Mejo sensitive stuff kasi ang topic ng sexuality. Confusing dahil naisasama ang identity at preference. Madalas mapaghalu halo yang mga yan. Pag bisexual ka ba, you identify yourself as both male AND female? Mejo magulo yatang konsepto yun. Kung lesbian ka ang common concept eh babae para sa babae. Pag tomboy ka in the sense boyish ka kumilos, not necessarily eh lesbiana agad. Baka behavior lang ito. Baka lalake pa rin ang gusto nya kahit boyish lang sya. Unless boyish na nga sya at she identifies herself as one, blue sya pak na pak. Eh ang bakla kapag pumatol sa babae, lesbiyana daw agad agad?! Choz lang pero parang meron din nagtrending topic about this kamakailan lang. #notag Baka bisexual lang sya dahil s/he prefers both sexes. May mga crossdressers nga pero ang bet pa rin nila eh ang opposite sex. Si Ogie Diaz nga naghuhumiyaw ang kabaklaan pero may pamilya. What's outside sometimes izz all smoke and mirrors. It doesn't matter kung nasa loob o nasa labas man ang brip mo. Look inside your core and be proud of who you are. Be proud lang pero wag mo ibuyangyang ha. Rated SPG na yern!

Going back to Fifth, as I said it was brave of him to admit that on national television. Nagawa nya ang di kayang gawin ng iba.... well, madami jan. M2M. Many to mention. Bisexual o discreet man ang ibig nyang sabihin, we can never can tell. One cannot truly read another's heart and mind... and dick. Wehanongayon kung bet nya daw ang girls pero nag-chuchups sya. It's his life, his happiness. Pwede ba maging happy na lang tayo para sa ibang tao? Ang pumalag may demerit!



____________________
Photo by Nuria Farregut via Flickr.

Martes, Hulyo 15, 2014

Midlife

Walang komento:

Ano na plano mo?

Kakabalik pa lang ni Rowan galing Cebu after years ng stay nya dun. Infer namiss ko sya. Sya lang naman yung kasama ko madalas pag gusto ko lang magbijowke at uminom ng very very light sa Cubao tapos biglang magweWensha habang nagpapababa ng alcohol. Four years na ata sya dun at mukhang nasanay na. Promdi na sya pagdating sa Maynila.

So nagschedule sya ng biglaang reunion. With former officemates featuring ako. Sa BGC. At gusto pa nya itour ko daw sya sa Maynila. Promdi nga eh. Dalhin ko kaya sa Fort Santiago, at Luneta, at SM North, at Nayong Pilipino to? Field trip lang ganyan. Pero sa BGC lang naman kami umikot. As if naman kabisado ko dito dabah. Mega piksur pa kami sa mga buildings at statues. Parang Promdi lang talaga ang peg.

"Ano na plano mo?" napa open sya. I was taken aback. Urteh?! Pero seryaslee what's with the seryasness?

Apparently, yung mga former officemates nya eh mga pamilyado nang tao, mga supervisors and managers in their own rights. Eh sya single pa rin daw. (Pero I doubt dahil feeling ko madami syang chorva sa Cebu--sana di nya mabasa tong post na to dahil sinisiraan ko na sya choz). Wag ka, dun na daw sya maninirahan sa Cebu, bibili ng condo at magpapakatanda tanda sa kanyang kumpanya. Eh ako kaya? Single na nga wala pang condo? Kung sya nga nagmimidlife crisis na, wehanopang dapat yata ako ang mas affected? Di naman, early stage pa lang ako ng adulthood so I can still manage. I guess.

Napatanong din tuloy ako sa sarili ko? Ano na plano ko? Babalik na naman sa tanong na "are you happy?" Dahil gusto ni manong Johnny happy ka. Happiness is a state of mind. Happiness is a choice. Happiness is what you make of it. Paulit ulit ko nang sinasabi yan. Mantra ko na yata yan. Kung ang lahat ay nakabase dapat sa hierarchy of happiness, siguro kelangan ko muna iestablish na happy na ako sa career ko. Safety needs. Which is... kinda shaky pa siguro. I love my job, but I hate my role. Mejo cliche siguro pero that's how it rolls. Pag ok na ako dun, happy na ako siguro I can say I can find happiness with relationships. All encompassing na yan: para sa friends, sa family and sa loved one (na currently and for eternity na yatang asaness o imaginary).

Kung ang buhay ay isang on-going metamorposis, ang childhood natin ang cutterpillar stage. Nag-accumulate tayo ng kung anu anong experience at nagpataba, at ngayon parang nastuck ka bigla sa cocoon at di mo na alam ano na ang susunod. Maghibernate ka lang. Relax, take it easy. You'll get through it and you'll emerge something new, something bold, something colorful. Hindi naman mariposa. Pag cocoon, butterfly agad agad? May lalabas na bago, may lalabas na fresh, something wiser. Something happier.


____________________
Photo by roenick371 via Flickr.

Martes, Hulyo 8, 2014

Hello Lotto

Walang komento:
Wish ko noon maabot lahat ng pangarap ko by 24. Almost 25 na ako nakagraduate, bumagsak pa sa board exams. Wish ko noon by 30 I would settle down. Until now wala pa rin akong jowa hahah.

Ngayon wala na ako sa kalendaryo. Still bottomfeeder sa corporate ladder. Napag iwanan na ng byahe sa love bus. But izz aryt. May lotto pa naman. May bingo pa naman. I can still set my goals higher. Pero sa bawat paglipas ng mga taon parang tumatarik ang daan.

Age is just a number. Eh ano kung delayed lahat ng timelines mo. Ang mahalaga you are learning with every misstep along the way. Eh kung lonely ka. You're never really alone. You have lots of friends who'll support you--morally siguro more than financially. Kung pwede mo nga isanla ang friends eh eh di ikinayaman mo pa choz.

Eh ano kung wala ka na sa kalendaryo. May lotto pa naman. Baka jumackpot na. May bingo naman. Pero excuse me lang Destiny, namumuro ka na'ng pakshett ka.

Huwebes, Hulyo 3, 2014

Pacencia

Walang komento:

"Hindi ko kailangan ng pasensya. Kailangan ko magpahinga."

Favorite pasalubong ko nung childhood days ko yung mga white cookies na binibili ni lola pag napapadaan sya sa local bakery after magsimba. Pacencia. Yan ang tawag jan. Parang puto seko pero di nagdudurog durog. And somehow k-k-k-kinda fumeFrench macarons. Macarons ha, hindi macaroons, na maniyog naman na pastry pero masarap pa rin naman. Wag ka umarteng di ka kumakain ng macaroons dahil sushal ka na. Sungalngalin kita ng sapal sa bunganga eh choz. Anyways ayun nga sya petite version ng macarons pero instead daw ng almond flour, all purpose flour lang ang ingredients nito.

Lakas makathrowback Thursday lang. Pero I remember kaya ko lumamon ng kalahating bag siguro nito dati. Dahil ang mga bata ay wala pang konsepto ng diet and moderation. Basta pika pika lafs lang ng lafs. Izz like eating snowdrops on an early spring dawn. Urteh. Basta lakas lang makarelak. Less stress ganyan. Pacencia.

Alam mo yung tipong ikaw ang stress ng mga tao sa office dahil sa trabaho mo. Nakasalalay ang rating ng compliance nila sa mga policies. Setting up controls where internal control is weak ganyan. Hindi naman auditor, at hindi rin naman pulis. Pero all the same stress ka sa kanila. At the same time naiistress ka rin sa kanila.

After months ng low accuracy rates nakiusap na ang mga managers kung pwede bang kausapin muna ang mga tao bago magrelease ng findings. Masakit kasi kung bigla ka na lang makakatanggap ng Hard Reject due to insufficient supporting documents. Baka nga naman anjan lang sa tabi tabi ang mga hinahanap mo. Hindi lang naisama sa review. Ok fine, para lang di mastrain ang good working relationship eh di pagbigyan.

Eh yung tipong ikaw na yung lumalapit sa kanila para manghingi ng additional supports para maganda ang reports nila. Going out of your way to make a good impression on THEIR scorecards ganyan. Tapos pagtataguan ka pa, magbubusy busyhan. Laging 'Away', 'Do Not Disturb' at 'In a Meeting' sa Communicator para di mo sila magulo. Sa last minute makakausap mo. At nasa third Q&A portion ka pa lang bigla kang hihiritan.

"Hindi ko kailangan ng pasensya. Kailangan ko magpahinga." Nagheads ka na nga ng pasensya kasi you're still trying to understand the fuck they're doing with their job. You know it's wrong pero ikaw pa pala ngayon ang wrong-er. THAT'S THE MOST WRONGEST!!! YOU DON'T DO THAT TO ME!!!

Di lang ikaw, di lang ikaw ang nahihirapan. Damdamin ko rin ay naguguluhan. Di lang ikaw. Di lang ikaw ang nababahala... sabi ni ateng Juris. Kailangan ko rin magpahinga. Sabi nila wag daw masyado magpahinga. Kasi pag nategi ka na eh puro pahinga na lang gagawin mo. Baka gusto mo na magpahinga, magpategi ka na. At least nag-increase pa ng accuracy at productivity sa lahat. Everybody happy. Rest in peace. Period. Pero hindi ganun ang tunay na buhay. Kelangan makisama ka. At magpasensya.

Ang pasensya daw ay isang pisi, napapahaba ng panahon o napapaikli ng stress. Patience is a virtue, not the easiest and certainly not my strongest I know. Sana ang pasensya ay gaya ng pacencia na madaling lulunin, bite size ganyan. Laman tyan din yan pampa-instaboost ng energy. Pero tandaan: ang pacencia nga nadudurog din.


____________________
Photo by Apple Pie, Patis & Pate

Martes, Hunyo 24, 2014

Admit One

Walang komento:

"Ticket for how many po?"

(Miss may nakikita ka ba na hindi ko nakikita?!) "One lang po." *Smile*

Recently ko lang nasubukan manood movie mag-isa. Feeling ko kasi isa sya sa mga activities na strictly for two or more persons only--gaya ng dinner, chess, scrabble, at sex. Although baka may magcontest sa mga examples ko, it's up to you how you will carry it.

Anyways, choosy rin kasi ako sa panonood ng pelikula. Di mo ako mapipilit kung ayoko tlga. Lalo na kung di ko alam yung movie tapos yayayain mo ako basta basta tapos sasabihin mo sakin "iGoogle mo na lang yan Unfriend." Ayy malamang sa malamang di ko papansinin yan. Iunfriend mo pa ako choz. 

Dapat kasi pag nagyayaya ka eh ibebenta mo na yung movie sa yayayain mo. Like: "lezz go make nood Overtime starring Richard Gutierrez and Lauren Young coz I'm like make tawa to the poster like it's so bad like I don't understand if they're like playing statues pretending to run or like paused mid-step like I don't know anymore lezz just see it friend it's like comedy I guezz." Kung detailed ang explanation mo ba mayaya mo pa ako. But I doubt it.

Preference. Lahat naman may gustong panooring genre. Di ka naman magpupunta sa sinehan para magsunog ng 200 bucks for like a trashy film. Masaya yan pag may friends ka para icritique slash okrayin ang film after. Pero unfortunately minsan wala kang time with friends kaya napag iiwanan ka na lang na nag-iisang tao sa mundo na di nakapanood ng latest summer blockbuster ng Marvel, Disney at Seiko films. Pero if you ask me, I like RomComs at Sci-Fi.

Anyways, ayun na nga dahil busy busyhan ako eh ako na lang ang di nakakapanood ng latest movies. Matagal ko pa naman pinlano na papanoorin ko sila sa opening day peri anyare. Nasa third week na yata ng airing bago ko pa mapanood. Masaya naman manood mag-isa. I'm seryas! May mga benefits pa nga eh.

Advantages ng panonood ng movie all by yourself

1. Choose your own. Di ka mapipilitan manood ng Sarah Geronimo movie dahil yan ang bet ng kasama mo. Kung di mo sila mapilit manood ng Spanish film eh kebs ka na don. At least you can watch what you want. Comprende?

2. In your own time. Kung gusto mo next month pa, go lang. Less takilya. Less stress sa pakikipag-unahan, pakikipagsiksikan, pakikipagbalyahan, pakikipagsingitan at pakikipagpilahan para lang manood ng latest Harry Potter film kahit pa on it's fourty-second week na syang pinapalabas.

3. On schedule. Makakapili ka ng gusto mong timeslot hindi yung puro na lang last full show para lang magmeet ang scheds ng kasabay mo supposedly manood. Or kung di mo lang tlga trip mapanood ang Lupang Hinirang ng GMA Films sa mga sinehan. Pwede ka pumasok ng mas maaga para di ka maghabol sa oras. Makakapanood ka pa ng trailers and/or advertisement ng floorwax o dyaryo o condo bago magstart ang movie.

4. Sit anywhere. Para sa mga reserved seating moviehouses, kahit pa jampacked yung movie na papanoorin mo, makakasiksik ka sa nag-iisang slot na ayaw kunin ng magjowang nauna sayo bumili ng ticket. Akala siguro nila walang kukuha ng seat na yan. Pwes, tatabihan ko kayo. Wag na wag lang kayo magPDA sa harap ko. Well, nasa gilid naman eh so kebs lang sa peripheral vision ko choz.

Para sa mga free seating cinemas naman, gumora ka na dun sa upuan na awkward tabihan ng mga strangers. Bihira lang, kung wala man, ang magbabalak tumabi sayo. Kasi mapapaisip sila kung may katabi ka na hinihintay lang dumating.

Make sure lang na nasa rated GP na sinehan ka. Eh kung nasa Recto ka manonood ng sine eh mejo kabahan ka na pag may tumabi sayo na nag-aalok ng laman. Longganisa ganyan, skinless. Choz. Wag kang umarte, alam ko ginusto mo rin yan.

5. Focus. More focused ka sa eksena, sa cinematography, sa lighting, sa musical score. Feeling mo critique ka na. Rumoroger Ebert eh ang pinapanood mo lang naman eh Star Cinema. Yun nga lang wala ka makausap pag may gusto ka iside comment sa outfit ni Meryl Streep or sa fake accent ni Leonardo di Caprio.

Watching movies alone doesn't mean you're unhappy and lonely. Minsan kelangan din natin mapag-isa para iabsorb ang mga movies na to. Minsan kasi nawawala na yung emotions na inaalok ng isang pelikula dahil mas napagtuunan mo yung ibang bagay gaya ng jokes ng kasama mo, yung magjowang naglalaplapan sa tabi mo, o yung dala mong popcorn. Wala namang masama na manood ka kasama ng friends or loved ones. Pero aminin mo, nadidilute ang attention mo. Multitask multitask din pag kaya mo. Pero mas ok kung movie lang, movie lang talaga. Pagfood lang, food lang. Pagfriends lang, friends lang. Pag action, action!


____________________
Photo by Joe Loong via Flickr.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips