Martes, Setyembre 30, 2014

Emo Leech


"Get out of my house! I don't need a parasite!" ~Maricel.

Kapag naririnig ko ang salitang parasite parang nagbabalik ako sa grade 4. Quiz, get one half sheet crosswise. Mahirap ka na nga pero mas mahirap pa ang mga classmate mo at sayo pa magsisipaghingian ng papel. I don't need a parasite!

Maraming parasite. Pero parang madalas mga insekto sila na mahirap tirisin. Mga blood thirsty lamoks na mabuti naman pasalamat sa Diyos hanggang ngayon eh kahit hinahabol nila ako eh di pa rin ako minamalarya at dinedengue. Mga kuto na kaya ka raw ilipad pag dumami na sila sa ulo mo. Siguro dapat ang hive nila umabot sa 25,000 para kaya nila magbuhat ng mga 30 kilos. Pati garapata ni Brownie gusto ka rin sipsipan.

Ang pinakanakakadire yata eh ang linta. Makakakuha ka lang nito pag mahilig ka magbabad sa mga ilog ilog malapit sa mga palayan. Like dikit na dikit daw sila ang maninipsip din ng dugo. Well, sa panahon ngayon nagagamit na yan sa medical field dahil pinagsisipsip daw nila ng bad blood. Linta is linta. Nakakaderder. Naninipsip. Di lang naman dugo lang ang pwede sipsipin. Pwede din emotions.

Enter stage si Jeff. Kakagaling lang sa breakup. Drama drama ang peg. Nameet nya si Jericho na nagmagandang loob lang naman na icheer up sya sa moments ng kadramahan nya. All of a sudden inlababo na agad kay Jericho. Mabilis magmove on ganyan. Kelangan yata makaquota ng heartbreak ganyan. Wiz three-month-rule. Ok sana eh kaso may jowa si Jericho.

Enter stage si Ryan. Nag-eenjoy lang with himself sa Bora nang mameet nya dun si Jeff bilang sa iisang social network lang naman sila umiikot. Boom, nainlab bigla ang Jeff. Parang nagSimeco lang. Ambilis di ba? At dahil prenship ni Ryan si Jericho eh nakonek nya na may something ang dalawa. Pero prenship din kasi nya ang jowa ni Jericho, nagpresenta na sya para lang maiadya sa pagkakasala ang Jericho.

Back sa Manila, naging masugid na manliligaw ang Jeff. Biruin mo from Novaliches sumusugod sya sa mountain region of Antipolo para lang makaporma kay Ryan. Ganda mo teh! Pinagluluto rin sya. Sweet sweetan ganyan. Ang kaso andami pang priorities sa buhay si Ryan: work, family, work, deadlines, overtime, work. Madami! Open naman sila sa comms pero nagiging pushy at clingy din tong si Jeff. Kasi siguro dahil trenta na rin sya. Mejo latency na ang kanyang clock. Kelangan na magkajowa, kelangan na makaquota. Umaaylabyu, pero naiinis lang si Ryan. Kasi wala pa nga sa priorities nya. Eh push pa rin ng push si Jeff. Nagkasagutan. Mejo na-ouch ako dun sa side ni Jeff ha, pero ginusto nya yan eh. Hanggang sa dumalang ng dumalang ang comms at nanlamig na.

"Namimiss ka ba nya?"

"Siguro."

"Namimiss mo ba sya?"

"Siguro."

"Namimiss mo o yung attention?"

"Siguro yung attention lang." Parang ang sama sama lang ni Ryan pero it happens. You miss the feeling more than the person. Buti pa si Lea Salonga nareremember ang boy pero wiz na ang feeling... eynimore. Maiisip mo bang teka habulin ko kaya? O pag nagtimbang ka ng sitwasyon eh baka wala din patutunguhan.



Ginusto yan ni Jeff eh. Sugod kasi ng sugod sa lab. Emotional leech. Yung mga lintang kakapit agad sa kahit sinong magpaparamdam ng konting emotion. Konting titig lang go na agad. Karma nya ba si Ryan? Hindi naman nya siguro sinadya mabilis sya mahulog. Pero kung ginagamit mo muna ang isip mo bago ang puso mo, malalaman mo siguro ano ang tama, ano ang dapat. Kung ikaw si Ryan, wag ka din masyado pahopia. Sa mundo ng love, walang magpapakatanga kung walang magpapaasa. Ayaw ni Sarah ng ganyan, she doesn't need a parasite. Get out my patatas kitchen!
__________________
Photo by cris pop via Flickr.

Walang komento:

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips