Wish ko noon maabot lahat ng pangarap ko by 24. Almost 25 na ako nakagraduate, bumagsak pa sa board exams. Wish ko noon by 30 I would settle down. Until now wala pa rin akong jowa hahah.
Ngayon wala na ako sa kalendaryo. Still bottomfeeder sa corporate ladder. Napag iwanan na ng byahe sa love bus. But izz aryt. May lotto pa naman. May bingo pa naman. I can still set my goals higher. Pero sa bawat paglipas ng mga taon parang tumatarik ang daan.
Age is just a number. Eh ano kung delayed lahat ng timelines mo. Ang mahalaga you are learning with every misstep along the way. Eh kung lonely ka. You're never really alone. You have lots of friends who'll support you--morally siguro more than financially. Kung pwede mo nga isanla ang friends eh eh di ikinayaman mo pa choz.
Eh ano kung wala ka na sa kalendaryo. May lotto pa naman. Baka jumackpot na. May bingo naman. Pero excuse me lang Destiny, namumuro ka na'ng pakshett ka.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento